You are on page 1of 3

Reaksyong Papel sa Ari: My life with a King

Hindi ba isang kabalintunaan na may mga bayan sa ating bansa na may sariling wika

ngunit mangilan-ngilan na lamang ang tahasang gumagamit nito? Bagama’t mayroon pa ring

sinasalita ang kanilang natural na wika ay nagiging karaniwan na ang paggamit ng mas

dominanteng wika o kaya naman iyong galing sa mga dayuhan. Gayunpaman, ganito na ang

nangyayari sa kasulukyang panahon. Maliwanag na naipakita ng pelikulang Ari: My Life with a

King kung paano mas lumalim ang pagkakaunawa ni Jaypee sa kanilang wikang Kapampangan

sa pamamagitan ng Ari ng mga makata na si Conrado Guinto (Mang Dado).

Sa katotohanan, akala ko’y Kapampangan ang magiging wika ng buong pelikula lalo pa’t

bago pa man ay sinabihan na kaming ito ang magiging paksa ng aming papanuorin. Ngunit sa

simula pa lang ng palabas ay Tagalog na ang ginagamit ng mga karakter. Kung hindi nga ako

nagkakamali, noong lumabas lamang si Mang Dado atsaka ko narinig ang wikang

Kapampangan. Gayunpaman, habang nagpapatuloy ang palabas ay mas naiintindihan ko kung

bakit ganoong kondisyon ang nais ipahayag ng manunulat.

Sa una, ipinakita ng pelikula kung paano binigyan ng parangal si Mang Dado sa larangan

ng sining at kultura ng Sapang Biabas Academy (SBA) ngunit mismong ang mga manunuod ay

walang interes dito. Habang ipinapahayag niya ang kayang “acceptance speech” sa pamamagitan

ng tula, ay mayroong kumukuha ng larawan ng iba pang panauhing pandangal kasama ang

mayor ng bayan samantalang ang mga tagapanuod naman ay tila may mga sariling usapan.

Mahihinuha rito na bagama’t mataas ang pagtingin natin sa mga makata ay hindi talaga sila

lubusang nabibigyan ng pagkilala. Maging ang mga kapwa makata nga ni Mang Dado ay hindi

pa itinuturing na bisita ng pagdiriwang at ni hindi nagkaroon ng ispesyal na tritment.


Nakalulungkot isipin ngunit ganito talaga ang nangyayari ngayon. Mataas ang pagtingin natin sa

sining at gumagawa nito nito ngunit tanging sa titulo lamang sila kinikilala at hindi sa aktwal.

Sumunod naman ay ipakita ng manunulat ang kasalukuyang kalagayan ng mga kabataan

sa pamamagitan ni Jaypee. Bagama’t nakakaintindi si Jaypee ng Kapampangan ay purong

Tagalong naman ang sinasalita nito. Sa kabilang banda, ipinakita ang patroyanismo ni Mang

Dado sa Kapampangan dahil ito mismo ang kanyang ginagamit na midyum sa pakikipag-usap.

Sa pamamagitan nito, naipakita ang kagandahan ng Filipino. Bagama’t iba’t iba ang wikang

sinasalita natin ay mayroong isang wika na siyang magbubuklod sa lahat.

Gayunpaman, hindi naman sapat na nauunawaan lang ni Jaypee ang kanyang wika.

Bilang isang Kapampangan, ang pagsasalita mismo nito ang tutulong sa kanya upang mabigyan

ng koneksyon ang kanilang kultura at pinagmulan. Isa ito sa mga nais ipunto ni Mang Dado lalo

pa’t karamihan sa kanyang mga kababayan ay hindi na pinapahalagan ang pagsasalita ng natural

nilang wika. Sa pamamagitan ng pagtutulungan nilang dalawa sa pagbuo ng tula para sa sinisinta

ni Jaypee ay tila nabuksan rin ang pintuan patungo sa mas malalim na pagkakaunawa sa kanilang

kultura. Hindi naging madali ang proseso lalo pa’t pakiramdam ni Jaypee ay hindi niya

naibibigay ang kanyang buong sarili sa kanilang mga sinusulat.

Marahil, iyon ang nais ipakita sa atin ng pelikula. Hindi ibig sabihin na nauunawaan natin

ang ating wika’t kultura ay malalim na agad ang koneksyon natin dio sapagkat kinakailangan

nating dumaan sa proseso ng aktwal paggamit at pagsasabuhay nito. Samakatuwid, hangga’t

hindi lubusang niyayakap ng isang tao ang kanyang wika ay mananatili siyang mangmang o

dayuhan dito. Ipinakita lang ng pelikula na ito na hangga’t may interes tayo sa pagpapayaman ng

ating wika, anuman ang edad o pinagmulan natin, ay makakaya natin. Tila isang hamon tuloy ito

hindi lamang sa mga Kapampangan ngunit maging sa lahat ng mga pilipino

You might also like