You are on page 1of 2

BUHAY, KYLE ANDREI C.

BUHAY, KYLE ANDREI C.


GRADE 12 – STEM 191
SHPGBSU
Gawain 13.2 – Paggawa ng Talumpati

Pagbabalik ng Anime sa Telebisyon Tuwing Hapon

Tunay na ang anime ay naging parte ng buhay ng maraming Pilipinong katulad


ko. Ayon kay Balinski (2018), “naipakita ng anime ang malaking impluwensiyang
nakukuha natin sa mga Hapon sa kasulukuyang panahon.” Patuloy ito nagpapadala ng
sigla, lungkot, at aliw sa mga tagapanood nito. Ito’y yumayabong at patuloy na umaabot
sa mas malawak na madla. Noong ako’y bata pa, natatandaan kong manood ng Dragon
Ball Z kasama ang aking tatay. Ito’y nagsisilbing munting libangan naming tuwing
hapon. Subalit, kamakailan lamang tinanggal ito at pinalitan ng iba’t ibang programa.
Magandang hapon sa inyong lahat! Ako ay si Kyle Buhay, isang estudyante at
tagahanga ng anime. Naririto ako inyong harap upang maibahagi ko ang aking
mungkahi kung bakit nararapat ibalik muli ang anime sa telebisyon tuwing hapon.

Mayroong positibong impluwensiya ang anime sa ugali ng mga kabataan sa


kanilang komunidad. Ayon kay Pinili (2017), mahigit animnapu (60) pursyento ng mga
tagatugon ay nanonood ng anime dahil sa mga aral na napupulot nila rito. Ito ay
maaaring magkaroon ng positibong epekto sa ating mga komunidad dahil sa malaking
impluwensiya nito sa kabataan.

Ang anime ay tunay na parte ng buhay ng maraming Pilipino. Sa kabila ng saya


at aliw nito sa tagapanood, mayroon din silang napupulot na aral mula rito.
Samakatuwid, marapat lamang isaalang-alang muli ang desisyon na tanggalin ang mga
programang anime tuwing hapon. Ang anime ay nagbibigay sa akin ng pagkakataon na
makapaglipas ng oras kasama ang aking tatay. Para sa ibang tao, malinaw na maaari
BUHAY, KYLE ANDREI C.

din ito maging daan upang makapaglipas ng oras kasama ang kanilang mahal sa
buhay. Kung kaya’t ibalik natin ang anime sa telebisyon tuwing hapon.

Mga Sanggunian:

Balinski, A. (2018). Japanese Influence on the Philippines. Retrieved from:


http://lifey.org/japanese-influence-on-the-philippines/.

Pinili, R. (2017). Anime and Its Influence on the Shaping of Humanistic Values among
Filipino College Students. Retrieved from:
https://www.semanticscholar.org/paper/Anim%C3%A9-and-its-Influence-on-the-
Shaping-of-Values-Pinili/4f74d58b3ac744cc31a76038f98d37d7c8762a11.

You might also like