You are on page 1of 2

 

SEVEN SUNDAYS

Brian: Halika nga.Sumunod si Dex kay BrianBrian: The head of our legal department just called. Yung
anak ng boss ko, naloko mo daw. He wants to sue you. Is this true? Hay! Dex… Dex, you stole money
from these people. That’s a crime, you now? At sa lahat ng taong lolokohin moyung anak pa ng boss ko?

Dex: Kuya, hindi ako nagnakaw. Naloko lang rin ako.

Brian: E, bakit ka nagtatago?

Dex: E, syempre hinahanap nila ako.Brian: Malamang! What do you expect?

Dex: E, ba’t ako sinisingil nila? Kuya, promoter lang ako, hindi ako yung producer.

 Brian: And hindi mo ba inalam kung legit man lang yung letseng event na yan

Dex: Hindi ko naman alam na isasabit nila yung event, e.

Brian: Well, your ignorance doesn’t make you a victim. It just makes you stupid.

 Dex: Okay. Sige, tanga ako.Brian: And irresponsible. Dahil magmula noon ganyan ka na talaga.
Iresponsable!Dex: Heto na naman po kami. ‘Wag ka mag alala, Kuya Bry, babayaran ko yung utang ko
sayo. Hindi ko makakalimutanyun, e.

Brian: Hoy!

Tatay: Ano ba yan?!

Dex: Wala pa nga bilang ka nang bilang, e.

Brian: Hindi ito tungkol do’n sa perang yon.

Dex: E, ano?

Brian: Tungkol sa pagiging iresponsable mo dahil ang dami mong sinayang, Di ba? Ano, yung thesis mo,
sinayang mo. E, ‘di sana nakagraduate ka. E, ‘di sana nakapaghanap ka ng magandang trabaho. Pero
anong ginawa mo? Sinong pinili mo? Ano? Babae?

Dex: Hindi lang s’ya basta babae, pamilya ko s’ya.

 Brian: Anong tawag mo sa’min? Hindi ba kami pamilya?

Dex: Anongsinasabi mong pamilya? E, iniwan n’yo ko, e. Mula nang mamatay ang nanay, parang
namatay na rin kayong lahat, e.

Tatay: Dex…
Dex: Si tatay, may barangay. Si Kuya, si Cha, nag-asawa. Ikaw, alipin ng trabaho. E, ako? Kuya, bata pa
‘ko no’n.Kinalimutan n’yo ko, e. Kaya si Aira, siya lang ang naging pamilya ko.

 Brian: O, nasa’n na yung pinili mo? Asan na yung Aira? Nasaan?! Dex, grow up! Stop fucking your life
and stop fucking other people’s lives, you fucker!

You might also like