You are on page 1of 14

FILIPINO SCRIPT GROUP-2

LEADER : Magandang tanghali po sa ating lahat, narito ang aming grupo sa inyung harapan
upang isadula ang isa sa pangunahing isyu sa ating lipunan, pero bago po iyan hayaan ninyu
po kaming ipakilala ang aming sarili at kung sino kami sa mga tauhan sa dula.

(PAGPAPAKILALA SA MGA TAUHAN SA DULA)


Curiba – Tessy
Bulias - Glai
Leah - Joy & Tita
Balucan – Anna
Guir – Sir Gomez
Butalid – Pekeng Kaibigan 1
Iman – Pekeng Kaibigan 2
Lopez - Pekeng Kaibigan 3
Boligor – Jerald
Golosinda – Kaibigan ni Jerald 1
Monares – Kaibigan ni Jerald 2

LEADER : At iyon po ang mga tauhan sa aming isasadula, at bago kami magsimula hinihikayat
po namin ang mga manonood na magsitahimik at subaybayan ang aming isasadula dahil
meron itong ipapahiwatig na pangaral lalo na sa ating mga kabataan.

EKSENA 1 (BAHAY)

NARRATOR (Leah) : Sa isang pamahayan sa isang bayan merong naninirahan na mag-inang si


nanay Tessy at ang anak nitong babaeng si Glai, dalawa lang silang magkasama sapagkat
maagang yumao ang tatay ni Glai kaya naman naghihirap silang tustusan ang pang-araw-
araw na pangangailan hanggang napagdesisyonan ni Tessy na mangibangbansa.
(PAGBUKAS NG KURTINA) (Boligor & Golosinda)

(Tinutulongan ni Glai ang ina sa pag-aayos ng mga gamit nito bago umalis)

GLAI : Nay kaylangan mo po ba talagang umalis? (*/nalulungkot)


TESSY : Anak diba napag-usapan na natin to? Wag mo namang pahirapan si nanay oh.
GLAI: Nay naman eh dadalawa na ngalang tayo, aalis kapa.
TESSY : Anak naman magkokolehiyo kana kaylangan natin ng panggastos don, tsaka
sasamahan ka namn ng tita mo dito.
GLAI : Nay pwede naman akong pansamantalang magtrabaho, di mo naman kailangang
umalis eh.

(Lumapit si tessy at hinawakan ang balikat ng anak)

TESSY : Anak wag na makulit, pansamantala lang naman si nanay don at para to sa
kinabukasan natin, okay.

(Tumango namn si Glai sa nanay nya)

TESSY : oh siya nandito na pala ang inarkela kong tricycle.

(Kinuha na ni nanay Tessy ang gamit at bago lumabas ng tuloyan ay lumingon muna ito sa
kanyang anak at sumenyas na yakapin siya nito)

TESSY : (*/suminghal) Anak hindi ko gustong umalis pero kailangan eh, magpakabait ka sa
tita mo ha at mag-aral ng mabuti at anak tandaan mo piliin mo ang mga taong
pagkakatiwalaan at sasamahan mo hah, oh sya sige na.
GLAI : Opo nay, mag-ingat po kayo doon.

(PAGSIRADO NG KURTINA) (Boligor & Golosinda)

ESKENA 2 (PAARALAN)

NARRATOR (Balucan) : Iilan lang ang kaibigan ni Glai at ang iba pa dito ay alam niyang hindi
magiging mabuting impluwensya sa kanya kaya naman unti-unti niya itong iniiwasan at dahil
narin sa bilin ng kanyang nanay.

(PAGBUKAS NG KURTINA) (Boligor & Golosinda)

SPX : Bell ring

(Palabas na ng silid aralan si Glai)

PEKENG KAIBIGAN 1 : Uy guys nandito na si Glai oh.


PEKENG KAIBIGAN 2 : Asan?
PEKENG KAIBIGAN 1 : Ayon oh, tawagin mo nga.
PEKENG KAIBIGAN 3 : Uy Glai!

(Nangmarinig ito ni Glai ay akmang babalik na sana sya sa kanyang dinaanan nang
hawakan sya sa isa sa peke niyang kaibigan)

PEKENG KAIBIGAN 2 : Uy Glai ano yan? iniwasan mona ba kami!?


GLAI : Hindi namn sa ganun, maynakalimutan lang ako babalikan ko sana.
PEKENG KAIBIGAN 3 : Aysus yon lang naman pala, mamaya nayan tara sabay na tayong
kumain alam mo na manghihingi kami ng ulam hehe.
(Inakbayan nila si Glai at pumunta sa bakanteng lamesa)

PEKENG KAIBIGAN 1 : Pahingi dito Glai hah?


GLAI : Ah sige lang.

(Nangmatapos na silang kumain ay biglang nagsindi nang yosi ang isa sa kanila)

PEKENG KAIBIGAN 3 : Teka nga nadudura ako.


GLAI : Huy teka bawal yan dito diba? Baka maymakakita sayo.
PEKENG KAIBIGAN 3: Ang inosente mo ano? Sus ano kaba ayos lang to.

(Nagtataka man ay isiniwalang bahala nito si Glai)

PEKENG KAIBIGAN 1 : Uy Glai maygala kami sa susunod na araw, ano sama ka?
GLAI: May proyekto pakong gagawin eh.
PEKENG KAIBIGAN 2 : Ano kaba mag-enjoy kana man minsan, pahingi nga akong yosi jay.
ANNA : Glai!

(Lumingon si glai sa tumatawag)

JOY : Ay kumain kana pala? Di bale paaalahanan lang sana kita hah, sabay na tayong gumawa
sa project.
GLAI : Oh sige, sorry nauna nakong kumain eh.
ANNA : Oky lang, sige dito na kami.
PEKENG KAIBIGAN 3 : So ano na Glai?sama ka hah? May ipapakilala kami sayo. (*/ngumisi)
GLAI: Ah eh kasi ano eh... Ah sige pero magpapaalam na lng ako.
(PAGSIRADO NG KURTINA) (Boligor & Golosinda)

EKSENA 3 ( BAHAY)

NARRATOR (Iman) : Isa sa hindi magandang katangian ni Glai ay ang hindi niya marunong sa
pagtanggi kaya naman nagpaalam siya para sumama sa mga itinuturing niyang kaibigan.

(PAGBUKAS NG KURTINA) (Boligor & Golosinda)

GLAI : Hello nay kumusta po?...pagpapaalam po sana ako nay gagala kasi sila Yesha ngayon
eh sasama sana ako... opo mag-iingat po ako nay...salamat nay at ingat ka po dyan.

(Tumayo na si glai at naghanda ng umalis)

TITA : Glai san ka pupunta?maggagabi na oh


GLAI : Ay tita gagala lang po kami sandali ng mga kaibigan ko.
TITA : Nagpa-alam kana ba sa nanay mo?
GLAI : Opo tita.
TITA : Oh sya sige, wag masyadong magpagabi hah at mag-ingat ka.

(Tumango namn si Glai at lumabas na)

(PAGSIRADO NG KURTINA) (Boligor & Golosinda)


EKSENA 4 (CLUB)

NARRATOR (Curiba) : Hindi gusto ni Glai na pumunta, wala rin siyang lakas ng loob para
tanggihan ang kinakilala niyang kaibigan, kaya naman embis gumawa ng proyekto ay
sumama sya sa kanila at hingid sa kaalaman niya kung sana sya dadalhin ng mga ito.

(PAGBUKAS NG KURTINA) (Guir & Balucan)

(Naglalakad sila papasok ng bar)

GLAI : Teka sandali lang akala ko ba don lang tayo sa Food bazar sa may plaza?
PEKENG KAIBIGAN 1: Wag ka na ngang choosy Glai, mag-eenjoy tayo dito.
GLAI : Di teka lang pwede naba tayo dyan? (*/Nag-aalinlangan)
PEKENG KAIBIGAN 2 : Hello legal age na tayo Glai, ano tara na?
GLAI : Sige na nga lang, una na kayo.

(Umupo sila sa isang bakanteng upuan at kumuha naman ang pangatlong kaibigan ng
inumin)

PEKENG KAIBIGAN 3 : Oky! ito na guys, Glai ikaw na magbayad dito hah.
GLAI : Huh wala akong pera at tsaka hindi naman ako umiinom.
PEKENG KAIBIGAN 3 : Edi uminom ka mild lang yan, di masyading malakas ang tama.
GLAI : Sige lang, di talaga ako umiinom eh.
PEKENG KAIBIGAN 2 : Sige na Glai wag ka ngang kj.

(binigay yung isang can ng beer ni Glai at ininom naman ito ni Glai)
LAHAT : CHEERS!

GLAI : Ang pangit namn ng lasa.


PEKENG KAIBIGAN 1 : Masasanay ka rin niyan.
JERALD : Uy tol?
PEKENG KAIBIGAN 3 : Tol! (tumayo at nag fist bump)
LALAKI 1 : Pre! ( nag fist bump)
LALAKI 2 : Uy pre! (nag fist bump)
LALAKI 2 : Uy maybago, hi!
PEKENG KAIBIGAN 2 : Ano ba wag nyo nga nakutin, kumuha na nga kayo don.
JERALD : Hi miss, Jerald nga pala. (shake hands)
GLAI : Ahm Glai.(shake hands) /*ngumiti ng tipid
PEKENG KAIBIGAN 1 : Jerald oh (inabutan ng beer)

JERALD : Okay lang ba kung


hihingin ko yung number mo?

(Tumingin si Glai sa mga kaibigan niya)

PEKENG KAIBIGAN 3 : Wag kang mag-alala Glai mabait yan.


Glai : Sige ito (inabot ang cellphone)

(PAGSARADO NG KURTINA) (Guir & Balucan)


EKSENA 5 (PAARALAN)

NARRATOR (Leah) : Simula non lagi na ring ginugulo ni Jerald si Glai at halos kada katapusan
ng linggo ay sinasama si Glai ng mga kaibigan sa kanilang mga gala, kaya namn minsan ay
muntik na niyang makalimotang meron silang proyektong ipapasa.

(PAGBUKAS NG KURTINA) (Boligor & Golosinda)

GLAI : Teka Sir Gomez, tanggapin nyo na ho kahit may bawas ng po ang punto, ayos lang.

(patakbong sinundan nya ang guro)

SIR GOMEZ : Iha ano ba kasing dahilan bakit lagi ka nalang huling pumapasa ha at palagi ka
pang parang kulang sa tulog tuwing klase? Kahapon lang dapat yan naipasa ah.
GLAI : Sorry sir nakalimutan ko po kasi.
SIR GOMEZ : Nakalimutan mo o dahil sumama ka na namn kina Yesha?
(Dumuko si glai)

SIR GOMEZ : Oh sya sige tatanggapin ko yan pero Glai binabalaan kita kung ayaw mong
bumagsak iwasan mo yang mga hibo mong kaibigan.
GLAI : (tumango) Salamat po sir.

(PAGSIRADO NG KURTINA) (Boligor & Golosinda)


EKSENA 6 (CLUB)

NARRATOR (Balucan) : Nang mapagtanto ni Glai ang naging epekto ng pagiging malapit sa
mga kaibigan, nagdesisyon siyang lalayo na sa kanila.

PEKENG KAIBIGAN 2 : Glai sama ka mamamaya hah, gusto ka pa namang makita ni Jerald
bago siya pumunta ng probinsya.
GLAI : Pupunta ako pero sandali lang may sasabihin lang namn ako.
PEKENG KAIBIGAN 2 : Sige, Ikaw bahala.

SPX : Call ended

(PAGBUKAS NG KURTINA) (Curiba & leah)

PEKENG KAIBIGAN 1 : Uy Glai dito (*/kumaway)

(Pupunta si Glai sa lamesa kung saan naka pundo ang mga kaibigan)

JERALD : Hi Glai! Upo ka.


GLAI : Uy hi!
PEKENG KAIBIGAN 3 : Glai oh (Inabutan ng alak si Glai)
GLAI : Wag na Jay, hindi namn ako pumunta dito para uminom na naman.
PEKENG KAIBIGAN 1 : Ano bang pinunta mo!?
GLAI : Gusto ko lang sabihin na lumayo na kayo sakin, ayoko na kasing sumama sa inyu eh at
pwede bang huwag nyo na din akong icontact pa yesh, hindi namn sa hindi ko kayo gusto
pero naapektuhan na kasing yung pag-aaral ko at sa ibang bagay eh.
(Habang sinasabi ito ni Glai ay may kung anong namang nilagay si Jerald sa inomin nya)

PEKENG KAIBIGAN 2 : Ang oa mo namn para namang di ka nag-enjoy sa mga lakad natin, di
bali na nga wala ka din namang nai-ambag
JERALD : Chill guys hayaan nyo na nga siya pero Glai last shot oh bago ka naman umalis.
GLAI : sige na nga, alis na ako hah

(Ininom naman ito ni Glai at aalis na sana siya nang biglang nalang siyang nahilo at biglang
natumba at sinalo namn siya mi Jerald)

LALAKI 1 : huy tol ano na namang balak mo jan? Siguraduhin mo lang na hindi kami
madadamay hah.
JERALD : Ano ka ba para namang di mo ako kilala ang hirap kasing pakisuyoan nito eh.

(PAGSIRADO NG KURTINA) (Curiba & leah)

EKSENA 7 (BAHAY)

NARRATOR (Iman): Dumaan ang mga araw natapos ang pangyayaring iyon ng putol² at
walang masyadong naalala si Glai sa nangyari, ang mahalaga sa kanya ay nakalayo na sa
kanila pero hingid sa kanyang kaalaman ang malalaman.

(PAGBUKAS NG KURTINA) (Boligor & Golosinda)

(Nasa lamesa sila dito gumagawa ng proyekto)

ANNA : Buti nalang lumayo kana don kila yesha halata namang ginagamit ka lang Glai.
JOY : Glai paabot ng notebook, Glai?Glai?Glai!?
GLAI : Ay huh sorry, ito oh (inabit yung notebook)
ANNA : Glai ayos ka lang? Parang kanina kapa tulala jan eh.
GLAI : Ayos lang ako medjo pagod lang.
JOY : Sure ka? Pwede namang bukas nalang natin to tapusin.
GLAI : Oo ayos nga ako.
JOY : ikaw ikaw bahala (*/kumibit balikat) san ba palikuran nyo dito Glai?
GLAI : Jan lang sa may gilid banda Joy.

( Pupunta saglit so Joy sa cr at bumabalik mayamaya)

JOY : Sabi ko na nga ba ngayon ako dadatnan, Glai may extra pads ka ba?
GLAI : Wala eh hindi pa ako dinadatnan.
ANNA : Hah panong hindi magdadalawang buwan na ah?
GLAI : Hindi ko alam.
ANNA : Ito nalang Joy oh, may dala akong extra dito.

(Inabot ni Anna ang pads kay Joy at agad naman itong bumalik sa cr)

(Pag-upo ni Joy kay biglang na lang naduduwal si Glai at kalaunan ay pumunta na ito sa
lababo)

(Agad na nagtinginan sina Joy at Anna at sabay na patanong na sinabing...)

ANNA & JOY : Buntis ka ba Glai?


GLAI : Ang imposible naman (*/ mapaklang tumawa )
ANNA : Tubig oh (inabutan ng tubig si glai)
JOY : Sigurado ka ba jan Glai? ( */Seryoso at nag-aalalang tumingin kay Glai)
GLAI : ano ba kayo, baka masama lang talaga ang pakiramdam ko.
ANNA : Teka nga para masigurado, I test mo oh.

(Inabot ni Anna kay Glai ang isang pregnancy test)

JOY : Huy gaga baka ikaw yung buntis, bat maydala kang ganyan hah?
ANNA : Ano ka ba para kay ate yan, inutos lang sakin kanina.
JOY : Sabi mo eh, sige na Glai para sigurado.
GLAI : Akin na nga yan (kinuha sa kamay ni Anna ag PT)
....

(Nakatayo namang naghintay sila Anna at Joy na kinakabahan rin)

ANNA : Glai ano na wala pa ba? */Pasigaw

(Dahan dahan namang lumabas si Glai na tila pinagsakan ng langit at lupa)

JOY : Akin na nga.

(Hinablot ito ni Joy at natigilan sa nakitang resulta)

ANNA : Patingan nga (natigilan sandali at tumingin kay Glai) dalawang linya ibig sabihin.
JOY : Buntis ka Glai...

(Biglang may nahulog sa pinto tanda na may ibang dumating)

TESSY : Si-sinong buntis?


GLAI : Nay!? */Kinakabahan at nagulat
JOY : Tita si g—
GLAI : Ma bat di ka nag sabing uuwi ka pala ngayon?
TESSY : Tinatanong ko kayo! Sinong buntis!?

(Unti-unting lumapit si Glai sa nanay niya)

GLAI : Nay magpapaliwanag po ak—

PAK!

TESSY : Glai pano mo to nagawa sakin hah! Nagpakahirap ako Glai matustusan ka lang!
Pano? Pano hah!?
GLAI : ma diko sinasadya /*Umiiyak
TESSY : Anong hindi mo sinasadya glai? Ano bigla nalng yang napunta sa tiyan mo!?

(Patuloy lang na umiiyak si Glai dito at lalapit sana ito sa Nanay ng itulak muli ito ni Tessy)

ANNA : Tita tama na po.

(Nilapitan ni Anna si Glai na napaupo sa sahig)

TESSY : Umuwi pa ako para isurprisa ka! Kabaliktaran palang ang mangyayari, akong ata yung
nasurprisa mo Glai!
TESSY : Dalawang taon nalang Glai tapos kana sana! Pero sinayang mo lang! Sinayang mo
lang lahat ng pinaghirapan ko! Hindi mo ba naisip yon hah!
GLAI : Ma ginamit po ako! Pakinggan nyo namn ho ako oh (patuloy na umiiyak)
(Bumalot ang katahimikan at tanging hikbi lang ni Glai ang narinig)

TESSY : Ano!?

(Lumapit si Tessy sa anak at hinawakan ang balikat)

TESSY : Sino? Sinong gumawa nito sayo!? Sabihin mo! Sino!?

(umiling iling namn si Glai)

GLAI : Nay sorry (umiiyak)

(Niyakap ni Tessy ang anak)

WAKAS

(PAGSIRADO NG KURTINA) (Boligor & Golosinda)

MORAL LESSON :
• Pilian mo ang mga taong iyong pagkakatiwalan at sasamahan.
• Dapat alam mo kailan tumatangi at humihindi.

You might also like