You are on page 1of 32

• Naihahambing ang tekstong binasa sa iba pang

teksto batay sa: paksa, layon, tono, pananaw,


paraan ng pagkakasulat, pagbuo ng salita, pagbuo
ng talata, pagbuo ng pangungusap.
F8PB-IIIa-c-29

• Nabibigyang-kahulugan ang mga lingo na


ginagamit sa mundo ng multimedia.
F8PT-IIIa-c-29
Pag-uugnay sa Paksa

• Ang pagbasa ay ang siyang libangan ng mga Pilipino hanggang ngayon.


Makatutulong ito para lalo pang matuto ang mga kabataan sa pagbabasa.

• Maraming dapat ipagpasalamat sa pag-inog ng mga akda (print man o internet),


sapagkat marami na ulit ang nagbabasa at naturuang magbasa at may bumibili ng
mga sinusulat ng mga papausbong na batang manunulat.
Ang mga isinulat para sa masa at inilathala o ipinakalat para sa maraming
mambabasa ay kinikilala bilang popular na babasahin o tinatawag na
panitikang popular. Ito rin ang kasalukuyang mga umiiral na babasahin na
naglipana kahit saan. Ang pangunahing layunin sa pagsulat nito ay
magbigay-aliw (entertain) at sumalamin sa pang-araw-araw na pangyayari
sa buhay. Ang pagiging malikhain ng ganitong uri ng panitikan ay kakaiba
sa mga tradisyunal at sinaunang panitikan.
The Carlos Palanca Memorial Awards for Literature (Palanca Awards) was
established in 1950 to commemorate the memory of Carlos Palanca Tan Quin Lay

Don Carlos Palanca, Sr. through an endeavor that would promote education and
culture in the country.

The Palanca Awards aims to develop Philippine Literature in the following manner:
• By providing incentives for writers to craft their most outstanding literary
works;
• By being a treasury of the Philippine’s literary gems from our gifted writers;
and
• To assist in their eventual dissemination to our people, particularly students.

In 1950, the Palanca Awards called on Filipino fictionists to weave their best short
story in either English or Filipino
TABLOID
Ito ay isang pahayagang naglalaman ng mga balitang
nakasulat sa Tagalog o lokal na wika. Ito ay isang uri ng
print media na kailanma'y hindi mamamatay at bahagi
na ng ating kultura.
KOMIKS
Ito ay mga larawang-kuwentong sumasalamin sa mga
kasalukuyang isyung panlipunan. Sinasabi nga na ang
kauna-unahang komiks ay nilikha ni Dr. Jose Rizal na may
pamagat na “Pagong at Matsing” Halaw sa isang popular
na pabula sa Asya.
MAGASIN
Isang babasahin na naglalaman ng mga artikulo at ads ng
mga negosyong may kinalaman sa industriyang
nakapaloob sa paksa. Ang isa sa pinakasikat na magasin sa
Pilipnas ay ang Liwayway na sinimulang ilathala noong
Nobyembre 18, 1922. Ilan sa mga halimbawa ng mga
kilalang ads ng softdrinks at shampoo ang larawan sa
ibaba.
DAGLI

Isang anyong pampanitikan na maituturing na


maiklingmaikling kuwento. Bagamat walang katiyakan
ang pinagmulan nito sa Pilipinas, sinasabing
lumaganap ito sa unang dekada ng pananakop ng mga
Amerikano.
Takdang aralin:

Sa iyong dyornal,
maghambing ng dalawang
tekstong iyong nabasa na,
gamit ang pormat sa ibaba.
Pagtalakay bagong kasanayan:
Dahil ang mga sumusunod ay karaniwang nasa makabagong anyo
(kasabay ng pagbabago ng paraan ng pagsulat) kaalinsabay ng
madalas na paggamit ng multimedia, lumilikha rin ang mga
manunulat (kasama ang kabataang tulad mo) ng mga bagong
terminolohiyang sumasabay sa pagbabagong ito.
MULTIMEDIA LINGO
❑ Ito ay maaaring mapabilang sa balbal (salitang kalye o imbento),
kolokyal (mga pinaikli pagpapaikli ng salita) o banyaga (salita mula sa
ibang wika).

❑Ang mga balitang araw-araw na nababasa sa mga pahayagan,


napapanood sa telebisyon (maging sa social media) at napakikinggan
sa radyo, kung ito’y nakasulat o nasa anyong e-balita (digitized),
kabilang din sa mga popular na babasahin. Kaya naman, ang balita ay
isa sa pinakapopular na babasahin.
❑Para sa karagdagang kaalaman.
Maaari mong panoorin ang
Investigative Documentaries:
Pagbabago ng wikang Filipino

https://www.youtube.com/watch?v=Y0O
BTGAmOYc&ab_channel=GMAPublicAffair
s
Sa pagbabago ng henerasyon, nakita natin kung paano sinubok ng
panahon at nagkaroon ng pagbabago sa ating panitikan. Tandaan
natin, yumabong man ang ating kaalaman kaalinsabay ng paglipas
ng panahon ang pagkatuto ng bawat henerasyon ay nakasalalay sa
mga kamay ng responsableng mamamayan na mag- papatuloy ng
lalo pang mabuti at may kalidad na mga akdang babasahin.
• Bilang kabataan, paano mo gagamitin ang multimedia sa
responsableng pamamahayag o komunikasyon? Itala ang
iyong sagot

You might also like