You are on page 1of 15

“Magkita Tayo Sa Takipsilim”

Mga Tagaganap:
Norjanah Papandayan bilang Gab
Carlos Cruz bilang Kenji
Julie Ann Alano bilang Samantha
Sheena Solano bilang Patricia
Franzyn Princess Gimeno bilang step sis
Paula Mae Ramos bilang step mom
Ellen Delas Llagas bilang Faith

PROLOGUE:

Sa dami ng pagsubok sa buhay minsan ba’y naisipan mong sumuko nalang? Tiwala at
Kataksilan, dalawang salitang bumubuo sa istorya ng aking pagkakakilanlan. Isang buhay kung
saan ni isa’y walang sang-ayon sa gusto kong iguhit na kapalaran dahil nais lamang nila’y ang
aking katapusan. Tila perpekto kung tingnan, sapagkat mayroong pamilya, karelasyon at isang
kaibigan na sa ‘di inaasahan sila rin palang dahilan ng aking kahirapan.

Lalaban pa ba ako? Bakit tila lahat yata ng kamalasan sa mundo ay nasalo ko? Kung ikaw ang
nasa sitwasyon ko, susuko ka ba sa problemang dala ng mundo ‘to.

Tagapagsalaysay: Ang istoryang ito ay pinamagatang “Magkita Tayo Sa Takipsilim”.


Ang yugto ng istorya ay dadako sa mga karakter na si Gab at Kenji. Ating tunghayan
kung paano mabubuo ang pag-ibig sa isang panaginip. Kaya naman tara na’t kiligin. So
sit back, watch, and enjoy!

UNANG EKSENA:

Gab: *nagdo-drawing habang nag de-daydream*

*Flashback* Sara ang kurtina sa part ni Gab

Scene ni Gab at papa niya. Nakita niyang malungkot ang papa niya pero nung lumapit siya at
mapansin nito, ngumiti ito sa kaniya.
Gab: Pa, ayos ka lang ba? *worried face*

Papa: *turns around* Oo naman, Napuwing lang si papa.

*Sara ang kalahating kurtina.*

*Pumasok si Gab at Nakita niya ang kaniyang step mother at step-sister na nag-uusap.*

Step-sister: Si Gab na naman ang binigyan ng regalo ni papa. Palaging siya na lang.

Step-mom: Hayaan mo, sasabihan ko ang papa mo. Pinapaboran niya lang naman yong batang
yon dahil wala na yong ina.

Step-sister: Oo nga, Kala mo naman kagandahan at kagalingan.

Step-mom: Di hamak na mas Maganda at mas magaling ka naman don anak.

*Narinig ni Gab lahat ng pag-uusap nung dalawa pero nung napansin nila siya sa likod nila,
umamo ang mga mukha nito at ngumiti sa kaniya.*

Step-mom: Kanina ka pa ba dyan, anak?

Sarado ang kalahating kurtina. Siya naming pagbukas ng kalahati para ipakita ng nakaupong si
Gab na nagdo-drawing sa upuan.

Gab: Sinungaling. Sinungaling ang mga tao. Kaya ayokong ginuguhit ang mga mukha nito dahil
iba naman ang nakikita ko sa totoong mga ugali nito. Mga peke… mga salbahe… mga walang
------

Napagtanto niya na nakaguhit na pala siya ng mukha. Lumaki ang mga mata niya at nagulat sa
kinalabasan ng kanyang ginuhit.

Gab: Anong?! Sino to?!


She crumpled the paper she was holding and threw it away. But after a few seconds, she picked it
up and opened it.

Umupo ulit siya saka umungko at pinaka titigan ang ginuhit na mukha. Hanggang sa unti-unti na
siyang pumipikit at tuluyang nakatulog.

*Nag-ring ang phone ni Gab kaya nagising siya*

Gab: Hello?(nagpipikit-pikit pa) ……… Ako nga po…….. (Napabalikwas) Ano po?!( Napatayo
si gab)

*Sarado ang kurtina*

IKALAWANG EKSENA:

Naglalakad si gab at nadatnan ang kaniyang step-mom at step-sis na umiiyak. Nang makita siya
ng mga ito, bigla siyang sinampal ng mom.

Step-mom: *Sinampal si Gab* Ang kapal ng mukha mong magpakita pa dito! Alam mo,
kasalanan mong namatay ang papa mo! Kung hindi ka na sana nagpaka-buhay prinsesa sa
Maynila, hindi na sana mangyayari to sakaniya!

Step-sis: *Smirk* Hindi talaga ako nagkamali nang akala sa’yo. Malas ka talaga..

Step-sis: *Tinulak si Gab* Ikaw na ang matalino! Ikaw na ang maganda! Ikaw ang mahal ng
itay! Malandi! Haliparot! Inagaw mo ang lahat sa akin! Lahaat! Sana ikaw na lang ang namatay!
Hindi si papa!

Gab:*Umiyak*

Step-mom: *Tinapon ang mga gamit kay Gab* Kung hindi dahil sa mga walang kwentang gamit
nayan, hindi magpapakahirap ang papa mo. Hindi sana sya namatay! Kasalanan mo lahat to!
*Pinulot iyon ni Gab.*

*Sarado ang kurtina*

IKATLONG EKSENA:

Setting: Library

May dala-dalang libro si Gab at umupo. Kinuha niya ang mga gamit sa bag at nilapag sa mesa.
Binukat niya ang libro pero pagkatapos ng ilang Segundo ay natulala na siya.

Bigla siyang nag-hysterical at ginulo-gulo ang buhok. Nahulog ang bag niya at kumalat ang
laman noon kasama ang papel na ginuhitan niya.

Gab: Ang tanga mo!

Dumating si Patricia at nagulat sa nakitang asal ng kaibigan. Pinulot niya ang mga gamit nito at
natigilan sa nakuhang papel. Binuksan niya ito at napangiti sa Nakita.

Patricia: Huh! Sino to?! Ang pogi! Jowa mo?

Gab: *Natigilan* Wala! *Pilit inagaw ag papel pero hindi binibitawan ni pat* Akin na nga yan!

Pat: Sus! Kunware ka pa. akala ko ba di ka nagdo-drawing ng mukha. Pwes, ano to?

Gab: Sabi ng wala eh!

*Pasok si Kenji na nakitang nag-aagawan ang dalawa*

Ellen: Huy Kenji! Andito ka lang pala… hanap ka daw ni ma’am Esperanza.

*Napatingin ang dalawang babae kay Kenji at lumaki ang mga mata nito.
Pat: Owemji! *Tinatapat ang drawing kay Kenji* Kuya, di ba ikaw to? *Pinakita kay kenji ang
drawing* Ikaw to diba?

Gab: *natulala*

Kenji: *nakatingin lang din kay Gab*

*Sumara ang kurtina at flashback ni Kenji*

Sa panaginip ni Kenji

Lumapit sa kanya si gab at nagging sweet ang dalawa. Pareho silang nakangiti.

*End of Flashback*

Kenji at gab: *Tulala pa din*

Ellen: Huy! Nakikinig ka ba?! Hanap ka nga ni maam!

Kenji: Ah…oo eto na. (Pero nakatingin pa rin kay gab) *Umalis na kasama si ellen*

Pat: Ano yun?!

Gab: *Inagaw ang papel* Wala! *Nilapag ang papel sa mesa.*

Umupo na silang dalawa at nagbasa ng libro si gab.

Pat: O siya, tulungan mo na lang ako sa Larang. Gwa tayo ng script para sa roleplay.

*Chika*
Dumating si kenji at umupo malapit sa kanila. Tinitigan niya ang dalawa. Nakita niya ang papel
at kinuha ito. Nakangiti niya itong pinagmasdan.

Gab: Isa pa, Kung may ranggo ang mga tanga, heneral ka.

Gab: Hoy nakikinig ka ba?

Pat: *kamot ulo* Teka, ano nga ulit----

Natigilan ang dalawa nang mapansin si Kenji sa harapan nila.

*Kinilig si Pat at pasimpleng tumayo.*

Pat: may gagawin pa pala ako friend. Babu!

Gab: T-teka!!!

*Awkward silence*

Pakonti-konting kiukuha ni Gab ang mga gamit niya habang nakatitig pa rin sa kaniya si Kenji.
Psimple din siyang tumatayo.

Gab: Aalis naman na talaga ako. Dito ka na. *paalis na sana*

Kenji: Sandali..

Gab: Huh?

Kenji: nagkita na ba tayo dati? Pamilyar ka kasi.

Gab: Pamilyar?

Kenji: ah wala…Nakalimutan mo ata ako este ito *Sabay abot ng papel*

Gab: *Dagli itong kinuha ito ni Gab* ayy thank you! *Sabay karipas ng takbo*

Tumigil sa kalagitnaan at nilingon nila ang isa’t isa at ngumiti.


*Sarado ang kurtina*

IKA-APAT NA EKSENA:

Setting: Sa bahay

Nadatnan ni Gab na pinupunit ni step-sis ang mga drawings niya. Lumaki ang mga mata ni Gab
at dali-daling tinulak ang kapatid.

Pinulot niya ang mga punit na drawingsa sa sahig.

Step-sis: Oops! Sorry, my bad. Nabo-bored na naman kasi ang kamay ko.

Gab: Sumosobra ka na! Kung kailangan mo ng pera, bibigyan kita! Tigilan mo lang ako.

Step-sis: *smirk* Wow ha! Kahit na bigyan mo ako ng limpak-limpak na pera hindi pa rin ako
titigil.

Gab: Ang pera natin, hindi basta-bastang nauubos. Pero ang pasensya ko, konting-konti na lang!

Step-sis: Ang kapal naman ng mukha mo! (Sasampalin sana si gab peo napigilan siya nito)

Gab: (Binalibag ang kamay ng kapatid) Wala akong masamang sinabi sa inyo magmula nang
dalhin kayo dito ni papa. In fact, tinanggap ko pa kayo ng bukal sa loob ko eh! Kaya hindi ko
matanggap yang inaasal mo. Wag mo sa akin ibabato ang mga insecurities mo!

Step-sis: ako? Insecure, sayo? Pero bakit parang galit ka? Pero bakit kasalanan ko? Eh.. sa totoo
lang eh ako nga yung inggit na inggit sa inyong lahat. Kasi meron kayong mga bahay na sana
meron din ako.

*Dumating ang step-mom at nagalit nang makita si gab. Tinabig niya ang balikat nito at
hinawakan ang step-sis.*
Step-mom: Ibang klase ka rin no? Tumatapang ka na! Porket wala na rito ang tatay mo,
lumalabas na ang tunay na kulay mo. Pasalamat ka nga at hinahayaan pa kitang tumira dito.
Walang utang na loob!

Gab: Hindi po ako ang nagsimula nito. Iyang anak niyo.

Step-mom: Aba’t, sumasagot ka na! Kung ganyan ka na katapang, lumayas ka na dito! Umalis ka
na sa buhay namin!

Gab: *nag walk out*

*sarado ang kurtina*

IKA-LIMANG EKSENA:

Setting: Sa park

Nakaupo si gab sa bench at tulala. Di niya napansin na dumating si Kenji. Nilapitan siya nito at
dinikit sa mukha niya ang chocolate. Tinabig naman ito ni gab at tiningan ang nakatayong si
kenji.

Gab: Salamat pero di ko kailangan niyan.

Kenji: I don’t think so. (Tinabihan si gab tapos nilagay sa kamay nito ang chocolate) Alam mo ba
na kailangan mo ng sweets kapag nalulungkot ka? Para makapag-release ng endorphins ang utak
mo para kahit papaano ay sumaya ka naman.

Gab: Kino-comfort mo ba ko?

Kenji: Sa tingin mo?

Gab: *Kibit-balikat* Nga pala… sino ka ba? Para kang kabute, .palagi ka na lang sumusulpot.

Kenji: *Smirk* Kenji Delos Reyes… *inabot yung kamay para makipag shake hands*
Gab: ahhhh.. Ako nga pala si….

Kenji: Kilala na kita. Ikaw si Gab diba?

Gab: *Kumunot ang noo* Paano mo nalaman? Stalker ka ba?/

Kenji: *Tumawa* narinig ko lang na sinabi ng kaibigan mo sa library.

Gab: Ahhh

Kenj: Bakit ka ba nandito at para kang namatayan?

Gab:….. namatayan talaga ako. Yung papa ko.

Kenji: *awkward silence* S-sorry. Di ko alam.

Gab: Okay lang. Mas Mabuti naman na ikaw yung kausap ko kaysa ang mga tao sa bahay…….
Naranasan mo na bang maramdaman na mag-isa ka na lang at walang kakampi? Na para bang
kahit anong gawin mo, wala kang masasandalan na tao?

Kenji: *Kinuha ang chocolate mula sa kamay ni Gab at binuksan iyon* Hindi pa. Pero hindi ibig
sabihin na habang-buhay ka nang mag-isa. *Inabot ang chocolate kay gab* Minsan, may
makaksaama ka naman.

Nagka titigan ang dalawa. Dumating si Patricia. Tinanggap ni Gab ang chocolate.

Pat: *Gulat na gulat* What is the meaning of this?! Akala ko ba ako lang ang mahal mo, gab?

*Nag-drama si pat habang nakatitig sa kaniya ang dalawa.*

Pat: Sagutin niyo ko! Gab! Mahal mo ba ako dahil kailangan mo ako, o kailangan mo ako kaya
mahal mo ako?

Kenji: *Bumulong kay gab*Ayos lang ba yang kaibigan mo?

Gab: Tumigil ka nga! Nakakahiya ka.

Pat: *Binaligan si Kenji* Ikaw? Mahal mo ba ang kaibigan ko? Kasi ako, oo. *Binalinga ulit si
gab* Alam mo ba kung bakit sigurado akong mahal kita? Dahil araw-araw kitang pinili.

Gab: O siya, sige na. Sa’yo na tong chocolate.


Kenji: *Pinigilan si Gab at bumulong uli* Baka masobrahan sa endorphin ang kaibigan mo.

Pat: *scoff* narinig ko kaya yun!

*sarado ang kurtina*

IKA-ANIM NA EKSENA:

*Sweet scenes ng dalawa.*

Gumuguhit si gab at nakasandal sa likod niya si kenji habang nagbabasa ng libro. Sumandal ito
sa kaniya at pumikit upang maulog. Kinilig si gab at nakangiting gumuguhit.

IKA-PITONG EKSENA:

Naglalakad si Kenji habang nagbabasa sa phone nang makabangga niya si Samantha. Nahulog
ang dala nitong mga libro at tinulungan naman siya ni kenji na pulutan iyon.

Samantha: Kenji?

Kenji: Sam! Kamusta na?

Samantha: Okay lang. Eto, Maganda pa rin.

Kenji: *Inabot ang mga libro* Ahh…

Samantha: *kinuha ang mga libro pero hindi binitawan ang kamay ni Kenji* Thank you.

*Dumating si pat at Nakita ang dalawa. Lumaki ang mga mata nito at lumapit sa dalawa.*

Pat: Hoy Kenji!

*Nagulat si keniji at binitawan ang kamay ni Sam.*


Kenji: Pat….

Lumapit si Sam kay Kenji at pinulupot ang braso niya sa braso nito.

Sam: kenji, sino siya? *Flirtatious tone*

*Pilit inaalis ni Kenji ang kamay ni Sam sa braso niya*

Pat: Hoy babaeng sinungaling! Walang hiya kang haliparot ka! Niloloko mo ba ang kaibigan ko?

Sam: Hey shut up! At.. *looks at pat from head to toe* Sino ka naman para sabihin yan.

Kenji: It’s not what you think…

Pat: Ulol! Pagkatapos ng mga pinagdaanan ng kaibigan ko, gaganyanin mo lang siya? Akala ko
pa naman ikaw ulit ang makapagpapangiti sa kaniya. Nagkamali ata ako.

*Nagwalk-out si Pat.*

*Sarado ang kurtina*

IKA-WALONG EKSENA:

*Hinihintay ni Gab si Kenji nang makita siya ni Patricia.*

Pat: Ba’t andito ka pa?

Gab: May hinihintay lang.

Pat: Si kenji? Ayun, Nakita ko kasama ni Valentina.

Gab: Valentina?

Pat: Si girl na transferee ata. Lakas makapulupot sa braso ni kenji eh. Mukhang matagal na silang
magkakilala.

Gab: *nalungkot*

Pat: Kung ako sa’yo, susugurin ko yan at magpapaka-Darna. Bawiin mo ang sayo.
Gab: Wala naman kami, eh.

Pat: Wala pa pala kayo sa lagay na yan? Mauunahan ka girl. Galaw-galaw din.

Gab:*Umiling* Sabay na nga tayo umuwi.

Pat: Hindi mo na hihintayin si Ken---

Gab: tara na!

*Sarado ang kurtina*

IKA-SIYAM NA EKSENA:

Nakasalubong ni Gab si Kenji. Pero nang makita niya ito, iniwasan niya bigla. Hinawakan
naman ni kenji ang braso ni gab.

Kenji: may problema ba tayo, gab?

Gab: *Inalis ang kamay ni kenji* Wala,

Kenji: Akala mo lang wala pero meron…meron…meron…

Gab: May kailangan lang akong tapusin. Sige na..

*Pahakbang na sana si gab nang harangin ni Kenji.*

Kenji: Kung ano man ang nagawa ko, sorry na. Hindi ko na uulitin.

Gab: Ba’t ka nagso-sorry? Di mo kailangang mag-explain. Wala naman tayo. There was never an
us. There will never be an us. Kaya please, ‘wag mo na akong landiin?

Kenji: Tungkol ba ‘to kay Sam? Sinabi ba sa’yo ni pat? Kaibigan ko lang ‘yon. Kung ‘yon ang
kinagagalit mo, sorry.

Gab: Palibhasa kasi alam na alam mo kung paano ako kunin. Isang niti, isang kanta, isang akap,
iang sorry wala, umiikot na uit yung mundo ko. Matalino akong tao pero pagdating sa’yo, ewan
ko, natatanga ako.
*Nagwalk-out si Gab*

Kenji: Gab! Gab!

*sarado ang kurtina*

IKA-SAMPUNG EKSENA:

*Kagaya ng first scene, nakaupo na si Gab habang gumuguhit. Nakatulala. Umiling siya at
kinuha niya ang . May nahulog na maliit na papel doon at kinuha niya iyon. Umupo siya ulit at
binasa ang papel.*

Voice-Over: Mahal kong anak,

Alam kong nahihirapan ka sa sitwasyon mo ngayon at yon ay dahil sa bago kong pamilya
kaya kahit papano ay gumagawa ako ng paraan para gumaan ang loob mo. Sana ay magustuhan
mo itong mga materyales sa pagguhit na pinag-ipunan ko para talaga sayo dahil alam kong
matagal mo na itong gusto. Sana’y magamit mo ito upang makalikha ng mga obra na
makapagpapamangha sa mga tao. Dahil alam ko at naniniwala ako na ikaw ang pinakamagaling
sa larangan mo. Sana ay maramdaman mo kung gaanon ako ka-proud sa’yo. Mahal na mahal
kita, anak.

Gusto ko din sabihin sa iyo na nabawi ko na ang bahay natin sa bangko. Pinangalan ko
iyon sa’yo. Nawa’y mo ulit ang init ng isang tahanan.

Nagmamahal, Papa.

Gab: *umiyak*

*sarado ang kurtina*


IKA-LABING ISANG EKSENA:

*Nakita ni gab si Step-sis na kausap si Samantha. Narinig niya ang pag-uusap ng dalawa.*

Step-sis: Good job, girl. Hula ko ngayon, nagmumukmok na yung si Gab. Pati kasi yung love life
niya nasira na natin.

Samantha: Tsss… Ang chaka naman pala ng step sister mo, Kala ko naman may laban yun sa
kin. Eh di hamak na mas Maganda naman ako sa kaniya.

Step-sis: Excuse me, mas Maganda ako sa’yo.

Samantha: Oo na nga lang. pero mukhang nag-succeed tayo na sirain sila. Akin na lang yung si
Kenji.

*Lumapit si Gab at sinabunutan si step-sis.*

Gab: Ubos na ang pasensya ko sayo! Wala akong sinasabi kapag ako ang kinakalaban mo, pero
ibang usapan na kapag mga mahal ko sa buhay ang tinatalo mo!

Step-sis: bitiwan mo ko! *binitawan ni gab*

*Dumating ang step-mom at tinulak palayo si gab!*

Step-Mom: walang hiya ka talagang bata ka! Kung noon, nagtitimpi pa ako sayo, pwes ngayon
hindi na! Lumayas ka dito sa pamamahay ko! Layas!

Gab: wala kang Karapatang paalisin ako. Dahil sa akin nakapangalan ang titulo ng bahay na to.
Sa akin iniwan ni papa ang bahay ko.

Step-mom: Anong?

Gab: pagod na ako sa pang-aalipusta niyo. Pero dahil kahit papaano ay may pinagsamahan tayo,
hahayaan ko kayong umalis dito ng payapa. Pero kung magpupumigil pa kayo, wala akong ibang
pagpipilian kundi tumawag ng pulis at ipakaladkad kayo palabas.

*Natigilan ang mag-ina.*

*Sarado ang kurtina*


IKA-LABING DALAWANG EKSENA:

Setting: Sa park

*Nakaupo si Kenji sa bench. Dumating si gab at inabot ang chocolate.*

Gab: Alam mo ba na kailangan mo ng sweets kapag nalulungkot ka? Para makapag-release ng


endorphins ang utak mo para kahit papaano ay sumaya ka naman.

Kenji: *napangiti* Hindi ka na galit?

Gab: *Umupo sa tabi ni Kenji* Sorry.

Kenji: ba’t ka nagso-sorry?

Gab: Kasi na-misunderstood kita. Pasensya ka na ah. Marami lang kasi talaga akong
pinagdaanan nitong mga nagdaang-araw.

Kenji: *Binuksan ang chocolate* Ayos lang ‘yon. Pwede mo namang sabihin sakin ang mga
problema mo para kahit papaano, gumaan naman ang loob mo.

Gab: Salamat ah. Kasi nandyan ka parati.

Kenji: Chocolate? *Inabot ang Chocolate kay Gab* Para sumaya ka naman.

Gab: para sumaya tayo.

*END*

You might also like