You are on page 1of 10

Characters:

Tatlong magkakapatid: Teacher Faith - Guro


Magda- panganay (Ang bida sa kwento) Mga kaklase:
Ana- pangalawa Bea - Student 1
Amy- bunso Mariel- Student 2
Samantha- Student 3 (matalik na kaklase ni Magda)
Mga marites: Bryan- Kaklase at Pamangkin ni Jerome
Idang - Marites 1
Lusing - Marites 2 Claire - BFF ni Magda sa Bar

Jerome - Nakilala sa bar Madam Grace - Amo nila sa bar

1st SCENE:
Bago nagpasya si Magda na umuwi ng kanilang tahanan, naisip niya daanan muli ang kanyang
mga magulang na yumaon nakalipas ang isang taon.

Magda: Pa, Ma.. kamusta ho kayo? alam ko lagi kayong gumagabay saming magkakapatid,
mula ho nang nawalay kayo sa aming piling, walang araw o oras ang lumipas na hindi namin
kayo naaalala. Ang mga kapatid ko ho, maayos na nag-aaral at malusog sa araw-araw nilang
pamumuhay. Gabayan niyo po kami lagi Pa, Ma. Nahihiya po akong humarap sa inyo ng ganito
ang suot ko, pasensya na po pero may role play po kami sa paaralan.

(Habang patuloy na nakikipag-usap sa kanyang mga magulang na yumaong, palihim siyang


umiiyak at bumuntong hinga.)

Magda: Oh siya Ma, Pa. Alis na po ako dahil bago pa ako mahuli sa gawain sa aming paaralan.
Mahal ko po kayo.

(Sa kanto ng kanilang bahay, may iilang mga marites na nakaagapay.)

Marites 1 : Hoy babae! nakikita mo ba yung babaeng papalapit dito.


Marites 2: Ay, oo! panganay na anak yan nila Mario at Emily. Yung mag-asawang namatay
noong nakaraang taon.
Marites 1: Alam mo ba kung bakit ganyan ang pananamit niyan.. dahil isa yang bayaran.
Marites 2: Totoo ba yan? Sayang naman, napakagandang bata pa naman.
(Ang lahat ng pinag-usapan nila ay narinig ni Magda. Ngunit isiniwalang bahala niya ang mga
ito)
2nd SCENE: SA BAHAY
Nang nakarating sa kanyang tahanan. Pumasok si Magda at nadatnan niyang nag hahanda ng
pagkain si Amy sa kanilang lamesa.

Magda: Amy kamusta kayo? nasan si Ana? halika ka, heto at may dala akong pancit. Ihain mo
sa mesa at sabay sabay na tayong kumain.
Amy: Ayos naman po kami. Akin na ang pancit ate para maihain na.
Ana: Si ate na ba yan? Ate ano ba yang suot mo!? wala ka na bang ibang damit? kulang na
kulang sa tela yang damit mo.
Magda: Oh ayan na naman siya. Napansin nanaman ang pananamit ko. Pwede ba wag
ngayon, pagod na ako. Tulongan mo nalang si Amy para makakain na tayo. Magpapalit lang
ako saglit.

(Tinulungan ni Ana si Amy sa paghanda nag makakain)


(Habang nasa hapag kainan)

Ana: Ate alam mo bang sa baryo natin, alam na nang karamihan kung anong trabaho meron ka.
Minsan kasi nahihiya ako pag napag-uusapan ka.
Amy: Tumigil ka na kaya, nasa harapan tayo ng hapag kainan.

(Hinawakan ni Amy si Ana sa braso upang manahimik)


(Natahimik ang magkakapatid at napabuntong hininga si Magda at kalmadong nagsalita at
lumuha)

Magda: Pagpasensyahan niyo ang ate kung sa ganitong klaseng trabaho ang pinasok ko,
nakakadiri man sa paningin ng marami o kahit sa mata niyo mismong mga kapatid ko. Alam
kong mali pero sa kabila ng lahat, sa inyo ako kumukuha ng lakas ng loob dahil tayo tayo
nalang ang kakayod para mabuhay. Lahat ng ito ay para mabuhay tayo at makapag- aral kayo
ng maayos. Alam ko ang tama at mali pero eto ako,, dito ako napadpad sa klaseng trabaho.
Huwag nyo naman akong maliitin lalo na't kayo lang ang sandalan ko.

(Nag-iiyakan ang magkakapatid. Dinamayan nila ang ate nilang si Magda)


Amy: Pasensya na ate, di mo kailangan mapunta sa mundong kinasasakupan mo sa ngayon.
Kaya nating makaahon sa buhay kahit hindi ganyan ang trabaho mo. Pero pasenysa na talaga
ate di namin nakikita lahat ng sakit at pagod mo para lang makataguyod tayo.
Ana: Pasensya rin ate sa mga masasakit kong salita sayo.

3rd SCENE: SA SCHOOL


Guro: Ok class, we still have 15 mins before we end our class. So you can rest for a while
before the bell.
(Biglang pumasok si Magda sa classroom na tila tumtakbo at napalingon ang lahat)
Guro: Oh miss Magda. You're late, not just late but you're super late!
Magda: Sorry po maam. Nagka problema lang sa bahay
(Biglang tumunog ang bell)
Guro: Okay class. Good bye! that's all for today.
All students: Goodbye maam!

(Umupo na lamang si Magda sa kanyang upuan at nakayuko)


(Pinuntahan nag dalawang kaklase si Magda)
Student 1: Hoy Magda. Palagi ka nalang late. Baka pa as if lang yang may problema kayo sa
bahay. Ang totoo busy ka sa mga lalaki mo (sabay tawa)
Student 2: Yes girl! (Sabat nya kay student 1 at nag a-apir pa sila) Share ka naman sa mga
lalaki mo Magda) (sabay tawa ng dalawa)
Student 3 (matalik na kaibigan ni Magda): Tama na nga yan! Na late na nga ang tao, iinsultohin
niyo pa. (Sabay tulak sa dalawa)
Student 1 &2: Okay bye!
Student 2: Halika na baka mahawa pa tayo diyan.
(At umalis ang dalawa at umirap)
Student 3: Ok ka lang Magda?
Magda: Ok lang ako
Student 3: Hayaan mo na sila. Alam mo naman yong dalawa palagi nalang naghahanap ng trip.
Magda: Sanay na ako sa mga trip nila kaya ok lang yun. Ano ka ba.
Student 3: Edi ikaw bahala! Kumain na nga lang tayo. Tara treat ko (sabay hila kay Magda)
(At umalis na ang dalawa)
4th SCENE: SA BAR
(Kung saan si Magda mismo nagtatrabaho. Tuwing gabi hanggang madaling araw)
Claire( Bestfriend ni Magda): Nasan ba si Magda?
(Habang na sa dressing room, hinahanap ni claire si Magda. Nag-aayos sa kanyang sarili
habang inaayusan ang iba pang kasamahan.
Girl : Oh claire, heto na hinahanap mo. Magda kanina ka pa nila hinahanap.
(Napalingon si Claire at dali-daling nilapitan si Magda)
(Nag si labasan ang ibang mga babaeng ka trabaho at sila nalang ang naiwan sa dressing
room)

Claire: Ang tagal mo girl (habang nagsusuklay ng kanyang buhok)


Magda: Oo, sorry. Napaka traffic naman kasi.
Claire: Ganun ba? Kamusta ka naman? Bakit wala ka nong isang araw? maraming naghahanap
sayo.
Magda: May pinagdaanan lang. Medyo nagkasagutan kami ng mga kapatid ko.
Claire: Ayos lang yan girl. Nagmamalasakit lang sila sayo. Darating ang oras na maiintindihan
ka rin nila.
(Biglang dumating ang kanilang Madam)
Madam: Hey girls! Ready na ba kayo? gawin nating masaya ang oras nila sa bar nato. Magda
ikaw na susunod na magpe-perform.
Magda: Yes madam. Ready na (habang isinusuot ang hikaw)
(Mga ilang minuto, lumabas na si Magda)
Magda: Claire mauna na ako ha. Kita nalang tayo sa labas.

(Nag simulang mag perform si Magda sa stage na kinalimutan ang mga problema at nagpakita
lamang ng kalandiang galaw sa stage)
Madam: Magda, table 2. Gusto kang i-table go!
Magda: Okay Madam.
(Matapos mag perform ni Magda sa stage. Pumuta siya sa table na nag request sa kanya. Sa
kabilang banda, lumabas si claire para mag perform sa stage)
Magda: Hi sir! Akong bahala sa gabi mo
Dalipe: Ang ganda mo naman.
(Hinawakan ni Dalipe ang braso ni Magda)
Dalipe: Taga saan ka miss beautiful?
Magda: Malayo dito (Biglang tayo ni Magda)
Dalipe: Teka san ka pupunta?
Magda: CR lang muna ako.
(Habang papuntang CR si Magda. Nasalubong sya ni Madam)
Madam: Oh san punta mo, isasabay ka sa labas ng table 2
Magda: Madam, alam niyo naman pong di ako sumasama sa labas.
Madam: Pero malaki kita mo pagsasama ka.
Magda: Pasensya na madam pero ayos at kontento na po ako sa pagpeperform at pakikipag
table dito.
Madam: Sige, mukhang di talaga kita mapipilit.
(Tumalikod si Madam at pumunta sa table 2)
Madam: Sir excuse me po. Pasensya hindi makakasama yung request mo. May iba po akong i
recommend.
Dalipe: Ganun ba? Sige salamat nalang. Babalikan ko nalang sya bukas. Sisiguradohin mong
ma i-table ko siya bukas.
Madam: Sige sir. Makakaasa ka.
(Umalis na si Madam)
Pare 1: Ang hina mo pala pre. Di mo nasama palabas yung babae. (Sabay tawa, pangungutya
ng tropa)
Dalipe: Manahimik ka nga. Babalikan ko yun. Makikita mo.
(Habang nasa dressing room si Magda at Claire. Nag-aayos ng gamit at sarili upang maghanda
sa pag-uwi)
Claire: Okay ka lang ba Magda? Sino ba yun? regular customer mo?
Magda: Hindi no! Ngayon ko lang nakita yun.
Claire: Baka
Magda: Hahaha. Sayo nalang yun. Di ako interesado basta dun lang ako sa pagpeperform sa
stage.
Claire: Okay next time na babalik sya, ako na pupunta hahaha.
Magda: Go sayo na!
Magda: Oh sya tara uwi na tayo.

5th SCENE
Kinabukasan mga bandang tanghali nag kita sila ni dalipe at ng kanyang pamangkin.
(Ang pamangkin niya Ang kaklase din ni ana na lalaki)
Lalaki: oh! Tito sa pag kakaalam ko nong Isang araw kapa duamting ah. Kamusta na Ang
Buhay natin sa barko huh?
Dalipe: (ngumito ito) ito okey lang . Ganun parin .. Ikaw kamusta na Ang pag aaral mo ?
Lalaki: okey lang po Tito . Nka pasa naman sa lahat nang subjects (tumawa ito at inakbayan
Ang kanyang Tito)
Dalipe: sandali nga ! (Sabay pinaalis Ang kamay nng pamngkin) may girlfriend kana ba ? Isama
Sana Kita mamaya my pupuntahan Tayo . Maraming babae don at tsak saasaya ka don.
Lalaki: (ngumito ito at hindi nag atubiling pumayag nito) Oo ba Tito Yan pa . Gusting gusto ko
yan!
Girlfriend ni lalaki: babe . Tumatawag yong mama mo .may kailangn siguro .

(Napalingon si dalipe at si lalaki sa my gilid na may babae na nkatayo . girlfriend Pala iyon ni
lalaki)

Dalipi: oy! May girlfriend kana Pala ..


Lalaki: huwag Kang mag ingay Tito .. basta Yun na huh .. sasama ako . Basta Tito huh . .

Dalipi: oh cge2. Puntahan Muna yang girlfriend mo .

(At kumaway na Rin si dalipe sa babae )

(Tumakbo na agad si lalaki patungo sa kanyang girlfriend at tumalikod na din si dalipe)

6th SCENE
Nasa labas si Dalipe at nag aantay sa kanyang pamangkin. Nang dumating na ang kanyang
pamangkin:

Dalipe: Ang tagal mo naman. Mag aalas- 9 na nang gabi.


Pamangkin: Sorry naman tito. Ang girlfriend ko kasi ang tagal umuwi.
Dalipe: Sige na pasok na tayo.

(Pumasok na sila sa bar)


(Nakita nila si Madam sa gilid na nakatayo at nag yuyusi ito)
Dalipe: Madam! Na-alala mo ba ako? ako yung kagabi. Babalikan ko sana yung babaeng naka
table ko kagabi.
Madam: Aba syempre naman! na alala kita dahil dyan sa napakagwapo mong mukha. Oh sya
sige umupo muna kayo at tatawagin ko si Magda.

(Umupo na sila at pinuntahan naman ni Madam si Magda)

Madam: Lumabas ka na diyan Magda. May nag aantay na sayo.


Magda: Ok po madam. San ba sya?
Madam: Nandun sa dulo Magda. Dalawa lang sila.
Magda: Oh sige madam.

(Pinuntahan na ito ni Magda)


(Tumayo ito sa harap ni Dalipe)

Magda: Bumalik talaga kayo sir?


Dalipe: Oo naman may isang salita ako (sabay hila kay Magda para umupo ito sa tabi)
Pamangkin: Yan ba ang babae na sinasabi mo tito?
Dalipe: Oo pamangkin ko.
(Lumingon si Magda sa pamangkin at nagulat ito dahil kilala niya ang lalake)
Magda: Pamangkin mo ito? (sabay turo sa pamangkin)
Dalipe: Yes! Ang pinakagwapo kong pamagkin.
Pamangkin: Parang kilala kita.. pero teka saan ba kita nakita? (habang tumitingin kay Magda)
Magda: Hindi, ngayon lang ata tayo nagkita (sabay yuko)
Pamangkin: Ah alam ko na! Magda!? ikaw ba yan? (sabay tawa)
Magda: Please! kung ano man ang nalalaman at nakikita mo ay huwag mong sasabihin sa iba.
Pamangkin: (Tumatawa ito) tingnan nalang natin bukas.
Dalipe: Sandali! Magkakilala kayo?
Pamangkin: Yes tito. Kaklase ko yang si Magda. (sabay tawa)
Dalipe: Magkaklase kayo!? at estudyante ka pa Magda?
Magda: Please lang!

(Tumayo si Magda at nataranta na hindi alam kong ano ang gagawin)


(Hinawakan ni Dalipe ang braso ni Magda pero pumiglas si Magda at tumakbo pabalik sa
dressing room)
(Naiwan si Dalipe na nalilito samantalang ang pamangin ay tumatawa dahil sa nalaman niya.)

7th SCENE
(Dahil sa nalaman ng classmate ni Magda. Nagkaroon sya ng dahilan para hindi na pumasok
ng paaralan. Natatakot sya sa pwedeng mangyari at maging kahiya hiya siya sa paaralan.)
(Isang araw hinanap ng guro ang studyanteng si Magda)
Guro: Alam mo ba kung bakit di pumapasok si Magda? (tanong niya sa matalik na kaklase ni
Magda (Girl 3) ).
Girl 3: Ma'am di ko rin po alam. Hindi din po siya sumasagot sa mga chat at calls ko.
Guro: Subokan mong puntahan sa bahay nila
Girl 3: Yes maam

(Habang ang classmate niyang lalake na nakaalam ng story niya patungkol sa trabaho. Patawa
tawa lang)

-Sa Bahay nila Magda-

(Isang araw pumunta si Girl 3 sa tahanan nila)


(Naabotan niyang nagbebenta ng fishballs, barbeque si Magda sa harap ng bahay.)

Girl 3: Magda! (Pasigaw na tawag)


Magda: (Dali-daling pumasok ng bahay) (Sabay iwas sa kaklase niya papalapit sa kanya.)
Girl 3: Teka sandali. Anong nangyayari sayo?
Magda: Wala. Ayos lang ako. (Malungkot na sagot)
Girl 3: Ilang linggo kanang di pumapasok ng paaralan.
Magda: Oo, titigil na ako. Natigil narin ako sa pagtatrabaho kaya kailangan ko mag doble kayod
dahil may mga kapatid akong binubuhay.
Girl 3: Pero magda. Sayang naman kung titigal ka sa pag-aaral.
Magda: Ayos lang ako ano ka ba.
Girl 3: Pero kailangan mo ring mag-aral. Nandito ako. tutulongan kita.
Magda: Ayos lang talaga. Panahon narin para ayusin ko buhay ko. Malaking panahon din
nawala sakin para sarili ko naman ang maayos mula nong nawala sina papa at mama.
Girl 3: Sige. Ako na magpapaliwanag kay maam basta ha, kung may kailangan ka, nandito lang
ako Magda. Hangad ko ang kaligayahan mo.
Magda: Maraming salamat talaga.
Girl 3: Walang anuman. Sige alis na ako. Mag iingat ka palagi Magda.
Magda: Ikaw rin (sabay ngiti)

-Sa loob ng bahay-

(Lumipas ang ilang oras, binigyan ni Magda ng oras ang sarili. Naisip niya ang kalagayan nila)

Magda: Kaya ko tong lagpasan lahat

(Habang nag mumokmok si Magda, dumating si Ana.


Ana: Ate nasan ka?
Ana: Oh nandito ka lang pala ate.
Magda: Oh Amy! kamusta pag-aaral mo? nasan si Amy?
Ana: Nasa kwarto niya po.
Magda: Tawagin mo nga.
Ana: Amy! (Tinawag si Amy)
Amy: Oh bakit?
Amy: Halika dito. Ipaghahanda ko kayo ng meryenda. Malaki laki narin kita ko kanina. Naubos
lahat ng paninda ko. (Masayang nagkukwento sa kapatid.)
Amy: Wow ate. Salamat sa sakripisyo mo para sa amin ate. Ikaw na tumayong ama't ina para
sa amin.
Ana: Oh tama na yang drama.
Magda: Haha. Hali nat kumain na tayo!

(Masayang kumakain ang magkakapatid)

Last line of the character, mag stop ang lahat sa pagkilos, upang maganda ang end ng story.
Sabay papasok ang narrator para sa moral lesson.
Moral lesson: Kahit gaano kahirap ang buhay. Hindi tamang kumapit sa patalim, hindi sa
panghuhusga sa gawain ng mga bayaring trabaho pero mas makakabuting magtrabaho ng may
dangal at matutong magtiwala sa plano ng Diyos sa buhay natin.

You might also like