You are on page 1of 1

One More Chance

Popoy: Bash sandali, pag-uusapan pa natin yung revision. Oh, itong plano mo iniwan mo.
Basha: Ako nang bahala.
Popoy: Bash
Basha: Itetext ko na lang sayo kapag na-revise ko na.
Popoy: Can we at least try to be professional about this?
Basha: I am being professional about this.
P: *chuckles* Kitang-kita ko nga eh. Ano bang pinagkakaganyan mo? Dahil pinupuna ko yung
mga designs mo?
B: Hindi masama yung loob ko. Okay nga lang ako.
P: Ayan ka na naman eh.
B: Anong yan na naman ako?
P: Ayan ganyan. Sasabihin mo walang problema pero meron naman pala.
B: Wala naman talaga eh.
P: Bash, paano ko maayos ang problema kung di mo sasabihin sakin? Kung hindi ko alam?
B: Poy, hindi lahat ng problema kaya mong ayusin. And believe me, hindi mo gustong malaman
yung problema ko.
P: Eh ano ba kasing problema?!
B: Gusto mo ba talagang malaman? Ako, ako yung problema. Kasi nasasaktan ako kahit hindi
naman ako dapat nasasaktan. Sana kaya kong tiisin yung sakit na nararamdaman ko. Kasi
ako yung humiling nito, diba? Ako yung may gusto. Sana kaya ko na sa sabihin sayo na,
masaya ako para sayo. Para sa inyo. Sana kaya ko. Sana kaya ko. Pero hindi eh. Ang sama
sama kong tao. Kasi ang totoo umaasa pa din akong sabihin mo, sana ako pa rin. Ako na
lang. Ako na lang ulit.
P: Mahal ko si Tricia.
B: Alam ko. Alam ko.
P: She loved me at my worst, you had me at my best. At binalewala mo lang lahat yon.
B: Popoy yan ba talaga ang tingin mo? I just made a choice.
P: And you chose to break my heart. *walks away*

You might also like