You are on page 1of 22

Grace: Teodora, ano bang dapat kong

malaman?
Teddy: …
Grace: Ano?
Bobbie: Teddie sabihin mo na. It’s about time.
Grace: Alam mo kung anong sinasabi nila?!
Gabbie: Last year pa namin alam, Ma.
Teddie: Last year pa?
Gabbie: Nung dapat pupunta ng Madrid si ate
para magbakasyon kasi
birthday niya.
Bobbie: Tapos ayaw mo na akong tumuloy
diba? Kasi ang sabi mo may
teacher’s conference ka sa Paris, pero tumuloy
ako sa Madrid.
Nakita kita sa bar. Pero hindi kita kinausap
kasi… alam ko nahihiya
ka. At ayokong mapahiya ka kung hindi ka
handang sabihin ang totoo.
Alex: Na ano? Anong alam niyo na hindi ko
alam?
Gabbie: Ate, wag ka nang makigulo.
Alex: Gulo? Kapatid ko si Teddie, kapatid ko rin
tong pinepressure
niyo.
Bobbie: Hindi namin siya pinepressure.
Grace: *ihahampas yung pamaypay pababa
Grace: So ano ang totoo?
Bobbie: *titignan si Teddie na parang
sinasabing umamin na siya
Bobbie: Ate…
Grace: Roberta!!! *kasabay nun yung
paghampas niya ulit ng pamaypay
Bobbie: Ma, bakit ako?
Grace: Please! Roberta!
Bobbie: Ma, mas maganda kung sa kaniya
manggagaling. Ate pamilya
mo kami. Dapat kung sino man yung
nakakakilala sayo, yung totoong
ikaw, dapat kami yun. Habambuhay ka na lang
bang magsisinungaling
samin?
Teddie: Akala mo ba Bobbie madali sakin to?!
Bobbie: Kaya nga sabihin mo na para di ka na
nahihirapan.
Teddie: Oo na! Aaminin ko na!
Teddie: Ma… Ma, I’m sorry… I’m sorry ma.
Nung nagkaro’n kasi ng
crisis sa Spain, isa ako dun sa mga teachers na
natanggalan ng
trabaho kasi sabi nila hindi naman daw talaga
ako magaling. Hindi
rin ho totoo na may M.A. ako kasi hindi rin ho
ako nabigyan ng
scholarship grant. Mula po nung natanggal ako
sa eskwelahan, nag-
double job po ako para kumita ng pera para
may maipadala sa inyo.
Nag-waitress po ako dun sa bar na nakita ako ni
Bobbie. *pause
Namasukan din po akong katulong, kaya ko
nakilala si Frodo. Ang
totoo po niyan, nangutang lang ako ng pera
para makauwi dito. Ma…
I’m sorry Ma. Sorry. *lagay kamay sa mukha
*habang luluhod I’m
sorry Ma. I’m sorry. *hawakan kamay ni Grace
Sorry Ma.
Grace: Did you honestly think na hindi kita
maiintindihan?
Teddie: *tatayo Hindi naman sa gano’n Ma.
Alam ko namang kahit
anong mangyari mahal na mahal niyo ‘ko eh.
Pero ako ho kasi yung
may problema. Ako yung hindi makatanggap na
ganito na lang ako, na
hindi ko narating lahat ng pangarap mo sakin
Ma… na ako talaga
yung kulelat sa lahat ng mga anak mo.
Alex: *voiceover Ate…
Teddie: Na kahit anong galing ko hindi ako
magiging kasinggaling
ni Bobbie.
Bobbie: *titingin sa kanila) Ako?

Teddie: Oo Bobbie, ikaw. Ikaw yung wala lang


kahit anong gawin mo
ang galing galing mo. Ako kahit anong kayod ko
kahit anong pagod
ko kahit kalian hindi ako lumapit sa galing mo.
Kasi ikaw naman
talaga yung magaling diba?! Ikaw yung
matalino, ikaw yung maganda.
Lahat ikaw na! Kapatid kita Bobbie kaya mahal
na mahal kita pero,
alam mo yung totoo inggit na inggit na ‘ko sayo.
Inggit na inggit
ako sayo Bobbie!
Bobbie: Pero bakit parang galit ka… pero bakit
kasalanan ko parang
kasalanan ko? Eh… eh sa totoo lang ako nga
yung inggit na inggit
sa inyong lahat. Kasi meron kayo nung mga
bagay n asana meron din
ako. *titingin kay Gabbie Sana meron ako nung
maternal instinct
mo. *titingin kay CJ I wish I had your charm and
innocence.
*titingin kay alex Sana naging adventurous din
ako kagaya ni Alex.
*titingin kay Teddie Sana nagkaroon din ako ng
sense of humor mo
kasi bentang-benta yun sakin eh, bentang-
benta rink ay Mama. Kaya
nga siguro lahat ng atensiyon niya nasayo.
Grace: Are you saying that I’m unfair?
Bobbie: *hawakan kamay ng mama niya No,
ma. I’m saying you have
your favorites.
Grace: Hindi totoo yan.
Bobbie: Ma… *tatawa na medyo naiiyak naalala
mo, nung grade school
ako, diba grumaduate akong valedictorian
tapos ang dami kong
medals, tapos si Teddie isa lang, pero siya pa rin
yung pinuri mo.
Tapos naalala mo nung... umuwi ako sa bahay
tapos gutom na gutom
ako… tapos nagalit ka sakin non kasi kinain ko
yung ulam na tinabi
mo para kay Teddie. Tapos umuwi ka galing
Divisoria may dala kang
mga pants, tapos ang sabi mo sakin wag muna
akong pumili kasi
pipili si Teddie, siya yung panganay siya yung
dapat pumili.
Grace: I’m sorry. I didn’t know you felt that
way.
Bobbie: Ma, it’s okay. Okay lang naman
naiintindihan ko naman
tinanggap ko naman, na iba talaga yung turing
mo kay Teddie saka
kay… CJ. Kasi sila yung paborito mo. Si Papa
naman, si Alex saka
Gabbie yung paborito. And that’s okay. That’s
okay. Kasi ang
importante sa’kin, binuhay niyo ‘ko, pinakain
niyo ‘ko, pinag-aral
niyo ‘ko, binihisan niyo ‘ko, minahal niyo ‘ko.
Kayo ni Papa, and
that’s good enough for me. Kasi growing up
naman, *titingin kay
Alex nandun si Alex. Siya lang yung may
favourite sakin. Noon.
Kasi, simula noong umuwi ako, wala akong
ibang narinig sa inyo
kundi mayabang ako, masama ugali ko, bichesa
ako sa pagiging
prangka ko and I’m sorry. I’m sorry kung
matigas ako sa paningin
niyo. Kung malamig ako, I’m sorry. I’m sorry.
CJ: Ate… Hindi naman totoo yun.
Bobbie: No CJ it’s okay. Baka ganun na talaga
ako. Kasi pinili
kong maging ganon, kinailangan kong maging
ganon. Lalo na nung
nagpunta ako ng New York. Alex baka tama ka
nga *titingin kay Alex
baka nga ambisiyosa ako. Baka nga importante
sakin yung career ko.
Pero alam mo hindi ko yun ginawa para lang sa
sarili ko. I had to
go there for us. For our family’s future. Kasi
nababaon na tayo sa
utang sa pagkakasakit ni Papa, tapos ooperahan
si Mama, tapos si
CJ kailangan na magcollege, tapos si Gabbie
maliit yung sweldo,
tapos si Teddie kailangan ng pera papuntang
Spain, tapos *titingin
kay Alex ikaw wala kang permanenteng trabaho
at ayokong patigilin
ka sa pagpepelikula mo kasi ang sabi mo sakin
dun ka masaya, dun
ka magaling, dun magiging proud sayo si Mama.
Kaya kahit gusting-
gusto ko umuwi, kasi ang lungkot, ang hirap
hirap mag-isa. Miss na
miss ko kayong lahat. Pero lahat yun tiniis ko.
Nagpakatatag ako,
nagpakatigas ako kasi kailangan ko. Pero hindi
dahil matigas ako
wala nakong pakiramdam, na hindi na ako
nasasaktan. Nasasaktan din
ako.
Grace: I’m sorry anak, I didn’t know you felt
that way.
Bobbie: Ma hindi kita sinusumbatan ha? I’m
sorry. I’m sorry.
Grace: I thought I was being fair. Because in my
heart, I loved
you all the same way. Kaya lagi lang akong
nakatingin kay Teddie
at kay CJ, sila, sa lahat sa inyo, sila yung
mahina. Sila yung
laging nagkakasakit diba? Laging kailangan ng
atensiyon. Pero
kayong tatlo, you’ve always been independent,
malalakas kayo,
matatapang. *titingin kay Bobbie
Grace: Anak, sorry ha. Sorry.
*nagyakapan si Grace at Bobbie
Bobbie: Ma it’s ok.
Grace: Sorry.
Bobbie: I’m sorry.
Grace: I want you to know that I’m so grateful
for everything
you’ve done for us.
Bobbie: Thank you Ma. Thank you.
Grace: *titingin kay Teddie

Grace: Ikaw din, nagpapasalamat ako sayo


Teddie, dahil alam kong
nagsakripisyo ka rin sa ibang bansa. And I want
you to know, I
will love you kahit ano ka pa, kahit ano ka pa.
*nagyakapan si Grace at Teddie
Teddie: I’m sorry ma.
Teddie: I’m sorry Bobbie.
Bobbie: Di ka kulelat ha? Okay?
*maghihiwalay sa yakap si Teddie & Bobbie
Bobbie: Okay?
Grace: Come here
Grace: *pinalapit si Gabbie
*kiniss si CJ
*niyakap at pinalapit si Alex
Grace: Kung may pagkukulang ako sa inyo, I’m
sorry ha? Sorry.
Alex: Ma, ako nga dapat yung mag-sorry sa
inyo. Ang dami kong
pagkukulang sa inyo eh. Ako naman talaga yung
pasaway. Pero ma,
kahit pasaway ako, gusto ko lang naman
maging proud kayo—
Grace: I know.
Alex: --kaya inaayos ko yung buhay ko eh.
Grace: I know anak, I know.
Alex: *yayakap kay CJ Sorry ma.
*magyayakapan lahat
Grace: I’m not perfect, but I am your mother.
And I will always
love you, in the best way I know how.
*magyayakapan lahat

You might also like