You are on page 1of 3

PROYEKTO SA FILI 8

MGA ANYO NG KONTEMPORARYONG PANITIKAN

AT ANG BROADCAST MEDIA

INIHANDA NI NIZA BANTAYAO

Mga Layunin:

a. Nailalahad ang Tatlong Anyo ng Kontemporaryong Panitikan;

b. Natutukoy ang pagkakaiba ng Tatlong Anyo ng Kontemporaryong Pananitikan;

c. Malilinang ang mataas na antas ng kasanayan sa pag unawa ng iba’t ibang anyo ng panitikan;

d. Naisasagawa nang mahusay ang mga gawaing iaatas ng guro.

Ang Lihim ng Mahiwagang Baso

Panuto: May mga nakasulat na numero sa loob ng baso. Ipapasa ng mga mag-aaral ito habang may
kasamang tugtog. Kapag huminto ang tugtog, ang huling may hawak ng baso ang siyang bubunot ng
numero, sasabihin kung anong numero ito at ipaliliwanag ang larawan. 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14
15 16 17

Mga Anyo ng Kontemporaryong Panitikan –

Isa na ang pahayagan bilang isang uri ng print media ang kailanma’y hindi mamamatay at bahagi na ng
ating kultura. - Ayon kay William Rodriguez, “Sinasabing ang tabloid ay pang-masa dahil sa Tagalog ito
nakasulat bagama’t ilan dito ay Ingles ang midyum.” Pahayagan (Tabloid) - Buhay na buhay pa rin ang
industriya ng diyaryo sa bansa dahil sa abot kaya lang ang presyo. Ang katibayan nito ay ang dami ng
mga tabloid na makikita sa bangketa. - Iba’t iba ang dahilan ng mga tao kung bakit nagbabasa ng
diyaryo. Mayroong hanap talaga ay balita, magbasa ng tsismis, sports, literatura o di kaya’y magsagot ng
palaisipan. Pinagsama-sama na yata ang lahat sa diyaryo para magustuhan ng mga tao. Mainam itong
pampalipas-oras kapag walang ginagawa. –

 Ang TABLOID ay pang-masa dahil sa Tagalog ito nakasulat bagama’t ilan dito ay Ingles ang midyum. -
Subalit, sa tabloid masyadong binibigyang diin ang tungkol sa SEX at KARAHASAN kaya’t tinagurian itong
sensationalized journalism. Ito ay dahil sa katangian na ang magandang balita ay nasa masamang balita.
- Mayroong humigit sa dalawampu’t isa national daily tabloid ang nagsicirculate sa bansa.

Mga nangungunang Pahayagan sa Bansa 1. Abante 2. Bulgar 3. Bandera 4. Remate 5. Hataw

KOMIKS - Ang komiks ay isang grapikong midyum kung saan ang mga salita at larawan ay ginagamit
upang ihatid ang isang salaysay o kuwento. -Maaring maglaman ng isang diyalogo sapagkat binubuo ito
ng isa o higit pang mga larawan, na maaring maglarawan o maghambing ng pagkakaiba ng teksto upang
makaapekto nang higit na may lalim. - Bagaman palagiang paksang katatawanan ang komiks, sa
kasaysayan, lumawak na ang sakop ng anyo ng sining na ito na kinabibilangan ng lahat ng mga uri
(genre), hinahayaan ang mga artistang tuklasin ang kanilang sariling ekspresyon. Komiks - isang makulay
at popular na babasahin na nagbigay-aliw sa mambabasa, nagturo ng iba’t ibang kaalaman at nagsulong
ng kulturang Pilipino. Ang kultura ng komiks ay binubuo ng ng mga manunulat at dibuhista na
napakalawak ng imahinasyon. - Sinasabing si Jose Rizal ang kaununahang Pilipino na gumawa ng komiks.
Taong 1884 inilathala sa magasing “Trubner’s Record” sa Europa ang komiks strip niya na “Pagong at
Matsing” halaw mula sa isang popular na pabula ng Asya. - Makulay ang pinagdaanan ng komiks sa
bansa magmula nang lumabas ito sa magasin bilang page filler sa entertainment section noong 1920.
Halimbawa: Halakhak Komiks (1946) Pilipino Komiks (1949) Tagalog Komiks (1949) Silangan Komiks
(1950) - Subalit humina ang komiks sa pagpasok ng dekada otsenta nang ipatanggal ng ilan sa nilalaman
at ipinag-utos ang paggamit ng murang papel. Naapektuhan ang kalidad at itsura ng papel. Umalis ang
mga dibuhista ng komiks sa Pilipinas at nagtrabaho na lamang sa Amerika sa parehong industriya.
Alfredo Alcala Mar Amongo Alex Nino - Pagkatapos ng Martial Law, muling namuhunan ang industriya
ng komiks. Sumikat sina Pablo S. Gomez, Elena Patron at Nerissa Cabral. Ang interes sa komiks ay
tumagal lamang hanggang 1990. - Nahumaling kasi ang mga tao sa iba’t ibang anyo ng paglilibang. Carlo
J. Caparas - taong 2007 tinangka niyang buhayin at pasiglahin ang tradisyunal na komiks sa sirkulasyon
sa pamamagitan ng mga ginawa nilang komiks caravan sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas. - Ayon sa blog
ni Fermin Salvador, ‘world-class’ ang kakayahan ng mga Pilipino sa paglikha ng komiks. - Mga
komikerong kilala sa labas ng Pilipinas: Gerry Alanguilan, Whilce Portacio, Philip Tan , Alfredo Alcantara.
- Ayon kay Prof. Joey Baquiran ng UP, sa PASKO SA KOMIKS. “Hindi mamamatay ang komiks dahil may
kakanyahan ito. Ang katangiang biswal at teksto. Isang kakanyahang hindiing hindi mamamatay sa
kulturang Pilipino hangga’t ang mga Pilipino ay may mga mata para makakita at bibig para makabasa–
magpapatuloy ang eksistensya ng komiks.

MAGASIN

Hindi nawawala ang Liwayway kung pag uusapan ang magasin sa Pilipinas.
Naglalaman ito ng mga maikling kuwento at sunodsunod na mga nobela. Naging paraan ito para
mapalago ang kaalaman ng mga Pilipino. - Bago pa man ang digmaang Pasipiko, ang araw ng
pagrarasyon ng magasin na ito ay talaga namang inaabangan ng mga miyembro ng pamilya at nagiging
dahilan rin ng kanilang pagtitipon upang mabasa lamang lalo na ang mga nobela. Mga nangungunang
Magasin sa Bansa FHM(For Him Magazine) – tumatayo bilang mapagkakatiwalaan at puno ng mga
impormasyon na nagiging instrumento upang mapag-usapan ng kalalakihan ang maraming bagay tulad
ng buhay, pag-ibig at iba pa. COSMOPOLITAN - magasing pangkababaihan. Ang mga artikulo dito ay
nagsisilbing gabay upang maliwanagan ang kababaihan tungkol sa mga pinakamainit na isyu sa
kalusugan, kagandahan, kultura at aliwan. GOOD HOUSEKEEPING - Isang magasin para sa mga abalang
ina. Ang mga artikulong nakasulat dito ay tumutulong sa kanila upang gawin ang kanilang mga
responsibilidad at maging mabuting may bahay. YES! - Ang magasin ay tungkol sa balitang showbiz. Ang
nilalaman nito ay palaging bago, puno ng nakaw- atensyon na larawan at malalaman na detalye tungkol
sa mga pinakasikat na artista sa bansa. Metro - Magasin tungkol sa fashion, mga pangyayari, shopping at
mga isyu hinggil sa kagandahan ang nilalaman ng Metro. CANDY - Binibigyan ng pansin ang mga
kagustuhan at suliranin ng kabataan. Ito ay gawa ng mga batang manunulat na na mas nakauunawa sa
sitwasyon ng mga mambabasa. MEN’S HEALTH - Magasin na nakatutulong sa kalalakihan tungkol sa isyu
ng kalusugan. Mga pamamaraan sa pagehersisyo, pagbabawas ng timbang, mga pagsusuri sa pisikal at
mental na kalusugan ang nilalaman nito kung kaya ito ay naging paborito ng maraming kalalakihan. T3 -
Isang magasin para lamang sa mga gadget. Ipinakikita rito ang mga pinakahuling pagbabago sa
teknolohiya at kagamitan nito. Ito rin ay may mga napapanahong balita at gabay tungkol sa pagaalaga ng
mga gadget. ENTERPRENE UR - Magasin para sa mga taong may negosyo o nais magtayo ng negosyo. Sa
isang buong papel, gumawa ng isang simpleng komiks na mayroong pamagat ng kuwento, larawang
guhit ng mga tauhan sa kuwento, at lobo ng usapan. Binigyan ng Tuon 5 puntos Natatangi 3 - 4 puntos
Katamtama ng Kagalingan 1 - 2 puntos Nangangaila ngan ng Tulong Pagiging Orihinal at Pagkamalik hain
Ang kabuuan ng proyekto ay nagpakita ng lubusang orihinalidad at pagkamalikhain. Natapos ang
proyekto subalit hindi gaanong orihinal at hindi gaanong malikhain. Natapos ang proyekto subalit kapos
ang paggamit ng pagkamalikhain at walang orihinalidad. Pagsisikap at Pagtitiyaga Kinakitaan ng lubusang
pagsusumikap, lampas pa sa kinakailangan,  an g natapos  na proyekto. Kinakitaan ng pagsusumikap ang
natapos na proyekto subalit may ilang mga kulang na detalye. Kinakitaan ng kaunting pagsusumikap ang
natapos na proyekto. Kasanayan sa pagbubuo Mahusay at maganda ang nabuong proyekto. Natapos ang
proyekto subalit may mga depektong nakita. Natapos ang proyekto subalit lubhang magulo at hindi
maunawaan. Saloobin at responsibili dad Masigasig na gumawa upang matupad ang layunin ng pangkat.
Masigasig na gumawa subalit kinakailangan pa ng tulong buhat sa iba. Walang sigasig sa paggawa at
kailangan pang paalalahanan nang malimit. Maraming Maraming Salamat!!! Salamat!!!

You might also like