You are on page 1of 2

PANGHALIP

• Kahulugang Pansemantika- Ang panghalip ay salita o katagang panghalili sa pangangalan.


Halimbawa:
Pangungusap: Si Manuel L. Quezon ang kinikilalang Ama ng Wikang Pambansa.
Panghalili: Siya ang kinikilalang Ama ng Wikang Pambansa.
• Kahulugang Pang-istruktural- Ang mga panghalip ay makikilala sa impleksyon o pagbabagong-anyo ayon sa
kaukulan: (a) ang mga panghalip na nasa anyong ang, (b) ang mga panghalip na nasa anyong ng, at (c) ang mga
panghalip na nasa anyong sa
Kaukulan ng Pangangalan
• Kaukulang ang- pangangalang pinangungunahan ng ang/si
• Kaukulang ng- pangangalang pinangungunahan ng ng/ni
• Kaukulang sa- pangangalang pinangungunahan ng sa/kay
Kaukulan ng Panghalip
• Kaukulang ang- pangangalang pinangungunahan ng ang/si
• Kaukulang ng- pangangalang pinangungunahan ng ng/ni
• Kaukulang sa- pangangalang pinangungunahan ng sa/kay
Kaukulang ang- pangangalang pinangungunahan ng ang/si (palagyo)--------- panghalip na siya
Halimbawa: Ang mabuting mamamayan ay may disiplina sa sarili.
Siya ay may disiplina sa sarili.
Kaukulang ng- pangangalang pinangungunahan ng ng/ni (paukol)------------------ panghalip na kanya at niya
Pangungusap: Nagwagi ng “Cultural Heritage Award” ang tula ni Amado V. Hernandez na “Isang Dipang Langit”.
Maaring ihalili: Nagwagi ng “Cultural Heritage Award” ang kanyang tulang “Isang Dipang Langit”.
Nagwagi ng “Cultural Heritage Award” ang tula niyang “Isang Dipang Langit”.
Kaukulang sa- pangangalang pinangungunahan ng sa/kay (paari)---------- panghalip na kanya
Pangungusap : 1. Ang sa bata ay itago mo muna.
2. Ang kay Nena ay gayon din.
Maaring ihalili 1. Ang (sa) kanya ay itago mo muna.
Ang (sa) kanya ay gayon din.
URI NG PANGHALIP
• Panao • Panaklaw
• Pamatlig • Panananong

MGA PANGHALIP NA PANAO- Panghalili sa ngalan ng tao.


Halimbawa:
Si Dr. Jose Rizal ay manggagamot ng baryo.
Siya ay manggagamot ng baryo.
Manggagamot ng baryo si Dr. Jose Rizal.
Manggagamot siya ng baryo.

TATLONG ANYO NG PANGHALIP NA PANAO


• Anyong ang (palagyo)
• Anyong ng (paukol)
• Anyong sa (paari)
Ipinapakita sa tsart ang mga panghalip na panao sa iba’t ibang anyo, sa iba’t ibang panauhan, at sa iba’t ibang kailanan.
• Anyong ang (palagyo)
Pangungusap: Ang Unang Ginang ay bansa ay masigasig.
Paghalili: Siya ay masigasig.
• Anyong ng (paukol)
Pangungusap: Malinis ang mga aso na alaga ni Mang Inggo.
Paghalili: Malinis ang mga asong alaga niya.
• Anyong sa (paari)
Pangungusap: Ang aklat para sa guro ay tungkol sa ekonomiya ng bayan.
Paghalili: Ang aklat para sa kanya ay tungkol sa ekonomiya ng bayan

Panauhan - Sa panauhan malalaman kung ang panghalip ay tumutukoy sa unang panauhan (taong kumakausap), sa
ikalawang panauhan (taong kinakausap), o ikatlong panauhansa (taong pinag-uusapan).
• Panauhan
Halimbawa:
Ako ay masaya. (unang panauhan)
Ikaw ay masaya.(ikalawang panauhan)
Siya ay masaya. (ikatlong panauhan)

Kailanan - Tumutukoy sa bilang ng taong kinakatawan ng panghalip.


• Isahan- tumutukoy sa isang tao
• Dalawahan- dalawa ang tinutukoy
• Maramihan- tatlo o higit pa ang tinutukoy
Halimbawa:
Ako ay masaya.(isahan)
Tayo ay masaya.(dalawahan)
Kami ay masaya.(maramihan)
Panghalip na Dalawahan (matandang Tagalog)
• kata
• Nita Matandang Tagalog na tumutukoy sa
• kanita taong kumakausap at sa taong kinakausap
Halimbawa:
Kata ay magtayo ng maliit na negosyo.
Ikaw at ako magtayo ng maliit na negosyo.
Panghalip na kita
• Sumasakop sa dalawang panauhan
• Nangangahulugang pinaikling ko (pokus ng) at ikaw (pokus ang)
Halimbawa : Ipapadala kita sa ibang bansa.
Ipapadala ko ikaw sa ibang bansa.
Kulturang Filipino- Ang paggalang sa mga nakakatanda ay naipapakita, hindi lamang sa pamamagitan ng mga katagang
pamitagan, tulad ng po o ho, kundi gayon din sa pamamagitan ng mga panghalip na kayo/ ninyo/ inyo at ng sila/ nila/
kanila.
Halimbawa
G. Patricio, ano po ang kailangan ninyo?
Sila ang ating mahal na Pangulo.

Inihanda ni: Bb. Charmagne Ross C. Arquiza FIL 209 Makabagong Balarila
Tagapag-ulat

You might also like