You are on page 1of 36

Panitikang Popular:

Dyaryo / Pahayagan vs
Komiks
LAYUNIN:
F8PT-IIIa-c-29:
Nabibigyang kahulugan ang mga lingo na
ginagamit sa mundo ng multi media;

F8PB-IIIa-c-29:
Naihahambing ang tekstong binasa sa iba
pang teksto batay sa: *paksa, layon,tono
Maglaro tayo!
Himayin mo ang aking Repolyo, kapalit ay
kaalamang ibibigay mo!
Panuto: Ipasa ang repolyo kasabay ng
tugtog at pagkatapos ay basahin nang
malakas at sagutin ang tanong na nakatala
sa repolyo.
Handa na?! Hataw na!
Hulaan ang larawan:
Bawat isa’y pagmasdan,
inihahayag ng larawan
Maging maagap, iyong hulaan
upang ang puntos, ng inyong pangkat
ay makamtan!
HANDA NA? HUWAG NG IKURAP MGA MATA!
HATAW NA!
TABLOID
- dyaryo ng masa, nabibili ng mas mura, balita ay
bonggang-bongga

BROADSHEET
- bumabasa'y mga sosyal daw may mataas na pinag-aralan,
wikang Ingles ang gamit sa mga impormasyon ay complete!
KOMIKS
- makulay ang mga larawan, pakuwadradong maliliit sa
mata'y pang-akit.
PAGNILAYAN NATIN!

Saang uri kaya ng panitikan nabibilang


ang pahayagan at komiks?
TALASALITAAN:

1. Broadsheet
2. Sensationalized Journalism
3. Tabloid
4. Internet
5. Page Filter
BASAHIN NATIN!

Tabloid: Isang Pagsusuri


William Rodriguez II
Buhay na buhay pa rin ang industriya ng diyaryo sa
bansa dahil sa abot-kaya lang ang presyo. Ang
katibayan nito ay ang dami ng mga tabloid na makikita
sa mga bangketa. Bumebenta pa rin, kahit ang mga
balita ay unang lumalabas sa telebisyon at naiulat na
rin sa radyo. May sariling hatak ang nasa print media
dahil lahat ay di naman naibabalita sa TV at radyo.
Isa pa, hangga't naitatabi ang diyaryo ay
may epekto pa rin sa mambabasa ang mga
nilalaman nito.
Iba't iba ang dahilan ng mga tao kung
bakit nagbabasa ng diyaryo. Mayroong
hanap talaga ay balita, magbasa ng tsismis,
sports, literatura, o 'di kaya'y magsagot ng
palaisipan. Pinagsama-sama na yata ang
lahat sa diyaryo para magustuhan ng mga
tao.
Mainam itong pampalipas-oras kapag
walang ginagawa. Sinasabing ang
tabloid ay pangmasa dahil sa Tagalog
ito nakasulat bagama't ilan dito ay
ingles ang midyum. Hindi katulad sa
broadsheet na ang target readers ay
Class A at B. "Yun nga lang sa tabloid
ay masyadong binibigyang-diin ang
tungkol sa sex at karahasan kaya't
tinagurian itong sensationalized
Bihira lamang maibalita ang
magagandang kaganapan sa ating bansa.
Ito kaya ay dahil sa itinuturo ng aklat ng
dyornalismo, na ang katangian ng
magandang balita ay nasa masamang
balita?
Sa kasalukuyan ay mayroong 21 na
national daily tabloid at apat lang naman
sa weekly tabloid na nagsi-circulate sa
bansa. Huwag ng isama ang mga diyaryo
Ang ilang tabloid ay konektado rin sa
broadsheet at mayroon ding mga
publishing na dalawa o tatlo pa ang
hawak na diyaryo. Mapapansing marami
sa mga tabloid na ibinebenta ay pawang
nagtatampok ng mga istoryang ukol sa
sex at nagpapakita ng mga larawang
hubad ng kababaihan; pangiliti lang daw.
Ngunit ang totoo ay pinupuntirya nila
ang libido ng tao para lang makabenta.
Tuloy, mababa ang tingin ng iba sa mga
tabloid dahil sa ganitong kalakaran.
Pumasok din sa eksena ang mga smut
tabloid na sagad sa kalaswaan!
Mahalaga pa naman ang ginagampanan
ng media sa paghubog ng kaisipan ng
mamamayan. Kaya nitong bumuo at
magwasak ng isang indibidwal o kahit
institusyon. Mabuti na lamang at may
matitino pa ring tabloid.
Siyempre, kabilang na rito ang
PINAS na nagtataguyod ng
alternatibong pamamahayag.
Teksto #2: PAGNILAYAN NATIN!
KOMIKS
Ang komiks ay isang grapikong midyum
na ang mga salita at larawan ay ginagamit
upang ihatid ang isang salaysay o kuwento.
Maaaring maglaman ang komiks ng diyalogo
sapagkat binubuo ito ng isa o higit pang
mga larawan, na maaaring maglarawan o
maghambing ng pagkakaiba ng teksto
upang higit na makaapekto nang may lalim.
Bagama’t palagiang paksang
katatawanan ang komiks, sa
kasaysayan, lumawak na ang
sakop ng anyo ng sining na ito
na kinabibilangan ng lahat ng
mga uri (genre), hinahayaan ang
mga artistang tuklasin ang
kanilang sariling ekspresyon.
Sinasabing ang komiks ay
inilarawan bilang isang makulay
at popular na babasahin na
nagbigay-aliw sa mambabasa,
nagturo ng iba't ibang kaalaman,
at nagsulong ng kulturang
Pilipino. Ang kultura ng komiks ay
binubuo ng mga manunulat at
dibuhista na napakalawak ng
mundo ay may iba pang mundo, at
may iba pa palang uri ng mga nilalang.
Maraming bata ang lumaki kasabay ng
komiks at baon nila ang tapang ng mga
super karakter na lumalaban sa mga
hamon ng buhay. Maraming pinaligaya
ang komiks, maraming binigyan ng pag-
asa, maraming pinaibig.
Makulay ang pinagdaanan ng komiks sa
magasin bilang page filler sa
entertain-ment section noong
1920. Magmula rito, nagsulputan
na ang mga regular na serye ng
Halakhak Komiks noong 1946,
Pilipino Komiks, Tagalog Klasiks
noong 1949, at Silangan Komiks
noong 1950.
HAMONG TANONG:
1. Bakit sa inyong palagay ay
higit na binabasa ng mga tao ang
tabloid kaysa sa broadsheet?
2. Sa kabila ng pagpasok ng
teknolohiyalalo na ang
internet,bakit marami pa rin ang
RUBRIK SA PANGKATAN:
#H – ANDA SA GAWAING IPAKIKITA (2)
A – KTIBO SA PAGTATANGHAL (2)
M – ALIKHAIN / MASINING (2)
O – K ANG TINDIG AT
PAGTATANGHAL(2)
N – AKIISA ANG LAHAT (2)
PANGKAT 1:
-Ihambing ang unang tekstong
binasa sa ikalawang teksto batay
sa PAKSA. Gawin sa masining na
pag-uulat.
PANGKAT 2:
Ihambing ang tekstong binasa
sa ibang teksto batay sa LAYON...
Gawin sa masining na pag-uulat.
PANGKAT 3:
Ihambing ang tekstong binasa
sa ibang teksto batay sa TONO...
Gawin sa masining na pag-uulat.
PANGKAT 4:
Ihambing ang tekstong binasa
sa ibang teksto batay sa
PANANAW... Gawin sa masining
na pag-uulat.
ATING LIMIIN…

1. Bilang isang kabataan,paano


mo isinasabuhay ang mga
impluwensya ng mga
panitikang popular?
2. Ang tono ng teksto ay
tumutukoy sa____ ang layon
Mahalagang mabatid ang paksa
ng teksto sapagkat_________.
PAGSASANAY:
1. Headline: “PARAK, UTAS SA
BAKBAKAN ANTI- DROGA“: Saan
nababasa ang ganitong pahayag?
a. TABLOID
b. BROAD SHEET
c. DAGLI
2. Ano ang tono ng binasang
pamagat ng ulo ng balita?
A. NAGAGALIT
B. NANGANGAMBA
C. NAGPAPAHAYAG
D. NANLILINLANG
3. Ang salitang parak ay anong
antas ng wika nabibilang?
A. KOLOKYAL
B. BALBAL
C. LALAWIGANIN
D. PORMAL
4. Anong kaisipan ang hatid ng
pahayag?
A. Nagbibigay babala
B. Nagbibigay impormasyon
C. Nagsasalaysay
D. Nagbabahagi
5. Ang salitang nautas ay
nanganga-
hulugang ___.
A. Namatay
B. Nawala
C. Natalo
D. nagsiklab
KASUNDUAN:
Ano ang kaibahan ng Komiks sa
Magazine?

You might also like