You are on page 1of 63

Chapter 1: Calling�. Mr. and Ms.

SJBU

What makes it to be Mr. and SJBU? He or she should have the looks, the
charisma and the brains. Pero it is not all of that� he and she should be a perfect
role model for the students of SJBU. Siyempre dapat he and she should have a good
heart, may discipline sa sarili, responsible at talagang dapat tularan ng mga
estudyante. Application for the candidates for Mr. and Ms. SJBU is now open�

Each college department should have representative for Mr and Ms. SJBU.
The candidates where appointed or chosen by the student officers of each college
department.

Major prizes and rewards are waiting for the Mr. and Ms. SJBU,3rd
runner up will received plaque and one semester scholarship in SJBU, the 2nd runner
up will receive one semester scholarship in SJBU plus P5,000.00 will be given in
the college organization he and she represents and finally the Mr. and Ms. SJBU
will be given one school year scholarship in SJBU plus P10,000 for the college
organization.

So what are you waiting for register now�

Napatulala si Teddy pagkakita sa ads na pinapalabas sa TV sa may lobby


ng eskwelahan. Isa na namang pagkakaabalahan uli nila ito.

Lumapit ang secretary ng Mechanical Engineering Society sa kanya na si


John. �Sabi ni president ikaw daw ang mag-asikaso niyan.�

�Ano ba�t ako?�

�Kasi raw ikaw daw ang ating Vice President of external affairs,
trabaho mo raw yun.�

�Hala, anak ng tipaklong namang yang presidente nating yan. Ang sabihin
mo mahilig lang siyang magpasa ng trabaho.�

�Tanggapin mo na lang siya ang presidente eh.�

�Ang sama talaga, okey sana kung Mr. MES ang ipapakuha niya sa akin,
irerepresenta ko na Rigs tutal naman kahit hindi naman natin alukin yun,
magvovolunteer dahil mahilig siya sa mga ganyang kapormahan. Pero sa paghanap ng
Ms. MES mahirap yata yun.�

Sa buong major of Mechanical Engineering wala pa sa � ng mga lalaki ang


mga babaeng naka-enrol sa course na yun, palibhasa kasi kursong panlalaki talaga.
Usually ang mga babaeng nakaenroll don ay kung hindi tibo ay wala namang
kainteinteres sa pagsali sa mga beauty contest.

�Mag-aapoint ka na lang.�

�Sinong I-aappoint alam mo naman yang mga babae ditto sa atin, baka
maupakan pa ko non ng wala sa oras.� Sabi ni Teddy.�Sino ba naman kasi ang nagpauso
ng mga contest na yan. Tayo tuloy ang nahihirapan.�

�Grabe noh sa ibang college ang haba ng pila ng registration for Mr.
and Ms. SJBU.� Sabi ni Lina sa kaibigan niyang si Rya. �Inoofferan nga ako nila
John eh.�

�Oh eh di sumali scholarship din yun.� Sabi ni Rya.

�Eh itong boyfriend ko, ayaw akong payagan. Alam mo naman yun medyo
possessive.�

�Alam mo yang boyfriend sa sobrang seloso bakit di ka na lang niya


igapos sa punong mangga sa likod na bahay nila para di ka na makawala sa paningin
niya.�

�Hoy ano ka ba, ayoko naman ng ganon. Saka di ko naman kailangan ng


scholarship at takot din ako sa mga ganyang contest, magrereview na lang ako para
sa board exam.�

�Buti ka pa nga eh, yung pagrereview na ang pinaghahandaan mo ako. Ako,


hanggang ngayon di ko pa rin alam kung makakaenroll ako next sem, mukhang
matatanggal na ako sa dean�s list, nagsibabaan kasi ang mga grades ko.� Sabi ni
Rya.

�Naku ganyan talaga kapag working student, wala ka namang magagawa kesa
naman mamatay ka sa gutom. Eh mare ba�t di kaya hindi na lang ikaw ang sumali sa Mr
and Ms SJBU, baka matsambahan mo yung scholarship.�

�Ano ka ba, gastos lang yan, baka kahit makuha ko pa yang scholarship
na yan ay malugi pa ako. Saka tignan mo nga ang itsura kong ito.�

Tinignan ni Lina ang ayos ni Rya, maikli na layers ang buhok nito.
Laging nakamaluwang na T-shirt at ni di mo makikitang nakaskirt. Lagi lang itong
naka straight cut na jeans.

�Kung di lang tayo close mapagkakamalan kitang tibo, mag-ayos-ayos ka


kasi.�

�Sa hirap ng buhay ko ay wala na talaga akong oras magpaganda.�

�Sayang pa naman, si Rigs daw ang sasali sa Mr. SJBU.�

�Hay naku maslalong ayoko, ang yabang-yabang kaya nun, masyado niyang
feel na feel yung pagiging guwapo niya.� sabi ni Rya.

�Sayang talaga, mukhang bagay pa naman kayo non. �

�Bagay ka riyan? Ang layo kaya ng mga itsura naming. Wala kaming
chemistry.�

�Nakapili na raw ang MassCom sa muse nila.� Report ni John kay Teddy.

�Oh, eh madami namang magaganda�t guwapo ron eh. Kaya hindi nila
problema yun.�

�Oo nga, nagkaroon pa nga raw ng elimination round para makapili sila
ng mabuti.�

�May hilig kasi silang mag-artista. Kailangan ng exposure.� Sabi ni


Teddy.

�Sa lalaki si Tony Vargas.�


Napailing si Teddy, �Sabi ko na nga ba bading ang makukuha nila. Mga
guwapo nga ang mga lalaki nila, bading naman.�

�Sa babae si Suzanne Simon.�

Napatingin si Teddy kay John, �You�re kidding.�

�Ba�t di ka makapaniwala? Talaga namang napakaganda niyang ex mo ha.�

Noong highschool si Teddy ay niligawan niya ang campus crush na si


Suzanne. Marami ang nagtaka paano napasagot ng nerd na nerd pa noon na si Teddy ang
napakagandang si Suzanne. Pero nagkamali silang lahat dahil wala pang isang buwan
ay nakipagkalas si Suzanne sa kanya at saka niya nadiskubre na pinagtritripan lang
pa lang siya ng dalaga. Kaya pagtungtong ng college ay nagbago na ng imahe si Teddy
natuto na itong mag-ayos, naging mas matalino at active sa mga extra curricular
activities hanggang sa hangaan na siya ng mga kababaihan at ng mga estudyante ng
college nila.

�Pwes� kailangan talaga nating maging mabusisi sa paghahanap ng


representative natin.� Sabi ni Teddy. �Dapat di tayo magtalo!�

�Ang problema nga sino ang magiging muse natin, walang masyadong
maganda sa mechanical engineering.� Sagot naman ni John.

Pilit kinukulit nila Teddy at John si Lina na maging representative ng


MES.

�Dali na Lina, accomplishment din ito.� Sabi ni John kay Lina.

�Wag niyo nga akong pilitin, hindi ko kayang ipagpalit ang love life ko
sa mga contest-contest na yan noh. Iba na lang kasi ang kulitin niyo.�

�Eh sino ba sa tingin mo ang magkakainteres sumali sa beauty contest na


ito?� tanong ni Teddy sa kanya.

�Eh sino ba ang may kailangan ng scholarship?� tanong ni Lina.

�May kakilala ka ba?� tanong ni Teddy.

�May maisassuggest ako sa inyo, pero mahihirapan din kayo sa kanya kasi
hindi naman siya mahilig sa mga ganyang kaeklatan, pero kung matutulungan niyo siya
pwede niyo siyang pilitin.�

Nagkatinginan sina Teddy at John.

�Okey, sino ba yan?� tanong ni Teddy.

Naibagsak ni Rya ang mop na hawak niya sa dalawa.

�Hindi nga sabi eh! Hindi niyo pa naiintindihan yun ha! Aksaya lang yan
sa panahon.� Kinuha ulit ni Rya ang mop at ipinunas ito sa sahig ng fastfood na
pinagtatrabahuhan niya.

�Chance mo na rin ito na ipagpatuloy ang pag-aaral mo next sem.� Sabi


ni Teddy.

�Maslalo akong di makakapasok next sem dahil sa kahihiyan.


Pinagtritripan niyo ba ako ha, gusto niyo bang pagtawanan ako ng audience sa
stage.�
�Ayaw mo non, pasok yun sa audience impact.� Sabi ni John,

�Rya, look, yang itsura mong yan magagawa naman natin ng paraan yan eh.
Basta pumayag ka na.�

�Ayoko! Wag niyo akong istorbohin sa trabaho ako kasi baka mapagalitan
pa ako ng manager at kapag natanggal ako sa trabaho ay maslalo ko pa kayong
sisisihin. Alis!� habang nimamop ni Rya ang sahig ay tinutulak niya ng mop ang paa
ng dalawa, �Alis, alis, umalis na kayo.�

�Oo na, oo na ang sungit-sungit mo naman.� Sabi ni Teddy, �Saka ka na


lang naming babalikan.�

�Tse. Wag na kayong bumalik!� at lumabas ng fastfood sina Teddy at


John. Napansin naman ni Rya na nakatingin sa kanya ang isang customer na palabas ng
fastfood na iyon.

Napayuko si Rya, �Thank you for coming. Please come again.�

Sa opisina ng manager ay nagpunta si Rya dahil pinatawag siya nito.

�Sir, pinapatawag niyo daw po ako?� tanong ni Rya.

�Ba�t ka naman sumigaw kanina?�

�S-sorry po hindi naman po yung kliyente ang nasigawan ko eh, kundi


yung dalawa kong schoolmate na nangungulit sa akin.� Paliwanag ni Rya.

�Baka naman nililigawan ka, natural lang ang makulit don.�

�Naku hindi po. Pasensya na po talaga.�

�Okey, pinapatawad na kita sana na lang wag ng mauulit. Pwede bang ikaw
muna ang magdeliver ngayon kasi masama ang pakiramdaman ni Imo.�

Napatango na lang si Rya.

Sakay sa motor ay nagpunta si Rya sa bahay napagdedeliveran niya.


huminto siya sa isang puting magandang bahay na mala-bahay sa Amerika ang style.
Napanganga siya sa ganda ng bahay.

�Grabe ang yaman siguro ng may-ari nito.� Pinindot niya ang door bell
at lumabas ang isang batang lalaki na may suot na makapal na salamin.

�Who are you?� tanong ng bata.

�Good Afternoon po, pizza delivery po kay Mr. Theodore?�

�Who�s Theodore you are referring to? My name is Theodore.� Sabi ng


bata.

Hala, alangan naman na bata ang nag-order nito.

�Ikaw si Theodore?�

Tumango ang bata.

Sa puting pintuan ng bahay ay lumabas si Teddy, �Hoy Theo, wag mong


gagalawin yan ha order ko yan.�

�Kuya why did you order pizza? What�s the occasion?�

�Wala lang trip ko lang, ang ganda kasi ng nagdedeliver eh.�

Napataas ng kilay si Rya.

�Pero siguro, mas maganda siya kung magiging Miss SJBU siya di ba Theo?

Napakunot ng noo ang bata, �Kuya, are you courting her?� tinignan niya
si Rya mula ulo hanggang paa, �Di naman siya maganda ha.�

Agad tinakpan ni Teddy ang bibig ng kapatid niya.

�Honest pala talaga yang utol mo.�

Ngumiti si Teddy, �Pagpasensyahan mo na ha.�

Binigay ni Rya ang order ni Teddy, �Oh heto na ang inorder niyo.�

Ibinigay ni Teddy ang bayad sa inorder niya, �Thank you, ha. Am, Rya,
pasok ka muna, join us.�

�Sige wag na may trabaho pa ako.�

�Am� Rya, about don sa pagent?�

Ngumiti si Rya, �Hindi ako interesado sa pageant na yan.�

Binigay ni Teddy ang pizza sa kapatid niya at nilapitan si Rya, �Teka,


Rya naman oh, para sayo din ito, para maging scholar.�

�Hoy Teddy, wag mo nga akong paasahin diyan sa isk-skolar na yan ha,,
dahil magsasayang lang ako ng oras diyan dahil matatalo naman ako riyan.�

�Alam mo Rya, yung pagkapanalo o pagkatalo mo, depende naman yan sayo
if you have the will and you will do your best. Basta ang magagawa naming ay
suportahan ka.�

�Mr. Vice President of External Affairs of Mechanical Engineering


Society, isipin mo nga, lahat ng sasali ron may will manalo and they will do their
best for the title. Sa tindi ng mga kandidata ron sa tingin mo, saan ako lulugar
don?� sumakay muli si Rya sa motor at pina-start ito, �Sige na, aalis na ako.� At
umalis na lugar na yun.

Lumapit naman si Theo sa kuya niya dala ang pizza, �Kuya, what will I
do with this?�

�Kainin mo!� at padabog na pumasok muli ng bahay nila.

�Oh ba�t nakasimangot ka riyan?� tanong ni Lina sa kaibigan.

�Napagalitan ako ng manager ko.�

�Bakit naman? Ano bang nagawa mo?�

�Dahil sayo.�
�Ako?�

�Dahil sinaggest-suggest mo pa ako sa dalawang unggoy na yun. Ngayon


tuloy ako ang kinukulit nila maging Miss MES. Alam mo bang ginawa pa akong delivery
girl ng Teddy na yun para pilitin niya akong sumali sa pesteng beauty contest na
yan�

�Eh mare concern lang naman kasi ako sayo eh, alam ko kasi na badly needed mo ang
scholarship.� Paliwanag ni Lina.

�Imagine mo Lina madaming kaming magkakalaban ditto at tatlo lang


pwedeng makakuha ng scholarship sa tingin mo ba sa itsurang kong ito isa ako sa
tatlong yun.�

�At bakit hindi? Kagandahan lang ba ang basehan ng pagiging Miss SJBU?
Di ba nga sabi sa commercial, role model of the University.�

�Hindi naman ako role model material. Saka di ba nga sabi sa ads beauty
and charm.�

�Ang hirap naman kasi sayo kulang ka sa self confidence. Alam mo mare
minsan ang kagandahan nase nagdadala lang yan. Kung feeling mo maganda ka, eh di
lalabas ngang maganda ka.� Sabi ni Lina, �Ano bang pinoproblema mo sa contest na
yan.�

�Unang-una yung mayabang na Rigs ang makakasama ka.�

�Okey lang yun guwapo naman siya eh, kapag nafifeel mo na nanagsisignal
number 10 na siya sa kayabangan niya, takpan mo na lang ang tainga.�

�Pangalawa, pagtatawanan lang ako ng mga tao.�

�Sus, iniisip mo lang yan noh.�

�Pangatlo, wala akong pera.�

�Ah, medyo problema nga yan. Eh ba�t hindi mo sabihin yang problema mo
sa MES.� Suggestion ni Lina.

�Okey fine, ako na ang mag-iisponsor sa kanya, matapos lang ito. Kasi
kapag hindi pa ito natuloy baka hindi pa ako makagraduate sa March.� Sabi ni Teddy.
�Pambihirang trabaho naman ito, magkakagastos pa ako.� Reklamo ni Teddy.

�Ah, nagrereklamo ka yata eh, sige aatras na ako.� Sabi ni Rya.

Hinarang siya ni John, �Hindi, nagbibiro lang si Teddy. Ang totoo nga
niyan, we are so happy kasi ikaw ang magiging muse namin.�

�Basta, ngayong kaming bahala sa mga expenses mo sa contest sana naman


maki-cooperate ka.� Sabi ni Teddy, �Para hindi naman masayang ang pinaghirapan
namin.�

�Sinusumbatan mo yata ako, madali lang naman sa akin ang tumanggi.�


Panakot ni Rya.

Nilapitan agad ni John si Teddy, �Teddy naman wag mo namang pagalitin


itong si Rya, umoo na nga siya eh.�
�Ang gusto ko lang naman Rya, kung willing ka talagang makuha yung
scholarship, sumunod ka lang sa amin.�

�Makikicooperate naman ako.� Sabi niya kay Teddy.

�Good, ayoko lang ng may pasaway.� Sabi ni Teddy.

Pumalakpak si John, �So then, si Rya na ang magiging Miss MES!� at


itinaas ni John ang kamay ni Rya.

Chapter 02: Mr. and Ms. MES

�Ano? Eh di wala ka ring nagawa?� sabi ni Lina sa kaibigan niya


pagkalabas ng MES office.

�Ano pa nga bang magagawa ko? Ito na lang ang option ko para
makapagpatuloy ako ng pag-aaral, mukhang alanganin pa yata.�

�Think positive.� Sabi ni Lina.

Huminto ang isang BMW na kotse sa may tapat ng gate ng eskwelahan.


Lumabas don ang isang matangkad at guwapong lalaki. Napahinto naman ang mga
nagdadaanang babae pagkakita sa lalaki.

�Oh ayan na ang escort mo.� Sabi ni Lina kay Rya.

�Kaya pala parang lumalakas na ang simoy ng hangin, may pararating pa


lang bagyo.� Sabi ni Rya.

�Hi, girls!� ang bati ni Rigs sa mga babaeng nakatingin sa kanya.


Pagkakita niya kina Rya ay lumapit siya sa mga ito.

�Ayan na, ayan na palapit na ang bagyo.� Bulong ni Rya sa kaibigan


niya.

�Hi! Rya. Sabi sa akin ni pinsan ikaw raw ang magiging partner ko.� Ang
pinsan ni Rigs ay si Teddy.

�Ay oo nga, ako nga raw.� Sagot ni Rya.

�Dapat pala ngayon pa lang, pinapractice na natin yung mga lakad


natin.� Hinawakan niya ang braso ni Rya, �Yung mga paghahawak kamay natin.�

�Ahem, Rigs, muse at escort lang naman ang gagawin natin hindi tayo
magkalove team sa isang pelikula.�

�Parang ganon naman yun di ba? We need publicity.�

�Rigs, hindi naman tayo sasali sa talent search sa TV, so hindi natin
kailangan ng publicity.�

�Okey, okey, but you know, I�m so happy at ikaw ang magiging partner
ko.� Sabi ni Rigs.

�Happy ka?� namula si Rya sa sinabi ni Rigs.

�Oo naman, kasi I think hindi ka naman tomboy di ba?�


�Ano ka ba Rigs, parang lalaking umasta lang yang si Rya, pero di yan
tibo.� Sabi ni Lina.

�Bakit? Ano bang depernsya ng tomboy sa babae?�

�Baka kasi kapag inalalayan kita, tadyakan mo ako.� Sabi ni Rigs.

�Pwede ko namang gawin yun ha, gusto mo ng sample?�

Ngumiti si Rigs at kinurot sa pisngi si Rya, �Joke lang. Sige, may


klase pa ako eh. Magkita na lang tayo sa office ha.�

Pagkalayo ni Rigs ay sinabihan ni Rya si Lina, �Imaginin mo, Lina.


Imaginin mo yan ang lalaking pagtitiisan ko ng isang buwan. Hay ang saklap nga
naman ng buhay ko.�

Sa opisina ay nakataas ang paang hinihintay ni Rigs ang mga officer ng


MES habang nagtitext.

Pumasok sa room ang president ng MES na Chubs kasama si Teddy. �Oh


hayan na pala ang magaling mong pinsan.� Sabi ni Chubs kay Teddy.

�Ano ba Rigs, kanina ka pa naming hinihintay ha.� Sabi ni Teddy sa


pinsan niya.

�Ha? Kanina niyo pa ba ako hinihintay? Eh ba�t nang dumating ako rito,
ako lang mag-isa.�

Napailing si Teddy.

�Am.. Rigs ang totoo niyan, impunto kami dumating ditto ng pinsan mo,
sa katunayan nga nilibot na naming ang buong campus dahil nainip na kami sa
kakahintay sayo.�

�Oh, traffic kasi eh.� Nagring ang celphone ni Rigs, �Excuse me please,
I have a phone call.� At lumabas ng kuwarto si Rigs.

�Grrr� Teddy, pwede ba nating palitan na lang yang pinsan mo.�

�Chubs, hindi na pwede siya na ang nakaregister, saka siya naman ang
may gusto niyan, pagtiyagaan na lang natin tutal naman, makakasigurado naman tayo
na panalo na siya sa audience impact, text votes at good looks.� Sabi ni Teddy.

�Sana nga mahatak siya nun.� Sabi ni Chubs.

Sakay ng tricycle ay bumaba si Rya sa isang talyer kung saan gumagawa


ang tatay niya.

�Tay.� Nagmano siya sa kanyang ama.

�Nagluto na ako ng hapunan, mauna ka na at mukhang gutom na gutom ka.�


Pumasok si Rya sa kusina at nagsimulang kumain. Pagkasilip niya sa binatana ay
kausap ng kanyang ama ang isa nilang kliyente. Masipag magtrabaho ang kanyang ama,
mula nang iwan sila ng kanyang ina ay ang kanyang ama na ang nagsilibing nanay at
tatay sa kanila.

�Rya apo, andiyan ka ba?�


Tumayo si Rya at inalalayan ang lola niya sa pag-upo sa tabi niya.

�La, kumain na po ba kayo?�

�Ano ka mo?� mahina na ang pandinig ng lola ni Rya at minsan nga ay


sinusumpong pa ito ng kanyang Alzheimer�s disease.

Itinuro ni Rya ang kinakain niya, �Lola kain po, kumain na po ba kayo.�

Ngumiti ang matanda, �Ah oo.�

�Alam mo lola, sasali ako sa beauty pageant sa school. Ang pangit noh,
parang di bagay sa akin.�

�Ha?� tanong ng lola niya.

�Naku lola wag niyo ng intindihin yun, wala ring kuwenta. Kung hindi
nga lang sa scholarship di ko gagawin yun.� Sabi niya.

�Ah gawin mo yun. Aba�y kesa naman hindi mo matupad ang gusto mo. wala
namang mawawala kung di mo susubukan.�

Nabigla si Rya sa sinabi ng lola niya, �La naiintidhan niyo ako?�

�Oo naman, kumain ka ng kumain, walang masama sa pagkain, wag kang


mahihiya. Masama ang nagtitiis ng gutom.�

Ngumiti si Rya, �Hay lola talaga.�

Lumabas si Rya ng talyer at tinitignan ang ginagawang sasakyan ng


kanyang ama.

�Tay.� Lumapit siya sa kanyang ama.

�Ano yun?�

�Tay may sasabihin ako sayo pero wag kang mabibigla ha.�

�Parang kinabahan naman yata ako nun.� Sabi ng kanyang ama.

�Basta I-promise mo wag kang mashashock.�

�Ba�t naman ako masha-shock, gaano ba kasuspense yang sasabihin mo?�

�Basta��

�Oh sige na, sige na. Ano ba yun?� tanong ng kanyang ama.

�Tay, sasali kasi ako sa beauty pageant sa school. Ako kasi ang kinuha
nilang representative sa Mechanical engineering.�

Napatigil ang kanyang at napatawa ng malakas, �Hindi nga? Nagbibiro ka


ba?�

�Sige tay, magtawa ka, kasi talaga namang nakakatawa itong kalokohang
pinasok ko. Napapayag lang naman ako para makapag-aral ako sa next sem.�

Tumigil sa pagtawa ang kanyang ama, �Anak, natawa lang naman ako kasi
di ko akalain na isang araw pala ay magiging beauty queen ka.�
�Beauty queen ka riyan.�

�Bakit talaga namang beauty queen ang tawag don ha?�

�Eh tay, tigilan niyo nga ako sa beauty queen, beauty queen. Tignan mo
oh, nagtataasan na ang balahibo ko. Nakakapangilabot.�

�Heto naman oh, maganda ka naman anak ha. Kahit papano.�

�Kahit papano talaga noh. Sayo lang naman ako nagmana.� Sabi ni Rya.

�Mag-ayos ka kasi. Siguro naman kapag nag-ayos-ayos ka lalabas din yang


kagandahan mo.�

�Tay susuportahan mo ba ako? Baka ikahiya mo ako ah, tapos sasabihin mo


na di mo ako anak.�

Inakbayan siya ng kanyang ama, � Hindi ko kayang gawin yun sayo. Kahit
pagtawanan ka ba ng lahat ng mga tao. Ipagmamalaki kita.�

Ngumiti si Rya sa sinabi ng ama.

Nasa counter si ng fastfood si Rya nang lapitan siya ni Rigs.

�Isang meal 1 nga.�

Napangiti si Rya pagkakita kay Rigs, Anong ginagawa ng lalaking ito


rito? At ditto pa napagtripan niyang magpalakas ng hangin.

�Is that all sir?�

�Eh yun lang ang pwedeng orderin, hindi ko naman pwedeng orderin ang
cashier di ba?�

Napilitang ngumiti si Rya, Kung di lang madaming tao uupakan ko na


itong lalaking ito.

�Sir, your bill is ninety nine pesos.�

Nag-abot ng pera si Rigs, �I received one hundred pesos sir.�

�Rya.� Bulong ni Rigs sa kanya, �Baka naman pwede tayong magbonding,


magdate naman tayo.�

Hindi pinansin ni Rya ang mga sinasabi ni Rigs, �Ito na po ang change
niyo.�

Pagkabigay ng sukli ay hinawakan ni Rigs ang kamay ni Rya, pilit


inaalis ito ni Rya pero hinigpitan iyon ni Rigs, �Ano ba? Wag kang bad trip ha,
nagtatrabaho ako ng maayos ditto, maliban na lang kung gusto mong ipatawag ko ang
guwardiya at mapahiya ka ng tuluyan sa harap ng maraming tao.�

Binitawan ni Rigs ang kamay ni Rya. �Hintayin mo na lang iserve sa


table mo ang order mo.�

Tahimik na bumalik sa table niya si Rigs.

�Sa pageant meron talent portion, long gown, swim wear at casual. So,
lahat yun kailangan nating paghandaan.� Napansin ni Teddy na malayo ang iniisip ni
Rya.

�Hoy! Nakikinig ka ba?�

� Ha, pasensya na ha.�

�Ano ba yang iniisip mo?�

�Teddy.. kung magquit na kaya ako, iba na lang ang kunin niyo.�

Napasigaw si Teddy, �Ano!�

�Ano ba, wag ka namang sumigaw.�

�Sinong hindi mapapsigaw ha. Ano ba to Rya, sa tingin mo ba madali


itong ginagawa naming sayo. Rya, alam mo bang managing you ay parang naagkoconvert
kami ng lalaki na maging babae.�

Napatayo si Rya, �Bakit sinabi ko bang maghirap kayo sa akin ha?�

�Okey, okey, okey. Sabihin mo nga sa akin Rya, ano na naman ba ang
problema mo?�

�Yang pinsan mo. Ganyan ba talaga yan ha. �

�Oh ano bang ginawa nun sayo?�

�Nanahimik akong nagtratrabaho tapos bigla ba namang yayain akong


makipagdate sa kanya.�

Natawa si Teddy, �Iniintindi mo yung kalokohan ng mokong na yun.


Pinagtritripan ka lang nun.�

�Hoy, sa pananalita mo para mong sinabing sineseryoso ko ang mga


panglalanding ginagawa niya sa akin. Aminado naman akong pinagtritripan niya ako
eh, and yun nga nakakainis, nakakaistorbo na siya sa maayos kong trabaho. Baka
naman po pwede niyong pagsabihan yang pinsang niyong ulol tungkol sa mga kalokohan
niya.�

Tumango si Teddy, �Oo na, pagsasabihan ko na. Pagsasabihan ko na, wag


ka lang magquit. Please?�

Tumango si Rya, �Okey.�

�Insan, masama bang makipagkaibigan? I just want to get to know her.


Ang hirap naman nung magiging magkapartner kami pero we both don�t know each
other.� Paliwanag ni Rigs sa pinsan niya.

Napahawak sa ulo niya si Teddy, �Okey I get your point. Pero insane,
ibahin mo si Rya sa mga babaeng nilalabas mo. Nakita mo ba yung itsurang yun, kapag
napuno yun uupakan ka non. Insan kasi ganito yun, magbigay ka naman ng kahit
kaunting konsiderasyon, kasi nung niyaya mo si Rya na lumabas ay kasalukuyan siyang
nakaduty sa restaurant. Kinulit-kulit mo siya habang nagtatrabaho siya, paano kapag
napanghinalaan yun ng boss niya na nagiintertain ng suitors during working hours,
eh di na sisante yun. Maawa ka naman don sa tao. �

�Fine and what should I do now?�


�Be gentleman, Rigs, be gentleman.�

Pinakita ni Lina kay Rya ang bestidang ipahihiram niya sa kaibigan.

�Tsaran! Ang ganda noh. Binili pa yan ng daddy ko from the States.�
Sabi ni Lina.

Tinignang mabuti ni Rya ang bestidang hanggang tuhod na kulay pink at


nakaspaghetti strap, �Hindi yata bagay sa akin yan.�

�Ikaw talaga, advance kang magreact. Di mo pa nga isinusuot nagjajudge


ka agad. Mare, bagay sayo ito, tapos ayusin lang natin ng kaunti yang buhok, lagyan
natin ng clip o hair band para magmukhang babae ka.� Sabi ni Lina.

�Pwedeng iba nalang ang isuot ko pangbabae na pangbabae kasi ang dating
niyan eh, pink pa.�

Binatukan ni Lina si Rya, �Eh ano ba yang sasalihan mo di ba Miss SJBU?


Alangan naman magpolo�t pantaloon. Hay naku Ryana wag kang pasaway ha, ito ang
dapat isauot mo sa general meeting ng MES.�

Kinuha ni Rya ang dress kay Lina, �Sige na, sige na, ipapakita ko na
lang ito kay Teddy.�

Dala-dala ang damit ni Lina ay nagpuntang MES office si Rya, napaatras


siya ng makitang si Rigs lang ang tao sa office.

�Rya, sandali.� Nilapitan ni Rigs si Rya, �I�m sorry about yesterday.


Sorry sa kakulitan ko. Gusto lang naman kasi kitang makilala eh, I just want to get
close to you kasi partner kita at ayokong mailang sa mga nakakasama ko.�

Tumango si Rya, �Basta sa susunod bago ka mangulit mag-isip ka muna


ha.�

�Oo, mag-iisip na talaga ako. So, partner?�

Tumango si Rya, �Okey, partner.�

�Thank you.� Yayakap na sana si Rigs nang bigla siyang napahinto, �Wag
na baka matadyakan mo pa ako.�

Ngumiti si Rya, �Buti alam mo.�

Sa likod ng conference room ay inaayusan ni Lina si Rya. Habang sina


John, Teddy at Rigs ay namamanghang nakatingin lang sa kanila.

Pinasuot ni Lina si Rya ng hair band na may mahabang tali sa likod at


pinagsusuot ng dangling earrings.

�Ah, ayoko niyan, para akong pokpok.�

Binatukan ni Lina si Rya, �Pokpok ka riyan? Sira ito nga ang dapat sayo
para magmukha kang babae.�

Napansin ni Rya na kanina pa sa kanya nakatingin ang tatlong lalaki,


�Oh, ba�t ganyan kayo makatingin? Nagagandahan na ba kayo sa akin?�

�Nakakagulat lang yang itsura mo.� Sabi ni Teddy, �Kaya mo naman pa


lang magmukhang babae.�
�Oh tignan mo na, sabi ko naman sayo bagay sayo.� Sabi ni Lina.
Isinabit ni Lina ang hikaw sa tainga ni Rya.

Pumasok naman ron sa Chubs, �Ano ba ready na ba yan ha?� tinignan niya
si Rya. �Ano ba yan, nakamake up na ba yan ng lagay na yan? Dagdagan niyo nga yan
ng blush on, oh yung lips kulang sa glossy.�

Nagkatinginan ang mga lalaki sa sinabi ni Chubs.

Niretouch ni Lina ang make up ni Rya, �Okey na ba ito?�

�Ayan, sige pwede na yan, pwede na yan.� At hinila ni Chubs si Rya,


�Hoy ikaw Rigs sumunod ka na sa amin.�

Nang maiwan ang tatlong lalaki ay nagkatinginan ang mga ito.

�May alam pala yang si Chubs tungkol sa pagmimake up.� Sabi ni John.

�Bagay sa kanya yung ayos niya noh.� Sabi ni Teddy.

Inayos ni Rigs ang polo niya, �Basta ako� ang swerte ko talaga!!!.� At
lumabas na siya ng backstage.

Sa stage ay hawak ni Chubs ang mic niya, �And for the coming Mr. and
Ms. SJBU, may we present to you our representative��

Napansin ni Rigs na nakapikit si Rya at tahimik na nagdadasal, �Ano


yang ginagawa mo?� bulong niya kay Rya.

�Baka kasi pagtawanan nila ako eh.�

�Ba�t ka naman nila pagtatawanan eh, ang ganda-ganda mo kaya.�

Napatingin si Rya kay Rigs.

�Our Mr. SBJU� Mr. Rodrigo Alegre!�

Nagpalakpakan ang mga tao at nauna sa stage si Rigs.

�And for our Ms. SBJU� Miss Ryana Magbanua.�

Chapter 03: The Candidates

Nanginginig na pumanik ng stage si Rya. Hinihintay kung ano ang


magiging reaksiyon ng mga tao sa kanya. Tumabi siya kay Rigs, at ngumiti sa
audience at nagpalakpakan ang mga tao.

�May we ask all of you to support our candidates. Thank you.�

Pagbaba sa stage ay may kaba pa rin sa dibdib ni Rya, napaupo na lang


siya sa isang gilid ng back stage. Tumabi sa kanya si Teddy at hinawakan ang kamay
niya.

�Ang lamig mo ha, kinakabahan ka pa rin. Paano na yan pagdating ng


contest proper, baka himatayin ka na ron sa kaba.�

�Wish ko lang Teddy napipigilan ang kaba di ba?�


�Dapat sanayin mo na ang sarili mo, tandaan mo umpisa pa lang ito.�

Huminga ng malalim si Rya, �Mabibigat ba ang makakalaban ko.�

�Ano naman ngayon kung mabibigat sila, aatras ka na?�

�H-hindi naman, curious lang ako.�

�Wag mo ng isipin kung mabibigat sila o hindi. Ibigay mo na lang ang


best mo sa contest.� Sabi ni Teddy, �Siya nga pala kailangan mo palang maggym.�

�Bakit naman?�

�Paano ka magsusuot ng swim suit eh ang taba mo?�

�Anong swim suit ka riyan? Teka wala sa usapan natin na may swim wear
ha.�

�Hoy, sinabi ko kaya sayo, hindi ka lang nakikinig. Saka ako ba ang may
gustong may swim wear. Kung pwede nga lang wala eh. Basta bukas mag-start ka ng
maggym, sasamahan kitang magpamembership.�

�Naku Teddy hindi ko naman kailangan yun kasi halos araw-araw akong
nagtatrabaho, exercise na rin yun.�

�Tumigil ka nga, ang concern ko lang naman ay lumiit-liit man lang yang
puson mo para sumesexy sexy ka naman kapag naka swim suit ka. Basta ha bukas, wag
kang pasaway.� Sabi ni Teddy.

Nakasuot ng pang gym na damit ay sumunod sina Lina at Rya kay Teddy
papasok sa gym.

Binulungan ni Rya si Lina, �Nakakainis naman, kailangan ko pang maggym,


kesa ipahinga ko ito andito ako nageexercise.�

�Sshhh.. sumunod ka na lang sa sponsor mo. Tandaan mo ang scholarship.�


Paalala ni Lina.

�Mag treadmill ka muna.� Sabi ni Teddy kaya pareho nagtread mill ang
dalawa.

�Teddy, ikaw ba palagi ka ring naggym?� tanong ni Lina sa kanya.

�Kailangan ko pa ba ito?�

�Ay anung sa tingin mo, maganda ang katawan mo.� Sabi ni Rya.

Ilang sandali pa ay lumapit sa kanila si Rigs na nakasleeveless na T-


shirt lang at may dalang tuwalya.

�Hi! Girls.�

�Hi! Wow Rigs, ngayon ko lang napansin ang sexy mo pala.� Sabi ni Lina.

�Bunga ng pagwowork out.� Sabi ni Rigs.

�Ang galing! Ang sipag mo naman pala sa pagwowork out.� Sabi ni Lina.,
�Dapat pala Rya, magwork out ka rin palagi para sumexy ka rin.�
�Ano ka sexy na ko noh.� Sagot ni Rya.

�I think hindi na kailangan magpasexy ni Rya kasi she has a pretty face
naman.� Sabi ni Rigs.

�Hay Rigs, nambola ka na naman.� Sabi ni Rya.

�Tama na nga yan, nagbobolahan na lang kayo niya eh. Hoy ikaw.� Sabi ni
Teddy kay Rya, �Galingan mo riyan ha.�

�Insan, palamig muna tayo sa labas.� Anyaya ni Rigs kay Teddy.

Naglakad sina Teddy papalayo sa dalawang babae nang masalubong nila sa


Suzanne, �Oh hi!�

�Suzanne.� Sabi ni Rigs.

�Hi, Teddy.� Bati niya kay Suzanne.

Ngumiti si Teddy.

�Ngayon lang yata kita nakita rito, Teddy. Si Rigs kasi araw-araw ng
andito sa gym.�

�Sinamahan lang ni Teddy yung pambato naming sa Miss SJBU.� Sagot ni


Rigs.

Sa Treadmill naman ay napatingin si Lina sa kanila, �Mare tignan mo


yun oh.�

:Lumingon si Rya kina Teddy.

�Siya yata yung pambato ng Masscom. Balita ko ex yan ni Teddy.�

�Ang ganda niya noh.� Sabi ni Rya.

�Sus, ayan ka na naman napanghinaan ka na naman ng loob.� Sabi ni Lina.

Tinignan ni Suzanne sa malayo si Rya, �Rya ang name niya right? Di ba


tomboy yan?�

� She�s not a lesbian, boyish lang siya.� Sagot ni Teddy.

�Hindi tomboy si Rya, ang ganda nga niya kapag naayusan.� Sabi naman ni
Rigs.

Tumango si Suzanne, �Okey, sige, good luck na lang sa pambato niyo.� At


nilayuan na sila ni Suzanne.

�Aray!!! Ang sakit-sakit kaya ng mga kalamnan naming.� Reklamo ni Rya


kay Teddy kinabukasan.

�Ganyan talaga, kung gusto mong gumanda magtiis ka.�

Pumasok si Rigs ng office na may dalang cake, �Guys, look here, may
nagbigay sa akin ng cake, paghatihatian natin.�

Tinignan ni Rya ang cake, �Wow ang sarap namang tsibog niyan tirahin na
natin.�
Pinigilan siya ni Teddy, �Oopps, magdiyeta ka. Madaling makataba ang
cake.�

�Ano ba yan! Mamatay-matay na nga ako sa kaka-exercise tapos bawal


akong kumain ng cake. It�s so unfair.�

�Masasayang yung effort sa kakaexercise kung di mo pipigilan sa pagkain


ang sarili mo.�

�Teka, naiinis na ako ha. Para saan ba tong ginagawa kong ito ha?�
pagalit na sinabi ni Rya kay Teddy.

�Eh para saan nga ba? Di ba hinahabol mo yung scholarship? Nakita mo ba


yung babaeng kausap naming kahapon sa gym, isa lang naman yun sa matinding
makakalaban.� Sabi ni Teddy.

�Alam ko po yun noh. Representative ng Masscomm, yung ex mo.�

Natahimik si Teddy.

�Uh, oh.� Reaction ni Rigs.

�Hindi ka pa rin kakain ng cake. Halika na Rigs, tirahin na natin yan.�


Lumapit si Rigs kay Teddy at kinain ang cake.

Napasigaw si Rya, �Ang daya!!!�

Sa meeting room sa university ay magkasama nagpunta sina Rigs at Rya.


Napanganga si Rya nang makita ang mga kasali sa pageant. Hinila niya ang sleeves ng
damit ni Rigs, �Uwi na tayo.�

�Ha, bakit?�

�Nakita mo ba yang mga babaeng yan, grabe, sa tingin mo ba makakaya ko


yang mga yan.�

�Ano ka ba? Pare-pareho lang kayong magaganda. Halika na.� Inalalayan


siya ni Rigs sa pagpasok ng meeting room.

Pinaupo ni Rigs si Rya sa tabi ng isang babaeng nakasalamin na


nagbabasa ng libro.

Sinilip niya kung ano ang binabasa ng babae, �Mid Summer Nights
Dream��

Napatingin ang babae kay Rya nang mapansing binabasa nito ang librong
binabasa niya.

�Hi!�

Ngumiti ang babae.

�From what college ka?�

�Education major in English.� Sabi ng babae.

�Officer ka?� tanong ni Rya.


�Candidate ako ng English Club. Hindi halata noh?�

Napangiti si Rya, �Ako rin eh, hindi halata, para kasi akong tibo. Sa MES ako. Ay,
ako pala si Rya.�

�Ako si Jasmin.�

�Alam mo hindi ko naman inambisyon na sumali rito, bagay ba naman ba sa akin maging
beauty queen? Kung hindi lang sa scholarship.�

�Ako nga rin eh. Actually, vinolunteer ko na ang sarili ko sa kanila dahil
kailangan ko rin maging scholar.�

�Pareho lang pala tayo, anong year ka na ba?� tanong ni Rya.

�Third year.�

�Ay one year ka pa, dapat pala ikaw ang manalo eh, ako kasi graduating na ako sa
March.�

Ilang sandali pa ay pumasok ang organizer ng pageant.

�Good Morning ladies and gentlemen. I�m very happy to see the most beautiful men
and women of this university. By the way, we held this meeting today to announce
your schedule of activities and rehearsals for the upcoming pageant. By next we
will going to start the rehearsals for our program.�

Napasabunot si Rya sa sarili niya, �Ahh, ang dami namang kachuchuan nito.�

Tahimik na natawa si Jasmin kay Rya.

�Hay bakit ko pa kasi pinatulan itong contest na ito.�

Ngumiti si Jasmin, �Sayang naman kung magququit ka. Andito ka na eh.�

�Naku noh, hindi talaga ako pwedeng magquit kasi mapapatay ako ng nagsponsor sa
akin. Baka sabihin na naman non hindi ako marunong makisama at sinasayang ko ang
pagod nila. Ang dami laging dada nun eh.� Sabi ni Rya.

�Pagtiyagaan mo na lang isipin mo na lang yung scholarship.�

�Kung sana nga ako manalo.�

�Mananalo ka.� Sabi ni Jasmin, �Basta wag ka lang susuko.�

Sa gym ng university ay nagpameeting uli ang Student Council para


ipakilala ang magrerehearse sa kanila. Nakaupo sa sa sahig na magkatabi sina
Jasmin, Rya at ang isa pa nilang kasamahan na mula sa CAS- Filipino na Luz.

�Naku ako yata�y mahihirapan sa pagsasanay natin na ito. Hindi pa naman


ako marunong umindog ang tanging alam ko lamang ay tumula at sumali sa balagtasan.�
Sabi ni Luz.

�Sino bang marunong? Ako kaya, parehong kaliwa ang paa ko.� Sabi ni
Rya.

�Mas maganda siguro kung wag muna nating isipin yung mga weaknesses
natin, pagtiyagaan na lang natin ito. Kung iisipin lang nating hindi natin kaya,
matatakot lang tayo.�
Dumating ang isang teacher nila, �Good Afternoon guys. I�m going to be
you teacher in modeling.�

�Hala anong modeling, hindi ko pinangarap maging model ditto ha.� Sabi
ni Rya.

�I will teach you about the proper poise in stage and ramping. By the
way, sino ba sito ang may knowledge na sa pagrampa.�

Nagtaas ng kamay si Suzanne at tumayo.

�Nagmodel na po ako ng some signature clothes.�

�Oh really will you show us kung paano ka rumampa sa stage.�

Naglakad na pangmodel kaya napanganga na lang sina Luz at Rya, �Ang


galing niya.�

�Kaya rin natin yan.� Sabi ni Jasmin.

Napatingin ang dalawang babae sa kanya.

Pinalakpakan ng teacher ang pagrampang ginawa ni Suzanne, �That�s good,


that�s very good.�

�Rumampa lang ng kaunti, natakot ka naman.� Sabi sa kanya ni Teddy.

Napayuko si Rya, �Ang galing-galing kaya niya, palibhasa hindi ikaw ang
nasa posisyon ka kaya parang sayo ang dali-dali. Kung makikita mo lang ang mga
kalaban ko parang mawawalan ka talaga ng lakas ng loob.�

�Hoy tumigil ka nga, wag kang magsalita ng ganyan. Pati ako natatakot
sayo.�

�Bakit ka naman natatakot para sa akin?� tanong ni Rya.

�Baka nakakalimutan mong ako ang nagiisponsor sayo. Sayang lang ang
pera kung magigive up ka noh.�

�Hmp ang sama mo talaga, ang inintindi mo lang yung perang


pinanggagastos mo sa akin. Pero yung feelings ko di mo inintindi.�

�Tinuturuan din kitang magkaroon ng confidence diyan sa sarili mo.�

�Confidence, confidence. Kung ikaw kaya ang maglakad na suot ay sapatos


na may matulis na taking.�

�Isa lang naman ang magagawa mo para malabanan yang kaba mo.� Kinuha ni
Teddy ang isang sapatos na nakalagay sa cabinet, �Magpractice ka.�

Kinuha ni Rya ang sapatos at tinignan, �Ano ito?�

�Yan ang isusuot mo sa pageant. Inarbor ko pa yan sa nanay ko, buti nga
naitago pa niya yan.�

Nalula si Rya taas at tulis ng taking ng sapatos na iyon, �Grabe.�

�Ano isuot mo na? Pagpraktisan mo na yan.�


Inalis ni Rya ang rubber shoes niya at sinubukang isuot ang sapatos.

�Ano kasiya ba?�

Tumango si Rya, �Kasiya naman.�

�Sige, rumampa ka.�

Tumayo si Rya at naglakad ito.

�Ano ba yan? Para ka pa ring tibo maglakad.�

Sinubukang magcatwalk ni Rya.

�Ayan, ganyan dapat. Kaya mo naman pala eh.�

�Talaga?� naglakad uli si Rya pero bigla siyang naoutbalance at


napabagsak kay Teddy, �Aray!!!�

Chapter 04: Teddy�s First Love Story

Hindi kinaya ni Teddy si Rya kaya pareho na lang silang napabagsak sa


sahig, �Ang bigat mo!�

Napaiyak si Rya sa sakit, �Ang sakit naba lian yata ako.�

Agad na tumayo si Teddy para alalayan si Rya at pinaupo ito sa silya


para tignan ang paa nito. Inalis niya angsapatos ni Rya at inikot at ang paa.

�Anak ng� Teddy uupakan kita ang sakit!�

�Wag kang maingay baka isipin nila kung anong ginagawa ko sayo.�

�eh, ang sakit-sakit. Ikaw kasi pinagrampa-rampa mo pa ako.�

�Ako pa ang sinisi mo, ang sakit na nga ng pagkadagan mo sa akin. Ang
bigat-bigat mo pa. Mag exercise ka ng mabuti ha.�

�Ang dami mo ng complains ako na nga ang nabalian eh.�

Napangiti si Teddy.

�Anong ningingiti mo riyan? May gana ka pang ngumiti riyan eh nabalian


na nga ako, naku Teddy kapag ako di na nakalakad ng tuluyan.�

�Siguro kailangan na kitang dalhin sa clinic.� Sabi ni Teddy.

�Ha? Paano ako makakalakad?�

Nagulat si Rya nang biglang buhatin siya ni Teddy, �Hoy ibaba mo ako
nakakahiya, baka sabihin nila boyfriend kita.�

�Eh kung tuluyan ka na ngang mafracture diyan, ako pa ang sisihin mo.
Saka tumahimik ka na ha, ang bigat-bigat mo eh.�

Inilabas ni Teddy si Rya sa MES office kaya naman napatingin ang mga
estudyante dinaanan nila, dahil sa kahihiyan ay napapikit na lang si Rya. Papuntang
clinic ay nasalubong nila si Suzanne at napahinto si Teddy.
Dahan-dahang binuksan ni Rya ang mga mata niya at nagulat siya nang
makita si Suzanne, Hala, patay.

�What happened?� tanong sa kanila ni Suzanne.

�Napilayan kasi siya, di tuloy siya makalakad.� At ipinasok na ni Teddy


si Rya sa Clinic.

Binendahan ng doctor ang paa ni Rya, kaya nakalabas si Rya ng nakabenda


ang isang paa at isa lang ang nilalakad niya. Nakangiting napailing si Teddy
paglabas niya sa clinic.

�Ano? May gana ka pang ngumiti riyan pagkatapos mo ako hiyain sa


madaming tao.�

�Kapag nakita kanilang may benda na ang paa mo, maiintindihan na nila
kung bakit kita binuhat.� Sabi ni Teddy.

�Grr.. nakakaasar ka talaga. Pasalamat ka�t ilang days lang tatanggalin


ko na rin daw ito. Ikaw talaga ang may kasalanan nito.�

�kapag magaling na ang paa mo, magpractice ka sa bahay na maglakad na


nakatakong. Mahirap na baka mamaya sa contest doon ka pa ma out of balance,
maslalong nakakahiya yun.�

�Kung di ko lang talaga kailangan ng scholarship magqui�.�

�Oh hayan ka na naman. Tandaan mo��

�Oo na, malaki na ang paghihirap mo rito. Hmp laki mo na lang


pinagmamalaki sa akin yang mga paghihirap mo.�

�Pasalamat ka na lang di kita sinisingil. Siguro ihahatid na lang kita


sa inyo. Kaawa-awa naman kasi yang itsura mo.�

�Dapat lang noh, kasalanan mo naman kasi lahat ito eh.�

Hanggang sa pagpasok sa bahay ay inalalayan ni Teddy si Rya, kaya


nagulat ang tatay niya ng namataan na may kasamang lalaki ang anak niya.

�Rya, anong ibig sabihin nito?� tanong ng tatay ni Rya.

�Ay tay, si Teddy, officer sa college naming, siya ang magkakagawan ng


pageant-pageant na yan.�

�Good evening po.�

�Eh anong nangyari sa paa mo?�

�Heto nagtrying hard magtakong, nadisbalanse natalusod tuloy.� Sabi ni


Rya.

Dumating ang lola ni Rya at napangiti pagkakita kay Teddy, �Gaspar!


Gaspar mahal ko!�

�Naku lola, hindi yan si lolo, kaibigan ko po yan si Teddy.� Binulungan


ni Rya si Teddy, �Pasensya na ha, lahat talaga ng lalaking pumapasok ditto sa bahay
naming napagkakamalan niyang si lolo.�
�Ah okey.� Sabi ni Teddy.

�Kumain ka na ba iho?� tanong ng tatay ni Rya.

�Am��

�Dito ka na maghapunan, tutal na kaluto na rin ako.� Anyaya ng kanyang


ama, �Teka mag-aahin muna ako. Maupo muna kayo riyan.�

Umupo sina Rya at Teddy sa sofa, �Wag kang mag-alala masarap magluto
yang erpat ko.�

Kinuha ni Teddy ang walltet niya at napatingin si Rya nang masilip ang
picture sa wallet ni Teddy.

�Uy yung kapatid mo ba yan?� kinuha ni Rya ang wallet at napatawa,


�Grabe naman, maslala pala sa picture yang utol mo eh. Para siyang malaking ponkan
na nagsalamin. Ang taba-taba!!! Piglet na piglet.�

�Hindi si Theo yan, ako yan when I was twelve years old, ang pangit
noh.�

Napatigil sa pagtawa si Rya at ibinalik ang wallet kay Teddy, �Talaga?


Sorry ha, ibang-iba kasi ang itsura mo noon.�

�Okey lang. Hanggang highschool ganyan ang itsura ko.�

Teka, ang pangit naman niya non, para siyang baboy. Paano kaya siya
nagustuhan ni Suzanne.

Tinago muli ni Teddy ang wallet niya, �Siguro nakahain na ang tatay mo
kumain na tayo.� Anyaya ni Teddy.

Nagkaroon muli ng meeting ang mga candidates for Mr. and Miss SJBU,
habang papasok sa room sina Rigs at Rya ay nasalubong nila si Suzanne.

�Ang ganda niya.�

�Mas maganda ka pa riyan.� Bulong ni Rigs ni Rya.

Pinalo ni Rya ang balikat ni Rigs, �Ikaw ha, nagsisimula ka na namang


mambola.�

� Wag mo kasing masyadong pagkatitigan yang mga kalaban mo para di ka


matakot. Sa totoo lang, mas deserving kang maging Miss SJBU kesa kay Suzanne.�

�Bakit naman? Ang ganda-ganda kaya niyang si Suzanne.�

�Pero hindi pang role model. Model lang. Play girl kaya yan.�

�Kaya ba sila nagbreak ng pinsan mo noon?� tanong ni Rya.

�Intrigera ka rin noh. Pinagtripan niyan lang si insan. Kawawa nga non
si pinsan eh, kaya nang tumuntong ng college, binago talaga niya ang sarili niya.
nagpapayat, pumorma at naging lider. Pinamukha niya talaga kay Suzanne na hindi
siyang ang nagmukhang kawawa.�

�Sa tingin mo ba mahal pa rin niya si Suzanne?�


Nagkibit balikat si Rigs, �I think may bitter pa rin. First love niya
yun. But I also think wala na siyang pakialam sa babaeng yan. Hindi pa naman siya
nagkakagirlfriend ulit eh.�

�Nakakaguilty.�

�Bakit naman?�

�Nakita ko kasi yung picture niya sa wallet. Noong una kasi akala ko
yung utol niya yun kaya natawa ako, yun pala siya pala yun.�

�Hala ka.�

�Rigs, ano ka ba, wag mo na nga akong takutin nagsisisi na nga ako eh.�

Natawa si Rigs, �Wag mong isipin yun ayos lang. Okey na yun kay pinsan.
Tanggap naman niya na talagang nerdy siya nung bata siya kaya nga nagbago na siya
eh.�

�Ang sama naman pala ng Suzanne na yan. Infairness kahit sabihin nating
mukhang ewan non ang pinsan mo sa tingin ko naman napakabait niya saka ang guwapo-
guwapo kaya niya ngayon. Kaya nga lang may pagkamasungit at bossy.� Sabi ni Rya.

�Ano ka ba dinibdib mo naman yun. Kaya naman niya ginagawa yun sayo
para di ka maging pasaway. Ganon talaga ang mga leader.�

�Ah basta hindi ko pa rin matanggap na bawal akong kumain ng cake.�

Natawa na lang si Rigs sa kanya.

Naglalakad ng lobby ng second floor si Teddy nang makita niya sa may


terrace sa ground si Suzanne kasama ang mga barkada nito at nagtatawanan. Naaalala
niya ang mga nagawa sa kanya ni Suzanne four years ago.

Pumasok sa classroom ang nerd at mataba na si Teddy tahimik siyang


umupo sa silya habang tinitignan ang crush na crush niyang si Suzanne. Nang
mapansin ni Suzanne na nakatingin ito sa kanya binigyan siya nito ng magandang
ngiti at napangiti naman si Teddy.

Paglabas ng classroom ay sinabayan siya ni Suzanne sa paglalakad.

�Hi!�

Nahihiyang bumati rin si Teddy.

�Naglunch ka na?� tanong ni Suzanne sa kanya.

Umiling si Teddy.

�Gusto mo sabay na tayo maglunch?� anyaya sa kanya ni Suzanne.

�Ha?�

Hinila siya papuntang canteen ni Suzanne, �Halika na, nagugutom na


ako.�

Sa loob ng canteen ay nagturo ng pagkain si Suzanne at dahil din sa


nahihiya siya ay si Teddy na lang ang nagbayad ng pagkain.
�Wow Teddy, thank you talaga ah.�

Ngumiti lang si Teddy.

Bahagyang tumayo si Suzanne sa kinatatayuan niya at hinalikan sa pisngi


si Teddy, �Ang bait mo naman.�

Namula si Teddy sa ginawa ni Suzanne sa kanya.

Sumunod na araw ay lagi niya ng kasama si Suzanne kumain, lagi niya


itong nililibre, kahit nauubos na ang baon niya ay ayos lang dahil gustong-gusto
niyang makasama si Suzanne. Isang araw ay papuntang canteen sila ni Suzanne nang
hinila muli siya nito at dinala sa likuran ng isang building.

�Oh, anong gagawin natin ditto?�

Ngumiti lang si Suzanne at biglang hinalikan sa labi si Teddy at sinabi


sa kanya, �Simula ngayon, akin ka na.�

Tumagal ang nang ilang araw ang pagiging laging magkasama nila Teddy at
ni Suzanne pero habang tumatagal ay napansin ni Teddy na parang nanlalamig na si
Suzanne sa kanya. Hanggang sa nakita na lang niya si Suzanne na inakbayan ng isang
lalaki na taga-ibang school. Kinabukasan nun ay inapproach niya si Suzanne kung
sino ang lalaking kasama at inamin ni Suzanne na manliligaw lang niya.

�Akala ko ba tayo na, eh ba�t nageentertain ka pa ng mga nanliligaw?


Alam mo Suzanne iba na yung napapansin ko sayo nitong mga ilang araw parang
pinararamdaman mo sa akin na ayaw mo na sa akin.�

Napamewang si Suzanne, �Ah, you want to know the truth, ayoko na nga
sayo, boring kang tao at nagsasawa na ako sayo. Sa madaling salita break na tayo!!!
� at umalis na si Suzanne.

Nang maalala niya yun ay nagtuloy siya bigla sa MES office at nakita
niya ron si Rya na nakahiga sa pinagtabitabi niyang upuan, inunan niya ang kanyang
bag pack at nakapikit ang mga mata.

Kinalabit niya si Rya, �Rya�.�

Unti-unting nagbukas ng mata si Rya, �Teddy naman, maaawa ka naman sa


akin. Tatlong oras lang ako natulog at pagod ako, imagine mo na lang na pagdating
ng umaga nagtatrabaho ako tapos mag-aaral ako, tapos magrerehearse ako pagdating ko
sa bahay gagawa pa ako ng assignment at magrereview. Ako naman ang bigyan mo ng
konsiderasyon.�

�Oo na, sige na, matulog ka muna.� Umupo si Teddy sa ulunan ni Rya.

�Salamat naman, hoy Teddy wag kang magingay ha, ayokong naiistorbo sa
pagtulog.�

�Oo na nga.�

Pumikit muli si Rya at napansin ni Teddy na bumagsak ang bangs ni Rya


sa mukha niya kaya inayos niya ito inilagay sa may tainga ni Rya. Naramdaman ni Rya
ang ginawa ni Teddy kaya napangiti siya.

Chapter 05: Dance Rehearsal


�1, 2, 3, 4�.1, 2, 3, 4�

Napatingin si John sa relos niya at binulungan niya si Teddy nakatabi


niya habang nanonood ng dance rehearsal, �Ano ba yang pinsan mo, wala pa.
Nagmumukha ng tanga yang si Rya.�

Hindi masyadong makuha ni Rya ang steps sa sayaw dahil wala siyang
kapartner.

�Rya, are you okey? Nakakasunod ka pa ba?� tanong ng dance instructor


sa kanya.

�Mahirap po kasi kapag walang partner.� Sabi ni Rya.

Napabulong muli si John kay Teddy, �Naku yang pinsan mo talaga niyang
baka magkalat pa tong mga to sa stage.�

Nilapitan ni Teddy ang instructor, �Excuse me po. Mas maganda po siguro


kung ako muna ang partner ni Rya habang wala si Rigs.�

Pumayag naman ang instructor ni Rya, �Okey, okey lets go back for the
starting position.�

Hinawakan ni Teddy ang kamay ni Rya kaya naman napatingin si Rya sa


kamay nito.

�Hoy, eyes in front daw.� Sabi ni Teddy kay Rya.

�Ikot��

Umikot si Rya sa harapan ni Teddy.

�and eight.�

Saka inislant ang katawan nang nakapalupot na sa kanya ang braso ni


Teddy.

Hindi ni alam ni Rya kung bakit sa posisyong iyon ay sandaling


nagkatitigan sila ni Teddy .�

�Next step�

Nang makatayo sila ay di nila alam kung bakit pareho silang namula.

�Ano? Alam mo na? Nakukuha mo na yung steps?� tanong ni Teddy kay Rya
paglabas ng gym.

Tumango si Rya.

�Good, para susunod kahit wala si Rigs kaya mo ng mag-isa.� Sabi ni


Teddy.

�Bakit mo naman pag-iisahin si Rya, eh kaya mo naman siyang partenaran


kahit wala si Rigs.� Sabi ni John.

�Magtigil nga kayo, hindi naman ako ang kandidato riyan.�

Nakasalubong nila si Rigs na parating.


�I�m sorry guys, I�m late.� Sabi ni Rigs.

�Anong late? Tapos na ang practice. Kahit kailan ka talaga.� At umalis


si Teddy na kasunod si John.

Nang makaalis ang dalawa at humingi ng paumanhin si Rigs kay Rya.

�I�m so sorry for being late, na-traffic lang ako.�

�Okey lang sa akin, binack up-an ka naman ng pinsan.�

�Am� nagugutom ka na ba?� tanong ni Rigs sa kanya.

�Ililibre mo ako?�

�Hintayin mo ako sa office ibibili lang kita ng pagkain.�

�Okey.�

Nagstay si Rya sa office at dumating si Rigs na may dalang hamburger.

�Heto na ako.�

Kunuha ni Rya agad ang burger at kinain, �Salamat ha,.tomjones na rin


ako eh.�

Natawa naman si Rigs sa pagkain ni Rya, �Pansin ko nga, kulang na nga


lang lulukin mo yung buong tinapay.�

�Eh sa gutom na gutom na ako, nakakapagod kayang sumayaw, palibhasa


kasi late ka.�

�Pasensya na talaga ha. Nagalit pa yata sa akin si insan.�

�Napasayaw kasi siya ng wala sa oras.� Sabi ni Rya.

�Turuan mo naman akong sumayaw oh.�

Tumayo si Rya at dinemonstrate ang sayaw kay Rigs.

�Ano na-gets mo ba?�

�Cute ka pala kapag sumasayaw kang mag-isa.�

�Sampalin kaya kita riyan, binobola mo na naman ako.� Hinila niya si


Rigs na tumayo. �Magpractice ka nga para di ka naman magmukhang tanga.�

Hinawakan ni Rya ang kamay ni Rigs, �Ito ang starting position ha and
the�� umikot siya sa harapan ni Rigs at nagbilang, �then pagdating ng eight slant
then tayo. Okey na?�

Sinubukang gawin yun ni Rigs pero madalas itong magkamali.

Napakamot ng ulo si Rya, �Nakakainis ka naman eh, ang hirap mong


turuan.�

Kinuha ni Rigs ang dalawang kamay ni Rya at inilagay iyon sa balikat


niya, �Nahihilo lang kasi ako sa step na yan eh.� Nilagay ni Rigs ang kamay niya sa
beywang ni Rya, �Mas feel ko ito. Let�s just imagine na may sweet music na
background.�

�Nagsisimula ka na naman ha. Kakalbuhin na talaga kita.�

�May nakapagsabi na ba sayo na maganda ka kapag tinititigan.�

�Binobola mo na naman ako.�

�Mambobola na ako kung mambobola, pero totoo ang sinasabi ko. Sa lahat
ng mga candidates ng Miss SJBU, para sa akin, youre the fairest of them all.�

�Kinikilabutan naman ako sa sinasabi mo.� Napayuko si Rya at di niya


mapigilan ang mamula.

Sa may pintuan ng office ay napadaan si Teddy at napahinto siya nang


makita sina Rigs at Rya.

�Hayop talaga sa diskarte yang pinsan mo pare.� Napatingin si Teddy kay


John na nasa likuran lang pala niya at pinagmamasdan din ang dalawa.

�Halika na nga, makaistorbo pa tayo sa kanila.� Sabi ni Teddy.

�Ang galing talaga ng pinsan mo.�

Nang gabing iyon ay inihatid ni Rigs si Rya sa bahay nila, pinapasok


muna ni Rya si Rigs kaya naman mula sa pagkakaupo ay napatayo ang tatay ni Rya.

�Oh ba�t may lalaki ka na namang bitbit diyan.� Tanong ng tatay ni Rya.

�Tay si Rigs po, escort ko po sa contest.�

�Oh sa contest mo lang naman pala siya escort, eh ba�t hanggang ditto
sa bahay ay iniescortan ka pa rin niya.�

Nagkatinginan sina Rya at Rigs, �Tay naman, friends lang kami, gabi na
kasi kaya hinatid na niya ako. Ayaw niyo yun may bodyguard ako.
�Ang yaman mo naman anak at mukhang dala-dalawa pa ang body guard mo.
Teka lang mag-aahin muna ako.� At nagpuntang kusina ang ama ni Rya.

�Gaspar!� tawag ng lola niya kay Rigs.

�Naku ayan na naman po tayo, lola, hindi po siya si lolo, kasamahan ko


po siya sa pageant si Rigs po siya, si Rigs.� Sabi ni Rya.

�Si Rigs?�

�Opo si Rigs po.�

�Eh asan na si Gaspar?�

�Lola nasa heaven na si Lolo Gaspar.�

�Ha? Kailan pa?� tanong ng lola niya sa kanya.

�Lola, ten years ago pa.�

�Ha? Ang tagal na pala, pasensya na iho ha, akala ko asawa kita.�
Napangiti si Rigs, �Okey lang po yun.�

�Sige ha, pupuntahan ko muna sa kuwarto si Gaspar.� At bumalik sa


kwarto niya ang lola ni Rya.

Napailing si Rya, �Pasensya na ha, may Alzheimer�s kasi ang lola ko eh,
kaya lahat ng lalaking bisita naming napagkakamalan niyang si lolo.�

�Okey lang yun, I understand.�

�Pati nga si Teddy napagkamalan niya, naschock nga ang loko eh.�

Napatigil si Rigs, �T-talaga? Dinala mo si Teddy ditto?�

Tumango si Rya, �Oo, hinatid niya ako, remember yung di ako makalakad
dahil natalisod ako dahil sa takong.�

�Ah, hinatid ka ba niya non.�

�Oo, saka, dapat lang noh, siya naman ang may kasalanan non eh,
pinasuot pa niya sa akin yung sapatos na yun.�

�Hindi naman siya nagparamdam sayo?� tanong ni Rigs.

�Nagparamdam? Bakit naman siya magpaparamdam, multo ba siya?� sagot ni


Rya.

Huminga ng maluwag si Rigs, �Akala ko nanliligaw na.�

�Ano?�

�Ha� wala.� Sagot ni Rigs.

Kumakain ng tsitsirya si Lina nang mapansin niya na nakahalumbaba si


Rya at mukhang malayo ang iniisip.

�Hoy miss, ano yang dnidaydream mo riyan?� tanong ni Lina sa kanya.

�Wala napapag-isip lang ako.�

�Eh ano nga yang iniisip mo? Ay hindi pala, sino ba yang iniisip mo, si
Rigs? Ano, nagtapat na ba siya sayo?� excited na tanong Rya.

�Anong tapat-tapat ka riyan? Hindi noh, saka in case man na magtapat


siya sa akin hindi ko siya paniniwalaan, eh ang galing mambola non noh.�

�Tange kaya ka nga binobola kasi type ka niya.�

�Ay pwes, hindi niya ako madadaan sa mga bambobola niya.�

Binatukan ni Lina si Rya, �Ang arte mo, ang swerte mo kamo kung
sakaling manligaw yun sayo, isa siya sa may pinakaguwapong mukha ditto sa
engineering, kaya nga naging escort mo eh.�

�May pagkaluko-loko nga lang saka may pagkamayabang pero mare


infairness ha, kung kikilalanin mong mabuti yang si Rigs, hindi naman siya ganon
kayabang may pagkadown to earth naman siya sa other side niya. Hindi siya
mapagmataas, may pagkasimple rin ang personality niya. Siguro sabihin nating
papampam lang talaga siya.� Sabi ni Rya.
�Uy� mukhang malalim na yata ang pagkakakilala mo riyan kay Mr. Pogi
ha.�

�Sus, friends lang kami noh.�

�Ang landi mo showbiz ka talaga.�

Sa gitna ng pagtutuksuhan nina Rya at Lina ay dumating si Teddy.

�Rya��

Napatigil ang dalawa.

� Sumunod ka sa office, may pag-uusapan tayo.�

�S-sige.�

�Bilisan mo ha, naghihintay na ang mga officers.�

�Sige na susunod na ako.� At umalis na si Teddy.

�Sige na nga mare, tawag na ako ni Mr. Sungit.�

Natawa si Lina, �Sige na, mapagalitan ka pa niyang boss mo.�

�As if pinapasweldo niya ako noh.�

�Tumigil ka, sponsor mo yan.� Sabi ni Lina.

Tumayo na si Rya para sundan si Teddy.

Umupo si Rya sa may meeting table sa tapat ng kinauupuan ni Teddy.

�Ano ba yan, wala pa ba si Rigs?� tanong ni Chubs.

�Nagtext siya sa akin, on the way na raw siya.� Sabi ni Teddy.

�Siguro sisimulan ko kasi kung hihintayin pa natin yang si Rigs ay baka


gabihin na tayo rito. Nagpameeting ako para sa magiging booth natin sa foundation
day. May mga choices tayo rito para sa magiging booth natin sa darating na
foundation�s day��

Pumasok si Rigs sa loob ng kwarto, �I�m sorry, I�m late.�

�Hay naku Rodrigo kailan ka ba naging maaga.� Sabi ni Chubs.

Tumabi si Rigs sa tabi ni Rya at nagngitian sila, napatingin naman si


Teddy sa kanila.

�Okey, katulad na nga ng sinabi ko, ito ang mga naisip naming booth sa
darating na Foundation�s day.�

Nagtaas ng kamay si Rigs, �Suggestion lang.�

�Ano ba yun, Rigs?� tanong ni Chubs.

�Wedding booth tayo, Buena mano kami ni Rya.�


Pinalo ni Rya ang braso ni Rigs, �Ano ba? Magtigil ka nga.�

�Nakuha na yan ng Comm Arts.� Seryosong sinabi ni Teddy.

�Ahhh, sayang.� Sabi ni Rigs.

�Well, nagkaroon na ng suggestions itong si Teddy.� Sabi ni Chubs,


�Pangperya ang dating ng booth natin, color matching, may roleta tayo na mayiba�t
ibang kulay tapos may table tayo na tatayaan ng ating mga customer.�

�Eh ano namang prize?� tanong ni John.

�Kapag kiss yan mula kay Rya, tatayaan ko ang lahat ng kulay para sure
win.� Sabi ni Rigs.

�Hoy, Rodrigo manahimik ka nga riyan. Nasa meeting tayo at hindi ito
ang oras para manligaw ka.� Sabi ni Chubs, �Ba�t di mo gayahin itong pinsan mong si
Teddy, napakaresponsible, maaasahan.�

�Siya naman ang vice president external, trabaho talaga niya yan.�
Sagot ni Rigs.

�Pwes hindi mo trabaho ang manligaw ditto.� Sabi ni Chubs at nanahimik


si Rigs.

�Ikaw kasi eh�� bulong ni Rya kay Rigs.

Sa break ng dance rehearsal ay napaupo muna sa hingal si Rya sa tabi


nila Jasmin at Luz.

�Shocks nakakapagod.� Sabi ni Rya sa dalawa.

�Buti pumasok na ang partner mo.� Sabi ni Jasmin.

Nakikipagkwentuhan naman si Rigs sa mga kandidato ng Mr. SJBU.

�Buti kamo maagang nagising ngayon, saka nahihiya na rin yan sa pinsan
niya.�

�Ay yung kapartner nung last practice natin.� Sabi ni Jasmin.

�Di ba ang iyong kapereha nang huli nating pageensayo ay si Teddy?�


sabi ni Luz.

�Oo, yung sponsor ko.�

�Aking nakalap na siya ay naging kasintahan ni Suzanne.�

�Noong hishschool pa sila non noh.� Sagot ni Rya.

�Kaya naman baka iniisponsor ka niya kasi gusto niyang kalabanin ang ex
niya ng patago.� Sabi ni Jasmin

Napatigil si Rya, �Ang ibig niyong sabihin, ginagamit niya ako para
makaganti sa ex niya. Hmp kaya pala pinahihirapan niya ako ng ganito. Akala mo kung
magsalita may concern sa course naming at sa scholarship yun pala may dark motives
siya sa likod ng lahat ng ito. Dapat malaman ko ang totoong motibo niya, dapat
malaman ko.�
�Eh, Rya, ano naman ngayon kung malaman mo ang totoo? Kailangan mo rin
naman ng scholarship di ba? Kailangan mo rin siya.�

Tumayo si Rya, �Kahit na, importante pa rin sa akin kung positive or


negative ang motives niya. mag-iimbestiga ako.�

Chapter 06: Investigation

�Natawagan ko na yung pwedeng gumawa ng mga gagamitin natin for the foundation�s
day, kinoordinate ko na rin ito sa treasurer natin.� Report ni Teddy kay Chubs.

�Hay naku Teddy, bravo, bravo, ang galing-galing mo talaga.� Sa


katuwaan ay napapisil ni Chubs ang balikat ni Teddy kaya napatingin si Teddy at
John ditto.

Tinapik ni Chubs ang balikat ni Teddy, �Good work, Teddy, good work.
Sige, may klase pa ako.� At lumabas ng opisina si Chubs.

�Alam mo dude, nagtataka na talaga ako riyan sa presidente natin,


mukhang type ka niya.�

Sinuway ni Teddy si John, �Tumigil ka nga, anong akala mo ron bakla?�

�Closet queen. Pwede naman yun di ba. Saka may alam siya pagdating sa
make up, saka lagi siyang panay papuri sayo. Feeling ko nga kapag tinitignan ka
niya, nagninnining ang mga mata niya.�

�Hay John, manahimik ka nga riyan, kinikilabutan ako sa mga sinasabi


mo. Nakakadiri.�

�Naku dude mag-ingat ka ha.�

�Bakit naman?�

�Baka mamaya mabaliw ka bigla patulan mo yun.�

�Tange ba�t naman ako mababaliw?�

�Masyado ka kasing seryoso eh.� Sabi ni John.

Kumatok si Rya sa pintuan ng office, �Hello po.�

�Oh di ba may rehearsal ka? Anong ginagawa mo rito?� sabi ni Teddy.

�Ito naman, pinag-iisipan agad ako ng masama, maaga po kaming natapos


ngayon noh.�

�Sure ka?� tanong ni Teddy.

�Kailangan ko pa ba ng mga dokumento na magpapatutunay na maaga kaming


pinauwi ngayon?�

�Eh anong ginagawa mo rito? Dapat umuuwi ka na.� Sabi ni Teddy.

�Ayaw mo talaga akong makita noh.�

�H-hindi naman, concern lang ako sayo, baka kasi bukas pupuyat-puyat
ka.� Sabi ni Teddy.
�Concern, kunwari ka pa. If I know may maitim kang balak.�

�Anong sabi mo?�

Umiling si Rya, �Ako may sinasabi, wala ah.�

�Alam mo tuwing nakikita ko yang si Suzanne, gandang-ganda ako sa


kanya.� Sabi ni Rya.

�Ano ka ba? Maganda talaga yang ex ni Teddy.� Sabat ni John.

�She�s very talented, smart, active, magaling sa lahat.� Dagdag pa ni


Rya.

�Naiinsecure ka na naman sa kanya. Pinapairal mo na naman yang


magseself pity mo ha at tapos ano sasabihin mo sa aking magquiquit ka na.�

Napikon si Rya kaya napatayo ito sa harapan ni Teddy, �Hoy may sinabi
ba akong nagsiself pity ako!�

�Hoy ka rin, alam ko na yang mga patutsada mong ganyan. Kabisado ko na


yang drama mo na yan. Susunod niyan mag-iinarte ka sa aking napanghihinaan ka ng
loob.� Sagot ni Teddy.

�Alam mo nakakainis ka talaga, parang sinabi ko lang na maganda ang ex


mo kung anu-ano na yang pinagsasabi mo.� Kinuha ni Rya ang bag, �Hmp, makauwi na
nga, tse!� at lumabas ng pintuan si Rya.

Sa gym ay natagpuan ni Rigs si Rya na nagtre-tread mill kay naman


nilapitan niyo ito.

�Miss Beautiful, himala yata, akala ko ba hate mo na itong gym eh ba�t


andito ka?� tanong ni Rigs.

�Nagrerelease lang ako ng init ng ulo riyan sa hinayupak mong pinsan.�

�Oh anong ginawa nun sayo?�

�Nakakapikon na kasi siya eh. Lagi na lang niyang iniisip na magquiquit


ako.�

�Kasi naman ang laki-laki na ng hinirap niya sayo. Eh teka, magquiquit


ka nga ba?�

�Ano ka ba naman, Rigs, naaksidente na nga ako�t lahat ditto sa pageant


na ito, aatras pa ako? Ang laki na rin kaya ng hirap ko rito.� Sagot ni Rya.

�Hay naku na-misintepret niya lang siguro yang sinabi mo. Sige na nga,
magshashower muna ako. Punatahan mo na lang ako sa locker rooom pagkatapos diyan,
ihahatid na kita.�

At tumango naman si Rya.

Pumasok si Rya sa locker room at agad siyang napatalikod nang makitang


nakatapi lang ng tuwalya si Rigs, Huh, ano ba yun? Abs ba ang tawag dun?

�Hey teka lang ha, magbibihis lang ako, hintayin mo na lang ako sa
labas.�
�S-sige.� At lumabas ng locker room si Rya.

Hininto ni Rigs ang sasakyan nang naging red ang ilaw sa traffic light
napansin nitong nakatingin lang sa bintana ang katabi niyang si Rya at di
nagsasalita. Kinuha niya ang isang kamay ni Rya at hinawakan ito.

Nabigla si Rya sa ginawa ni Rigs, �Hoy ano ba? Nagdadrive ka kung anu-
ano yang ginagawa mo.�

�Hayaan mong hawakan kita.�

�Hay Rodrigo ang weird mo talaga.�

Nang mag-Go na ang traffic light ay binitawan na rin ni Rigs ang kamay
ni Rya at pinagpatuloy ang pagdadrive.

Kinabukasan, nasa office sina Teddy, John at Chubs at pinag-uusapan ang


darating na foundation day.

�Siguro, Chubs mas patas kung magiging alternate ang shifting natin,
magpalabunutan na lang tayo para sa schedule ng shifting.� Advise ni Teddy.

�Okey, okey. Tama yan. Siguro ganon na lang ang gagawin natin.
Magpapatawag na lang ako ng meeting mamaya, I-ready niyo na lang yung mga gagamitin
natin. Maliwanag ba John?�

�Oo.� Sagot ni John.

�Sige, makakaalis na kayo at maiiwan muna ako rito, ditto na lang ako
mag-aaral.� Sabi ni Chubs.

�Sige.� Lumabas na ng kuwarto sila John atTeddy pero hindi pa sila


nakakalayo sa pintuan ng office ay hinila ni John si Teddy.

�Oh ano ba?� tanong ni Teddy.

�Para sayo rin ito Teddy, baka mamaya ni rirape ka na ng tabachoy na


ito di mo pa alam.� Sabi ni John. Sinilip ni John si Chubs sa office, tahimik itong
nagrereview sa loob ng office.

�May mapapala pa tayo sa panguusi mong ganyan, masama kaya yan.� Sabi
ni Teddy.

Nagcross legs si Chubs habang nagbabasa.

�Nagcross legs siya.� Sabi ni John.

�Lahat naman tayo nagkocross legs ha.�

Napansin ni John na nakapilantik ang mga daliri ni Chubs.

�Bading na bading talaga nakapilantik pa ang mga daliri niya.� dagdag


pa ni John.

�Ow? Patingin nga.� Napasilip din si Teddy sa office.

May pumasok na room na lumilipad na ipis at napatili si Chubs sa takot


sa ipis, �My gosh ipis.� Sa pagtili ni Chubs ay nagkatinginan ng lang ang dalawang
magkaibigan.
Naglalakad papuntang library si Rya nang makita niya si Teddy na
papasok din don lalapitan sana ni Rya si Teddy pero napatigil siyang ng makitang
nagkasalubungan sa pintuan sina Teddy at Suzanne. Agad siyang nagtago at di
nagpakita sa dalawa.

�Hi! How�s my ex?� ang tanong ni Suzanne kay Teddy.

�Obviously I�m fine.�

�eh kamusta naman yang kandidata niyo sa Miss SJBU? May laban ba?�
tanong ni Suzanne kay Teddy.

�Oo naman.� Ang sagot ni Teddy. �Masipag si Rya, she�s doing her best
to win in the contest.�

�Well let� s see, malapit na ang competition, good luck lang na lang sa
kandidata niyo.� Hinawakan ni Suzanne ang pisngi ni Teddy, �Good bye.� At iniwan na
ito saka tuluyan ng pumasok sa library si Teddy.

�Lumalakas na ang hinala ko Lina,, lumalakas na talaga. Ginagamit ako


ng Teddy na yan para sa paghihiganti niya.� sabi niya kay Lina.

�Naku pwede ba mare, kung totoo ngang naghihiganti yang si Mr. Sungit
eh wag mo ng intindihin kasi may mapapala ka naman sa maghihiganti niyang yun.�

�Ayoko non, nakakapangit yun sa image ko, magmumukha akong masama.�

�Bakit? Binalak mo rin bang paghigantihan yang si Suzanne? Di ba ang


gusto mo lang yang scholarship therefore, labas ka ron sa vengeance niyang si
Teddy.�

�Dapat talaga sumariling kayod na ako sa contest na ito, hindi na dapat


ako umasa sa Teddy na yan.�

�Hoy, mag-isip ka nga, saan ka kukuha ng pera panggastos mo diyan sa


contest na yan. Pagtiyagaan mo na lang yang si Teddy, pasalamat ka na lang at may
willing tumulong sa iyo.� Sabi ni Lina.

Nang kunahapunan nun ay nagpunta sa mall sina Teddy at Rya para


magtingin ng mga damit na susuotin ni Rya sa contest.

�Hoy wag kang pipili ng mahal ha, baka mamaya samantalahin mo ako,
isipin mo bibilin ko lahat para sayo.�

�Huh, hindi ako marunong manamantala noh, baka ikaw?�

�Ano?�

�Wala.�

Napatingin si Rya sa isang gown na nakadisplay sa isang boutique,


�Maganda yun di ba?�

�Naku mamahalin diyan, wag diyan.�

�Baka sa kakuriputan mo ay wala na akong maisuot.� Sabi ni Rya. Naispi


ni Rya ang paghihiganti ni Teddy, � Alam mo Teddy may soap opera akong napanood
kahapon tungkol paghihiganti.�
�Paghihiganti?�

�Naghihiganti kasi yung bidang babae ron sa taong pumatay sa nanay


niya. Nang nakapaghiganti siya ay saka niya narealize na kahit nagtagumpay siya sa
revenge niya ay di pala siya masaya, puro poot lang ang nararamdaman niya. Hindi pa
rin siya masaya Teddy kasi hindi paghihiganti ang magpapaligaya sa isang tao.
Teddy, masama ang maghiganti.�

Napahinto si Teddy sa paglalakad,� Eh ano naman ngayon sa akin yang mga


kinukwento mo?�

�Wala, sinasabi ko lang.� At nagpatuloy uli sila sa paglalakad.

Nagtitingin ng swim suit sina Rya at Teddy. Kinuha ni Teddy ang isang
one piece na suit at ipinakita kay Teddy. �Bagay kaya ito sa akin.�

�Pwede na yan, para hindi mahalata yung mga bilbil mo.�

�Hoy, wala na po akong puson noh, ikaw ba naman ang maggym at dance
rehearsal araw-araw tignan ko lang kung di ka mawalan ng fats sa katawan.�

Ngumiti si Teddy, �Oo na, oo na, sexy ka na. Sige mamili ka na lang
diyan at sukatin mo, magwiwithdraw lang ako sa ATM.�

�Sige.� Lumabas ng department store si Teddy.

Ilang sandali ay dumating si Suzanne kasama ang mga kabarkada niya,


�Girls, look who�s here.�

Napatingin si Rya kina Suzanne, �Ang muse ng Mechanical Engineering.


Namimili ka rin ba?�

Tumango si Rya, �Actually kasama ko si Teddy, lumabas lang siya.�

�Wow, at ginawa mo pa palang chaperon ang ex ko. Ang ganda mo rin naman
talaga. Teka are you looking for a swim suit.�

�Oo sana, gagamitin ko sa contest.�

�Talaga? Alam mo kung may makikitang swim suit na long sleeve at


mahaba-haba, I suggest na yun ang kunin mo, yun kasi ang bagay sayo.�

At nagtawa ang mga kaibigan ni Suzanne.

Gusto na sanang magwala ni Rya dahil sa kagaspangan ng ugali ng babaeng


yun pero alam niyang kailangan niyang kontrolin ang sarili niya.

�By the way, regards na lang kay Teddy, we have to go. Bye.� At umalis
na sila Suzanne.

�Hmp, mapapalaban talaga ako sa baabeng yan!� sabi niya sa sarili niya.
napadampot niya ang isang two piece na swim suit na naka hang. �Tignan lang natin
kung sino ang dapat magsuot ng mahabang swim suit.� At pumasok na siya sa fitting
room para isukat ang two piece na nadampot niya.

Chapter 07: Booth!

�Sigurado ka ito ang isusuot mo? Sure ka sinukat mong mabuti ito? Bagay ba yun
sayo?� tanong ni Teddy habang naglalakad sila sa mall at bitbit niya ang two piece
na ipinabili ni Rya sa kanya.

�Alam mo, ikaw, nakakainis ka na? Kanina mo pa pinaulit-ulit yang questions na yan
sa akin. Sinukat ko na nga yan ng mabuti. Bumagay po sa akin, as in bagay na bagay.
Wala ka bang tiwala sa akin?� tanong ni Rya sa kanya.

�Ayoko lang mapahiya ka sa contest.�

�Ano ka ba, as if gusto kong ipahiya ang sarili ko.� Sabi ni Rya, �Hindi ka
mapapahiya promise.�

�Siguraduhin mo lang ha.�

�Talaga, luluwa pa ang mata mo sa ganda ko.�

Kinuwento ni Rya kay Lina ang unforgettable experience niya kay Suzanne sa
department store.

�Naku Lina kung nakita mo lang yung kamalditahan nung babaeng yun. Tama talaga yang
si Rigs eh, hindi talaga maganda ang character niya saka hindi na ako nakakapagtaka
kung bakit gustong-gusto siyang gantihan niyang si Teddy.�

�Ngayon naman, okey na sayong gamitin ka ni Teddy.�

�Siyempre hindi pa rin noh, pero ipapakita ko lang sa kanya kung sino ang babaeng
nilalalait-lait niya. feeling maganda siya ha, eh maputi lang siya, bagay na bagay
sa kanya ang role na white lady sa Balete Drive dahil kaputian niya. in short,
mukha siyang chalk, bagay na bagay sila ng black board.� Mataray na sinabi ni Rya.

Nag-aayos ng booth sina John at Teddy nang dumating si Rigs.

�Hi! Nakita niyo ba si Rya?�

�Napansin ko siya sa canteen kasama si Lina.� Sabi John.

�Ah okey, thanks.� At nagpuntang canteen si Rigs.

�Tignan mo yang magaling mong pinsan, di man tayo tulungan ditto, puro panliligaw
na lang ang iniintindi. Sa tingin mo ba pare, sasagutin ni Rya yun.�

�Malay ko at pakialam ko.� Bumaba si Teddy sa stool na tinutuntungan niya at


pagbaba niya ay dumating si Chubs.

�Kamusta na kayo riyan?� tanong ni Chubs sa mga gumagawa.

�Ayos naman.� Sabi ni Teddy.

�That�s good, ang ganda-ganda nitong booth natin.� Tinapik niya ang balikat ni
Teddy, �Ang galing-galing mo talaga Teddy.�

Napatingin si John sa kanila.

Inakbayan ni Chubs si Teddy, �You really deserve to be in that position. Keep up


the good work.�

Habang nakaakbay ay tinignan ni Teddy ang kamay ni Chubs na nakaakbay sa kanya, �By
the way, I have to go to the office muna at may aasikasuhin lang ako.� At umalis si
Chubs.
Pagkaalis ni Chubs ay bumaba sa ladder na tinutuntungan niya si John at binulungan
ang kaibigan, �Para, naka-tsansing yun sayo ha.�

�A-ano ka ba? Wala yun. Akbay lang yun.�

�Ang kapal ng mukha noh, sinabihan kang deserving for the position eh siya, sure ba
siyang deserving siyang maging presidente natin, eh wala nga siyang ginagawa kundi
mag-utos.�

�Baka natatakot pumayat.� Sabi ni Teddy. Pagkatingin ni Teddy sa isang booth ay


nakita niya sina Rigs at Rya na magkasama.

�Oh bakit?� tinignan ni John ang tinitignan ni Teddy, nakita rin niyang nagdadart
ng lobo si Rigs kasama si Rya.

�Aba, anong akala nila, nasa peryahan sila.�

Pumalakpak si Rya dahil may tinamaang lobo si Rigs at ibinigay ni Rigs ang monkey
na stuff toy na prize niya kay Rya.

�Oh how sweet.� Sabi ni John.

�Parang magkahawig si Rigs saka yung stuff toy.� Napatingin si John sa sinabing
iyon ni Teddy.

�Halika na nga magtrabaho na tayo.� Sabi ni Teddy.

�I smell something fishy huh.� Sabi ni John sa sarili niya.

Dala-dala ni Rya ang stuff toy habang naglalakad sila sa isang garden sa
University.

�Ang galing-galing mo naman pala sa mga ganong tirahan.�

�Ah medyo, tapos inspired pa ako kasi kasama kita.�

�Hay naku umiral na naman yang pagkabulero mo.�

�Hindi bola yun, totoo yun.�

�Kahit na noh, basta galing sayo bola yun.�

�Iniisip ko tuloy kung paano kita magiging girlfriend kung ang tingin mo sa akin ay
bolero. Rya, wala bang pag-asa ang bolerong ito sayo?�

Napatingin si Rya kay Rigs, �Ayoko muna kasing isipin yan Rigs, gusto ko munang
iprioritized ang pag-aaral ko. Kaya nga ako nagtitiis sa pageant-pageant na ito
dahil gusto kong makatapos. Sorry ha.�

Tumango si Rigs, �Kaya nga ba I doubted kung liligawan kita, alam kong you really
want to finish your studies. Pero Rya, isipin mo man kung bola ito o hindi pero ito
ang totoo.� Hinawakan niya ang kamay ni Rya, �I like you.�

Namula si Rya sa sinabi ni Rigs, hindi niya alam kung ano ang sasabihin kay Rigs.
Natauhan na lang sila ng marinig nilang nagkakagulo sa marriage booth.

�Ano yun?� tanong niya kay Rigs.


�Tignan natin.�

Nagpunta silang dalawa sa Wedding booth at nakita nila si Suzanne na nakasuot ng


pangkasal at sa kabila ay hinihila ng mga MassCom students si Teddy papunta kay
Suzanne.

�Oh, shet. Si pinsan.� Nasabi ni Rigs.

Napatingin lang si Rya sa mga nangyayari, nabagkas niya sa mukha ni Teddy na parang
napipilitan lang ito dahil naka chain siya.

�Suzanne?� sabi ng kukunwariang pari, �Will you accept Teddy as you lawful husband?

�I do.� Agad sinabi ni Suzanne.

�Teddy, will you accept Suzanne as your lawful wife?�

Matagal na di sumasagot si Teddy, hinintay ng lahat ng nakikiusyoso ang sagot niya


pero di ito makasagot napansin na lang ni Rya na napatingin sa kanya si Teddy, ha?
Ako ba yun? Bakit tumingin sa akin si Teddy?

�I repeat��

�Oo na, oo na, matapos na lang to.� Sabi ni Teddy.

�Okey, and now I pronounce you as husband and wife, you may now kiss the bride.�

Dinampi ni Teddy ang pisngi niya sa pisngi ni Suzanne, �Oh ayan okey na.� Inalis ni
Teddy ang chain sa kanya saka umalis ng booth.

Napailing si Rigs sa kanila, �Ang sama talaga nila.�

�Ano ba yan nilayasan ako, hindi pa naman kami naghahoney moon.� Sabi ni Suzanne at
nagtawa ang mga kasamahan niya.

Sinundan ni Rya ng tingin si Teddy, Bakit kaya siya tumingin sa akin?

�Dapat tol magbagong buhay ka na kasi iba ang buhay may asawa.� Sabi ni John kay
Teddy habang nagbibilang sila ng pera.

�Tumigil ka nga riyan. Kung totoong kasal yun magpapa-annul na ako ng marriage.�
Sagot ni Teddy.

�Talaga bang wala ka ng something diyan kay Suzanne.�

�Ano pa ba ang something don ha? Ayoko na nga sa babaeng ganon ang ugali.� Sabi ni
Teddy.

�Eh sino na ba ang tinitibok ng puso mo?�

Nang tinanong yun ni John ay siya namang pagdating ni Rya.

�Oh, ba�t andito ka pa?� tanong ni Teddy kay Rya.

�Wala lang, wala kasing rehearsal ngayon eh. Nagkukuwenta na kayo, pwedeng
tumulong?�

�Tamang-tama, gusto ko na ring umuwi eh.� Ibinigay ni John ang money box kay Rya,
�Ikaw na ang magpatuloy ha.�

Tumayo si John at kinuha ang gamit niya, �Sige tol, una na ako maiwan ko na kayong
dalawa riyan.�

Nagumpisa ng magbilang ng pera si Rya, �Am� Teddy. Anong feeling?�

�Anong feeling?�

�Yung feeling ng ikinakasal?�

�Hay, akala ko naman nakauwi ni si John, nag-iwan pa pala siya ng espiritu rito.�

�Nagalit ka ba sa kanila?� tanong ni Rya.

�Nairita lang ako, pero yun ang trip nila, its just a joke, pinagbigyan ko na
lang.� Sagot niya habang itinatago na ang pera sa money box na hawak niya.

�Ang laki rin ng kinita ng booth natin noh.�

�Tapos ka na ba riyan?�

�Matatapos na.�

�Baka mamaya sa kakatanong mo riyan, nagkamali-mali ka na ng bilang.� Sabi ni Teddy


at pinaikot niya ang roleta, �Anong favorite color mo?�

�Yellow saka blue, eh ikaw?�

�Brown.�

�Brown? Lupa?�

�Lucky color ko yun noh.�

�Naniniwala ka pa ba sa mga lucky color na yan eh hindi ka naman intsik.�

�Totoo yun, ayaw mong maniwala ha, tataya ako sa brown, kapag itong roleta tumama
sa brown anong gagawin ko sayo?�

�Ikaw ang bahala, basta hindi mahalay.�

�Oh sige.� Pinaikot ni Teddy ang roleta, �Brown, brown, brown.�

Himala namang tumapat ang arrow sa brown, �Yes!!! Sabi ko sayo lucky color ko yan
eh. Oh ano eh di talo ka, kukunin ko na ang price ko?�

�Oo na, ano bang gagawin mo sa akin?�

Kinuha ni Teddy ang braso ni Rya at akmang pipitikin ito.

�Hala masakit yan.� Napapikit si Rya.

Nang palapit na ang kamay ni Teddy sa braso ni Rya ay napatingin siya sa nakapikit
na dalaga saka hinila ang braso nito para ilapit si Rya sa kanya at hinalikan sa
pisngi.

Nagulat si Rya sa ginawa ni Teddy kaya agad siyang napabukas ng mata at napatingin
kay Teddy.
Chapter 08: Preparation Time

�Oh ayan nakuha ko na yung prize ko.� Sabi ni Teddy.

Namula si Rya, �Ha? Yun na ba yun?�

�Teka, tapos na ba yang binibilang mo?� tanong ni Teddy sa kanya.

�Hindi pa nga eh. Teka nasaan na ba ako. Naku, nagulo na yung binibilang ko.�
Napakamot ng ulo si Rya.

�Ano?�

�Ikaw kasi eh, pa-wheel of fortune, wheel of fortune ka pa.�

�Akin na nga yan, tulungan na lang kita sa pagbibilang niyan.� Kinuha ni Teddy ang
moneybox at nagsimulang magbilang.

Nang mapansin ni Lina na kanina pa tulala ang kaibigan niya ay niyugyog niya ang
balikat nito, �Hoy gising!�

�Ano ba? Lina?�

�Kanina ka pa kasi tulala. Ano ba yang iniisip mo? � tanong ni Lina.

�Iniisip ko? Y-yung contest, malapit na kasi.�

�Hoy wag mo ngang pagkaisipin yun, baka mamaya riyan manginginig ka na naman sa
kaba. Naku ha, Ryana sinasabi ko sayo, once na napahiya ka sa pageant na yun,
idideny kong friend kita.�

�Ito naman ang sama mo naman, kung ikaw kaya ang humarap sa madaming tao tignan ko
lang kung di ka mamatay sa kaba.�

�Oh sige na, sure ka ba pageant yang iniisip mo o boylet?�

�Sinong boylet? Si Teddy?�

�Oh paano mo naman naging boylet ang Mr. Sungit na yun ang ibig kong sabihin si Mr.
Pogi, ang sweet niyo kahapon eh, kayo na ba?�

Umiling si Rya, �Hindi sweet lang talaga siya.�

�Sweet kasi type ka niya.�

�Hay Lina, tumigil ka nga.�

�Mare kahit ang ikli ng buhok mo, feeling ko lampas na lampasan na sa campus ang
haba ng buhok mo.� Panunukso ni Lina sa kanya at kumanta pa siya ng� �Uy, Rigs,
Rigs mo ay nakakasilaw.�

Natawa na lang si Rya sa kanya.

Inikot ni Rya sa harapan ni Chubs ang gown na sinusukat niya. Color gold ito at pa-
tube ang style. Tumayo si Chubs at tinignan si Rya mula ulo hanggang paa, �Parang
may kulang, perfect na sana pero may kulang.�

Nagkatinginan sina John at Teddy.


Tinignan ni Chubs ang buhok ni Rya, �Kung ipa-extension kaya natin ang buhok niya.
Tama, extension ang kailangan niya.�

Nagpunta agad sina John, Rya at Teddy sa parlor para palagyan ng extensions si Rya.

�Alam mo tol, lugi na tayo sa ginagawa nating ito kay Rya eh.� Sabi ni John habang
hinihintay nila si Rya, �Mas malaki pa ang nagastos natin kesa sa makukuha natin in
case na manalo yang si Rya.�

�Wag mo ngang problemahin yun, baka nakakalimutan mo, ako ang sponsor niyan.�

�Isa pa nga yung palaisipan sa akin tol, ba�t ka naman pumayag na paggastusan si
Rya ng ganyan. Gusto mo ba talagang ipamukha riyan kay Suzanne na may mas maganda
pa sa kanya?�

�Maraming akong dahilan kung bakit ko ito ginagawa? Noong una, inaamin ko gusto
kong ipamukha kay Suzanne na hindi lang siya ang maganda sa mundong ito kaya I
challenged Rya na tapatan siya, pero habang tumatagal nadadagdagan na rin ang mga
motives ko. Gusto kong bigyan ng karangalan ng Organization natin bago man lang
tayo makagraduate at ang pinakadahilan ko na ngayon ay para makuha ni Rya ang
scholarship na kailangan niya. Nakita ko kasi yung pagtitiyaga ng tatay niya sa
talyer para maitaguyod siyang mag-isa, nakita yung problem sa family nila, yung
condition ng lola niya kaya nga I want to help her sa abot ng makakaya
ko.�Paliwanag niya sa kaibigan.

�So, si Rya na talaga ang dahilan mo ngayon kaya mo ginagawa yan.� Sabi ni John.

Tumango si Teddy.

�Hoy bagay ba?� Tanong ni Rya sa kanila pagkalabas nito sa salon.

Napatulala sila Teddy pagkakita kay Rya, halos di na nila makilala ito dahil
naextend hanggang lampas sa balikat ang buhok niya at kinulot pa ang dulo nito.

�Rya, ikaw ba yan?� tanong ni John sa kanya.

�Ang o-OA niyo, parang humaba lang ang buhok ko di niyo na ako makilala, eh kung
pag-uuntigin ko kaya kayo.�

Natawa ang dalawa sa kanya, �Si Rya ka nga.� Sabi ni Teddy.

Sa rehearsal ay tinigtignan ni Rigs at Rya ang mga naging resulta ng kanilang


pictorial.

�Grabe Rigs, ang photogenic mo talaga para ka talagang model.� Papuri niya sa
kasamahan.

�Eh model naman talaga ako eh. Hindi pa nga lang ako nabibigyan ng exposure.�
Lumalabas na rin kasi si Rigs sa mga commercial at rumarampa na rin para magmodel
ng mga damit. �Patingin naman ng pictures mo.� Kinuha ni Rigs ang mga litrato ni
Rya at tinignan ito, �Bagay naman sayo ang magpakababae, magpakababae ka na lang.�

�Ano ka ba? Babae naman talaga ako.�

Kumuha si Rigs ng isang picture ni Rya at inilagay ito sa wallet niya, �Arbor ko na
lang ito ha.�

Napangiti si Rya, �Nakuha mo na eh.�


Biglang pinatawag ang mga candidates for Mr. SJBU kaya iniwan muna siya
ni Rigs.

Nang makaalis na si Rigs ay lumapit sa kanya si Suzanne, �Ganyan na ba ka broken


hearted si Teddy sa akin para pagkaabalahan ka niya ng ganyan?�

Napakunot ng noo si Rya, �Ha?�

�Siguro naman aware ka sa mga balakin niyang bosing-bosingan mo, ginagamit ka lang
niya para kalabanin ako. Pwes sabihin mo riyan sa magaling mong sponsor na hindi
niya ako makakalaban.�

�Eh ba�t di mo na lang sabihin sa akin yan ng diretso?� napalingon si Suzanne at


nakita niya si Teddy na nasa likuran niya.

�Ba�t naman kita kakalabanin Suzanne? Aminado naman ako na wala ng pwede kumalaban
sayo, pwedeng kumalaban sa kagaspangan ng ugali mo.� Sabi ni Teddy.

Inirapan lang ni Suzanne si Teddy saka umalis.

Pag-alis ni Suzanne ay napahinga ng maluwag si Rya, �Hay di ko kinaya yun ha,


salamat dude ha.�

�Dapat lang yun, hindi ka naman dapat madamay sa gulo namin non ni Suzanne.
Tinatama ko lang siya.� Inayos ni Teddy ang damit ni Rya, �Wag mo ng isipin yun.
Ang isipin kailangan mong makuha ang scholarship.�

Tumango si Rya, �Salamat talaga ha, salamat sa lahat ng itinulong. Manalo o matalo
man ako rito, hindi ko makakalimutan yung mga itinulong mo sa akin.�

�Walang anuman yun.�

Pinatawag naman ng mga organizer ang mga kandidata ng Miss SJBU.

�Sige na, pinapatawag ng kami.�

Pagkaalis nila Rya ay tinignan ni Teddy ang poster ng Mr. and Ms. SJBU, nakapost
don ang mga pistures ng mga kandidato at kung paano sila maiboboto throurh text.
Kinuha ni Teddy ang cellphone niya at sinumulang iboto si Rya. Kailangan mong
makuha ang scholarship, Rya. Kailangan mo yun.

Sa stage ang naggeneral rehearsal na ang mga kasali sa Mr and Ms SJBU. Una muna ay
rumampa muna sila sa stage, saka sumayaw. Nang magbreak sila sa rehearsal ay
namahinga muna sa gilid ng stage sila Rigs at Rya.

�Nakakapagod noh.� Napansin ni Rya na kanina pa kumakanta ng pang Justin Timberlake


na kanta si Rigs. �Yan ba ang sa talent portion mo.�

Ngumiti si Rigs, �Ikaw anong gagawin mo sa talent portion?�

�Hindi ko alam eh, wala akong maisip.�

�Wala pa, ano ka ba, sa makalawa na ang pageant, wala ka pa ring gagawin sa talent
portion, baka magkalat ka ron.�

Nagkibit balikat si Rya, �Bahala na nga.�

�Friend ang galing-galing mo talaga friend!� patiling sinabi ni Lina habang palapit
siya kay Rya.

�Bakit ba?�

�Pumapangalawa ka sa text votes.�

�Ow?� hindi makapaniwala si Rya.

�Mare, ang lakas pala ng charisma mo. Tapos sa lalaki nangunguna ka Rigs, ang pogi
mo talaga.�

�Talaga? Wow.� Reaksiyon ni Rigs, �Eh sino ba ang nangunguna sa babae?�

�Yung taga Educ. Yung Jasmin. Kasi naman ang tsika, talaga raw nagkaisa ang buong
English department na tulungan yang si Jasmin dahil kailangan talaga niya ng
scholarship, pero mare, ito ang mas nakakalokang balita yang kamalditahan mong si
babaeng chalk�. Nasa least.�

�Ow, hindi nga?�

�Sabi ko naman sayo Rya, marami talagang naasar diyan kay Suzanne.� Sabi ni Rigs.

Napahalumbaba si Rya, �Sino kaya yung bumoto sa akin?�

�Siyempre sinuportahan ka ng buong Mechanical Engineering, may tiwala naman kasi


sila sayo. Ako , binoto kita.� Sabi ni Rigs.

�Hoy count me in noh, supporter mo rin ako, binoboto rin kaya kita araw-araw. Pati
nga boyfriend ko inuutusan kong iboto ka.� Sabi naman ni Lina.

�Naiyak naman ako ron, sobrang thank you talaga sa inyong lahat ah.�

Sa araw ng pageant ay abala ang lahat ng kalahok at ang mga kasamahan nila sa pag-
aayos. Kahit si Lina at halos magpanic na sa kakacheck ng mga susuotin ni Rya.

�Naku, ano ba yan kinakabahan na ako para sayo mare.�

Nakaharap naman sa salamin si Rya at nagpapaayos, �Oo nga eh.� Sa katabi niya ay
napansin niya si Jasmin na tahimik lang na nakatingin sa salamin., �Jazz, are you
okey?�

Hinawakan ni Jasmin ang dibdib niya, �Kinakabahan ako. Kailangan kong manalo, para
sa pamilya ko at para maipagpatuloy ko ang pag-aaral ko.�

�Maraming sumusuporta sa yo Jasmin, di ba sabi mo sa akin mananalo ko, ngayon


sasabihin ko sayo, mananalo ka rin. Go lang tayo ng go di ba?�

Ngumiti si Jasmin, �Salamat talaga Rya, pinalalakas mo ang loob ko.�

�Kaya natin ito!� cheer ni Rya sa kanya.

Sa likod ng stage ay nakapila na si Rya suot ang gown niya pero hindi pa rin
dumarating si Rigs para escortan siya. Dahil sa nagwoworry na si Rya ay nilapitan
ni Lina sina John at Teddy, �Guys ano ba yang si Rigs bakit wala pa rin?�

�Naipit daw siya sa traffic.� Sabi ni Teddy.

�Mag-iistart na tayo, ready na.� Sabi ng organizer sa mga candidates.


Napatingin si Teddy kay Rya, bagkas sa mukha nito ang pag-aaalala at pagkatakot na
mag-isa lang siyang rarampa sa stage.

�Dude, anong gagawin natin?� tanong ni John sa kanya.

�Iproproxy ko muna si Rigs.� Kinuha ni Teddy ang blazer niya at isinuot yun saka
lumapit kay Rya.

�I�m sorry, I�m late.� Bago pa naman lumapit si Teddy kay Rya ay naunahan na siya
sa paglapit ni Rigs, �Sobrang traffic kasi.�

�Akala ko di ka na makakarating, malapit na akong umiyak rito eh.�

Niyakap ni Rigs si Rya, �You don�t have to worry andito na ako.�

Hinubad ni Teddy ang amerikana niya saka lumapit muli kina John, �Andiyan na pala
siya.�

Habang nakaupo sa harapan ng stage sina Teddy, John at Chubs, ay di maiwasan ni


Teddy ang mapatingin sa relos niya di rin maalis ang kaba niya para kay Rya.

�Ladies and Gentlemen!� panimula ng host ng pageant na iyon, �May we present to you
our candidates for this school year, Mr. and Ms. St John the Baptist University!�

Chapter 09: And the Winner is�

Suot ang kanilang mga formal attire ay rumampa ang mga kandidata sa may stage isa-
isang nagpakilala sa audience.

�Good evening to all of you.� Bago pa naman magsalita si Rigs ay nagtilian na ang
mga bakla at babae pati na rin si Chubs na kanina�y tahimik ay napatili na rin ng
makita si Rigs kaya nagkatingan muli sina John at Teddy. �I�m Rodrigo Alegre.�

Sumunod naman na nagsalita sa mic si Rya, �And I�m Ryana Magbanua and we are
representing Mechanical Engineers Society.�

Habang nagtatalent portion ang mga kasamahan ni Rya ay


sumisilp siya sa stage para panoorin ang mga nagpeperform. Merong mga kumantang
katulad ni Luz na kinanta ang kantang �Ang Bayan Ko.�, nag sing and dance si
Suzanne na mala-Jennifer Lopez ang dating at ganun din di Rigs na nagmala Justin
Timberlake na bago pa tapusin ang performance niya ay initsa ang T-shirt niya sa
audience kaya pinag-agawan ito ng mga babae at bading, pero hangang-hanga siya kay
Jasmin, na ginawang monolougue ang Desiderata.

�To show to us her performance today, let�s call on the muse of


Mechanical Engineers Society, Miss Ryana Magbanua.�

Pumasok si Rya sa stage na dungis na dungis at may dalang plastik at


nagulat naman ang lahat ng pumanik din doon si Lina na nakaduster at humiga sa
gitna ng stage, �Inay, kamusta na po kayo, ayos na po ba ang pakiramdam niyo?�

Pumagitna si Rya sa stage at lumuhod sa harapan ni Lina, �Nay, nay,


andito na po ako. Bumili po ako ng pansit para sa inyo. Nay gumising ka na�. Nay?
Nay?� biglang umiyak at niyakap ang nakahandusay na si Lina, �Nay, nay? Ba�t niyo
ako iniwan? Nay di ba sabi niyo magsasama pa tayo ng matagal.�

Napayuko si Teddy at tahimik na nagtatatawa.

�Nay, Diyos ko, bakit niyo po kinuha ang nanay ko, inay�.inay.� tumayo
si Rya at nagbow.

�Do you wanna get hot?!� tanong ng host sa audience at nagsigawan ang
mga nanonood, �This is the portion that you are all waiting for, let�s now see our
candidates wearing their swim wear.�

Napayuko muli si Teddy at taimtim na nagdasal, �Lord, kinakabahan po


ako sa suot niyang swimsuit wag po sanang mahalata ang mga taba niya sa katawan.�

�Wow ang sexy niya!� sabi ni John.

Pagtingin ni Teddy sa stage ay naglalakad si Rya suot ang binili ni


Teddy na two piece, napanganga si Teddy sa kanya nang makita ang sexy na sexy na
katawan ni Rya.

�Ikaw ba naman ang maggym araw-araw hindi kasesexy ng ganyan, ang


galing mo talaga dude.� Sabi ni John kay Teddy.

Napansin naman ni Suzanne na nasa stage din na si maaalis ang tingin ni


Teddy kay Rya, kaya napataas niya ang isang kilay niya.

Inanounce na texters choice award sina Jasmin at Rigs dahil sila ay may
pinakamataas na boto sa text. Naging Miss Talent din si Jasmin, habang best in
swimsuit at Miss Photogenic naman si Suzanne. Dahil sa mga awards na ito ay lalong
lumalabo ang pag-asa ni Rya na makasama man lang siya sa top 3.

Sa dressing room bago I-announce ang top 3 ay panayang congrats kay


Jasmin dahil sa mga awards na natanggap nito. Napansin ni Jasmin na si Rya naman
ang tahimik sa isang tabi. �Anong problema mo? Kinakabahan ka pa rin ba?�

Tumango si Rya, �Sana kahit man lang sa Top 3 makasali ako. Kailangan
ko kasing makuha ang scholarship talaga.�

Hinagod ni Jasmin ang likuran ni Rya, �Di ba ikaw na ang sumunod sa


akin sa text votes, kaya may pag-asa ka pa. Saka sabi ko naman sayo di ba, mananalo
ka, mananalo tayong dalawa.�

Napayakap si Rya kay Jasmin.

Humilera ang mga kandidato muna sa Mr. SJBU para I-announce ang top 3.

�Actually, itong top 3 na ito sure winner na to kasi silang tatlo ay


sure na may scholarship sa ating alma matter.� At nagpalakpakan ang mga audience,
�Let�s announce the top 3�. Let�s call on, mabuhay ang mga engineering students,
Rodrigo Alegre of Mechanical Engineers Society.� Nagtilian ang mga bading at babae
pagkatawag sa pangalan ni Rigs ang iba pa nga ay sumisigaw ng �I love you Rigs!�

Ang mga Miss SJBU naman ang nakahilera para I-announce ang winners,
�Okey for our firat scholar, let us call on, Miss Jasmin Gonzales of BS English.�
Halos mangiyak-ngiyak si Jasmin pagkarinig ng pangalan niya.

Napayuko si Teddy at napapikit, Lord please, she need this.�

�Ang pinakahinihintay nating lahat ang huling scholar�. It�s a lucky


for our Mechanical Engineering students, Miss Ryana Magbanua.� Napaiyak sa tuwa si
Ryana.

Bago magquestion and answer portion ay nagbreak muna ang contest.


Bumaba sa stage si Ryana at sinalubong ng yakap ang tatay niya, �Tay makakapag-aral
na ako next sem.�

�Congatulations anak, sabi ko naman sayo kaya mo eh.� Sabi ng tatay


niya.

�Congrats mare, sabi ko naman sayo napakaganda mo.� Bati sa kanya ni


Lina.

Hinanap ni Rya si Teddy, �Teka, asan na si Teddy.�

�Ay lumabas lang sila nila John.�

Sa lobby ng theater ay naglalakad palabas sina Teddy at John, �Pare ang


galing mo, panalo alaga mo.�

�Hay kung alam mo lang kung gaano ako kinabahan sa kanya.� Habang nasa
lobby ay nasalubong nila si Suzanne na nakairap sa kanila.

�Uh-oh, si Miss Photogenic andito.� Sabi ni John, �I-cocongrats mo ba


kami sa pagkapasok nila Rigs at Rya sa top 3?� tanong niya kay Suzanne.

�At bakit naman?� mataray na sagot ni Suzanne, �Ako pa rin naman ang
pinakamaganda sa pageant, kaya nga ako naging Miss Photogenic at Miss Swim wear.�

�Alam mo Suzanne kung anong problema mo.� Sabi ni Teddy, �You keep
thinking na physical beauty lang ang magiging basehan ng mga tao para hangaan ka,
idolohin ka at sambahin ka. I�m so sorry Suzanne, what mekes a person fairest of
them all is their character and attitude. Yun naman talaga ang basehan ng pagiging
Miss SJBU di ba? Ang maging role model ng buong University and unfortunately, wala
ka non.�

�Wow, Teddy, ganyan ka na ba kabroken hearted sa akin para sabihan mo


ako ng ganyan.�

�Wow din, sino ba ang nagsabi sayong affected pa rinako sa mga nangyari
sa atin dati, I already learned my biggest mistake in my whole life, yung magpauto
ako sayo. Hindi na ikaw ang nilalaman ng puso ko, sorry.� At tuluyan ng lumabas ng
theater ang dalawa.

�Let�s now call on Miss Jasmin.�

Lumapit si Jasmin sa host at bumunot ng tatanungin sa kanya, �Miss


Jasmin this your question: As a Miss SJBU title holder, what will be you biggest
contribution in this school?�

�As a title holder, what I can contribute with our school is my own
self, I will try to be a role model for all of school mates by studying hard,
possessing a good character, helping them when they are in need and showing them
the true spirit of a SJBUnian, a helpful, godfearing and dedicated heart,�

Sumunod na tinawag si Rya at bumunot agad ito ng tanong, �Miss Rya,


what do you think a Miss SJBU should possess? Do you think you have that
possessions?�

Kinakabahang hinawakan ni Rya ang mic, �Miss SJBU should a role model
in this university, and she should study hard and be dedicated student kasi scholar
siya, at napakalaking privelege ang maging scholar kaya dapat ingatan mo ang title
na ito. Ang isang Miss SJBU hindi dapat puro gandang panlabas lang pero dapat mas
igit pa rito ang nasa loob I think kaya ako nasa top 3 because the judges think
that I deserved to be Miss SJBU, pero honestly, sa tingin ko po sa aming tatlo may
mas deserving pa po kesa sa akin. Yun lang po thank you.�

At nagpalakpakan ang mga audience sa sagot niya.

�The time that we are all waiting for, malalaman na natin kung sino na
ang matataguriang Mr. and Miss SJBU in this school year. Let�s announce first the
winners for Mr. SJBU, for our third runner up, this title will goes to our texter�s
choice, Rodrigo Alegre!!!�

Nagkatilian muli ang mga supporters ni Rigs, samantala sa Miss SJBU


innaounce na ang nanalo for 3rd runner up kaya naman magkahawak ang kamay ni la Rya
at Jasmin habang hinihintay kung sino ang tataguriang Miss SJBU.

Napansin ni Rya na naoakalamig ng kamay ni Jasmin at may bagkas ng kaba


sa mukha nito habang siya relax na lang dahil sigurado na ang acholarship niya.

�For our second runner up let� make an applause for the Mechanical
engineering student Mis Ryana Magbanua.� Mahigpit na niyakap ni Rya ang di
makapaniwalang nanalo siya na si Jasmin, ngumiti ito sa umiiyak pa ni si Jasmin
saka tinanggap ang kanyang trophy.

Sa victory party ng contest ay agad hinila ni Rigs si Rya sa gitna ng


dance floor. �Ano ba, Rigs, umupo na nga tayo nakakahiya.�

�Anong nakakahiya sa pinakamagandang babae sa oras na ito?�

�Ano ko ba? Hindi naman ako ang Miss SJBU.�

Hinawakan ni Rigs ang dalawang kamay ni Rya, pero ikaw pa rin ang
pinakamagandang babae pa ra sa akin.�

Namula si Rya sa sinabi ng lalaki, �Totoo ba yan?� biglang inikot ni


Rigs si Rya at inikot-ikot muli niya ito, �Ano ba nahihilo na ako.� Patawang sinabi
ni Rya.

Inikot muli Rigs si Rya hanggang sa hindi na namalayan ni Rya na


nabangga niya na si Teddy, napatigil si Rya pagkakita kay Teddy. Naging
sweet ang music na pinapatugtog kay kinuha ni Teddy ang mga kamay ni Rya at
inilagay iyon sa balikat niya saka inilagay ang mga kamay niya sa bewang ni Rya.
Napayuko naman si Rya, ni di makatingin sa mga mata ni Teddy.

�Congrats.� Sabi ni Teddy kay Rya.

�Sayo rin, hindi rin naman ako mananalo kundi rin sayo.�

�Hindi rin dahil sa akin, you have it all to be in that position.�

Matagal na nanahimik ang dalawa habang sumasayaw.

Huminga ng maluwag si Teddy, �Siya nga pala your father called me,
umuwi ka na raw.�

Napangiti si Rya kay Teddy.

Chapter 10: Back to Normal?

Napalakag ng sigaw si Rya pagkakita ng isang round cake na chocolate mousse sa


harapan niya na bigay ni Teddy sa kanya, �Yahoo!!! Makakakain na rin ako ng cake!!!
Ang tagal ko ring tiniis ito.� Agad kinuha ni Rya ang tinidor at kinain ang cake.

�Hoy maghinayhinay ka nga riyan, parang ilang buwan kitang di pinakain


niyan ha.� Sabi ni Teddy.

�Na mimiss ko ng kumain ng cake eh, thank you pala ha.� Sabi ni Rya.

�Congratulations gift ko na yan sayo.�

Niyakap ni Rya si Teddy na ikanagulat ni Teddy, �Ang bait-bait mo


talaga kahit medyo masungit ka.�

�Masungit ba talaga ako?� tanong sa kanya ni Teddy.

�Ay hindi mo alam. Ang sungit-sungit mo nga eh. Lagi kang badtrip,
mainitin ang ulo at lagi mo akong pinapagalitan.�

�Eh kasi naman pasaway ka.�

�Hindi kaya ako pasaway, reklamador lang naman ako, pero wala akong
balk suwayin ka.�

�Oh sige na , sige na. Kumain ka na lang riyan.�

Ilang sandali pa ay pumasok si John kasama ang mga kaklase niya.

�Pare andito pala kayo, gagawa lang kami ng project ditto sa office
ha.�

�Sige.� Sabi ni Teddy.

�Wow, andito pala si Rya.� Sabi ng kasamahan ni John.

Ngumiti si Rya sa kanila.

�Hi Rya, ang ganda-ganda mo naman.� Papabati ng mga ito.

Napakunot ng noo si Teddy.

�T-thank you ha.�

�Rya, may boyfriend ka na ba?�

Nagulat sina Teddy at Rya sa tinanong ng kasamahan ni John.

�Pare ikaw talaga kahit kailan ang bilis mo sa babae, alam mo bang
nanununtok yang si Rya.� Sabi ni John.

�Ow?� sabi ng lalaki.

�Oo kaya baka gusto mo bigyan ka niyan ng sample kapag di mo siya


tinantanan.�

Ngumiti ng lalaki, �Nagagandahan lang naman kasi ako sayo. Hindi naman
kasi akalain na ang ganda-ganda mo pala.�

�ah ganon ba?� sabi ni Rya.

�Naku tama na nga yan, mag-aral na lang tayo.� Sabi ni John.


At nagpatuloy sa pagkain sina Teddy at Rya.

Sa fastfood ay nagkakahera si Rya, �Good Morning po, may I have your


order please?�

Nagulat siya ng makita si Rigs na nakangiti sa kanya.

�Uy Rigs.�

�Di ba malapit ka ng mag-out? Sabay na tayong pumasok ng school.� Sabi


ni Rigs.

Pumasok ng sabay sa eskwelahan sina Rigs at Rya at habang naglalakad ay


nagkukuwentuhan sila.

�Akala ko nga back to normal na ang lahat eh, nakakakain na ako ng


cake, maaga na akong nakakauwi sa bahay at maaga-aga na rin akong nakakatulog, wala
na akong iniisip at nagtanggal na ako ng extension pero parang may mga nagbago na
sa buhay ko.�

�Tulad ng ano?� tanong ni Rigs.

�Dati naman kasi nakakapasok ako ng school na kahit ano na lang ang
itsura ko, pero ngayon conscious na conscious pa rin ako.�

�Alangan naman kasing mas mukha ka pang lalaki kesa sa amin, Miss SJBU
ka pa naman.� Sabi ni Rigs.

�Tapos alam mo ang dalas akong kulitin ng mga kaklase kong lalaki, lagi
akong niyayang lumabas o manligaw.�

�Aha, ang tawag diyan dumadami na ang mga karibal ko. Alam kasi ganyan
talaga, yung dating mo ba naman noong nakaswimsuit ka, akalain ba nilang ganon ka
sexy sino ba naman ang di ka pagnanasahan.�

�Ha, pagnanasahan? Parang nakakabastos naman yata yun sa akin.�

Tinapik ni Rigs ang balikat niya, �Crush ka lang nila, parang ako crush
din kita pero iba ako sa kanila kasi ako, seryoso ako sayo.�

Binatukan ni Rya si Rigs, �Hm. Ayan ka na naman sa mga pambobola mong


yan eh.�

Pagpasok ng room ni Rya ay nakita niya na may nakapatong na bouquet sa


table niya.

Nang tinignan ni Rya ang bouquet ay pinabubulungan siya ng mga kaklase


niya, tinignan ni Rya ang card na nakasabit sa bouquet To Ryana.

Tinanong ni Rya ang isa niyang kaklase, �Nakita mo ba kung sino ang
naglagay nito rito?�

Nagkibit balikat ang kaklase ni Rya, �Pagpasok naming ditto andiyan na


yan.�

Napaupo na lang si Rya sa silya niya at tinignan ang bulaklak.

Nakasalubong ni Rya si Teddy sa lobby dala-dala ang bouquet.


�Oh, Rya, saan ang punta mo?� tanong ni Teddy sa kanya.

�Eh hinahanap ko kasi yang magaling mong pinsan, paano ba naman


nagpadala ba naman siya ng bulaklak sa akin.�

�Bulaklak?�

�Heto oh, nagpadala-dala ng bulaklak hindi naman nilagyan ng pangalan


niya.�

�Paano mo naman nasabing si insane ang nagpadala niyan.�

�Eh siya lang naman ang makulit na nanliligaw sa akin.�

Napataas ng kilay si Teddy, �Nanliligaw sayo si insane?�

�Eh� binasted ko na yun eh, ang kulit pa rin. Sabihan mo nga yang
pinsan mong yan, sige, hahanapin ko pa yang si Rigs eh.�

Nang umalis si Teddy ay napag-isip siya sa mga sinabi ni Rya.

�Ang ganda mo, ang ganda-ganda mo talaga.� Sabi ni Lina kay Rya.

�Ano namang ikinaganda nun?�

�Biruin mo sa dami-daming pwedeng ligawan niyang si Rigs, ikaw pa ang


pinili niya, you are so beautiful iha, masyadong mahaba ang buhok mo, lumampas na
ng mapa ng Pilipinas.� Sabi ni Lina.

�Ano ba, kaya nga naiinis ako noh, kasi binasted ko na siya. Nasaan na
kasi yang si Rigs, para maisauli ko na itong bulaklak na ito sa kanya.�

Nakita ni Lina na paparating si Rigs, �Oh hayan na pala ang prince


charming mo.�

�Hi girls.�

Lumapit si Rya sa kanya at inabot ang bulaklak,.

�Why are you giving me flowers? Baliktad na ba ang mundo ngayon,


nililigawan mo ba ako?�

�Hoy ang kapal ng mukha mo noh. Binabalik ko na nga ito sayo.�

�Galing sa akin yan? Nakakaasar niyan naunahan na ako. Ngayon pa nga


lang kita balak bigyan niya eh.�

Napalapit si Lina kay Rya, �You mean, ibang boylet ang nagbigay niyan
sayo? Ang bonggacious mo talaga.�

�Hay naku Rigs, wag ka ngang magsinungaling.�

�Ano ka ba? Hindi nga galing sa akin yan.�

Napatingin si Rya sa dumaang si John kasama ang kaibigan nitong kasama


niya noong kumakain sila ng cake ni Teddy, �Sige, sorry ha. Akala ko kasi ikaw.�
Sabi niya kay Rigs.
Isang araw palabas siya ng room nang makita niya ang kaklase ni John na
dumaan ng lobby. Tahimik niyang sinundan ang lalaking iyon hanggang sa makita niya
ito na pumasok sa isang classroom at sinalubong siya ng isang babae taga ibang
college. Nakita niyang hinalikan nito ang babae at tinawag na honey.

May girlfriend na siya? Baka nga hindi siya ang nagbigay sa akin ng
bulaklak.

Pumasok siya ng office at naabutan niya ron si Teddy na nag-aaral.

�Oh, ba�t parang lumong-lumo ka?� tanong ni Teddy sa kanya.

�Naasar kasi ako sa nagbigay sa akin ng bulaklak, pinag-iisip niya ako


kung sino siya.�

�Akala ko ba si Rigs ang nagbibigay sayo?�

�Eh hindi raw siya, sino kaya ang nagbibigay sa akin? Teddy, umamin ka
na nga, ikaw ang nagpadala sa akin ng bulaklak noh.�

�Hoy tumigil ka nga at bakit naman kita bibigyan non? Tapos na ang
obligasyon kong sponsoran ka noh, hanggang doon na lang yun. Hindi p ako nababaliw
para pagkagastusan ka na naman.�

�Sus alam ko naman yun eh, super kuripot ka talaga saka hindi katulad
ko ang magiging type mo, ang gusto mo yung mga mapuputing parang chalk na sexy na
miss photogenic at miss swim wear.�

�Hoy hindi ko na type yun. Nauntog na ako ron.� Sabi ni Teddy.

�Ow?� inihilig ni Rya ang ulo niya sa balikat ni Teddy, �Hay naku Teddy
kung ako sayo, wag yung katulad ni Suzanne ang magiging type mo.�

�Bakit naman?� tanong ni Teddy.

�Unang-una hindi kayo bagay, pangalawa, maldita yun eh. Hindi siya
deserving para sayo, masyado kang mabait para sa kanya kahit medyo masungit at
kuripot ka.�

�Ganon? Sino ba sa tingin mo ang deserving para sa akin? Ikaw?�

Pinalo ni Rya ang balikat ni Teddy, �Wala akong sinasabing ako ha. Ikaw
talaga. Ang sinasabi ko lang naman sa susunod maghanap ka ng babaeng mabait yung
babagay sayo, pero hindi ko sinabing ako.�

Ngumiti si Teddy, �Joke lang po.�

Chapter 11: Secret Admirer

Aantok-antok pa na naglalakad si Rya sa labas ng eskwelahan ng biglang may humila


ng damit niya

Nang paglingon niya ay nakita niya ang isang bata na may dalang isang
dosenang red roses.

�Naku iha, pasensya na, wala akong boyfriend na pagbibigyan niya.�


Umiling ang bata, �Pinabibigay po nung lalaki.�

�Sinong lalaki?�

Nung ituturo sana ng bata ang lalaki �Ay nawala na po siya.�

�Naku iha, wag kang magsinungaling ha.�

�Hindi po ako nagbibiro, binili po talaga ng lalaki ang lahat ng tinda


ko para ibigay sa inyo.�

Kinuha ni Rya ang mga bulaklak, �Ano bang itsura ng lalaki?�

�Maikli po ang buhok.�

�Hay ang husay mo talaga magbigay ng clue. Eh yung suot na lang, anong
suot niya, anong kulay ng suot niya, o kulay ng pantalon niya.�

�Yung suot.� Napakamot ng ulo ang bata, �Color blue.�

Tinignan ni Rya ang mga nagdadatingang mga lalaki, ang mga ito ay halos
naka kulay blue.

�Iha, wala ka na ba talagang natatandaan?�

Umiling ang bata.

�Sige na nga, umalis ka na. Salamat ha.�

Dala-dala ang mga bulaklak ay naglalakad sa lobby si Rya nang


makasalubong niya si Rigs na may dalang bouquet. Napatingin siya sa suot nitong
color yellow na checkered, hindi siya yun.

Napatigil si Rigs nang makita ang mga bulaklak ni Rya, �Oh man,
naunahan na ako.�

�Galing sa ewan ko.� Sabi ni Rya.

�By the way.� Inabot ni Rigs ang bouquet kay Rya, �This is for you.�

�Nakakaasar talaga kayong mga lalaki noh. Sa dami niyong pwedeng ibigay
sa amin eh bulaklak pa ang napatripan, aba Rigs kulang na lang mapagkamalan akong
garden nito ha.�

�Ah.. ayaw mo ba?�

Kinuha ni Rya ang bulaklak ni Rigs, �Pasensya na ha, napag-iisip na


kasi ako kung sino itong nagpapadala sa akin ng bulaklak. Nahihiwagaan na kasi ako
sa kaniya.�

�Rya, sinasabi ko sayo, duwag yang taong yan.�

�Duwag?�

Tumango si Rigs, �Dahil hindi niya kayang ipakita sayo ang totoong
siya. Rya, wag mo ng intindihin yang lalaking yan kung sino man siya, ang tignan mo
na lang yung mga taong may tapang na harapin ka.�

Hay Rya wag mo na ngang isipin yun sabi ni Rigs duwag yun duwag, kaya
wag mo ng isipin yun. Nagpupunas ng sahig si Rya nang pumasok ron si Teddy kasama
ang kapatid nito.

�Good moning welcome to��

Ngumiti si Teddy sa kanya.

�Hey kuya di ba siya yung delivery girl.� Turo ni Theo sa kanya, �Ba�t
parang gumanda yata siya?�

Binulungan ni Teddy ang kapatid, �Marunong na kasi siyang mag-ayos.�

Tumango ang bata, �Ahh.�

�Ikaw talaga nagsama ka pa ng pang-inis.� Sabi ni Rya kay Teddy.

�Kakain kaya kami.� Pinaupo si Teddy ang kapatid niya sa isang silya at
nilapitan niya muli si Rya, �Pwede ba akong mag-order sayo?�

�Hambalusin kaya kita ng mop diyan.� Sabi ni Rya.

�Ito naman ikaw talaga kung magsalita, siguro kung tinotoo mo lang yang
mga hambalusin, upakan, tadyakan na pinagsasabi baka matagal na akong na knock out
sayo.�

�Eh kasi naman tamang pang-inis ka rin noh.�

Napangiti si Teddy, �Cute ka kasi kapag naiinis.� At nagpunta sa


counter si Teddy.

Pagkaalis ni Teddy ay napangiti naman si Rya sa sinabi ng lalaki.

�Wow magandang memories ang maiiwan natin sa org na ito. Ang


pagkapanalo ng mga kandidato na sa Mr and Miss SJBU ang successful foundation day
natin at ang funds natin.� Inakbayan ni Chubs sina John at si Teddy, �And that is
all because of you guys.�

Inalis ng dalawa ang kamay ni Chubs sa balikat nila.

�Marunong kasing makipagcoordinate ang mga members natin.� Sabi ni


Teddy.

�Hanga talaga ako sa kasipagan at dedication niyo, maslalo na ikaw


Teddy, sa pagsponsor mo kay Rya, we have P5,000 pesos tuloy in our funds. Alam mo
ba kung ano ang sinasabi ng faculty sa batch natin. Tayo daw batch of officers ng
MES ang pinakamagaling at masipag. Good work for all of us. Dapat by the end of the
next semester maggrad ball party tayo. Okey ba?�

Napahawak sa ulo niya si Teddy, trabaho na naman ito.

�Marami pa tayong gagawin for the next semester, we have the national
quiz bee pa kaya and we are going to organize seminars and workshops pa for the
next sem kaya dapat paghandaan na natin ang mga ito. Hinahabilin ko na sayo ito
Teddy.�

�Ha?� tanong ni Teddy.

�I authorize you to be responsible sa mga gagawin natin for the next


semester.� Sabi ni Chubs at tinapik niya ang balikat ni Teddy, �Kaya mo yan Teddy.�
�Oh man!� biglang sinabi ni John pagkalabas ni Chubs at napahawak ito
sa may likuran niya, �Shet pare kinurot ang.. � itinuro ni John ang likuran niya.

Natawa si Teddy , �Ikaw naman pala ang prospect non eh.� Tinapik niya
ang balikat ni John, �Ingat ka pare, baka nirerape ka na di mo pa alam.� At lumabas
siyan ng office.

Napapasok ng maaga si Rya, pagdating niya sa school ay medyo wala pang


tao. Naglalakad siya sa lobby ng makita niya ang isang matandang binatang professor
niya na may dalang bouquet at pumipito pa.

Lumakas ang tibok ng puso ni Rya, Siya? tahimik siyang patakbong


pumunta sa classroom niya para unahan ang lalaki. Pagdating niya sa classroom ay
tinignan niya kung papunta ron ang lalaki pero di nakita niyang lumiko na ito.

Uupo na sana siya ng may nakita siyang lalaking nakatalikod na naglagay


ng bulaklak sa mesa niya.

�Ikaw?� tanong niya sa lalaki.

Humarap siya sa lalaki at nagulat siya ng malamang si Teddy pala yun.

Chapter 12: After the Revelation

�Ikaw?� hindi makapaniwala si Rya sa nakita niya.

�Rya, let me explain.�

�Ikaw ba ang bumili ng isang dosenang rosas sa bata? Ikaw ba yung unang
naglagay ng bouquet ditto?�

Tumango si Teddy, �Sorry kung napag-isip kita.�

Napaupo si Rya, �Nakakatawa, kung sino-sino pa yung pinaghinalaan kong


nagbibigay sa akin, ikaw naman pala. Bakit di ka nagsalita?�

�K-kasi, hindi ko alam kung paano ko sasabihin sayo yung nararamdaman


ko. Alam ko its not the right time kaya pinadaan ko na lang sa ganito..�

�Dahil duwag ka.� Sabi ni Rya, �Dahil naduwag ka sa pwede kong sabihin
sayo.�

�Rya, alam ko naman kasing magkaibigan tayo at mas prioritized mo ang


pag-aaral mo kaya, tinago ko. Pero Rya, mahal kita.�

�Matagal ko ng gustong marinig yan sayo kasi noon iniisip ko baka akala
ko lang. Baka akala ko lang sa mga tingin mo, sa mga kilos mo� kasi wala ka namang
sinasabi, wala ka namang binabanggit na gusto mo ako. Pero salamat na rin at inamin
mo at least di ako napapag-isip kung ano ba ako sayo.� Tumayo si Rya at niyakap si
Teddy, �Na-appreciate kita, sobrang naappreciate ko yun.�

Sa pintuan ay andon si Rigs at nakatingin lang sa kanila.

Nagkukuwentuhan sa may office sina Teddy at John nang dumating si Rya


na may dalang mga libro.

Tumayo si Teddy para tulungan si Rya sa pagbuhat pero tumanggi si Rya.


�Kaya ko naman.�

�Sure ka?�

Tumango si Rya at nilapag ang mga libro sa mesa. Umupo muli si Teddy sa
tabi ni John para ipagpatuloy ang pinagkukuwentuhan nila. Umupo naman si Rya para
ayusin ang mga librong dala niya pero di pa rin niya maiwasan ang mapatingin kay
Teddy, Ba�t kaya ganon? Ba�t ba parang naiilang na ako sa kaniya? Hindi lang naman
siya ang unang lalaking nagtapat sa akin? Nagtapat din naman sa akin si Rigs, pero
hindi naman ako nailing sa kanya. May kaso ba talaga yun kung gusto mo rin
siya.dati gustong-gusto kong malaman ang nararamdaman niya, pero ngayong nalaman ko
na, parang nagsisi pa ako�t nalaman ko. Ang weird talaga ng feelings ko.

�Uy kumain ka na ba?� natauhan si Rya nang namalayan niya na nasa


harapan niya si Rigs, �Alam ko kasing busy ka kaya nagtake out na ako.� Nilapag ni
Rigs ang mga pagkain sa lamesa ni Rya.

�Salamat ha.�

Napatingin lang si Teddy sa kanila habang kausap pa rin nito si John.

Naupo si Rigs sa tapat ni Rya at sinamahan itong kumain, �Hindi pa ba


tapos yang project mo na yan, parang naubos na yata ang oras mo riyan.�

�Oo nga eh.�

�Teka, bakit parang these days hindi nagpaparamdam ang secret admirer
mo.�

Napayingin si Rya kay Teddy, �Ah.. oo nga eh, baka napagod na.�

�Hmp, ang hina pala niyang invisible manliligaw mo. Sumuko na rin.�

Napatingin muli si Rya kay Teddy, �Ah� baka. Napapagod na nga.�

�Magpaparamdam di naman pala itutuloy, hina talaga.� Napailing si Rigs.

Nasa salas at nanonood ng cartoons sina Theo at Teddy nang tumunog ang
katabing cordless phone, inangat ni Teddy ang phone, �Hello?�

�Hi.� Napaupo si Teddy ng maayos nang makilala ang boses na yun,


�Suzanne?�

Napatingin sa kanya si Theo kaya napatayo si Teddy at nagtago sa CR.

�Bakit napatawag ka?� sa pintuan ng CR ay lumapit don si Theo at


pinakikinggan ang sinsabi ni Teddy.

�Kamusta ka na?�

�I�m fine. May problema ba?�

�Na miss lang kita.� Malambing na sinabi ni Suzanne, �I�m sorry alam
kong nataray-tarayan kita. Nabad trip lang ako sa hindi ko pagkasama sa top 3.�

�Maging sports ka dapat, you should accept it.�

�Yah I know, Im so sorry for that. Pero nakamove on na ko, ang tagal na
rin kasi non. Ikaw? Naka move on ka na ba?� tanong ni Suzanne.
�From what?�

�Sa break natin before.�

�Ang tagal na rin don di ba? Its been years. Marami ng nangyari.�

�Pero I think unforgettable yun di ba?�

�Yah, first time, siyempre. �

� I have an idea, why don�t we bond again. Magdate tayo, I mean, not a
romantic one, but to start a friendship.�

�Sige okey lang sa akin.�

�Bukas? Magkita na lang tayo sa parking lot.�

Tumango si Teddy, �Okey.�

Nagbabasa ng libro si Rya nang nilapitan siya ng kanyang ama, �Rya may
napapansin ako sayo.�

Napakunot ng noo si Rya, �Ano po yun?�

�Bakit nawawala yata yang mga manliligaw mo?�

�Manliligaw? Tay di ko mga manliligaw yun, mga friends lang po kami.�

�Sus, friends daw. Pero lagi kang may dalang bulaklak, siguro galing
yun sa dalawang mokong na yun noh.�

Ngumiti lang si Rya.

�Alam mo anak, ayos lang naman sa akin ang magboyfriend ka, kasi
namanka kahit gustuhin ko man na ako lang ang maging lalaki sa buhay mo, eh hindi
naman pwede yun. Basta lang naman mag-aaral ka pa rin ng mabuti saka pipilitin mong
maging engineer balang araw.�

�Tay, seryoso ka ba riyan sa pinagsasabi mo?�

�Oo naman, bente anyos ka na. Kung umiibig ka na mapipigilan ba kita


eh, kaligayahan mo yun. Basta anak kapag pinaiyak ka ng lalaking yan, humanda siya
sa akin.�

�Hay naku tay, hindi ko na paabutin sayo yun, dahil gugulpihin ko na


siya.�

�Nagmana ka nga sa akin.�

Habang naglalakad sa may parking lot ay namataan ni Rya si Teddy,


hinabol niya si Teddy pero napatigil siya ng makita si Suzanne na nakatayo sa kotse
ni Teddy. �Kanina ka pa ba?� tanong ni Teddy kay Suzanne.

��Hindi naman, let�s go?�

�May idea ka ba kung saan tayo pwedeng pumunta?� tanong ni Teddy sa


kanya bago pumasok ng sasakyan.
�May nadiscover akong Italian restaurant masarap ang pasta nila.�

Tumango si Teddy, �sige itry natin.�

Pumasok na ang dalawa sa kotse at tuluyan ng umalis.

Malungkot na naglalakad si Rya sa lobby at napansin iyon ni Lina na


sumalubong sa kanya.

�Hoy babaeng mahaba ang hair bakit parang matamlay ka ngayon?�

Hindi nakasagot si Rya.

�Hoy mare anong nangyari sayo? Ba�t ka nagkakaganyan?�

�Lina, siguro hindi pa talaga oras.�

�Anong oras?� nagsimula ng magpanic si Lina. �Anong oras ang


pinagsasabi mo riyan? Rya pwede ba wag mo akong pakabahin ng ganito.�

�Dapat siguro mag-aral muna ako ng mabuti, tapos maging engineer, saka
ko na lang iintindihin ang mga bagay na yun.� Napangiti si Rya, �Tama yun dapat.�

�Anong iintindihin? Hoy loka-loka ano ba yang pinagsasabi mo ha.�

Bumalik sina Suzanne at Teddy sa kotse pagkatapos kumain sa Italian


restaurant. �Di ba I told you their pasta is really amazing.�

�Yah you�re right.� Sabi ni Teddy.�

�I hope that we can go out again. Namiss ko kasi ito, naaalala mo pa ba


yung mga dates natin during highschool.�

Tumango si Teddy, �Oo naman.�

�Yes, remember the first kiss that we shared together?� lumapit si


Suzanne sa kanya at akmang hahalikan si Teddy pero umiwas si Teddy.

�Am, Suzanne, kung ano man yung naging past natin, nakaraan na yun.�

Hinawakan ni Suzanne kamay ni Teddy at inilagay yung sa mukha niya,


�Ayaw mo bang ipagtuloy natin yun.�

Inalis ni Teddy ang kamay niya na hawak ni Suzanne at tinapik ang mukha
nito, �Mas maganda siguro kung wag na. It�s been years Suzanne at madami ng
nangyari.� Inistart ni Teddy ang sasakyan, �Ihahatid na kita.�

Pagkahatid ni Teddy kay Suzanne ay dumaan ito sa bahay nila Rya at


kumatok sa pintuan. Pinagbuksan siya ng pinto ng tatay ni Rya.

�Good evening po.�

�Gabing-gabi ka naman kung manligaw iho.�

�Si Rya po?�

Tinawag ng kanyang ama si Rya.

Bumaba si Rya at nagulat siya nang makita si Teddy.


�Napadaan ka yata.�

�Hoy wag mo ngang supladahan yang bisita mo.� Sabi ng tatay niya sa
kanya, �Intertainin mo nga yan ng maayos.�

�Doon na lang tayo sa labas mag-usap.�

�Eh ba�t kailangan pa kayo sa labas mag-usap?� tanong ng kanyang ama,

�Tay? Ientertainin ko lang ito.� Sagot ni Rya at parehas silang lumabas


ni Teddy.

Sa loob ng kotse nag-usap sina Teddy at Rya.

�Sorry ha, naiilang na kasi ako sa mga nangyari sa atin. Sa tingin mo


ba kapag di ko sinabi sayo yung totoo hindi tayo magiging ganito?�

�Ano? Aba kung di mo sinabi ang totoo ay baka naloka na ako sa kakaisip
at kakahula.� Sagot ni Rya.

�Nakipagdate ako kay Suzanne kanina.�

Nagulat si Rya nang kusang inamin ni Teddy na lumabas sila ni Suzanne.

�She�s asking me to continue what we have left.�

�Ano namang sinagot mo?�

�Sabi ko wag na, past na yun.�

�Sira ka talaga. Ba�t mo di binigyan ng chance? Malay natin nagbago na


siya.�

�Andiyan ka na eh.�

Napangiti si Rya, �Kayo talagang magpinsan nung nagpa-ulan siguro ang


Diyos ng mga kabolahan sinalo niyo lahat.�

�Hanggang don na nga lang ang magagawa ko eh, alam ko namang��

�Thanks for understanding, yan ang gusto ko sayo eh, lagi mo akong
naiintindihan.�

�Malawak talaga ang pang-intindi ko, kaya umeepek sayo.�

Pinalo niya ang braso ni Teddy, �Ikaw talaga, manliligaw-ligaw ka tapos


mang-iinis ka.�

Chapter 13: Graduating Students

Masayang-masaya na pumasok ng university si Rya, hindi siya makapaniwala na last


semester na nila sa college.

�Mare, akala ko di na darating ang araw na ito. Ang saya-saya ko.�

�Oo na, oo na. Alam ko naman na talagang gusto mo ng makagraduate noh.�

Dumaan naman sa harapan nila ang sasakyan ni Rigs at siyempre pagbaba


ni Rigs ay naglingunan ang mga babae agt bading sa kanya, �Hi Girls.�

Napatigil sina Lina at Rya pagkakita kay Rigs, �Ang pogi-pogi talaga ng
manliligaw mo.�

�Pogi nga, pero signal number 10 pa rin.�

Lumapit si Rigs kina Rya at Lina, �Hi Lina. Hi Rya. Ang ganda-ganda mo
naman ngayon Rya.�

�Hay naku Rodrigo tigilan mo ako, umagang-umaga wag mo akong pa-


almusalin ng mga pambobola mo.� Sabi ni Rya.

�Ikaw talaga, first day of school nagsusungit ka, ang ganda-ganda mo pa


naman ngayon.�

Nakita naman sila nila John at Teddy kaya lumapit ito sa kanila.

�Guys!� bati ni John sa kanila, �Last sem na natin nagyon, ang saya di
ba?�

�Hi.� Sabi ni Teddy kay Rya at ginantihan ito ni Rya ng isang matamis
na ngiti na nahalata ni Rigs.

Nang mapansin ni Rigs yun ay bigla siyang nagsalita, �You now guys, I
have something to announce.�

Napakamot ng ulo si Lina, �Naku yan na naman, uma-announce announce ka


na naman, matino ba namang announcement yan?�

�Oo naman noh, hindi puro kahanginan ito. By next week, lalabas na sa
TV ang bagong commercial.�

�Wow Rigs, ang landi mo ha, pacomme-commercial ka na lang.� Sabi ni


Rya, �Bigatin ka ano ba yang inendorse.�

�Men�s wardrobe, sa next month nga rarampa kami sa fashion show nila.�

Tinapik ni Rya ang balikat ni Rigs, �Ang galing mo ha.�

Tinignan ni Lina ang relos niya at hinila si Rya, �Hoy babae halika na
malilate na tayo sa klase natin.�

�Sige magkita-kita na lang tayo mamaya.� Sabi ni Rya sa mga kasamahan.

�Good Morning to all of us, what a beautiful morning for us, graduating
students for this school year.� Bati ni Chubs sa mga officers ng MES. �Im so
excited about this semester because�� may ipinakitang papel sa kanila si Chubs,
�This will be our activities for this semester.�

Napahawak ng ulo niya si Teddy.

�Is there any problem, Teddy?� tanong ni Chubs sa kanya.

�Amm� sa akin ba lahat ma-assign yan?� tanong ni Teddy.

Lumapit si Chubs kay Teddy, �Alam mo Teddy, hanga kasi kami sa


dedication at galing. Napansin naming kapag ikaw ang gumagawa nagiging maganda ang
resulta.�
Nagkatinginan sina John at Teddy, �Teka�teka�� sabi ni Teddy, �Im so
sorry ha, pero I think unfair naman sa akin kung ako lahat ang magaasikaso niyan,
yung iba namang activities labas sa trabaho ka. Baka naman Chubs gusto
pangcontributin yung ibang kasamahan natin ditto, I think may mga ideas na gusto
rin silang I-share.�

Nahihiyang tumingin si Chubs sa mga officers ng MES, �Okey guys do you


have any ideas?�

At nagkangitian sila John at Teddy.

�Buti nga sa bading na yan. Akala niya uubra pa yang pag-uutos-utos


niya sayo. Sobra, naging presidente pa siya wala naman siyang ginawa kundi mag-
announce ng meeting at magcongratulations.� Sabi ni John kay Teddy habang
naglalakad sila sa lobby.

�Nakakapagod na rin kasi.� Napahinto si Teddy nang makitang dumaan sina


Rigs at Rya.

�Hayup din yang pumorma yang pinsan mo noh, di pa rin ba niya


tinatantanan si Rya. Aba, akala ko ba basted na yan?� napansin ni John na
nakatingin lang sa kanila si Teddy. �Eh ikaw? Titignan mo na lang yun?�

�Ha?�

�Hey man, gumising ka nga. Inuunahan ka na ng lokong yun eh.�

�Pinsan ko yun, ang sagwa naman kung makikipagkaribal ako sa kanya.


Saka binasted na rin naman ako ni Rya.�

�Bakit? Sinabi ba niyang wag ka ng manligaw sa kanya forever. Pare may


naramdaman ka ba? Naramdaman mo bang gusto ka rin niya?�

�Ano ba yun? Napaka-feeling ko yata nun kung sasabihin kong oo.�

�Eh ba�t naman yang si Rigs, feeling.�

�Hindi, hindi niya siguro iniisip yun, I think gusto niyang maging
friends sila ni Rya.�

�Hay naku, pinagtatanggol mo pa yang karibal mo, kunwari pa yan,


dumidiskarte na yan ng palihim sa chick mo.�

�H-hindi naman siguro?� sagot ni Teddy.

Lumipas ang ilang linggo na di na madalas pang nagkakausap sina Teddy


at Rya dahil pareho na rin silang busy sa pag-aasikaso ng mga requirements nila
para makagraduate at marami ring activities na inasiakaso ang MES. Minsan sa tuwing
magkikita sila ay �Hi� and �Hello� na lang ang kayang nilang sabihin sa isa�t isa
sa dami nilang ginagawa. Mas madalas namang kasama ni Rya si Rigs dahil kaklase
niya ito sa isang subject niya. madalas silang magkulitan at magturuan ng mga
mahihirap na subjects kaya naman iniisip ng iba na nililigawan pa rin siya ni Rigs.

Habang naglalakad si Rya ay biglang may nagtakip ng mga mata niya. �Hoy
sino ba to?� inamoy niya ang lalaki, �Rodrigo! Akala mo hindi ko maa-idedentify
yang amoy mo.�

Natawa si Rigs at inalis ang kamay niya sa mga mata ni Rya, �Ang bagsik
talaga ng pang-amoy mo, para kang aso.�

Akmang babatukan ni Rya si Rigs pero umilag ito, �Ang kapal mo talaga
noh.�

May knuha si Rigs sa bulsa niya na isang maliit na box at ibinigay yun
kay Rya. �Oh ano na namang kaechosan ito.� Binuksan niya ito at nang makitang
bracelet ang laman ay ibinalik niya yunn kay Rigs, �Hindi ko matatanggap yan..
rigs, di ba sabi ko naman sayo��

�Dahil ba yan sa ayaw mo pang magkaboyfriend o dahil kay Teddy?�

�Ha? Si Teddy? Pano naman nasama sa usapan natin si Teddy?�

Ngumiti si Rigs, �Joke lang. Ikaw talaga, natense ka agad nabanggit ko


lang si Teddy.� Binigay uli ni Rigs ang box kay Rya, �Tanggapin mo na kasi yan,
wala namang kapalit yan eh. Remebrance yan na galing sa akin.�

�Remembrance? Bakit saan ka pupunta?�

�Baka after graduation di mo muna ako makita. May modeling offer kasi
sa akin sa HongKong,, doon muna ako, mag-aaral ng modeling and then rarampa na
rin.�

�Paano yan di ka ba kukuha ng board exam?�

Umiling si Rigs, �Hindi muna. Buti nga natapos ko pa itong course na


ito. Akala ko, hindi na kasi hindi ko naman pangarap ang maging engineer. Pero
tinapos

ko na rin sige tignan natin baka one day nga si engineering din ang bagsak ko, pero
uunahin ko muna itong first love ko.�

�Ah.. okey, diyan ka masaya eh, as if naman pigilan kita, hindi naman
ako ganon kasama.�

�Siguro kung pipigilan mo ako, magiging masaya ako kasi it just means
that may feelings ka rin pala sa akin, pero I think wala di ba? Kaya hahayaan mo na
lang akong umalis.�

�Sorry talaga ha. Guwapo ka naman eh, marami pang papatol sa iyo.�
Pabirong sinabi ni Rya, �Saka, mabait ka naman, hindi ko nga lubos maisip non na
mabait ka pala at hindi ka maarte, KSP nga lang.�

Napangiti si Rigs.

�Basta ang payo ko lang sayo, yang pagiging signal number 10 baka naman
pwede mong I-lie low ng signal number 1. baka pwede naman di ba?�

�Oo na, I will try. Eh ikaw, kapag naging engineer ka, magboyfriend ka
na ha.�

Natawa si Rya, �sira ka talaga noh.�

�Wag mo siyang paghintayin ng matagal kasi sa tingin ko mahal ka talaga


non.�

Pinalo ni Rya ang braso ni Rigs, �Ano ba yang pinagsasabi mo?�


�Wala, ito talaga, nauuto na naman kita eh. Ingat ka na lang ha.�

Tumango si Rya, �Sige good luck sa modeling career mo ha.�

Dumating ang araw ng pinakahihintay ng mga graduating students, ang


graduation nila. Pagkatapos ng graduation ay nag-organize ng Grad Ball ang mga MES
officers sa isang restaurant. Nag hire sila ng banda para mag-entertain sa kanila.

Sa gilid ng stage ay inaayos ni Teddy ang sound system habang pasulyap


niyang tinitignan si Rya na nasa isang table kasama si Lina.

Napansiin ni John iyon kaya nilapitan niya ang kaibigan, �Dude, ano ba?
Baka di na kayo magkita niyan. Lapitan mo na, kahit kamustahan lang.�

Lalapitan na sana ni Teddy si Rya nang biglang lumapit kay Rya si Rigs
at tumabi rito.

Napailing si John, �Ang bakulaw mong pinsan istorbo talaga.�

Naging successful ang party ng MES masayang nag-uwian ang lahat.


Lumabas na ng restaurant si Teddy para magpuntang parking lot at nakita niya roon
si Rya na nag-iisa at parang may hinihintay.

�Hoy, ba�t andito ka pa? Hindi ka ba hinatid ni pinsan?�

Umiling si Rya, �Ihahatid ako ng tatay ko.�

�I see. Paano ba yan? Mag-istart ka ng magreview?�

�Oo nga eh. Kailangan ng mag-aral ng mabuti para pumasa.�

�Ako nga rin, magrereview na� sana, pareho tayong pumasa noh.�

�Kaya natin yun. Magkita-kita na lang tayo sa oath taking?� tanong ni


Rya kay Teddy.

�Oo, magkita na lang tayo sa oath taking.�

Ilang sandali pa ay dumating na ang tatay ni Rya dala ang owner nito,
�Uy Teddy.�

�Good evening po sir.� Bati ni Teddy sa tatay ni Rya.

�Congrats pala ha.� Bati ng tatay niya.

�Thank you po, sige po.�

Umakyat na si Rya sa owner, �Sige na, Teddy. Saka na lang tayo


magkita.�

�Sige bye.�

At pinaandar na ng tatay ni Rya ang owner na minamaneho nito.

Madaling lumipas ang mga araw sa mga kukuha ng board exam sa engineering. Halos
silang lahat ay seryoso sa pagrereview, maslalo na si Rya, dahil alam niyang
matutupad niya na ang matagal ng pinapangarap ng kanyang ama sa kanya ang maging
Mechanical Engineer siya.
Natapos na rin ang examination ang lumabas na ang resulta ng mga
nakapasa. Agad sinurf ito ni Teddy sa Internet. Please pumasa ka� natuwa si Teddy
ng makita ang pangalan niya na nakapost sa mga pumasa. Si Rya kaya? Agad hinanap ni
Teddy ang pangalan ni Rya at natuwa rin siya ng makita ito naalala niya ang naging
usapan nila ni Rya noong grad ball.

Magkita-kita na lang tayo sa oath taking?

Oo, magkita na lang tayo sa oath taking.

Sa isang kilalang hotel sa Maynila ginanap ang oath taking para sa mga
mechanicl engineers. Kasa-kasama ni Teddy ang kanyang pamilya sa hotel pero linga
ng linga si Teddy sa paligid at hinahanap si Rya.

�Hoy okey ka lang?� tanong ni Theo sa kapatid niya, �Siguro hinahanap


mo yung delivery girl?�

�H-hindi ah.� Sabi ni Teddy, �Sabi naman niya kasi magkita na lang daw
kami rito.�

�Eh di siya nga ang hinahanap mo , hindi raw.� Sabi ni Theo.

Sa may pintuan ng hall na iyon ay nakita niya si Rya na babaeng sa suot


niyang dress at ang ayos ng buhok ay katulad ng sa Miss SJBU, kasama naman nito ang
kanyang ama. Napangiti siya ng makita si Rya at napansin yun ng kapatid niya.

�Siya ba yun?� tanong ni Theo sa kanya.�Ba�t parang gumanda yata siya?�

�Ano ka ba? Maganda naman talaga yan eh.�

Napailing na lang si Theo, �In love ka talaga.�

Tatayo na sana si Teddy para lapitan si Rya nang nilapitan siya ni


John, �Pare, namiss kita. Ano? Kamusta ka na? Nililigawan mo pa rin ba si Rya?�

�Am pare actually dapat lalapitan ko na siya, dumating ka lang.�

�Ah ganon ba, pasensya na, nasira ko tuloy ang diskarte mo.�

Pumanik ang host ceremony sa stage para sabihing magsisimula na ang


ceremony kaya bumalik uli sa kinauupuan nila sina John at Teddy.

Tumagal ng tatlong oras ang ceremony at pagkatapos ng pagkatapos ng


program ay agad tumayo si Teddy para lapitan sana si Rya ng �

�Hello Teddy!� masayang bati sa kanya ni Chubs, �I�m glad we meet here.
So it�s congratulations for both of us.�

�Ha? Okey congrats, congrats.� Pagmamadaling sinabi ni Teddy.

�Hoy ang bongga-bongga na talaga ng pinsang mo si Rigs, nakita siya ng


isang friend ko sa isang fashion magazine sa HongKong.� Sabi ni Chubs.

�Yah, oo, nakita ko na yun, nagpadala siyang magazine sa amin.� Nakita


ni Teddy na lumabas ng hall sina Rya.

�Hoy baka naman pwedeng makahinga, pakisabi kay Rigs, collection lang.�
Pakiusap ni Chubs.
�Ha? Oo na sige sasabihin. Excuse me Chubs ha, may hahabulin lang ako.�
Patakbong lumabas ng hall si Teddy pero wala na sa lobby sina Rya. Napayuko siya sa
pagkabigong makausap si Rya. Malungkot siyang bumalik ng hall kung saan nag-aalisan
na ang mga tao ron at wala ron si Rya.

Biglang tumungo ang celphone ni Teddy at sinagot niya yun, �Hello? Ma?
Nasa lobby kayo� sige po, susunod na lang po ako. May kinausap lang po kasi ako.�
Ibinaba ni Teddy ang celphone at tinignan ang mga crew ng stage na nagliligpit ng
stage.

�Hoy, ako ba ang hinahanap mo?�

Nang marinig ni Teddy ang boses na iyon ay napalingon siya agad at


nakita niya si Rya na nakahulukipkip na lumapit sa kanya.

�Ako ang hinahanap mo di ba?�

Ngumiti si Teddy, �Hindi ha, ba�t namn kita hahanapin.�

�Ang kapal mo nagdidedeny ka pa riyan, hindi ko kaya nakakalimutan yung


usapan natin nun na magkikita tayo sa oath taking. Na miss mo ako noh?�

�Oo naman, ilang buwan din yung wala akong ininis.�

�Hay naku nagpakita pa ako sayo kung mang-iinis ka lang naman pala.�

�Ay siyanga pala may gift ako sayo.� Nilabas ni Teddy ang isang
necklace at isinuot yun kay Rya.

�Wow, how sweet naman. Thank you ha� kaya nga lang wala akong gift sayo
eh, pasensya na kasi di ko naman alam na magreregalo ka eh di sana nakapagready
ako.�

�Ah yun, okey lang yun, alam ko naman kuripot ka.�

Ngumiti si Rya, nilapitan si Teddy at hinalikan sa labi nito.

Tinapik ni Rya ang balikat ni Teddy, �Yan na lang ang gift ko sayo.
Sige magkita na lang tayo bukas at four, ititext na lang kita.� At lumabs ng hall
si Rya.

Napahawak naman si Teddy sa labi niya, �Bukas at four?� napangiti si


Teddy, at napatalon sa hall �Yes!!!�

WAKAS<PIXTEL_MMI_EBOOK_2005>9######################################################
#####</PIXTEL_MMI_EBOOK_2005>

You might also like