You are on page 1of 2

4 Sisters and a Wedding

Script

Mama: Teodora, ano bang dapat kong malaman? Ano?

Bobby: Teddy, sabihin mo na. It’s about time.

Mama (to Bobby): Alam mo kung anong sinasabi nila?!

Gabby: Last year pa namin alam, Ma.

Teddy: Last year pa?

Gabby: Nung dapat pumunta si Ate ng Madrid para magbakasyon kasi birthday
nya --

Bobby: Tapos ayaw mo na akong tumuloy, diba? Kasi sabi mo may Teacher’s
Conference ka sa Paris. Pero tumuloy ako. At nakita kita sa bar. Alam kong
nahihiya ka at ayaw kitang mapahiya kaya hindi kita kinausap. Gusto kong ikaw
ang magsabi ng totoo.

Alex: Na ano? Anong alam nyo na hindi ko alam?

Gabby: Ate, huwag ka nang makigulo.

Alex: Gulo? Kapatid ko si Teddy. Kapatid ko rin tong pine-pressure ninyo.

Mama: So ano ang totoo??

Bobby: Ate…

Mama: ROBERTA!!!

Teddy (to Mama): Maaaa, I’m sorryyyy!!! Sorry kung nagsinungaling ako sa inyo
huhu. Ang totoo hindi ako successful na teacher sa Spain. Nagwaitress po ako sa
bar na nakita ako ni Bobby. Namasukan din po akong katulong. Sa totoo niyan,
nangutang lang po ako ng pera para makauwi dito. Sorry maa. Ayaw kong
ipagkahiya mo ako kaya ko nagawang magsinungaling.
Mama: Sa tingin mo ba magagawa kong ipagkahiya ka? Mahal na mahal kita,
anak, kahit ano pa ang kinahihinatnan ng buhay mo.

Teddy: Eh kasi naman naiinggit ako kay Bobby. [To Bobby]: Oo, ikaw! Inggit na
inggit ako sa’yo! Ikaw na ang maganda! Ikaw na ang matalino! Ikaw na ang
magaling!

Bobby: Eh bat parang kasalanan ko? Kung sa totoo nga lang, ako yung inggit na
inggit sa inyong lahat. Kasi ikaw, Ate, CJ, kayo yung paborito ni Mama. Si Papa
naman, si Alex at Gabby ang favorite.

Mama: Are you saying I’m being unfair?

Bobby: No, Ma. I’m saying you have your favorites. Naalala mo ba nung
elementary, grumaduate akong Valedictorian tas ang dami kong medals, tapos si
Teddy, isa lang. Pero siya pa rin yung pinuri mo. Tapos nung umuwi ako sa
bahay? Gutom na gutom ako, pero pinagalitan mo ako kasi kinain ko yung ulam
na itinira mo para kay Teddy.

Mama: Bobby, I’m sorry.

Bobby: It’s okay, Ma. Kasi ang importante sakin, binuhay nyo ako, pinakain nyo
ko, pinag-aral nyo ko. And that’s good enough for me.

Mama: Mga anak, I’m sorryyyy. I thought I was being fair. Because in my heart, I
loved you all in the same wayyyy ☹. Kaya lagi lang ako nakatingin kay Teddy at
kay CJ kasi sila yung mahihina, sakitin. Pero kayong tatlo, malalakas kayo,
matatapang. Anak, sorry ha? Sorryy…

Everyone: *Hugs each other* Sorryy…

You might also like