You are on page 1of 21

Pang-uri

Ulat ni
RADZMINA M. PALUMPUNG
Abril 18-25, 2020
Mga Pamilang

Ibinibilang sa mga pang-uri ang mga pamilang


sapagkat ginagamit ito na panuring ng pangngalan o
panghalip.
Mga uri ng Pamilang
1. Pamilang na patakaran o pamilang na kardinal
2. Pamilang na panunuran o pamilang na ordinal
Mga Uri ng Pamilang

1. Pamilang na patakaran o pamilang na


kardinal
- ginagamit sa pagbilang o sa pagsasaad ng dami.
Halimbawa:
• isa
• dalawa
• tatlo
• apat
Mga Uri ng Pamilang

2. Pamilang na panunuran o pamilang na ordinal


- ginagamit sa pagpapahayag ng pagkakasunud-sunod ng tao,
bagay, atbp. May panlapi itong ika-, o pang-.
Halimbawa:
Anyong Ika- Anyong Pang-
una pang-una
ikalawa pangalawa
ikatlo pangatlo
ikaapat pang-apat
Iba pang uri ng Pamilang na batay sa
patakaran:
1. Pamilang na Pamahagi – ginagamit kung may kabuuang binabahagi
o pinaghahati-hati. Ginagamit dito ang panlaping ika- na tinatambalan ng
salitang bahagi at ng panlaping ka- na buhat sa ika-.
Halimbawa:
Panlaping ika-
ikaisang bahagi
ikalawang bahagi
ikatlong bahagi
Panlaping Ka- Higit sa isang bahagi ang tinutukoy:
Kalahati (1/2)dalawang-katlo (2/3)
katlo (1/3) tatlong-kapat (3/4)
kapat (1/4) apat na kalmia (4/5)
Iba pang uri ng Pamilang na batay sa
patakaran:
2. Pamilang na palansak o papangkat-pangkat-
nagsasaad ng bukod na pagsasama-sama ng
anumang bilang, tulad ng tao, bagay, hayop, pook,
atb.
Mga halimbawa:
Pag-uulit - -isa-isa, dala-dalawa, tatlu-tatlo
Panlaping -an ..-han -isahan, dalawahan, tatluhan
Pag-uulit ng KP o P – iisa, dadalawa, tatatlo
Iba pang uri ng Pamilang na batay sa
patakaran:
3. Pamilang na pahalaga - ginagamit para sa pagsasaad ng
halaga ng bagay o mga bagay. May dalawang panlaping
ginagamit sa ganitong uri ng pamilang. Ang mang- at ang tig-.
Mga halimbawa:
mamera ( buhat sa mang- + sampera)
mamiso ( buhat sa mang- + isang piso)
manalapi ( buhat sa mang- + isang salapi o sansalapi)
tigisang pera
tigalawang pera
tigatlong piso
Mga Panlaping Makauri

1. ma-
Unlaping nagsasaad ng pagkakaroon ng isinasaad
ng salitang-ugat. Karniwang marami ang isinasaad
ng salitang-ugat ang taglay.
Maganda Mainam
Matao Mapera
Mabato Madamo
Mga Panlaping Makauri

2. maka-1
Unlaping nagsasaad ng pagkiling o pagkahilig sa
tinutukoy ng salitang-ugat.
Makabayan Makaluma
maka-Marcos maka-UP
Makahayop Makatao
Mga Panlaping Makauri

3. maka-2
Unalping nagsasaad ng katangiang may kakayahang
gawin ang isinasaad ng salitang-ugat.
Makalaglag-matsing
Makadurog-puso
Makabasag-bungo
Makatindig-balahibo
Mga Panlaping Makauri

4. mala- Unlaping nagsasaad ng pagiging tulad ng


isinasaad ng salitang-ugat.
Malauhog Malasibuyas
Malakarne malabuhangin
Malakanin Malasutla
Mga Panlaping Makauri

4. mala-
Unlaping nagsasaad ng pagiging tulad ng isinasaad
ng salitang-ugat.
Malauhog Malasibuyas
Malakarne malabuhangin
Malakanin Malasutla
Mga Panlaping Makauri

5. Mapag-
Unlaping nagsasaad ng ugali.
Mapaglakad Mapag-irap
Mapagbiro Mapagmura
Mapagtawa Mapagluto
Pansining ang mga salitang malumay o malumi ay
naging mabilis o maragsa.
Mga Panlaping Makauri

6. Mapang- mapan- mapam


Sapgkat mga alamorp, ang mga ito’y magkaiba ng
distribusyon ngunit iisa ang kahulugan. Nagsasaad
ng katangiang madalas gawin ang isinasaad ng
salitang-ugat.
Mapang-away Mapang-inis
Mapanira Mapanuro
Mapamihag Mapambato
Mga Panlaping Makauri

7. pala-
Unlaping nagsasaad ng katangiang laging ginagawa
ng kilos na isinasaad ng salitang-ugat.
Paladasal Palabiro
Palatanim Palawalis
Palalinis Palangiti
Mga Panlaping Makauri

8. Pang, pan, pam


Magkaiba ng distribusyon ngunit iisa ang
kahulugan. Nagsasaad ng kalaanan ng gamit ayon
sa isinasaad ng salitang-ugat.
Pang-alis Pang-ukit
Panlilok Pambato
pampalo/pamalo Pandikit
Mga Panlaping Makauri

9. -an, -han
Hulaping nagsasaad ng pagkakaroon ng isinasaad ng
salitang-ugat nang higit sa karaniwang dami, laki, tindi,
tingkad, atb.
Butuhan Pangahan
Putikan Putian
Pulahan Duguan
Pansining lahat ng salita ay naging mabilis kahit, ang ugat
ay malumay, malumi, o maragsa; tulad ng putik, puti at
dugo.
Mga Panlaping Makauri

10.-in-
Nagsasaad ng katangiang itinulad or ginawang tulad
sa isinasaad ng salitang-ugat.
Sinampalok
Binalimbing
Mga Panlaping Makauri

11.-in/ -hin
Katangiang madaling maging mapasakalagayan ng
isinasaad ng salitang-ugat.
Sipunin Lagnatin
Ubuhin Kabahin
Mga Panlaping Makauri

12.Ma-. . .-in/-hin
Nagsasaad ng pagtataglay, sa mataas na antas, ng
isinasaad ng salitang-ugat.
Maramdamin Maawain
Mairugin Matulungin
Sanggunian

Makabagong Balarilang Pilipino


nina Alfonso O. Santiago
Norma G. Tiangco

You might also like