You are on page 1of 4

Filipino

ANTAS NG WIKA

Wikang Filipino - nangunguna sa komunikasyon sa halos lahat ng media ngayon. Ito ay isa sa
mga paraan upang magbigay impormasyon sa masa.
Talumpati - buod o kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan ng
pagsasalita sa entablado para sa mga pangkat ng mga tao.
Pakikipanayam/pangagaglugad - paraan ng pagkuha ng impormasyon o kabatiran nang
harap-harapan.
Telebisyon - sistemang telekomunikasyon para sa pagpapahayag at pagtanggap ng mga
gumagalaw na mga larawan at tunog sa kalayuan.

Pormal - istandard dahil ito’y kinikilala, tinatanggap, ginagamit ng karamihang nakapagaral.


(2) uri ng pormal na wika:
- Pambansa - ginagamit ng karaniwang manunulat sa aklat at pambalarila para sa
paaralan at pamahalaan. Halimbawa: bahay, anak, asawa, nanay, etc.
- Pampanitikan - ginagamit ng manunulat sa kanilang akdang pampanitikan. Ang mga
salitang ito ay karaniwang matatayog, makulay at masining.
Halimbawa: Puting buhok

Impormal - mga salitang karaniwan at palasak na ginagamit sa mga pang araw-araw na


pakikipagusap at pakikipagsulatan sa mga kakilala at kaibigan.
(3) uri ng impormal na wika:
- Banyaga - mga salitang halaw sa wikang ingles o espanyol. (ex. late, email)
- Kolokyal - pinaikli o pinaiksi na salita. (ex. Kumpare - pare/pre/par)
- Balbal - pinakamababang lebel ng wika na kung saan impormal itong malilikha at nabuo
sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga salitang maaaring maikli o may
kahabaan. (slang) salitang kalye o kanto. (ex. Ermat - nanay, erpat - tatay)
pambansa pampanitikan

asawa Kahati sa buhay

matanda Puting buhok

anak supling

baliw Nasisiraan ng bait

ina Ilaw ng tahanan

MGA POPULAR NA BABASAHIN


Kontemporaryong Panitikan - tinutukoy nito sng panitikang moderno o makabago. ilan sa mga
kilalang panitikang kontemporaryo ay yaong mga (nakikita, nababasa at naririnig sa popular na
kultura o panitikang popular na syang pinapalawig ng makabagong teknolohiya. (kasalukuyan,
moderno, bago)
Panitikang Popular - mga isinulat para sa masa at inilathala o ipinakalat para sa maraming
mambabasa ay kinikilala bilang popular na babasahin o tinatawag na panitikang popular. ito rin
ang mga kasalukuyang umiiral na babasahin na naglipana kahit saan. layunin sa pagsulat nito
ay magbigay-aliw (entertain) at sumasalamin sa pang arawaraw na pangyayari sa buhay.

1. Broadsheet - karaniwang naka imprenta sa malaking papel at nakasulat sa wikang


ingles. (ex. manila times, the ph star, inquirer)
2. Tabloid - naglalaman ng pang arawaraw na kaganapan. mga kadalasang paksa nito ay
karahasan, korapsyon o seks.
3. Magasin - naglalaman ng mga artikulo o ads ng mga negosyo na may kinalaman sa
industriya. (ex. Cosmopolitan, Mens Health, Liwayway Nov. 18, 1922)
4. Komiks - grapikong midyum.

MGA KATANGIAN NG ISANG MABUTING BALITA

Balita - ulat o anumang pangyayari. Maaaring pasulat o pasalita ng mga bagay o pangyayari na
naganap na, nagaganap o magaganap palang. naglalarawan ito sa ating kalagayan, at
maaaring maisulat sa mga pahayagan.

Mga uri ng balita:

Paunang balita - paunang impormasyon sa mangyayari sa isang event na inaasahang


mangyari.
(ex. boxing)
Balitang di inaasahan - ulat ng mga hindi inaasahan o biglaang pangyayari tulad ng mga
aksidente.
Balitang itinalaga - batay sa binigay na paksa o assignment na isusulat tulad ng pagdiriwang o
paggunita.
Balitang panubaybay - ulat sa kasunod na mangyayari na nauna nang naiulat tulad ng issue
sa pork barrel scam at covid 19 vaccine.
Balitang rutinaryo o kinagawian - palaging nagaganap na mga pangyayari at regular itong
nangyayari gaya ng paguulat sa bar exam. SONA ng pangulo, at pagtaas ng presyo ng mga
bilihin.

Mga katangian:

1. ganap na kawastuhan - hindi dapat magulo o masalimuot ang diwa ng balita. dapat ay
wasto o tama.
2. Timbang - kailangang balanse ang pagbibigay diin a paglalahad ng mga layunin at
pangmakatotohanan ang mga pangyayaring inuulat sa publiko.
3. Walang kinikilingan - dapat ay objektibo at hindi dapat kumakampi sa isang panig.
4. Kaiklian, kalinawan at kasariwaan - kailangang maikli lamang ang pagulat ng mga
pangyayari at mga mahalaga lamang ang iulat. gawing mas malinaw at mas tawag
pansin sa mambabasa o tagapakinig ang mga sariwang balita.

MGA LINGO NA GINAGAMIT SA MUNDO NG SOCIAL MEDIA

Lingo/Termino - sinasalita ng mfa partikular na pangkat. pagpapabigay ng halimbawa sa mga


lingo na ginagamit sa social media na kanilang naitala. proseso ng komunikasyon kung saan sa
social media idinadaan ang ekspersyon nito. may tatlong salita ang madalas gamitin upang
mangibabaw sa social media.

Mga grupo ng salita na madalas ginagamit sa social media:

- Kolokyal - ex. tay, ansabe.


- Balbal - ex. pudrakels, lodi, petmalu.
- Pormal - ex. ama, tatay, haligi ng tahanan.

Social Media - sistema na pakikipsgugnayan sa mga tao kung saan sila ay lumilikha,
nagbabahagi at nakikipagpalitan ng impormasyon at ng mga ideya sa isang birtuwal na
komunidad at network.
Blogger - nagsusulat o gumagawa ng mga sulatin, musika, larawan, video (vlogging) at iba pa
gamit ang isang tiyak na website o app.
Techie - taong may kaalaman o eksperto sa teknolohiya.
Hashtag - salita o parilalang inuumpisahan gamit ang simbolong (#).
Netiquette - tamang kaalasan o pag uugaling dapat ipamalas sa paggamit ng internet o social
media.
Trending - taong aktibong gumagamit ng internet, taong eksperto sa paggamit ng social
network.

You might also like