You are on page 1of 63

CHAPTER II

“Busy Saturday”

Jhude’s POV

“May natanggap akong text galing kay


Gab mga bandang 10:38 ng gabi at sabi niya sa text
“Hey…, wala akong pasok bukas invite sana kitang
mag jogging mga bandang 4:00 AM pwede ka
ba?”

“Nag reply naman ako agad ng “Sure pwede ako!”

“That’s great! Daanan mo nalang ako dito sa


bahay.” ‘tugon niya.

“Okay, daan ako diyan bukas. Sweet dreams.


magpahinga ka na” ‘reply ko.

“Okay thanks. See you bukas. Good night” ‘huling


reply niya.
‘Di na ako nag reply kasi baka mapahaba
pa ang usapan namin at di siya makapagpahinga ng
maayos. Alam niyo naman na ang sipag ng Anghel
ko.CHAROOT! Minabuti ko naring tapusin ang mga
ginagawa ko para maaga pa akong makagising
bukas.’ Nag set ako ng alarm ng 3:30 AM bago
natulog.’

‘Kinabukasan, gising na ako bago pa tumunog


ang alarm ko, ganyan ako ka excited! Kasama ko sa
bahay si Rose Ann at si Mama, tatlo lang kami dito.
Minsan dumadalaw si Abuela dito kasama ang
kambal kapag summer vacation ng mga bata. Binati
ko ng good morning ang picture ni Papa at nag
shower na ako. Para sa inyong kaalaman iniwan na
pala kami ni Papa nung 15 years old palang ako
kaya si Mama at Abuela (Grandmother) nalang ang
kasama ko sa buhay. Namatay si Papa dahil sa sakit
sa puso at dahil wala kaming pera noon ay hindi
namin siya naipagamot, buti na nga lang di ko
namana ang sakit ni Papa kasi ang Lolo sakit din sa
puso ang ikinamatay nun. Kinuha ko ang sapatos
ko at shorts na gray na gamit ko lagi kapag nag-
jojogging. Naglakad lang ako papunta sa bahay nila
ni Gab kasi malapit lang naman at mahaba pa oras
ko. At 3:57 nasa tapat na ako ng bahay na nasa
address na binigay niya. Hinintay ko munang mag
exactly 4:00 AM bago ko pinindut ang door bell.
‘Para sabihin niya on time ako di ba!?

“Diiiiiing….Doooooong… ‘tumunog ang door bell na


akala ko sira at lumabas si Gab.

“Buenos dias! (good morning)” ‘pagbati ko.

“Uuuuy! Hey! magandang umaga. On time ha!


‘masayang bungad ni Gab sakin.

“Good morning din. Vamos? (let’s go?) ‘pagyaya


ko.

“Tara! Lakad lang muna tayo, doon na tayo sa park


tumakbo. ‘suhestyon niya.
“Okay Sure, para makapagwarm-up muna tayo
‘sagot ko.

‘Maybe it’s weird para sa iba ang


sumama agad magjogging sa taong kakakilala mo
palang kasi di mo pa nasisiguro kung
mapagkakatiwalaan mo ba yung tao, but hindi din
naman masama kung sa ganitong bagay
magsisimula ang friendship niyo. Just take caution
parin always lalo na kapag dalawa lang kayong
lalabas. By the way umaga kami magjojoging at
okay ang ganun, kapag kayo niyaya magjogging sa
gabi ay sigurado iba ang pakay nun so dear readers
take caution always kapag lalabas. At isa pa pala,
hindi na ako nagjojogging nang mag-isa mula
noong hinabol ako ng dalawang bakla na balak ata
akong i-take home. Kaya minsan kasama ko si Rose
Ann magjogging kapag magkagalit sila ng kumot
niya. Pero kapag in good terms sila ng kumot niya
at unan hinding-hindi mo mapipilit na lumabas
nang bahay yan.Kaya kapag ayaw mag jogging ni
Rose Ann si ‘Uno’ ang kasama ko. Uno is my
adopted dog at pinulot ko lang siya malapit sa Café.
‘Naglakad kami ni Gab ng 15 minutes bago
namin narating ang park at nagsimula na kaming
tumukbo ng mabagal. Habang nagjojog kami ay di
ko maiwasan ang tumingin sa likuran niya. She’s so
hot on her black jogging pants at white V-neck shirt
at manipis na white jacket. Sa mga babae ‘pwet’
ang una kong tinitingnan and I just can’t help myself
from staring at Gab’s behind. Aaminin ko may
pagka-SM din ako (Simpleng Manyakis), pero hindi
naman all the time. Para sakin kasi ‘butt’ is the most
attractive part of human’s body and I can’t help
myself from starring at it. At para di niya ako
mahalata na tininitigan ko ang likuran niya ay
tinabihan ko na siya sa pagtakbo.’

Gab’s POV

‘Niyaya ko si JB na magjogging
sa park at pumayag naman siya. Maybe for some
hindi maganda na babae ang magyaya na lumabas
o magjog kasama ang isang guy na kakakilala lang,
but hindi naman masama kung sa simpleng kape at
jogging magsisimula ang friendship niyo, di bah?.
But girls! we should take caution parin at dapat
tayo ang pipili ng oras at place and make sure na
madaming tao ang pupuntahan niyo para if ever na
may mangyari na di inaasahan ay may
makakasaklolo.’

‘Nilakad namin ni JB mula bahay hanggang


sa park bago kami nagsimulang tumakbo ng
mabagal. Nilibot namin ang park ng ilang ulit at
huminto kami ng medyo mainit na. Bumili si JB ng
two bottles of water para ma replenish ang tubig na
naipalabas namin. Nagpahinga kami sa may ilalim
ng puno at nagkwentuhan.

“Hey! Basang basa likod mo ng pawis oh. ‘sambit


ko sabay abot ng bimpo.

“Aaah Thanks. Ikaw din mag punas ka rin ng pawis


mo. ‘sagot niya.
‘Pinunasan niya ang pawis niya sa mukha at
mga braso at pinunasan ko din ang pawis ko. Ang
hot niyang tingnan habang ginagawa yun. I know
sinabi ko na I will never trust a man ever again, pero
‘di ko naman sinara ang pinto ng buhay ko para sa
mga lalaki na gusto akong maging kaibigan. Pero
may iba kasi sa case ni JB dahil magaan ang loob ko
sa kanya at napaka-komportable niyang kasama,
siguro dahil parang ‘di siya lalaki kung kumilos.
Pinipilit niyang abutin ang likod niya para punasan
ang pawis pero di niya maabot kasi maliit lang ang
bimpo na gamit namin kaya nag offer ako, na ako
nalang magpunas ng pawis niya sa likod.’ ‘well
mabait nga ako di ba! Wag niyo ko pag-isipan ng
masama ha!’

“Akin na yung bimpo at pupunasan ko likod mo.


‘sambit ko.

“Huwag na! nakakahiya ‘pagtanggi niya.


“Sabi ni Mama bawal matuyuan ng pawis sa likod
kasi magkakasakit ka ‘pagpupumilit ko. Mabait nga
ako di bhaaaaa!

“Okay po hayan na po. ‘sagot niya habang


nahihiyang inabot ang bimpo na hawak niya.

‘Pinunasan ko ang likod niya ng dahan-


dahan habang pinapakiramdaman ang bawat
muscles dito. I don’t know pero parang may kung
anong kuryente na dumadaloy sa mga kamay ko! di
ko na binalik ang bimpo na nabasa ng pawis niya
“souviner lang po! Ang bango kasi! Hhmmmmm!”
binigyan ko nalang siya ng bago.’

“Basang-basa na ‘tong bimpo, itong isa nalang ang


gamitin mo ‘sabi ko at inabot sa kanya ang tuyong
bimpo.

“Ohh thanks! Ikaw punasan ko rin likod mo ‘alok


niya.
‘Syempre just to return the favour nalang
din siguro kaya siya nag-offer! Kaso nga lang boy
scout ako kaya tinanggihan ko ang offer niya.’

“No it’s okay ‘pagtanggi ko. I came prepared na eh,


may dalawang bimpo ang likod ko para pag basa
na yung isa may reserba pa ako. ‘paliwanag ko
sabay ngiti.

“Sayang naman Boy Scout ka pala ‘sambit niya na


may panghihinayang na tono at natawa ako sa
reaksyon niya.

“Uuy! may nagtitinda ng sorbetes oh. ‘natutuwang


sigaw ko.
Tara bili tayo. Ilibre mo nalang ako para makabawi
ka sakin. ‘sambit ko sabay hatak sa kanya.

“Oo sige, teka dahan dahan lang. Hindi ka naman


mauubusan niyan eh. ‘sambit niya.
Jhude’s POV

‘Para akong nasa heaven nung


pinupunasan ni Gab ang likod ko at para akong
bumalik sa pagkabata. Sayang nga lang gusto ko
sanang punasan ang likod niya at pagsilbihan siya
kaso boyscout pala siya kaya wala akong nagawa.
Sumunod nalang ako sa kanya nang bigla niya
akong hinatak papunta sa nagtitinda ng sorbetes.’

“Dalawa nga po manong, etong kasama ko po ang


magbabayad ha. ‘natatawang sambit ni Gab sa
tindero.
Wala po ba kayong mas malaking lagayan? Gusto
ko po yung hindi ako nabibitin eh. ‘nakangiting
dugtong niya.

“Wala Nak eh, tig 20 lang to. ‘sagot ng tindero.

“Eh kung bumili nalang kaya tayo ng 1 litre na ice


cream diyan sa 7/11. ‘ suhestyon ko.

“Oh no! ‘pagtanggi niya.


“Mas masarap ang pinoy made sorbetes kasi may
halong love! di ba Tay!? ‘sambit ni Gab at nag ngiti-
an sila ng tindero.

‘Nakita kong ngumiti si Tatay sorbetero


kaya sinabihan ko siyang huwag muna bigyan ng
sorbetes ang batang kasama ko at kukuha muna
ako ng mas malaking lagayan.’ Pumasok ako ng
7/11 para maghanap ng medyo malaking cup pero
wala akong mahanap kasi ubos na. Tinanong ko
ang cashier kung pwede lang ba bumili ng lagayan
nila ng slurpee pero di pumayag yung cashier, buti
nalang andyan si Tita Jaenie ang manager nila at
friend ni Mama.’

“Oh JB ikaw pala. Kamusta ka Hijo?


‘pangangamusta ni Tita Jaenie.

“Okay lang po Tita. ‘sagot ko.

“You’re looking hot as ever Hijo! Anong


maitutulong ko sayo? ‘sambit ni Tita.
“Hahaha. Thanks for the compliment Tita Jaen.
I wonder if I could buy just one empty cup of
Slurpee? Lalagyan ko lang po ng sorbetes may
gutom lang akong kasama ngayon. ‘sagot ko kay
Tita.

“You can have it for free! Kumuha ka na ng dalawa


‘nakangiting utos ni Tita.

“Oohh! Thank you very much po. ‘sagot ko.

“Just call me Momsh or Momshie para medyo


sosyal at parang bagets lang ang dating! ‘utos pa
nito.

“Okay po Momsh ‘sagot ko habang tinatanggap ang


cup ng Slurpee.

“Well enjoy your date anak kung sino man yan at


pakisabi sa Mama mo na Day Off ko sa Wednesday
kaya dapat mag Day Off din siya at maglalaro kami
ng Mahjong. ‘pahabol nitong utos.
“Yes po Momsh makakarating po at thank you so
much po ulit. ‘nakangiti kong tugon.

‘Binalikan ko ang gutom kong kasama at


inabot ang empty cups ng Slurpee kay tatay
Srbetero.’

“Heto Tay! Paki-puno nalang nyan at sabihin niyo


nalang po kung magkano lahat. ‘sabi ko sa tindero.

“Sige anak, Nasa 50 pesos laman nito hijo. ‘tugon


ni Tatay.

“Punuin niyo nalang po ‘tong dalawa. ‘utos ko sa


tindero.

“Kulang yan sakin yung isa! ‘sambit ni Gab na


ikinagulat ko.

“Huh!? Okay sayo na yang dalawa! ‘sambit ko


habang nagkakamot ng ulo.

“Galit ka bah? ‘tanong ni Gab.


“Hindi ah nagulat lang ako. ‘sagot ko.

“Pasensya ka na ha naiwan ko kasi wallet ko.


‘sambit niya at nginiti-an ako na parang bata.

“It’s okay siguraduhin mo lang na babawi ka sakin


next time ha. ‘usal ko kay Gab.

“Oh sure! Next time ipagluluto kita. ‘sagot ni Gab


na ikinatuwa ko.

“Bakit di mo ako ipagluto mamaya? ‘suhestyon ko.

“Gusto ko sana pero may pupuntahan ako


mamaya eh. ‘sambit niya.

“Aaaah okay sige next time nalang. ‘sagot ko na


medyo excited.

“Pahingi nalang ako ng isang sorbetes yung tig-20


lang Tay. ‘sambit ko sa tindero.

“Sige Nak. 120 lahat Nak. ‘sambit ni Tatay.


“Buti nalang may naipit akong 500 sa case
ng phone ko, hindi kasi ako nagdadala ng wallet
kapag magjojogging ako. Binigyan ko si Tatay ng
200 at pinatabi ko na sa kanya ang sukli.”

“Maraming salamat anak. ‘tugon ni Tatay.

“Ang bait mo talaga noh!? ‘sambit ni Gab.

“Galing din kasi kami sa hirap at maliit na parte


lang yun kumpara sa binibigay ni God sakin. ‘sagot
ko.

“Ang swerte ng parents mo sayo noh! Ang swerte


din ng babaeng mapapangasawa mo. ‘sambit ni
Gab at natawa ako.

“Mapapangasawa!? Ni minsan di pa nga ako


nagkaka-jowa mapapangasawa pa!? At wala pa sa
isip ko yan. ‘sagot ko kay Gab na kumunot ang noo.

“Wala sa isip!? Sayang naman ng lahi niyo pag di


ka mag-aasawa! Sayang yang kagwapuhan mo
kung di mo pararamihin. ‘pagbibiro nito habang
abala sa sorbetes.

“Aah Basta! May reasons ako kung bakit ako


nanatiing single for a long time. But I want to have
a child at gusto ko tatlo, ang lungkot kasi pag-isa
lang. ‘tugon ko sa kanya.

“Bakit? Wala kang kapatid? ‘tanong niya.

“Uniko Hijo ako. Sabi kasi ni Mama kapag 15 na


yung panganay nila saka lang nila susundan. Yun
nga lang lumala yung sakit ni Papa sa puso at
nawala siya sa’min kaya di na ako nagkaroon ng
kapatid. Mga pinsan ko lang mga kalaro ko at si
Abuela. ‘kwento ko.

“Ang lungkot naman pala ng story mo. Ako kasi


tatlo kaming magkakapatid lahat babae at ako ang
middle child. ‘sambit niya.

“28 na ako pero never pa ako nagka-girlfriend.


Mga five times na akong na-reject ng mga
niligawan ko. Tinamad narin akong manligaw at
masaktan kaya pina-ubaya ko nalang kay God ang
pagsusulat ng love story ko. At ewan ko ba kung
bakit!? Pero lahat ng niligawan ko “KUYA” lang
talaga tingin sa’kin ‘sambit ko.

“Baka naman mashado pang bata ang mga


nililigawan mo? Gwapo ka naman ah, siguro
naging mashado silang comfortable sa’yo at ayaw
nilang mawala ang feeling na’yun. ‘sambit niya na
halatang nag-eenjoy sa kinakain.

“Siguro pang Kuya Material lang talaga ako at ‘di


pang boy friend material. Hindi rin kasi ako mapilit
na tao kaya kung ayaw nila sakin, tatahimik nalang
ako. ‘usal ko.
Ma iba ako! Lakas mo pala kumain ng sorbetes
noh? ‘sambit ko habang kumakain din.

“Actually kaya kong ubusin yung isang malaking


can na yun. ‘pagmamayabang niya.

“For real! ‘gulat na sigaw ko.


“Syempre joke lang, mamamatay ako sa sakit ng
ulo pagnagkata-on. ‘natatawa niyang sagot.

“Akala ko kaya mo talagang ubusin yun, masasabi


ko na sanang isang halimaw ang nakilala ko.
‘sambit ko.

“I’m not a monster! ‘usal niya. But I do bite


sometimes. ‘sambit niya na halatang nakatitig sa
labi ko.

“I don’t mind if you bite me! ‘marahan kong


sambit.
“At narinig ko nakakatakot na tawa mula sa kanya”
Ayos ka na ba dyan sa kinakain mo o gusto mo pa?
‘tanong ko kay Gab na paubos na ang dalawang cup
ng sorbetes.

“I’m good. Nakakasama na kasi yung sobrang


sweetness. ‘sagot niya na parang may hugot.

“Ah okay, pero balikan muna natin si Tatay may


iaalok ako. ‘sambit ko.
“Okay! Sabi mo eh. ‘sagot niya.

‘Binalikan ko si Tatay sorbetero


para alukin ng business. Tinanong ko siya kung
magkano ang kinikita niya buong araw sa paglalako
ng sorbetes at sabi niya nakaka-apat na libo daw
siya maghapon. Tatlong can ang laman ng tinutulak
niya at inalok ko siya na mag supply ng sorbetes sa
akin. We serve sweets din kasi sa coffee shop at
pwede ko ring idagdag sa menu ng dessert ang
icecream sa restaurant ko. Pumayag naman si Tatay
at malaking tulong na daw yun para sa pamilya
niya. Family business daw nila ito at minana niya pa
sa Tatay niya ang recipe ng dirty icecream nila, at
dahil na sence ko yung passion ni Tatay ay mas na
inspire akong tulungan siya.’

“Hindi ka lang pala masipag at mabait, business


minded ka rin pala no? ‘sambit ni Gab na halatang
natutuwa.

“Lumaki ako sa hirap at sadyang business minded


na ako mula noong high school. Tawag sakin ng
teacher ko noon ay si “Yema Boy’ kasi palagi akong
may panindang Yema. Minsan Stick-O binibenta ko
at kung anu-anong chichirya, kulang nalang
magtayo ako ng Sari-sari Store sa llob ng
classroom. ‘pagkwento ko.

“Hahaha., ang lupit mo pala noon at ang cool.


‘sambit niya.

“Diba ikaw yung kumontrata kay Tatay? So


basically negosyo mo yan. Okay lang ba yun sa
Boss mo na magpapasok ka nang sarili mong
negosyo o gumawa nang sarili mong transaction?
‘tanong ni Gab na halatang mahihirapan ako sa
paglusot.

“Uuhm. I’m sure okay lang sa Boss ko yun, sabi


niya kasi samin kung may idea kami na makakabuti
sa business go lang. Open minded naman yung
Boss namin at ayaw niya na nananatili kami sa
isang trabaho na hindi nabibigyan nang chance ang
sarili namin na mag grow. Sa katunayan yung
ibang empleyado sa coffee shop ay irregular
students sa college at nagpa-part time lang sa
Café. Tapos pag-nakagraduate na yung empleyado
saka na siya maghahanap ng bagong tutulungan.
‘sambit ko at totoo ang mga yun.

“Napaka-generous na nilalang ng Boss mo no!


‘sambit ni Gab.

“Dahil narin siguro yun sa karanasan niya sa buhay


at sa mga tao na nagpalaki sa kanya. ‘taas noo
kong tugon.

‘Pagkatapos naming kumain ng sorbetes at


nagkwentuhan ay nagpasya kaming maglakad pa-
uwi at dinaan ko ulit si Gab sa bahay nila. Inalok
niya akong pumasok pero tumanggi muna ako. May
natanggap kasi akong text galing kay Mama.
Kailangan ko daw kunin ang mga bulaklak na
gagamitin namin para sa wedding kung saan kami
ang nakuhang mag catter. Kailangan din kasi namin
ng flowers para sa tables. Pagdating ko ng bahay ay
naligo lang ako at nagbihis, pagkatapos ay
pumunta na ako sa flower shop na pagmamay-ari
din namin para kunin ang mga bulaklak.’ ‘Pagdating
ko sa Flores de Amor ay pinark ko ang kotse at sa
likod ng shop ako dumaan. Nagulat ako nang
makita ko si Gab sa counter na kausap si Nanay
Elaine –ang tagapangasiwa namin sa flower shop.’

Gab’s POV

‘Umuwi na kami pagkatapos naming


magkwentuhan at nabusog talaga ako sa sorbetes.
Inalok ko si JB na pumasok sa bahay namin pero
ayaw niya kasi daw may pupuntahan pa siya na
parang urgent naman kaya di ko na siya pinilit at
baka ano pang makita niya sa loob ng bahay di pala
ako nakapagligpit ng mga kalat ko. Yung shorts at
panties ko naka-hanger pa sa loob ng banyo at baka
pumasok siya doon mahirap na! Buti na lang talaga
nagmamadali siyang umalis. Well may lakad din
ako kaya naligo na ako at nagbihis. Magkikita kasi
kami ng kapatid kong si Ate Leizel maykaka-usapin
daw kami sa ‘Kusina de Amor’ doon kasi gaganapin
ang reception nang kasal ng kaibigan naming si
Sofia. Dumaan muna ako sa isang Flower shop para
ibili siya ng white roses na paborito ng kapatid ko.
Pagdating ko ng flower shop ay nagulat ako nang
makita ko si JB sa counter na naka-white polo shirt
at shorts lang’

“Nay kukunin ko lang po yung flowers na


gagamitin po namin bukas. ‘sambit ng pamilyar na
boses sa cashier at sabay na nag beso sa matanda.

“JB!? ‘sigaw ko.

“Gab! What brings you here? ‘gulat na tanong niya.

“Uhhmm. May hinahanap lang. ‘sagot ko.

“Nakabox nayun lahat ng bulaklak na gagamitin


para sa kasal ang problema ngalang wala na
tayong white rose’s dito, may customer pa naman
na naghahanap ng mga bulaklak nayun para daw
sa special someone niya. ‘pag-anunsyo ng cashier
sabay lingon sakin.
“For whom naman yung flowers? ‘tanong ni JB.

“For a special girl. ‘malambing kong sagot.

“Aaahhh. Ilan ba kailangan mo? ‘nakangiti niyang


tanong.

“8 pieces would do, infinity number daw kasi yun.


‘tugon ko.

“Wait lang ikukuha kita. I think sobra naman parati


yung ino-order ni Mama eh. ‘sambit niya.

“Oh yes anak, may sobra nga palang 12 pieces yun


kunin mo na. ‘utos ng cashier na tinutulak si JB.

“Okay Nay kukunin na po. ‘nakangiting sagot niya.

“Antay ka lang dyan. ‘tugon niya with his killer


smile.
“Lintik mafafall ako nito pag nagtuloy-tuloy pa to!
Sambit ko sa isip ko. Pisces ang star sign ko at
certified kaming mabilis ma fall. Pero siguro naman
after four years na pagluluksa ko sa tarantado kong
ex, parang handa na akong mag risk ulit sa
relationship. Pero huwag dapat magpadalus-dalos.
Hinay hinay lang tayo kasi sobrang sakit kapag
bigla tayong mafafall tapos walang sasalo satin.”
“After kasi naming maghiwalay ni Vincent ay di na
ako pumasok sa isang relationship. I’ve changed my
looks and divert my attention to other things at nag
laan nang mas maraming oras para sa sarili ko na
hindi ko nagawa noong kami pa ni Philip. Para narin
malaman ko kung saan ako nagkulang, but I’ve
realized na hindi pala ako nagkulang kasi sumobra
pala ang binigay ko sa mokong na’yun, sobrang
pagmamahal at sobrang pagtitiwala. Pero mas
sumobra ako ng tiwala sa bestfriend ko na umabot
siya sa point na inahas niya ang boyfriend ko. That
was the first time that I was betrayed by my
boyfriend and my bestfriend. Pero dahil naging
mahalaga sila sa akin ay hinayaan ko sila. Para
narin sa magiging anak nila ay pinakawalan ko
siya.”
Jhude’s POV

‘Di ko ini-expect na makita si Gab sa


flower shop namin at naghahanap ng bulaklak para
sa special someone niya daw. Medyo di maganda
yung narinig ko nayun pero di pa naman ako sure
kung syota niya ba o hindi kaya dedma ko muna
ang bagay na yun. May pagka-boyish kasi si Gab,
the way siya pomorma at kumilos masasabi mo
talaga na ang astig niya, kaya di ko maiwasan na
isipin kung sino yung special someone niya daw.
Haaayss! I took 11 pieces of white roses at bumalik
ako sa counter.’

“Here’s your 8 roses and here’s another 3 for you


‘sambit ko habang ina-abot ang mga rosas.

“Wow! walo lang naman kailangan ko eh. ‘Gab


said.
“Walo lang ang babayaran mo dyan at para sayo
na yung tatlo, yan lang kasi ang sobra eh.
‘paliwanag ko.

“Anak may lagnat ka ba? ‘tanong ni Nay Elaine.

“Huh!? Wala naman po Nay ‘sagot ko na nagulat sa


tanong ni Nanay.

“Namumula kasi ang mukha mo oh, parang rosas


na pula ‘pang-aasar ni Nanay.

“Huh! Hindi ah! ‘sambit ko na halatang nahihiya.

“Hindi JB namumula ka talaga! ‘sambit ni Gab kaya


tumalikod ako dahil sa hiya.

‘Ramdam kong umi-init nga ang mukha ko


at naririnig ko pang tumatawa si Nay Elaine at Gab
at todo pa ang pang-aasar sakin. Buti nalang to the
rescue si Christian ang helper ni Nanay at apo niya.’
“Kuya JB sisimulan ko na po ba ang pagkakarga ng
mga bulaklak? ‘sigaw ni Christian.

“Sige simulan na natin. ‘sagot ko sa binata.

“Ano pa ba trabaho mo aside sa pagiging waiter


mo sa Café de Amor? ‘ biglang tanong ni Gab.

“Lumingon sa akin si Nanay Elaine na


kunot ang noo kaya ginamitan ko siya nang power
kindat ko at ngumiti nalang ako.”

“Part time lang to lahat. Part time waiter at nag


papart time din ako sa cattering service. Sabi ko
naman sayo kanina diba na may mga empleyadong
irregular students ang coffee shop at isa ako sa
kanila. ‘palusot ko habang ina-akbayan si Nanay
Elaine.

“Aaaah. Buti namamanage mo nang maayos ang


time moh! ‘sambit ni Gab.
“Tinuru-an kasi ako ni Nanay Elaine ng time
management kaya nagagawa ko nang maayos ang
mga tasks ko. Sige na baka ma late ka pa sa date
mo. ‘utos ko kay Gab.
Dito ka nalang kay Nanay mag bayad hingi karin ng
discount mabait yan. ‘pahabol kong sabi bago
tumulong kay Christian na mag karga ng mga
bulaklak sa kotse.

Gab’s POV

‘Nagsisimula na akong magtaka kung


sino ba talaga si JB masyado kasi siyang misteryoso.
Kung kumilos siya parang di siya trabahante. Ang
dami niya ding alam sa coffee shop and he work as
a waiter pero kung kumilos siya sa loob ng café para
siyang manager. Tapos yung may-ari ng Café
parang wala dun palagi then he even conduct a
transaction on his own. Minsan bigla nalang siyang
aalis at sasabihin may urgent na gagawin tapos
makikita ko rin siya dito sa flower shop bilang
tagakuha ng mga bulaklak para sa cattering pero
yung ayos niya parang makikipag-date. Duda na
talaga ako sa JB na to. Sinubukan kong tanungin
yung cashier pero parang nadali siya ng ‘power
kindat’ ni JB kaya ayaw niya mag salita.’

“Nay pwede po bang magtanong? ‘sambit ko.

“Ano yun anak? ‘sagot niya.

“Ano po ba talaga trabaho ni JB? Parang ang dami


niyang ginagawa eh! ‘dericha kong tanong.

“Kagaya nga ng sinabi niya Hija, part timer siya


dito. ‘sagot ng Kahera na may hilaw na ngiti.

“Pero Nay, kasi kung kumilos siya para siyang hindi


trabahante lalo na sa coffee shop lagi siyang wala
doon at ang dami niyang alam sa Café. ‘sagot ko
kay Nanay.

“Mashado lang siyang maraming racket na ina-


asikaso at minsan nag momodel din yang si JB kaya
siguro madalas siyang wala. ‘sambit ni Nanay na
ikinagulat ko.

“Model! Si JB!? anong magazine po? ‘interesado


kong tanong.

“Hindi ko lang matandaan basta ang alam ko


kapag walang lalaking modelo yung kaibigan
niyang photographer ay siya ang kinukuha.
‘kwento ni Nanay.

‘Makiki-Nanay na ako parang close na kasi


kami eh at gusto ko ang kwento niya…yummy!’

“Sa coffee shop ba kayo nagka kilala ni JB? ‘tanong


ni Nanay.

“Uuhhmm. Opo doon po sa ‘Café de Amor’. Noon


ko pa naman po siya napapansin sa Café pero
kahapon lang kami nagkakilala actually. ‘sagot ko.
May koneksyon po ba ang flower shop na to sa
coffee shop? Kasi parehong may ‘de Amor’ eh. At
pupunta din ako sa isang restaurant mamaya na
may ‘de Amor din sa dulo’. ‘Kusina de Amor ata
yun? ‘dagdag kong tanong.

“Aah oo. Iisa lang ang may-ari ng flower shop na to


at ng coffee shop at ng ‘Kusina de Amor’. ‘sagot ni
Nanay. Mga Buenaflor ang may-ari nito.

“Sa pagkaka-alam ko po ang ‘Amor’ ay Spanish


term ng LOVE. May lahi siguro silang Espanyol?
‘sambit ko.

“Yung Lola ata nang may-ari ay half-Spanish at


taga San Francisco Cebu sila. ‘sagot ni Nanay.

“Aahh. That makes sense. ‘sambit ko.

“For more than 300 years, Spaniards have


ruled over Philippines and in that time duration our
ancestors are forced to adopt the Spanish Culture
that most of it can be seen in today’s generation.
Spaniards have introduced to us their form of
government, their language and some cultures and
religion and even the design of our houses. In terms
of language, theres’ a lot of borrowed terms that we
are using right now that derived from Spanish but
we just given different meaning and different
spelling for it. Some examples of loan terms in
Spanish are;

-Cuidad (City) but we spell it as ‘Shudad or Syudad,


- Soltero (single), solo (only one)
-Direcho/a “in Spanish this means ‘to the right’,
but we use it to tell someone ‘to go to a straight
path’.”
-Calle (street) but we spell it as ‘Kalye’
-Amigo/a (friend) and we use it the same way as
the Spaniards
-Familia (family).

To add a little more Spanish terms’ we have;


‘como esta? – How are you?
‘esta bien? – Are you alright?
‘estoy bien – I’m good/I’m okay
‘gracias – Thank you
‘de nada – Welcome
‘Buenos dias – Good morning
‘Buenos tardes – Good afternoon
‘Buenas noches – Good evening
‘dulce sueños – sweet dreams
“Yan lang muna mai-sheshare ko sa inyo
guys. Balik tayo sa story ni Nanay.

“Kami ng apo kong si Christian ay mga palaboy


noon sa kalye. Nadaanan kami minsan ng binatang
Buenaflor at may sakit ako noong araw na yun.
Binabaan ako ng binata at dinala sa isang malapit
na hospital at tinulungan nila kami. Dahil marami
akong alam sa bulaklak ay naisipan nilang kami na
ng apo ko ang gawing tagapangasiwa sa flower
shop na ito at dahil wala rin kaming
mapupuntahan ay tinanggap namin ang alok nila
at para narin makabawi kami sa kabutihang
ginawa ng mag-ina sa amin. ‘kwento ni Nanay.

“Ang bait naman po pala ng may-ari nito. ‘sambit


ko.
“Ano po pala ang pangalan ng binatang Buenaflor?
‘dugtong kong tanong kay Nanay.

“Hhhmm. For security reasons inutusan kami ng


mga Boss namin na huwag banggitin kahit kanino
ang tunay nilang pangalan. Tanging Buenaflor lang
ang maibibigay kong impormasyon sa iyo Hija.
‘sambit ni Nanay na halatang pinoprotektahan ang
Boss niya.

“Ay ganun po ba? Sige po okay lang, baka


mapagalitan pa kayo dahil sa kadaldalan ko.
‘sambit ko na medyo nahihiya.

“Di ba pupunta kang Kusina de Amor? bakit di ka


nalang sumabay kay JB, doon niya rin naman
ihahataid yung mga bulaklak. ‘suhestyon ni Nanay.

“Huwag na po may dadaanan pa akong iba eh. At


isa pa mukhang busy mashado si JB. ‘pag tanggi ko
at nagpaalam na’t umalis. Shempre nagbayad muna
ako, baka sumama agad record natin kay Nanay eh.
Jeje’
‘Hindi ko na hinintay si JB na bumalik ng
counter para makapagpasalamat ako, naghihintay
na kasi si Ate Liezel at siguradong gutom na yun’

Jhude’s POV

‘Malapit na kaming matapos ni


Christian sa pagkakarga ng mga bulaklak nang
tinawag ako ni Nanay. Sabi niya na una na daw si
Gab kasi may dadaanan pa daw ito. Minabuti
nalang naming tapusin ang pagkakarga ng mga
bulaklak para maihatid ko na at marami pa kaming
aayusin sa restaurant para at maghahatid pa ako
ng flowers sa Sugarland Hotel para sa kasal bukas.
Kakausapin ko pa si Mrs. Liezel about sa menu na
gusto nila para bukas.’

“Anak umalis na yung kaibigan mo, may dadaanan


pa daw siya. ‘sambit ni Nay Elaine.
“Ah sige po Nay. Magkasama naman kami kanina
kaya walang problema yun. ‘sambit ko.

“Mukhang mabait naman ang batang yun anak


kaya why not magpakilala ka sa kanya? You have
to tell that person kung sino ka talaga para di siya
makapag-isip ng masama. ‘tugon ni Nanay at alam
kong si Gab ang tinutukoy niya.

“Soon po Nay. Di po muna ngayon. ‘sagot ko.


We’ve just known each other for a day and its
better not to rush things.

“Sabagay may point ka anak. Nag-aalala lang ako


sa’yo, marupok ka pa naman. ‘direchang sambit ni
Nanay.

“Si Lola talaga parang walang filter yung bibig


minsan! ‘sambit ni Christian.
“Nagsasabi lang ako ng totoo hijo at ikaw naman
talaga ang puntirya ko hindi ang kuya JB mo.
‘pang-aasar ni Nanay.

“Hahaha… Bakit Nay? Ilang beses niyo na po bang


nakitaan nang karupukan ‘tong si Christian?
‘tanong ko.

“Sus hijo! Di ko na ma bilang! Noong nakaraang


lingo lang Nak, magkasama sila ni Philip nag-
inoman kasi broken-heated daw. Tapos sumunod
na araw masaya na ulit yan kasi nag com-back daw
sila ni Mylyn. ‘kwento ni Nanay.

“Mga loko tong mga batang to ah! Nag-inuman


pala tapos hindi ako niyaya?! ‘dismayado kong
sambit.

“Eh kuya JB wala ka dito noong time nayun nasa


Batanggas ka ata! ‘sambit ni Christian.

“Ay Oo, one week pala akong nasa Batanggas nun.


‘usal ko.
“Sus! Mga mahihinang nilalang! Maglalasing na
kung aawayin ng jowa! Ako nung araw tatlumpo
ang nobyo ko at lahat sila naghahabol sakin.
‘pagyayabang ni Nanay.

“Grabe pala ang taglay niyong alindog noon Nay?


‘nakangiti kong tugon.

“Abay shempre! Alagang Bukid ako noong araw at


nakakabighani talaga ang mga babaeng masipag!
“taas noong sambit ni Nanay.

“Grabe ka naman sakin La, kalma lang po kayo


hindi pa naman ako mag-aasawa eh! At isa pa
noon lang po kayo habulin. ‘sambit ni Carlos sa Lola
niyang madami pang iku-kwento.

“Sige Nay, sa Lunes close muna natin tong flower


shop para makapagpahinga din kayo kasi madami
tayong gagawin sa cattering bukas. Punta kayo
nang Coffee shop sa Lunes at magkwentuhan tayo.
‘suhestyon ko kay Nanay na mukhang natuwa.
“Oooh yes! Gusto ko yan. Madami akong
ikukwento. ‘sagot ni Nanay.

“Sigurado naman ako na tungkol sakin lahat ng


kwento mo. ‘sambit ng kawawang Christian.

“Aalis na po ako at marami pa po kaming gagawin


para sa kasal bukas. Magsara narin po kayo ng
maaga para makapagpahinga na rin kayo at
magiging busy tayo bukas. ‘paalam ko kay Nanay at
nagbeso bago umalis.

“Ingat ka anak. Magdahan-dahan sa


pagmamaneho. ‘paalala ni Nanay.

“Ay Nay, magsara nalang po kayo ngayon at


makikisuyo ata si Mama sa inyo para mamalengke.
Christian samahan mo na si Lola mo para may
magdadala nang pinamili niya. ‘tugon ko.

“Sige Kuya JB para mabantayan ko narin si Lola


baka matagalan na naman kasi to sa pwesto ni
Lolo Rolly eh. ‘sambit ni Carlos.
“Sinong Rolly? ‘tanong ko habang nakataas ang
kilay.

“Ah yung may suki ko sa palengke. Nakikipag-


kaibigan lang. ‘nakangiting tugon ni Nanay.

“Aaaaah. Kayo Nay ha! Hindi pa pala expired yang


alindog niyo ah. ‘usal ko.

“Ganyan talaga kapag Organic Beuty walang


expiration! ‘sambit ni Nanay.

“Kaya ‘wag na kayo magulat La kung matinik ako


sa chicks kasi sa inyo ako nagmana. ‘usal ni
Christian at inak-bayan ang Lola niya.

“Matinik ka nga sa chicks iyakin ka naman. ‘sambit


ni Lola at natawa ako.

“Sige napo Nay aalis na ako baka umiyak nayang si


Christian sa pangungutya niyo. ‘natatawa kong
sambit.
“Oh sige Anak para makapag-pamalengke natin
kami. Dahan-dahan sa pagmamaneho ha. ‘paalala
ni Nanay.

“Yes po. Bye. ‘paalam ko.

‘Pagdating ko ng ‘Kusina de amor’ ay


pinakuha ko ang mga bulaklak sa mga tauhan ko at
pumunta ng kusina para kausapin si Ate Roselyn,
ang Chef at ang co-owner ng restaurant.’

“Dumating na ba si Mrs. Liezel? ‘tanong ko kay Ate


Roselyn.

“She’s on the way na daw. ‘sagot niya.

“Okay na ba yung ibang gagamitin para sa


decorations? ‘tanong ko.

“Inayos na nina Aires at Zachie yung sa harap. Si


Seb at Toro naman kasama ang ibang mga lalaki
nag-aayos ng mga mesa at upuan. Flowers nalang
yung kulang. ‘sagot niya.
“Yung mga bulaklak pinapababa ko na. Just call me
if andyan na si Mrs. Liezel. ‘utos ko.

“Do you want something to eat? ‘tanong ni Ate


Roselyn.

“No thank you, busog pa ako. But a cup of coffe


would do. ‘sagot ko.

‘Pumunta ako sa likod ng restaurant para


tawagan si Rose Ann. I told her to close the coffee
shop early para makapag-pahinga ang sila at
kailangan ko sila sa restaurant at sa cattering bukas
para magserve at mag-ayos. 24/7 open ang coffee
shop but I choose to close it kapag kinukulang kami
sa tao gawa nang yung ibang empleyado ay may
conflict sa schedule sa school nila. Madami kasi ang
mga dadalo sa kasal ng soon to be Mr. and Mrs.
Davidson kaya need ko ng madaming tao para may
sapat na pahinga ang lahat kapag salitan lang sa
pagese-serve. Few minutes later tinawag ako ni Ate
Roselyn dahil andyan na yung client. Pero sinabi ko
sa kanya na siya nalang muna ang bahala dahil
kailangan ko pang pumunta sa park. Total siya
naman ang magluluto kaya okay lang na siya
nalang ang makipag-usap sa client.’

“Andyan na daw si Mrs. Liezel. ‘sabi ni Chef.

“Ikaw nalang muna ang kuma-usap sa kanya Ate


Rose. I have to go back to the flower shop.
Kukunin ko pa yung flowers sa Sugarland Hotel.
‘sambit ko.

“Aahh. Okay no problem. ‘sagot niya.

“Update niyo nalang po ako kung ano pa ang ibang


kailangan. ‘utos ko.
Papupuntahin ko nalang po dito si Kuya Ruben
mamaya kapag natapos na kami sa pag-aayos ng
ibang kailangan para sa cattering. ‘dugtong ko.

“Sure Nak, walang problema. Ako na tatawag kay


Ruben at tulungan mo na si Mama mo doon. Ingat
ka sa pagmamaneho ha! ‘tugon ni Ate Roselyn.
“Papupuntahin ko na dito si Kuya Ruben para may
ma-utusan din kayo kung ano pang mga dapat
bilhin at para narin may katuwang yung mga
binatilyo sa pagbubuhat. ‘bilin ko.

“Sound good to me. ‘sagot ni Ate Rose at umalis na


ako.

Gab’s POV

‘Sinundo ko si Ate Liezel sa bus


terminal at sabay na kaming pumunta sa restaurant
na sinasabi niya para tingnan kung okay na ang
lahat para bukas.’

“Hi Ate, flowers! ‘pagbati ko.

“Ooh!! Ang sweet naman ng kapatid ko, siguro


may nakain kang kung ano kasi ang sweet mo
ngayon. ‘sambit niya.
“I know you love those flowers so I’ve brought you
some. At isa pa noon pa naman ako sweet ah!
‘usal ko.

‘Suuuus! Malamang alam mo na gusto ko to,


pareho kaya tayong paborito ang white roses.
‘sambit niya at nagyapan kami.

“Punta na tayo sa restuarant para makakain narin


ako. Gutom na ako eh. ‘pagyaya niya.

“Okay. Tawag lang akong taxi. ‘sagot ko. Taxi !!!

‘Nagtungo kami ng Kusina de Amor para


narin makakain ang Ate at gutom na rin ako.
Pagdating namin ng restaurant ay nagtanong si Ate
kung saan si Mr. Buenaflor. Hindi na ako nagulat
dahil nasabi narin ni Nanay Elaine kanina na sa mga
Buenaflor din ang restaurant na ito’

“Hi excuse me! Can I talk to Mr. Buenaflor? I’m


Liezel Sanchez. ‘tanong ni Ate sa isang babae.
“Oooh! He’s been waiting for you Ma’am. Just a
moment and I’ll call him for you. ‘sagot ng cute na
babae.

‘Umalis ang babae at nag-ikot kami ni Ate


saglit habang abala ang mga tao sa restaurant sa
pagaayos ng mga mesa’t dekorasyon. Pagbalik niya
ay isang babae ang kasama niya at parang Chef ata
ito.’

“Hello Mam Liezel. I’m sorry, Mr. Buenaflor is not


around kaya binilin nalang po kayo sakin ni Sir.
‘paliwanag ng Chef.

“It’s okay. Gusto ko lang makita ang menu at


chineck ko lang kung okay na ang place for
tomorrow. ‘sambit ni Ate.

“Well the food will be served shortly. ‘tugon ng


Chef at tinawag niya ang cute na babae kanina.
“Aires pakisabi sa Ate Zachie mo ipa-serve na yung
food. ‘utos nito.

“Okay po Ma. ‘sagot nito.

“Anak niyo po yun? ‘tanong ko sa Chef.

“Ah oo. Sila yung naka-assign sa decorations.


‘sagot ni Chef.

“Aah kaya pala familiar sakin ang mukha niya.


‘sambit ni Ate.
Siya yung inirecomenda ni Mr. Buenaflor na event
organizer. Sa chat lang kasi kami nag-uusap kaya di
ko siya namukhaan masyado. ‘dugtong ni Ate.

“Sino ba talaga si Mr. Buenaflor na yan at ang


dami niyang connection at ka kilalang
professionals. ‘sambit ko.
“Mukhang may alam ka kay Mr. Buenaflor aahhh! I
smell something fishy Sissy. ‘sambit ni Ate kasabay
ng nakakairita niyang ngiti.

“Doon kasi sa coffe shop si Mr. Buenaflor daw ang


may-ari. Tapos kanina sa flower shop ay mga
Buenaflor din daw may ari sabi ni Nanay Elaine.
Tapos si Mr. Buenaflor din may-ari nitong
restaurant. Kaya na-iintriga lang ako Sissy!
‘paliwanag ko.

“Ooooooh.! Nadalaw mo na pala ang ‘Tres


Buenaflores’ hija!? ‘sambit ni Chef.

‘‘Tres Buenaflores’? ‘pagkaklaro ko.

“Tres Buenaflores ang tawag ni Mr. Buenaflor sa


tatlong negosyong pinapatakbo niya at ang bawat
isa ay may core story. Ang coffee shop ay para sa
alala-ala ng Tatay niya at sa hilig ng pamilya sa
Kape, ang flower shop naman ay ipinatayo dahil
sa hilig ng Nanay niya sa bulaklak at mahilig din sa
flowers si Mr. Buenaflor, at ang restaurant na ito
ay ipinatayo dahil sa hilig ni Mr. Buenaflor na
magluto. ‘paliwanag ni Chef.

“Pwede niyo pa po ba akong kwentuhan about sa


mga Buenaflor? ‘sambit ko kay Chef at ngumiti siya.

“Well of course. It would be my honor to share


their goodness to you. At habang nagkukwentuhan
tayo ay kumain narin kayo at nang makapag food
tasting narin tayo. ‘nakangiting sambit ni Chef.

“Oo nga mabuti pa kasi gutom narin ako. Sinadya


ko talagang di kumain bago bumyahe para dito.
‘sambit ni Ate na mukhang takam na takam sa mga
nasa harap namin.

“Well sa pagkakakilala ko sayo Ate di na ako


nagulat. ‘sambit ko at nagtawanan kami.
“Well sa pagkakakilala ko din sayo, never kang
naging interesado sa lalaki since Vincent -that
idiot-betrayed you. ‘sambit ni Ate.

“Please don’t bring that up Ate! Parang puputok


ang taenga ko kapag naririnig ko yang pangalang
yan. ‘sagot ko.

“Well kahit ano naman kasing pagbabago ang


gawin mo sa physical appearance mo hindi mo
parin maaalis na babae ka talaga. ‘sumbat ni Ate
habang tumutusok ng pagkain.

“Huwag niyo nalang po pansinin tong Ate ko.


Masyado lang yang maingay at gutom! ‘sambit ko
kay Chef.

“It’s okay hija. Marami na kaming clients na


nakaharap at may mga mas maingay pa kaysa sa
Ate mo. ‘sagot ni Chef.

“Aahh buti naman po pala at sana’y na kayong


makaharap ang mga ganitong uri ng nilalang.
‘sambit ko at tinaasan ako ng kilay ni Ate.
Pero okay lang po ba na makipagkwentuhan ako
sa inyo? ‘dugtong kong tanong kay Chef.

“Don’t worry close kami ngayon para


makapaghanda kami for the wedding. At isa pa
wala na ako masyadong gagawin and the crew
knows their job very well. ‘sagot ni Chef.

“Galing naman nun. Mukhang disiplinado mga


tauhan dito gaya dun sa coffee shop. ‘sambit ko.

“Mukhang madalas ka sa ‘Café de Amor’ hija.


‘sambit ni Chef.

“Aah opo. Mahilig ako mag tambay doon kapag


stress ako at kung nagpapalipas oras ang sarap din
kasi ng brewed coffee nila. Doon ko rin nakilala
ang bago kong kaibigan. Yung isang waiter doon si
JB ang pangalan. ‘sagot ko.
“Si JB?! Aaaah yung hot na waiter doon sa Café.
Nandito siya kanina naghatid ng mga flowers.
Mabait na bata si JB at friendly pa ‘sambit ni Chef.

“Well parang nagdududa lang po ako sa taong yun


kasi parang di siya regular na tauhan kung kumilos.
Sabi niya rin naman kasi part time niya lang na
trabaho yung pagiging waiter kasi nga irregular
student daw siya. Kanina nakita ko rin siya sa
flower shop at binigyan niya pa ako ng bulaklak.
Akala ko nga makikita ko siya ulit dito. ‘kwento ko.

“Ahemm! Sissy parang gusto ko yang ina-asta mo


ngayon. Tuloy mo lang yan. ‘nakangiting sambit ng
Ate ko habang kumakain.

“Tumahimik ka dyan at kumain ka nalang. Ayusin


mo yung pag fofood tasting mo dyan. Diba food
tasting lang to?! Tikim-tikim lang kumbaga eh
parang lamon na talaga yang sa’yo eh. ‘pangugutya
ko kay Ate.
“Sissy dear. Magiging busy ako bukas sa pag-
aasekaso ng mga bisita at mawawalan ako ng time
para sa self ko kaya lubos-lubosin ko na to ngayon.
At kung ikaw ba naman ang hainan ng ganito ka
sarap na pagkain? Di pwede ang tikim tikim lang!
Pero parang mas masarap ang kwento mo. Sige
magkwento ka pa. ‘utos ng matakaw kong Ate.

“Si Chef dapat ang magkukwento hindi ako. Chef


kwento ka na. ‘utos ko.

“Well kung napapansin niyo na parang displinado


masyado ang mga tao dito pati sa coffee shop it’s
because most of us ay malaki ang utang na loob
kay Mr. Buenaflor. Si Mr. Buenaflor ay
nakatrabaho ko minsan sa restaurant na
pinapasukan ko noon. I was assigned to train him
at masasabi kong napakasipag niyang bata at
napaka-obsevant niya. He’s a fast learner and the
next thing I knew he could manage on his own.
Pinagsabay niya ang pag-aaral at pagtatrabaho and
he never gave up on his dreams. Sa pagkakatanda
ko ay College Graduate siya and he took the course
na Bachelor in Arts Major in History. Nai-kwento
niya sakin minsan na nakapagtrabaho pa siya sa
isang Local Museum sa Cebu. Medyo mahirap daw
maghanap nang trabaho kahit na Degree Holder ka
na kaya naisipan niyang pasukin ang mundo ng
mga kusinero and he took Culinary Course under
TESDA PROGRAM. Nakapagtapos siya ng pag-aaral
under TESDA Program at pumunta ng Japan para
magtrabaho, mga 3 years din siyang nagtrabaho
doon. Pag-uwi niya dito ay niyaya niya akong
magbukas ng sarili naming restaurant at dahil na-
engganyo niya ako ay ginamit ko ang naipon kong
pera para makapag simula kami ng plano naming
negosyo. The business is doing well naman Thanks
to him. Ang dami niyang natulungang tao dahil sa
restuarant na ito. Si Toro at Seb ay mga binatang
nangangalakal yan noon at walang ibang hiling sa
buhay kundi ang makakain nang kahit dalawang
beses sa isang araw. Dahil sa tulong at
pangungumbinsi ni Jhude ay nagkaroon ng
direction ang buhay ng dalawa. First year college
na ang mga ‘yan ngayon. Si Zachie at Zyrus naman,
mga ulila sa magulang at muntik nang ibenta ng
sarili nilang Tiyahin sa Bahay Aliwan, but we
manage to save the poor kids. ‘pagkukwento ni
Chef. Papa-uwiin na sana namin sina Zachie at
Zyrus sa probinsya nila pero wala na daw silang
ma-uuwian at naki-usap din ang mga bata na gusto
nilang makabawi sa kabutihang ginawa ni Mr.
Buenaflor, kaya gumawa nalang si Mr. Buenaflor
ng kasunduan. ‘dagdag ni Chef.

“Ano pong kasunduan? ‘interesado kong tanong.

“That they must continue their lives and finish


their studies. At tutulungan nila ang sarili nila na
maka-ahon and in order to do that Mr. Buenaflor
offered them to work here at the restaurant.
‘sambit ni Chef.

“Wow! Ang gandang kasunduan naman nun.


‘sambit ng Ate kong patuloy sa pagkain.

“At sa pagkaka-alam ko ang perang ginamit ni Mr.


Buenaflor sa pagpapatayo ng mga negosyo niya ay
ang perang napanalunan niya sa lottery doon sa
Japan, medyo malaki-laki rin yun. ‘sambit ni Chef.

“Ilang tonilada bang swerte ang pasan ni Mr.


Buenaflor na yan?! Ako kasi 18 years nang
tumataya ng lotto ni kahit isang beses di ako na
nalo. ‘reklamo ng Ate ko.

“Sissy malas ka lang talaga. ‘pangugutya ko.

“Kailan ko kaya makakabunggo yang Mr. Buenaflor


nayan. Baka yung swerte niya pumunta sakin.
‘pagbibiro ko.

“Don’t worry Sissy baka bukas masilayan natin


yang mysterious man na si Mr. Buenaflor. Nung
nag-usap kasi kami sa chat ‘Tres Beunaflores’ yung
name nang account na gamit niya tapos logo ng
business niya yung nasa profile, kaya wala akong
idea kung anong ichura niya. Sigurado naman
akong andito yun bukas kasi restaurant niya to eh
at may event dito. ‘sambit ni Ate. Chef baka pwede
mo kaming ipakilala bukas kung andito siya ha.
Pati kasi ako nacu-curious na eh. ‘dugtong ni Ate.

“Oh sure, no problem. Pero depende yun bukas


kung magpapakilala siya. ‘sambit ni Chef.

“Bakit naman po ‘Depende’? ‘tanong ni Ate.

“Siguro dahil napaka-secretive niyang tao Ate.


Kanina kasi sa Flower shop ayaw sabihin ni Nanay
Elaine kung ano ang tunay na pangalan ni Mr.
Buenaflor at halatang pinoprotektahan niya ang
Boss niya. Sa tingin ko ganun din dito, tama ba ako
Chef? ‘sambit ko.

“Gusto lang ni Mr. Buenaflor ng low-profile at


ayaw niyang tinatawag siya naming Boss, kasi for
him he’s just an ordinary person kagaya ng mga
tauhan niya. Mashado din siyang mahiyain at ayaw
niya na nakatu-on ang attention ng mga tao sa
kanya. ‘tugon ni Chef.
“Aaah! So kailangan pala natin ng milagro Sissy
para makilala siya. ‘sambit ni Ate.

“It won’t be long Ate. ‘usal ko.

“Abaaah! Confident ang kapatid ko ah. Sige Sissy i-


checheer kita. ‘sambit ni Ate.

“We’ll how do you find the food for tomorrow?


‘tanong ni Chef.

“Fantastic! ‘takam na sagot ni Ate.

“Oo nga. Halatang busog na busog ka eh. ‘usal ko


habang hinihimas ang mataba niyang tiyan.

“Sabi nga nila, huwag mong sasayangin ang mga


pagkaing nakahain sa iyong harapan’ ‘sambit ni Ate
with gesture pa.

“Oo na! Halata naman sa katawan mong wala kang


sinasayang. ‘sambit ko.
“Well sabi naman nila ‘Chubby is the new sexy’
‘sambit ni Chef.

“Kung taba ang pag-uusapan magkakasundo tayo


diyan Chef. ‘usal ng Ate ko at nagtawanan kami.
Well looks like the food tasting is over and
everything was delish! ‘dugtong pa niya.

“Thank you very Mrs. Liezel and Miss? ‘sambit ni


Chef habang ina-abot ang kamay sakin.

“Oh it’s Gab by the way. ‘sagot ko at kinamayan


siya.

“Thank you Mrs. Rose and let’s see each other


again tomorrow. Ikaw naman at ako my Sissy dear
ay isusukat natin ang susu-utin mong dress bukas.
Gagawin ko ang lahat ng aking makakaya para i-
makeover ka at nang sa gayun ay ma in love sa’yo
ang partner mo bukas. ‘usal ng bruha kong Ate.
Nabusog lang nag-iba na takbo ng utak.!
‘Nagpaalam na kami kay Chef Rose at
umalis na kami ni Ate’ napagod ako sa ginawa
namin ni Ate Liezel kasi after namin sa Restaurant
ay nagyaya pa siyang gumala. 7:00 pm na nung
pumunta kami sa bahay nila ni Sofia para dumalo
ng Bridal Shower at nag enjoy kaming lahat. Puro
kasi kami babae, eh bawal naman talaga ang lalaki
sa Bridal Shower di ba? Andito din Myka but he’s an
exception. One of the girls kasi si Mamang at baka
hindi pa makadalo nang kasalan yun bukas kung sa
mga men sumama, halos tatlong taon pa namang
hindi na nadidiligan to.! The whole Gang is here Si
Alyn Mae, si Janine, si Tabby, si Ate Liezel at si Ailyn.
Halos magkakapatid narin ang turingan naming
lahat at nakikisabay din sa amin ang pamilya ta
mga kaibigan ni Kuya Henry Mendoza –ang soon to
be husband ni Sofia.’ Sa party wala silang ibang
nakitang kutya-in kundi ako. ‘kung kailan din daw
ako mang-iimbita sa kasal ko?! Ma Gad… ayoko na
nga sa lalaki di bah?! But I’m having a second
thought about it, okay na sakin kahit na waiter o
part-timer basta yung maaasahan at yummy.
Hanggang dito na muna tayo.
“Sweet dreams everyone medyo lasing na ako.”
Tingnan natin kung sino yung makakapareha ko
bukas na mas excited pa yung kapatid ko. Eh hindi
naman ako interesado.

(‘’) (‘’) ₾ ₾
>●‫<●ﻌ‬ (●‫)●ﻌ‬
(’’) (’’) (’’) (’’)
(0) ‫( ﹾ‬0) (‘‘‘) (‘‘‘)

You might also like