You are on page 1of 4

MGA POPULAR NA BABASAHIN

1. Pahayagan

• Isang uri ng print media na naglalaman ng balita, impormasyon at patalastas kadalasang na imprenta sa
mababang halaga.

• Ito ay maaaring pangkalahatan o may espesyal na interes, at kadalasan itong inilalathala ng araw-araw o
lingguhan.

1.1 Dalawang Uri ng Pahayagan

a. Tabloid

 Ayon kay William Rodriguez, “Sinasabing ang tabloid ay pang-masa dahil sa Tagalog ito nakasulat
bagama’t ilan dito ay Ingles ang midyum.”

 Tinagurian din itong sensationalized journalism dahil masyadong binibigyang diin nito ang tungkol sa
SEX at KARAHASAN.

b. Broadsheet

 Ito ay isang uri ng pahayagan na may laki at haba ang pormat. Ito ay isang uri ng pahayagan ng mayroong
seryosong pagbabalita.

 At saklaw nito ay malawak. Sapagkat hindi lamang pambansa ang sakop nito kundi kasama rin ang
Internasiyonal.

2. Komiks

 Ito ay isang grapikong midyum kung saan ang mga salita at larawan ay ginagamit upang ihatid ang isang salaysay
o kuwento.

 Ito ay naglalayong magbigay-aliw sa mambabasa, nagturo ng iba’t ibang kaalaman at nagsulong ng kulturang
Pilipino.

 Sinasabing si Jose Rizal ang kaununahang Pilipino na gumawa ng komiks. Taong 1884 inilathala sa magasing
“Trubner’s Record” sa Europa ang komiks strip niya na “Pagong at Matsing”, halaw mula sa isang popular na
pabula ng Asya.

3. Magasin

 Ito ay peryodikong publikasyon na naglalaman ng maraming artikulo, kwento, larawan, anunsyo at iba pa.
kalimitang pinopondohan ng mga patalastas. Ito ay nagbibigay ng impormasyon sa mga mambabasa.

 Ito ay may sukat na mas malaki kaysa aklat ngunit mas maliit kaysa pahayagan.

 Maaring ito ay naglalaman ng mga larawan ng mga produkto na iniindorso ng mga sikat na tao sa bansa.

3.1 Mga Kauna-unahang Magasin sa Pilipinas

Lipang-Kalabaw Telembang Liwayway


(1907) (1922-1924) (1922)

3.2 Mga Nangungunang Magasin sa Bansa

a. Candy

 Binibigyan ng pansin ang mga kagustuhan at suliranin ng kabataan.

 Ito ay gawa ng mga batang manunulat na na mas nakauunawa sa sitwasyon ng mga mambabasa.
b. Cosmopolitan

 magasing pangkababaihan

 Ang mga artikulo dito ay nagsisilbing gabay upang maliwanagan ang kababaihan tungkol sa mga
pinakamainit na isyu sa kalusugan, kagandahan, kultura at aliwan.

c. Entrepreneur

 Magasin para sa mga taong may negosyo o nais magtayo ng negosyo.

d. FHM (For Him Magazine)

 magasing pangkalalakihan

 Naglalaman ng mga artikulong nais pag-usapan ng mga kalalakihan, tulad ng mga isyung may
kinalaman sa buhay, pag-ibig, at iba pa nang walang pag-aalinlangan.

e. Good Housekeeping

 Ang mga artikulong nakasulat dito ay tumutulong sa kanila upang gawin ang kanilang mga
responsibilidad at maging mabuting maybahay.

f. Men’s Health

 Magasin na nakatutulong sa kalalakihan tungkol sa isyu ng kalusugan.

g. Metro

 Magasin tungkol sa fashion, mga pangyayari, shopping at mga isyu hinggil sa kagandahan.

h. T3

 Ipinakikita rito ang mga pinakahuling pagbabago sa teknolohiya at kagamitan nito. Ito rin ay may mga
napapanahong balita at gabay tungkol sa pag-aalaga ng mga gadget.

i. Yes!

 Ito ay naglalaman ng balitang showbiz.

 puno ng nakaw- atensyon na larawan at malalaman na detalye tungkol sa mga pinakasikat na artista
sa bansa

KOMUNIKASYON
• Mula sa salitang Latin na “COMMUNIS” na nangunguhulugang “karaniwan” o “panlahat”.

• Proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng simbolikong cues na maaaring


berbal o di-berbal. (Bernales, et al., 2002)

DALAWANG URI NG KOMUNIKASYON

 berbal (pasalita)

 di berbal (pasulat)

MGA SALITANG GINAGAMIT SA IMPORMAL NA KOMUNIKASYON

1. Lalawiganin (Provincialism)

 Mga salitang kilala at saklaw lamang ng pook na pinaggagamitan nito.

Halimbawa:

• tugang (Bikol) = sibling

• ngarud (Ilokano) = It’s ok/yes

• lamian/lami (Bisaya) = delicious

2. Balbal(Slang)

 Mga salitang noong una ay hindi tinatanggap ng mga matatandan at may pinagaralan dahil ito raw ay
hindi magandang pakinggan.

 tinatawag ding salitang kanto o salitang kalye

Halimbawa:

• ermat = nanay
• yosi = sigarilyo
• lispu = pulis

3. Kolokyal (Colloquial))

 Ito ay ang pakikibagay ng wika sa taong gumagamit nito. Kadalasan napaiikli ang mga salita ngunit
napagkakasunduan ang pagpapaikli nito.

Halimbawa:

pa’no mula sa paano kelan mula sa kalian

p’re mula sa pare meron mula sa mayroon


te’na mula sa tara na nasan mula sa nasaan

4. Banyaga

 Mga salitang mula sa ibang wika.

 Karamihan sa mga ito ay pangalang tiyak, wika, teknikal, pang-agham o mga salitang banyaga na
walang salin sa Filipino.

Halimbawa:

ATM Atom Robot Jacuzzi Laptop


Spaghet Photosynthesis Sausage Diapers Doorbell
Palabuoan ng Mga Salita

1. Hinango mula sa mga salitang katutubo

Halimbawa:

• gurang (Bikol, Bisaya) = matanda

• buang (Bisaya) = luko-luko

2. Hinango sa Wikang banyaga

Halimbawa:

• tisoy, tisay = Espanyol: mestizo, mestiza

• sikyo = Engles: security guard

3. Binaligtad (Inverted or Reversed Category)

Halimbawa:

• gatbi = bigat (heavy burden)

• todits = dito (here)

4. Nilikha (Coined Words)

Halimbawa:

• paeklat = maarte (over reacting)

• hanep = papuri (praise/appreciation)

5. Pinaghalo-halo (Mixed Category)

Halimbawa:

• kilig to the bones = paghanga (crush)

• in na in = naaayon/uso (following the trends)

6. Iningles (Englisized Category)

Halimbawa:

• jinx = malas (bad luck)

• weird = pambihira (rare/unusual)

7. Dinaglat (Abbreviated Category)

Halimbawa:

• KSP = Kulang Sa Pansin

• SML = Share Mo Lang

• BRB = Be Right Back

8. Pagsasalarawan o Pagsasakatangian ng Isang bagay

Halimbawa:

• lagay (dahil ang suhol ay inilalagay o isinisingit para hindi mahalata ang pagbibigay)

• sabog (dahil wala sa sariling pag-iisip)

You might also like