You are on page 1of 66

MGA

TEORYA sa
PAGSASALIN
Ayon kay

NEWMARK
1988
“Ang pagsasaling wika ay pagbibigay
kahulugan ng isang text sa ibang wika
sa paraang ninanais ng may akda.”
-NEWMARK (1988)
“Ang pagsasalin ay
masalimuot at mahirap
na gawain.”
• KULTURA
• KAUGALIAN
• KAAYUSAN
PANLIPUNAN
Ang mga dayuhan ay may sariling
istrukturang pangwika, sariling kalinangan,
may ibang paraan ng pag-iisip at paraan ng
pagpapahayag.
ANG LAHAT NG ITO AY DAPAT
KILALANIN NG ISANG TAGASALIN.
Ang teorya ng
pagsasalin ay nauukol
sa mga paraan ng
pagsasalin na
nararapat sa isang text,
at nakasalalay sa mga
teoryang pangwika.
Ang teorya ng pagsasalin
ay may kinalaman sa
pinakamaliit na bantas o
tanda (tuldok, kuwit,
aytaliks atbp.) gayundin sa
panlahat na kahulugan na
parehong mahalaga sa
isang text.
Halimbawa

Hindi, puti. (No, it’s white)


Hindi puti. (It’s not white)
Ang layon ng pagsasalin
ay suriin ang lahat ng
paraang posibleng
pagpilian at pagkatapos
ay gumawa ng
pagpapasya.
TUNGKULIN NG TAGASALIN NA:
• Alamin at tukuyin ang kahulugan ng isang
suliranin sa pagsasalin;
• Ilahad ang lahat ng mga factors na dapat
isaalang-alang sa paglutas sa suliranin;
• Itala ang lahat ng posibleng pamamaraan;
• At huli ay pagpasyahan ang pinakanararapat
na paraan.
Elemento ng pagsasalin ayon kay
NEWMARK (1988)

• Ang pagbibigay-diin sa mga mambabasa at


kaayusan (setting)
• Pagpapalawak ng paksa nang higit pa sa
panrelihiyon, pampanitikan, pang-agham at
teknikal, kasalukuyang kaganapan, publisidad,
propaganda o anumang paksa ng panitikan.
• Pagdaragdag sa mga textna sinasalin mula sa
mga libro (kasama ang mga dula at tula)
hanggang sa mga artikulo, kasulatan, kontrata,
tratado, batas, panuto patalastas, liham, ulat
mga form sa kalakalan atbp.
• Instandardisasyon ng mga katawagan
• Pagbuo ng mga pangkat ng tagasalin at
tagarebisa.
• Magiging malinaw lamang ang dating (impact)
linggwistika, sosyolinggwistika at teorya ng
pagsasalin kung ang mga tagasalin ay sasanayin
sa politeknik at unibersidad.
• Ang pagsasalin ay ginagamit upang
makapagpalaganap ng kaalaman para lumikha
ang unawaan sa pagitan ng grupo at mga bansa
gayundin sa paglaganap ng kultura.
SA KABUUAN
ANG PAGSASALIN AY ISANG
BAGONG DISIPLINA, ISANG
BAGONG PROPESYON, ISANG
LUMANG PAKIKIHAMOK NA
NAKATALAGA SA IBA’T IBANG
LAYUNIN.
Ayon kay

LARSON
1984
Ang PAGSASALIN ay muling
paglalahad sa tumatanggap
na wika ng tekstong
naghahatid ng mensaheng
katulad ng sa simulaang wika
ngunit gumagamit ng piling
mga tuntuning
panggramatika at mga salita
ng tumatanggap na wika.
Ang MAINAM na pagsasaling wika ay

• TUMPAK
• NATURAL
• DAAN SA EPEKTIBONG
KOMUNIKASYON
Ayon kay

E. NIDA
1959/1966
Ang PAGSASALIN ay
paglalahad sa
tumatanggap na wika ng
pinakamalapit na natural
na katumbas ng mensahe
ng simulaang wika, una’y
sa kahulugan at
pangalawa’y sa estilo.
Ayon kay

J.C CATFORD
1965
Ang PAGSASALIN ay
pagpapalit ng tekstwal
materyal sa isang (SL)
ng katumbas na
tekstwal na materyal sa
iba pang wika (TL).
Ayon kay

B. HATIM at
MASON
1990
Ang PAGSASALIN ay
isang prosesong
komunikatibo na
nagaganap sa loob
ng isang kontekstong
panlipunan
Ayon kay

T. SAVORY
1968
Ang PAGSASALIN ay
maaaring sa
pamamagitan ng
pagtutumbas sa
kaisipang nasa likod
ng mga pahayag na
berbal.
ETIENE DOLET
1509-46
• Isang French humanist na unang
manunulat na bumuo sa teorya ng
pagsasalin.
• Nilitis at nahatulan ng kamatayan sa
pagiging erehe dahil sa maling salin
ng isa sa mga dayalog ni Plato, na
nagpapahiwatig ng di paniniwala sa
imortalidad.
Naniniwala si Dolet na
kailangang maunawaan ng
tagasalin ang kahulugan ng
orihinal na awtor bagama’t
may kalayaan siya na
linawin ang mga bahaging
malabo. Sinabi rin ni Dolet na
iwasan ng tagasalin ang
salita-sa-salitang tumbasan.
GEORGE CHAPMAN
1559-1634
Ang nagsalin kay Homer na nagsasabing
kailangang ‘mahuli’ ng tagasalin ang diwa
ng orihinal . Batay ito sa paniniwalang
posibleng ilipat ang diwa at tono ng orihinal
sa ibang kontekstong kultural sa
pamamagitan ng isang tagasalin na
singhusay ng orihinal na awtor at may
tungkulin at responsibilidad hindi lamang sa
kanyang pinag-uukulang tagabasa kundi
maging sa orihinal na awtor.
MGA
SIMULAIN sa
PAGSASALIN
1. BAWAT WIKA AY NAKAUGAT SA
KULTURA NG MGA TAONG LIKAS NA
GUMAGAMIT NITO
ORIHINAL

Her heart is as
white as a snow
SALIN

BUSILAK SA KAPUTIAN
ANG KANYANG PUSO
2. BAWAT WIKA AY MAY KANYA-
KANYANG NATATANGING KAKANYAHAN
Sa Ingles, ang simuno ng
pangungusap ay laging
nauuna sa panaguri; sa
Filipino naman, karaniwan na
ang dalawang ayos ng
pangungusap.
Halimbawa
Jose is a good friend. (S+P)
Si Jose ay mabuting kaibigan.
(Paksa+Panaguri)
Isang mabuting kaibigan si Jose
(Panaguri+Paksa)
TANDAAN!

Kailangang maging maingat


ang tagapagsalin sa
paggamit ng mga panlapi
tulad ng um at mag.
Halimbawa

Lilia bought a book


Mali: Nagbili ng si Lilia
Tama: Bumili ng Libro si
Lilia
3. HINDI KAILANGANG ILIPAT SA
PINAGSALINANG WIKA ANG
KAKANYAHAN NG WIKANG ISINALIN.
Halimbawa

Pedro saw a movie


Si Pedro ay nanood ng sine.
Nanood ng sine si Pedro.
Nanood si Pedro ng sine.
Sine ang pinanood ni Pedro.
Hindi maaari!

Pedro movie a saw.


Saw Pedro a movie.
Movie Pedro a saw.
A movie saw Pedro.
4. ANG ISANG SALIN UPANG MAITURING NA
MABUTING SALIN AY KAILANGANG TANGGAPIN NG
PINAG-UUKULANG PANGKAT NA GAGAMIT NITO.
• Iniuugnay dito ang mga tanong na
“Mauunawaan kaya ng mambabasa
ang aking salin?” at “Angkop kaya ito
sa kanilang antas?”
5. BIGYAN NG PAGPAPAHALAGA ANG URI
NG FILIPINO ANG ANGKOP NA GAMITIN SA
PAGSASALIN.
6. ANG MGA DAGLAT, AKRONIM, FORMULA
NA MASASABING ESTABLISADO O UNIVERSAL
NA ANG GAMIT AY HINDI NA ISINASALIN.
HALIMBAWA
• cm (sa halip na sm mula sa
sentimetro)
• H2O (sa halip na Tu mula sa
tubig)
7. NAGKAKAROON LAMANG NG TIYAK NA
KAHULUGAN ANG ISANG SALITA KAPAG ITO’Y
NAGIGING BAHAGI NG PARIRALA O PANGUNGUSAP.
HALIMBAWA

Old (Clothes, acquintances,


woman)
Mga lumang damit, mga
dating kakilala, matandang
babae
8. LAGING ISAISIP ANG PAGTITIPID
NG MGA SALITA SA PAGSASALIN.
HALIMBAWA

Tell the children to


return to their seats.
Di-matipid

• Sabihin mo sa mga
bata na bumalik sila sa
kanilang upuan.
Matipid

• Paupuin mo ang mga bata


9. KUNG MAY PAGKAKATAON NA
HIGIT SA ISA ANG MATATANGGAP
NA PANUMBAS SA ISANG SALITA
NG ISINASALING TEKSTO, GAMITIN
ANG ALINMAN SA MGA IYON AT
PAGKATAPOS AY MAAARING
ILAGAY SA TALABABA(FOOTNOTE)
ANG IBA BILANG MGA KAHULUGAN
10. ISAALANG-ALANG ANG KAISAHAN NG
MGA MAGKAKAUGNAY NA SALITANG
HIRAM SA INGLES.
HALIMBAWA
Mali: Solido at likwid; solid at
likido
Tama: Solido at likido; solid at
likwid
11. MAHALAGA ANG DIKSYUNARYO SA
PAGSASALING-WIKA NGUNIT HUWAG
PAAALIPIN DITO.
9.

You might also like