You are on page 1of 8

KABANATA 1 INTRODUKSYON: FILIPINO BILANG WIKANG PAMBANSA,

WIKA NG BAYAN, AT WIKA NG PANANALIKSIK NA NAKAUGAT SA


PANGANGAILANGAN NG SAMBAYANAN

LAYUNIN

Matapos mong mapag-aralan ang yunit na ito, inaasahang maisasagawa


mo na:
1. Maipaliwanag ang ugnayan ng mga gamit ng wikang Filipino bilang wikang
Pambansa, wika ng bayan, at wika ng pananaliksik na nakaugat sa
pangangailangan ng sambayanan;
2. Makapagbasa at makapagbuod ng impormasyon, estadistika, datos atbp. mula sa
mga babasahing nakasulat sa Filipino sa iba’t ibang larangan.
3. Makapag-ambag sa pagtataguyod ng wikang Filipino bilang daluyan ng
makabuluhan at mataas na antas ng diskurso na akma at nakaugat sa lipunang
Filipino, bilang wika ng pananaliksik nakaayon sa pangangailangan ng
komunidad at bansa.

Panimula
Ang wikang Pambansa ay ang wikang pagkakakilanlan ng mamamayan ng isang
bansa. Ang Pilipinas ay multilinggwal na bansa ay nararapat na may wikang magsisilbing
bigkis na magbubuklod sa isang lahi. Ang Filipino bilang Wikang Pambansa ay
maraming pinagdaanan upang maabot ang katawagang ito.
Ang wikang Filipino sa ngayon ay hindi purong Tagalog, ito ay kinasasangkutan
na ng iba’t ibang wika at salita dahil sa patuloy na pag-usbong ng globalisasyon at
pagbabagong nagaganap sa bawat paglipas ng panahon.
Ang modyul na ito ay magbibigay sa iyo ng kabatiran tungkol sa ugnayan ng mga
gamit ng wikang Filipino bilang wikang Pambansa, wika ng bayan, at wika ng
pananaliksik na nakaugat sa pangangailangan ng sambayanan; at lubos itong
makatutulong sa iyo upang malinang ang iyong kaisipan at mas maging maalam sa
Wikang Filipino.
DALOY NG KAALAMAN

Kabanata 1 - Modyul 2

Mga Paksa:

1.1 Ang Wika, Sining Pelikula at Kultura


1.2 Ang Wika at Musika

1.1 Ang Wika, Sining, Pelikula at Kultura Wika ng Pelikula

Ang pelikula, kilala din bilang sine at pinilakang tabing. Ito ay isang larangan na
sinasakop ang mga gumagalaw na larawan bilang isang anyong sining o bilang bahagi ng
industriya ng libangan. Dahil naging pangunahing tagapamagitan para sa pagpapakita ng
mga gumagalaw na larawan ang litratong pelikula sa kasaysayan, kadalasang tinutukoy
ang larangang ito ng akademya bilang ang pag-aaral ng pelikula. Isang anyo ito ng sining,
at tanyag na anyo ng mga libangan, at negosyo. Nililikha ang pelikula sa pamamagitan ng
pagrekord ng "totoong" tao at bagay kabilang ang inarte na pantasya at mga peke sa
kamera, at/o sa pamamagitan ng karton.
Ang pelikula ay mayroong sariling wika. Ang wika ng pelikula ay mababatay sa
pag-arte ng aktor na parang nagsasalita ng personal sa tagapanood.
Ang paggamit ng wikang Filipino ng media ngayon, at ang kaakibat na
pagpapalaganap nito, ay hindi dahil sa pagnanais ng media na mapalaganap ang wikang
pambansa kundi upang maabot nito ang pinakamalawak na antas ng mga manonood at
tagapakinig, para tumaas ang ratings ng isang programa, at sa gayo’y magkamal ng
malaking salapi ang mga prodyuser
Paggamit ng wikang Filipino sa Indie Film
Ang mg indie films ay naging isang kilalang klase ng pelikula sa Pilipinas. Ang ibig
sabihin ng “indie” ay “independent”. Ang mga pelikulang ito ay gawa ng mga tunay na
director at filmmakers, pero walang kumpanyang nag-aasikaso sa mga produksiyon nila.
Ang proseso ng paglikha ng mga pelikulang indie ay mura at hindi magastos, hindi tulad
ng mga pelikulang gawa ng mga major film studios.
Dahil ang estilong mga ito ay neo-realismo, binibigyang diin ang makatotohang
paglalahad ng lahat ng uri ng realidad sa Pilipinas, saan mang sulok ng bansa ito
manggaling. Dahil dito, nakakaambag ito sa paglago ng wikang Filipino dahil sa mga
bagong salitang kaakibat ng mga bagong paksain na ito. Mas mahalaga, nagagamit ng
indie film ang wikang Filipino sa paglalahad ng mga katotohanang personal at panlipunan
sa paraang nagbibigay ng impormasyon at pagkaunawa at gumagamit ng perspektibang
kritikal sa mga paksaing ito, bagay na hindi nagagawa ng pelikulang komersiyal.
Wikang Filipino ang nangungunang midyum sa pelikula sa bansa na ginagamit ng
mga lokal na pelikula. Ang pagdami ng mga pelikula particular tuwing Disyembre sa
kapag Metro Manila Film Festival na sinusubaybayan ng halos lahat ng milyong-milyong
manonood ang dahilan kung bakit halos lahat ng mga mamamayan sa bansa ay
nakakaunawa at nakakapagsalita ng wikang Filipino.
Walang subtitle o dubbing ang mga palabas sa mga wikang rehiyonal. Ang
madalas na exposure sa pelikula ang isang dahilan kung bakit sinasabing 99% ng mga
mamamayan sa Pilipinas ang nakakapagsalita ng Filipino at maraming kabataan ang
namulat sa wikang ito bilang kanilang unang wika maging sa mga lugar na
diKatagalugan.
Ang mga lokal na pelikulang gumagamit ng midyum na Filipino ay tinatangkilik
pa din ng mga manonood. Subalit may ilang Ingles ang pamagat ng mga pelikulang
Filipino tulad ng One More Chance, Starting Over Again, It Takes a Man and a Woman,
Bride for Rent, You’re My Boss, A Second Chance atbp.
Filipino ang lingua franca o pangunahing wika ng telebisyon, radyo, diyaryo at
pelikula. Ang pangunahing layunin ay makaakit ng mas maraming manonood,
tagapakinig o mambabasa na makakaunawa at malilibang sa kanilang palabas, programa
at babasahin upang kumita ng malaki.
Dahil sa malawak na impluwensiya ng wikang ginagamit ng mass media ay mas
maraming mamamayan sa bansa ngayon ang nakakapagsalita, nakakaunawa at
gumagamit ng wikang Filipino. Isang mabuting senyales para sa lalong pag-unlad at
paglago ng ating pambansang wika.
Ang nananaig na tono ay impormal at wari hindi gaanong istrikto sa pamantayan
ng propesyonalismo. Maraming uri ng mediya ang tila nangingibabaw na layunin ay
mang-aliw, manlibang, lumikha ng ugong at ingay ng kasayahan.
Isang pag-asam at hamon para sa mga taong nasa likod ng mass media at mga
taong tumatangkilik nito na hindi lang basta lumaganap ang Filipino kun’di magamit din
ito ng mahusay upang higit na maitaas ang antas ng ating wika.
Narito ang ilang salita na kadalasan nang ginagamit sa pelikulang Pilipino ngayon:
Ansaveh - pinaikling 'anong masasabi mo doon?'
Apir - mula sa salitang Ingles na 'up here'
- pinauso nina Tito, Vic at Joey
Ashi - tawag sa mga babaeng Bhutanese na nagmula sa mayamang angkan.
- pinasikat ng palabas na Princess and I
Ashti - kapayapaan (Parsi na salita)
- tiyahin; pinasikat ng Encantadia
Bonggang-bongga - mula sa 'bunga-bunga' na may kaugnayan sa isang Italian Prime
Minister na nangangahulugang 'an orgy involving a powerful leader'; isa rin itong
africanstyle na ritwal na isinasagawa ng 20 hubad na mga kababaihan sa harap ng mga
kalalakihan.
Bokya - wala
Boom - ekspresyong pinasakit ni Boy Pick-up
- mula sa tunog ng sumabog na bomba
Bulgar - isiniwalat sa publiko
- mula salitang Ingles na 'vulgar' na ang ibig sabihin ay
'common'.
Chika - kwento o sabi-sabi
- mula sa salitang Espanyol sa 'chika' na ang ibig sabihin ay
babae Dabarkads - kabarkada (baliktad)
- pinauso ng programang Eat Bulaga bilang katawagan sa
mga awdyens niyo.
Dongyan - Dingdong-Marian
- tawag sa mga tagahanga nina Dingdong Dantes at Marian
Rivera – nagsimula kina Brad Pitt at Angelina Jolie (Brangelina) Dramarama -
sunud-sunod na mga drama serye
- drama + marathon
- pinauso ng GMA bilang tawag sa mga programa nila sa
hapon.
Gunggong - stupido
- mula sa salitang Fookien na 'gong gong' na ang ibig sabihin ay 'silly'
Harurot - mabilis na pagpapataktbo ng mga sasakyan
- mula sa tunog ng 'muffler' ng mga sasakyan.
Havey - nakakatuwa
- pinauso ni Vice Ganda sa Showtime.
Kakasa ka ba? - lalaban ka ba? Uubra ka ba?
- mula sa programang 'Kakasaka ba sa Grade V?' ng GMA
Kapuso - mga tumatngkilik sa GMA
- tawag ng GMA sa kanilang mga awdyens at tagatangkilik
Keribels - kaya yan
Kimerald - Kim- Gerald
- tawag sa mga tagahanga nina Kim Chui at Gerald Anderson
- nagsimula kina Brad Pitt at Angelina Jolie (Brangelina)
Kontrabida - kaawa ng bida;
- mula sa mga salitang Espanyol na contra (laban) at vida
(buhay) Koreanovela - mga seryeng mula sa Korea na ipinapalabas sa atin
- Korea + novella (Espanyol)
Madlang people - awdyens ng Showtime
Manyakis - bastos
- mula sa 'manyak sa kiss'
- pinakita ng palabas na Chicks to Chicks noong 80's.
May sa pusa - mahirap patayin
- sinasabing ang pusa ay may 9 na buhay kaya mahirap patayin.
Nahook - nahumaling
- ang hook ay nakakasabit kung saa'y hindi ka makawala.
Ngwek - isang ekspresyon natin ngayon
- mula sa ekspresyon na 'ngek'
Lelo - huwag munang maging aktibo
- mula sa 'lie low' na nakuha sa isang pelikula ni FPJ
Okray - asar
- Ingles na salita para sa 'Okraj' (Polish)
Pakipot - ayaw pa sa simula ngunit gusto naman
- mula sa 'kipot' na ibig sabihin ay masikip ngunit kalauna'y
malalagpasan din.
Party party - lubusang kasiyahan
Pasaway - mga taong hindi sumusunod sa pamantayan
- higit na pinakit ni Ethel Booba sa 'Extra Challenge'
Pashnea - mababang uri; lapastangan
- pinasikat ng 'Encantadia'
Patok - sikat
PBB teens - mga dalaga't binatang maagang naglalandian
- pinasikat ni Vice Ganda
Primetime bida- tawag sa mga palabas tuwing gabi
Senatoriables/Presidentibles- Tumutukoy sa mga nangangarap at tumatakbong senador
at president.
- Ginagamit sa media
Shunga - tanga
Telefantasya/fantaserye- Mga seryeng may temang pantasya
- Tele+fantasya

Uber - isang segment ng Pinoy Big Brother


- mula sa salitang Aleman na ang ibig sahibin ay above
Unkabogable - hindi matalo-talo
- un + kabog + able
-pinasikat sa Showtime
Waley - korny
Asianovela - mga banyagang palabas mula sa mga bansa sa Asya
- Asya + novella
Japanovela/ jdorama - mga serye/ drama mula sa Japan
- Japan + novella
Taiwanovela - mga seryeng mula sa Taiwan
- Taiwan + novela
Ang Kahalagahan ng Wika at Kultura
Mahalaga ang wika sa isang bayan, dahil ito ay ang anumang binibigkas o isinulat
ng tao upang maipahayag ang kanyang saloobin. Ang wika ang siyang nagbibigay
pagkakataon para sa mga tao sa iba’t-ibang lugar upang makapag-usap, upang
magkaintindihan at upang makabuo ng pagkakaisa. Ang kultura naman ay ang mga bagay
na tumutukoy sa sa pangkalahatang gawain o aktibidad ng mga sa isang lugar. (Ignacio,
2011)
Kung walang wika, walang bansa sapagkat hindi tayo nakakapagusap o wala
tayongkomunikasyon sa kadahilanang walang naguugnay sa bawat tao sa isang bansa,
walang pagkakaisa at higit sa lahat walang mabubuong kultura. Ang wika ay ang
tagapagbigkis ng isang lipunan. (Buensuceso, et al., 1991)
Ang simpleng paggamit at paggalang sa wika at kultura ay isang pagpapakita ng
pagpapahalaga. Ating gamitin ang sarili nating wika at bumuo ng isang kultura na
kagalang-galang o ginagalang ng lahat at tayo’y makakabuo ng isang bansang may
pagkakaisa at higit sa lahat may tiwala sa isa’t isa. Sa pangwakas, ang wika ay balangkas
ng pinili at isinaayos na set o kabuuan ng silasalitang tunog sa paraang arbitraryo upang
magamit sa pagpapahayag ng damdamin, kaisipan, kaugalian at uring pamumuhay o
kultura ng isang pangkat sa isang bansa o lipunan.

1.2 Ang Wika at Musika

Wika sa Saliw ng Musika

Magkaagapay ang awit at wika sa pagbuo ng pagkakakilanlan ng kulturang Filipino.


Maihahalintulad sa kaluluwa ng isang tao ang ugnayan ng dalawa kahit masalimuot at
hindi eksaktong maipapaliwanag ang kahulugan nito. Bunga nito, mauuwi lamang sa
mahabang pag-aaral at diskurso ang anumang usaping nahihinggil dito. Subalit sa
pagpasok ng globalisasyon, unti-unting kinakain ng wikang banyaga, maging ang mga
likhang sining sa Pilipinas kasama na ang awiting Filipino. Nasasapawan na rin ang mga
tradisyunal na awiting Filipino ng mga popular na awiting kumakagat ngayon sa mga
panlasa ng marami. Nanganganib na ring lamunin nang husto ng wikang Ingles ang
musikang kinikilala na bahagi ng pagpapaunlad ng kultura.

Magkatono pa ba ang awit at wikang Filipino? Saan pupulutin ang “pambansang wika” sa
katayuang ito?
Relasyon ng Awit at Wika
Ayon kay P. Nilo Mangusad, isang kompositor at propesor sa Conservatory of
Music (Conservatory), repleksiyon ang awit ng kultura ng mamamayan at sa
pamamagitan nito, makikilala natin ang mga Filipino. “Sumasalamin ang awiting Filipino
sa buhay, gawain, kultura, pakikibaka, inspirasyon, pangyayari sa kapaligiran, at sa
nararamdaman ng mga Filipino bilang tao,” ayon kay Noel Cabangon, kilalang
kompositor sa bansa na lumilikha ng mga awiting nasusulat sa Filipino.
Paliwanag naman ni Prop. Eugene De Los Santos, nagtuturo ng Voice sa
Conservatory, dumadaloy sa awit ang wika at nagsisilbing salamin ito ng huli. Nagsisilbi
rin itong instrumento upang makita ang mga pagbabagong nagaganap sa wika.
“Magandang daluyan ng wika ang musika. Gumagamit ka ng wikang Filipino, naisasaliw
ka pa nito. Sa ganitong pamamaraan, mas mapapalapit ka sa iyong wika, sapagkat
tumatagos sa damdamin,” ayon naman kay Cabangon.
Pagyakap sa Makabago
Dahil sa pagbabago at pagpasok ng konseptong “popular,” hindi maiiwasang
sumikat ang Filipino pop music. “Sumisikat ito (pop music) kumpara sa Filipino classical
songs dahil mas may pera rito,” ayon kay Prop. Rachelle Gerodias, classical singer at
nagtuturo ng Voice sa Music. “Papunta kasi ang pop sa masa dahil patok ito at madali ang
pera,” sabi niya. Aniya, ang Filipino classical songs tulad ng kundiman ang kinikilala ng
ibang bansa bilang awiting Filipino subalit naglalaho na ito ngayon.
Samantala, ayon naman kay Prop. Eros Atalia, nagtuturo ng Filipino sa Faculty of
Arts and Letters, repleksiyon ng damdamin ng mga karaniwang tao ang local pop music,
partikular na ang novelty songs na nauuso ngayon. Kaugnay nito, para kay Cabangon,
walang itinuturong maganda ang mga mga novelty songs. “Hindi nakatutulong sa
pagunlad ng awiting Filipino at kulturang Filipino ang mga ganung awitin,” dagdag pa
niya. “Ibig sabihin ng nakakapagpapaunlad ay nakakatulong sa pananaw, at pag-unawa
ng tao sa kanyang sarili at kapaligiran.” Para kay Cabangon, kung repleksiyon ng
pamumuhay ng mga tao ang awitin, naglalarawan naman ang mga novelty songs ngayon
ng “basura at mababaw na kulturang Filipino.” Sinuportahan din ni Cabangon ang
pahayag ni Gerodias na kontrolado ng negosyo ang mga novelty songs at ginagawa ang
mga ito bilang produkto, para kumita, hindi para sa ikatitibay ng kultura at
pagpapalaganap ng partikular na kaisipan.

Ayon pa kay Gerodias, depende ang paggawa ng awitin sa iyong layunin. “Kung
ayaw mong kumita ng pera, doon ka sa Filipino classical songs. Kung gusto mo namang
kumita ng pera isipin mo ang mas malaking market, ang masa,” wika niya na
sumasangayon sa sinasabi ni Atalia.
Awit sa Kuko ng Wika at Awiting Banyaga
“Malaki ang epekto ng globalisasyon sa wika at awiting Filipino. Hindi na nga
ganoon kalakas ang ating wika sa maraming Pilipino, pinasukan pa tayo nito. Ito ang
nakakasagasa sa pag-unlad ng ating wika at musika,” ayon kay Cabangon.
Ayon sa obserbasyon ni P. Mangusad, mas bilib ang mga Filipino sa mga awiting
Amerikano kaysa awiting Filipino dahil iniisip ng marami na mas magaling ang imported
kumpara sa lokal at ang mentalidad na ito ang nagsisilbing kalaban ng awiting Filipino.

Ayon naman kay Atalia, “tinatangkilik natin ang musikang banyaga, partikular
ang musika ng Estados Unidos hindi dahil sa maganda ang musika nila ngunit dahil gusto
nating maging kagaya nila.” Para sa kanya, pantay-pantay ang musika ng iba’t ibang
kultura. Magkakaiiba lamang kung paano ipinahahayag. Dagdag pa niya, ganito talaga
ang pag-iisip ng mga nakapag-aral at mapera, “ayaw nila ang panlasa ng mas nakararami
(ang mga mahihirap) na maging panlasa nila. Kaya nga hindi nila nais ang gustong awitin
ng mga mahihirap. Kung ang trip mong banda ay lokal, baduy ka. Pero kapag ang trip mo
ay internasyunal, mas sikat ka,” paghahalimbawa ni Atalia. Kaya ayon sa kanya, ang mga
nagpaparatang na baduy at bakya sa awiting Filipino ang pawang mayayabang lamang at
mga biktima ng colonial mentality. Ayon nga sa kanya, “ang kantang Ingles, mas walang
laman, kung maiintindihan lang.”
Himig ng Sariling Wika
“Maganda ang wika at awit natin. Matutulungan natin ang music industry kung sa
Filipino magsusulat, imbes sa Ingles. Kung ako ang gagawa ng kanta, Filipino, kasi mas
naiintindihan ko. Mas masasabi kong akin,” ayon kay Gerodias. Sang-ayon si P.
Mangusad na dapat ipahayag ang mga awiting Filipino sa wikang naiintindihan ng lahat
(Filipino) sapagkat mahirap ipahayag ang sinasaloob kung gagamit ka ng wikang
banyaga. “Kung aawit ka sa Filipino, nakikilala mo ang iyong sarili at mas madarama mo
ang pagiging Pilipino. Dahil dito, nagkakaroon tayo ng pagkakakilanlan bilang mga
Pilipino. Sa ganitong pamamaraan, nakakatulong tayo sa wika at awiting Filipino,” ayon
sa paring kompositor. Ngunit nilinaw ni P. Mangusad na pagpapakita ng versatility ng
mga Filipino ang pagsusulat ng mga awit sa wikang Ingles kaya hindi ito nararapat
itanggi at ialis. Para kay Cabangon, mas epektibo namang maipapaabot ang mensahe
kung sa sariling wika aawit. Mahalaga ang awit bilang isang sining sa pagkilala sa kultura
at tradisyon. Ipinakilala ni Cabangon ang musika bilang paglalarawan ng pagkaFilipino,
ugali, pakiramdam, pangarap sa buhay na bahagi ng kulturang Filipino.
Umaasa naman si Gerodias na huwag hayaang lamunin ng makabagong awitin
ang mga awiting tulad ng kundiman upang patuloy na magkaroon ng ganap na kulturang
Filipino.
Aminado ang lahat na hindi nagiging suliranin ng industriya ng musika ang
wikang ginagamit sa awitin. Ayon sa kanila, marami namang sikat na mga awitin dito sa
bansa na nakasulat sa Filipino subalit huwag lamang sanang maging sintunado ang
wikang Filipino sa mga awiting sariling atin upang hindi maglaho ang pagkakakilanlan
ng mga Filipino sa kanilang mga sarili.
Naniniwala naman si Atalia na sa kabila ng mga pagsubok na dinaranas ng awitin
at wikang Filipino, hindi ito mamamatay maliban na lamang kung maglaho ang lahat ng
mga Filipino sa Pilipinas. Richard L. Rodriguez
Bakit nakakaapekto sa atin ang Musika?

Ang musika at wika ay pantao lamang. Mahirap gunigunihin ang isang daigdig
kung wala ang alinman sa mga ito. “Kapuwa ang wika at musika ay mga katangian ng
lahi ng tao na waring pambuong-daigdig,” ang sabi ng aklat na The Musical Mind. Ang
mga ito ay mga aspekto ng ating pangangailangang makipag-ugnayan. Kaya maaaring
sabihin na, gaya sa wika, kapag “nagsasalita” ang musika, “nakikinig” ang ating
damdamin.
Ang isang layunin ng pagkakaroon ng isang wikang para sa ating musika ay dahil
ito ay ang magpapalaganap ng pagkakaisang pambansa. Dapat lamang at napakahalaga na
magamit natin ang ating wikang pambansa sa ating sariling musika. Ito ay dahil
nakapaloob sa ating wikang pambansa ang sariling kulturang tinataglay na pagkikilanlan
ng ating sariling bayan, at isang bayang maituturing na isa. Kung kaya’t isang magandang
halimabawa dito ay ang mga makalumang kanta ng mga Pilipino na nagpapahayag ng
ating sariling damdamin at kultura. Ang mga primera klaseng kanta tulad ng Bahay kubo,
Paruparong Bukid, at Magtanim ay Di Biro na nagpapahayag ng ating sariling kultura. At
ang mga kantang Anak ni Freddie Aguilar at Ugoy ng Duyan ni Lea Salonga na
nagpapakita ng aral sa buhay. Ang mga halimbawa ng mga kantang ito ay gamit ang ating
sariling wika upang magbigay karanasan sa ating mga Pilipino.

You might also like