You are on page 1of 3

MGA ANYO NG KONTEMPORARYONG PANITIKAN

Mga Aralin

 Mga Anyo ng Kontemporaryong Panitikan


 Pahayagan (Tabloid)
 Magasin
 Komiks
 Antas ng Wika

Tabloid
Mula noon hanggang ngayon, malaki ang ginagampanang papel ng mga balita sa pang-araw-
araw nating pamumuhay. Magmula sa pagbalikwas sa higaan hanggang bago matulog ay
nakatutok tayong mga Pilipino sa nangyayari sa ating paligid. Isa na ang pahayagan bilang isang
uri ng print media ang kailanma’y hindi mamamatay at bahagi na ng ating kultura.

Tabloid: Isang Pagsusuri William Rodriguez II

Buhay na buhay pa rin ang industriya ng diyaryo sa bansa dahil sa abot-kaya lang ang presyo.
Ang katibayan nito ay ang dami ng mga tabloid na makikita sa mga bangketa. Bumebenta pa rin,
kahit ang mga balita ay unang lumalabas sa telebisyon at naiulat na rin sa radyo. May sariling
hatak ang nasa print media dahil lahat ay di naman naibabalita sa TV at radyo. Isa pa, hangga't
naitatabi ang diyaryo ay may epekto pa rin sa mambabasa ang mga nilalaman nito.

Iba't iba ang dahilan ng mga tao kung bakit nagbabasa ng diyaryo. Mayroong hanap talaga ay
balita, magbasa ng tsismis, sports, literatura, o 'di kaya'y magsagot ng palaisipan. Pinagsama-
sama na yata ang lahat sa diyaryo para magustuhan ng mga tao. Mainam itong pampalipas-oras
kapag walang ginagawa. Sinasabing ang tabloid ay pangmasa dahil sa Tagalog ito nakasulat
bagama't ilan dito ay ingles ang midyum. Hindi katulad sa broadsheet na ang target readers ay
Class A at B. "Yun nga lang sa tabloid ay masyadong binibigyang-diin ang tungkol sa sex at
karahasan kaya't tinagurian itong sensationalized journalism. Bihira lamang maibalita ang
magagandang kaganapan sa ating bansa. Ito kaya ay dahil sa itinuturo ng aklat ng dyornalismo,
na ang katangian ng magandang balita ay nasa masamang balita?
Sa kasalukuyan ay mayroong 21 na national daily tabloid at apat lang naman sa weekly tabloid
na nagsi-circulate sa bansa. Huwag ng isama ang mga diyaryo na wala sa merkado na kaya lang
nakakapagpatuloy ay dahil sa pagpi-PR sa mga politiko. Ang ilang tabloid ay konektado rin sa
broadsheet at mayroon ding mga publishing na dalawa o tatlo pa ang hawak na diyaryo.
Mapapansing marami sa mga tabloid na ibinebenta ay pawang nagtatampok ng mga istoryang
ukol sa sex at nagpapakita ng mga larawang hubad ng kababaihan; pangiliti lang daw. Ngunit
ang totoo ay pinupuntirya nila ang libido ng tao para lang makabenta. Tuloy, mababa ang tingin
ng iba sa mga tabloid dahil sa ganitong kalakaran. Pumasok din sa eksena ang mga smut tabloid
na sagad sa kalaswaan!

Mahalaga pa naman ang ginagampanan ng media sa paghubog ng kaisipan ng mamamayan.


Kaya nitong bumuo at magwasak ng isang indibidwal o kahit institusyon. Mabuti na lamang at
may matitino pa ring tabloid. Siyempre, kabilang na rito ang PINAS na nagtataguyod ng
alternatibong pamamahayag.

Magasin
Hindi mawawala ang Liwayway kung pag-uusapan ang magasin sa Pilipinas. Naglalaman ito ng
mga maikling kuwento at sunod-sunod na mga nobela.

Komiks
Ang komiks ay isang grapikong midyum na ang mga salita at larawan ay ginagamit upang ihatid
ang isang salaysay o kuwento. Maaaring maglaman ang komiks ng diyalogo sapagkat binubuo
ito ng isa o higit pang mga larawan, na maaaring maglarawan o maghambing ng pagkakaiba ng
teksto upang higit na makaapekto nang may lalim.
Makulay ang pinagdaanan ng komiks sa Pilipinas magmula nang lumabas ito sa mga magasin
bilang page filler sa entertainment section nito noong 1920. Magmula rito, nagsulputan na ang
mga regular na serye ng Halakhak Komiks noong 1946, Pilipino Komiks, Tagalog Klasiks noong
1949, at Silangan Komiks noong 1950.
Sinasabing sa pagpasok ng dekada otsenta unti-unting humina ang benta ng komiks dahil sa
ipinatanggal ang ilan sa nilalaman at ipinag-utos ang paggamit ng murang papel. Naapektuhan
nito ang kalidad at hitsura ng komiks. Nagresulta ito nang pag-alis ng mga dibuhista ng komiks
sa Pilipinas para magtrabaho sa Amerika sa parehong industriya. Kabilang dito sina Alfredo
Alcala, Mar Amongo, Alex Niño, at iba pa.
Pagkatapos ng Batas Militar muling namuhunan ang industriya ng komiks. Sa panahong ito
sumikat ang manunulat na sina Pablo S. Gomez, Elena Patron, at Nerissa Cabral. Ang pagbabalik
ng interes ng mambabasa sa komiks ay tumagal lamang hanggang simula ng 1990 dahil
nahumaling na ang mga tao sa iba’t ibang anyo ng paglilibang. Sa kasalukuyan, marami pa rin
ang nagnanais na muling buhayin ang industriya sa bansa. Isa na rito ay ang kilalang direktor na
si Carlo J. Caparas. Noong taong 2007 tinangka niyang buhayin at pasiglahin ang tradisyonal na
komiks sa sirkulasyon sa pamamagitan ng mga ginawa nilang komiks caravan sa iba’t ibang
bahagi ng Pilipinas.
Hindi lamang sa Pilipinas nakilala ang galing at husay ng mga manlilikha ng komiks kundi
maging sa ibang bansa. Ayon sa blog ni Fermin Salvador, world-class ang kakayahan ng mga
Pilipino sa paglikha ng komiks. Kinilala ang galing at husay ng mga Pinoy sa larangan ng sining at
malikhaing pagsulat sa lokal man at internasyonal na komunidad. Kabilang sa mga komikerong
Pilipino na kilala sa labas ng Pilipinas sina Gerry Alanguilan, Whilce Portacio, Philip Tan, Alfredo
Alcantara, at marami pang iba.
Tunay na hanggang sa ngayon ay popular na babasahin pa rin ang komiks. Ayon nga kay Prof.
Joey Baquiran ng UP, sa PASKO SA KOMIKS. “Hindi mamamatay ang komiks dahil may
kakanyahan ito. Ang katangiang biswal at teksto. Isang kakanyahang hinding-hindi mamamatay
sa kulturang Pilipino hangga't ang mga Pilipino ay may mga mata para makakita at bibig para
makabasa -- magpapatuloy ang eksistensiya ng komiks.”

 Mga Antas ng Wika


1. Pormal – Wikang ginagamit sa mga seryosong publikasyon, tulad ng mga aklat, mga
panulat na akademiko o teknikal, at mga sanaysay sa mga paaralan. Ito ay impersonal,
obhetibo, eksakto, at tiyak. Ito ay gumagamit ng bokabularyong mas komplikado kaysa
sa ginagamit sa pang-arawaraw na usapan. Gumagamit din ito ng mga pangungusap na
binubuo ayon sa mga panuntunang gramatikal.
2. Di-Pormal – Wikang ginagamit ng karamihang tao araw-araw. Simple lang ang
bokabularyo nito at ang mga pangungusap nito ay maiigsi lamang. Tinatanggap dito ang
tonong kumberseysyonal at ang paggamit ng mga panghalip na “ako” at “mo.” Hindi ito
mahigpit sa tamang paggamit ng din-rin, daw-raw, kaunti-konti, atbp. Ang mga artikulo
at kolum sa mga diyaryo na parang nakikipag-usap lamang sa mambabasa ay kadalasang
gumagamit ng mga wikang di-pormal.

 Balbal(slang) – ang tawag sa mga salitang karaniwang ginagamit sa mga kalye kaya’t
madalas na tinatawag ding salitang kanto o salitang kalye.
Halimbawa:
Bagets- kabataan Charing – biro Yosi – sigarilyo
Datung – pera Ermat- nanay
Lespu – pulis Utol – kapatid
 Kolokyal – salitang ginagamit sa pang araw-araw. Madalas na ginagamitan ng paikli o
pagkakaltas ng ilang titik sa salita upang mapaikli ang salita.
Halimbawa:
Pa’no – paano kelan- kalian mare- kumare
Pre- pare meron- mayroon
Te’na- tara na nasan- nasaan
 Lalawiganin – salitang ginagamit sa mga lalawigan 0 probinsya 0 kaya’y particular na
pook kung saan nagmula o kilala ang wika
Halimbawa:
Ambot- mula sa salitang bisaya na ibig sabihin ay “ewan”
Kaon – mula sa bisaya na ibig sabihin ay “kain”
Ngarud – mula sa Ilocano katumbas ng katagang “nga”

MEDIA

Radio
- Dito napapakinggan ang musika at balita sa pamamagitan ng paggalaw ng isang pihitan,
may Fm at Am.
Telebisyon
- Kuwadrong elektrinikon kagamitan. Tampok ay ibat’ibang palabas na kinaaaliwan!

Pelikula
- Pinipilahan ng mga manonood, sa pinilakang tabing ito’y itinatampok!
Internet
- Sa isang click lang mundong ito’y mapapasok na para mag Fb, twitter o magsasaliksik
pa.

You might also like