You are on page 1of 16

SOCIAL MEDIA AT ANG MODERNONG FILIPINO

Ano na lang ang buhay kung wala ang social media? Maraming
Pilipino na ang natulungan at patuloy na tinutulungan ng bagong
teknolohiyang ito: mga nalulungkot na OFW, mga bagets n hindi
masyadong outgoing, mga madlang pipol na gustong magtipid sa
entertainment, mga gustong makahanap ng sideline income,mga
naghahanap ng bagong info at mga gustong umepal.
Hindi kapani-kapaniwala ang bilis ng paglaganap ng
impluwensya ng social media sa buhay ng mga Pilipino.
Pinagtitibay lang nito ang isang aspeto ng kultura natin, ang
pagpapa-halaga natin sa pakikipag-ugnayan.
Pinatunayan na natin ito dati pa sa mga naging popular na
paraan ng komunikasyon gaya ng pagte-text, pagbisita sa
mga yahoo chat rooms, pakikipag-talastasan sa mga online
forums at sa pagtambay sa friendster.
Ngayon ay laman tayo ng blogs, twitter, facebook at iba
pang social networking sites. Basta isang website ang may
komunikasyong maaaring gawin (kahit comment portion
lang), malamang may Pilipinong dumadayo doon.
Kung kaya’t hindi nakakapagtaka na napakataas ng
porsyento ng mga online na Pinoy sa social networks.

Sanggunian: http://visual.ly/global-map-social-networking-
1. Bakit sinasabing ang Filipino ay nasa modernisadong
mundo?
2. Gaano kaepektibo ang social media sa aspeto ng kultura
ng mga mamamayan?
3. Anong antas ng wika ang mga salitang may
salungguhit?
4. Naging mabisa ba ang paggamit ng wika ng manunulat
upang maipahayag niya ang kaniyang saloobin o
paniniwala? Patunayan.
5. Mahalaga ba ang antas ng wika sa pasalita o pasulat na
komunikasyon? Ipaliwanag ang iyong sagot.
ANTAS NG
WIKA
(Di Pormal)
Mga Salitang Ginagamit Sa Impormal Na Komunikasyon

Ang mga salitang karaniwan at palasak na ginagamit sa mga


pang-araw-araw na pakikipag-usap at pakikipagsulatan sa
mga kakilala at kaibigan ay kabilang sa mga impormal na
salita. Ang impormal na salita ay nauuri sa apat.
1. Lalawiganin (Provincialism)- ito ang mga salitang kilala
at saklaw lamang ng pook na pinaggagamitan nito.
Kapansin-pansin ang mga lalawiganing salita, bukod sa
iba ang bigkas , may kakaiba pang tono ito.
Halimbawa:
tugang (Bikol), dako (Bisaya), ngarud (Ilokano)
2. Balbal (slang)- ang mga salitang ito ay tinatawag sa
Ingles na slang. Ang mga salitang ito noong una ay hindi
tinatanggap ng matatanda at mga may pinag-aralan
dahil hindi raw magandang pakinggan. Ang mga salitang
balbal ay tinatawag ding salitang kanto o salitang kalye.

Halimbawa:
Erpat - tatay Lispu - pulis
Tsikot - kotse Yosi - sigarilyo
Sikyo - security guard Praning - baliw
3. Kolokyal (colloquial)- ito ay mga salitang
ginagamit sa pang-araw- araw na
pakikipagtalastasan ngunit may kagaspangan at
pagkabul- gar, bagama't may anyong repinado at
malinis ayon sa kung sino ang nagsasalita.

Halimbawa:
Aywan ewan
Piyesta pista
Nasaan nasan
4. Banyaga- ito ay mga salitang mula sa ibang
wika. Ang ating wika ay mayaman sa wikang
banyaga. Karamihan sa mga ito ay pangalang
tiyak, wika, teknikal, pang-agham,
simbolong pangmatematika o mga salitang
banyagang walang salin sa wikang Filipino.
Palabuoan ng mga Salitang Balbal
Kung paano binubuo ang mga karaniwang salita, ang
pagkalikha ng mga salitang balbal ay mayroon ding
pinagmulan. Narito ang kategorya ng mga salitang malimit
nating margining sa kasalukuyan di lamang sa kabataan
kundi maging sa ilang matatanda.
1. Hinango mula sa mga salitang katutubo
gurang (Bikol, Bisaya) – matanda
utol (Bisaya) – kapatid
buang (Bisaya) – luko-luko
pabarabarabay (Tagalog) – paharang-harang
2. Hinango sa Wikang Banyaga
Halimbawa:
tisoy, tisay (Espanyol : mestiza, mestizo)
tsimay, tsimoy (Espanyol: muchacha, muchacho)
toma (Espanyol: tomar) inom
kosa (Russian Mafia: Cosa Nostra)
sikyo (Ingles: security guard)
orig (Ingles: original)
sisiw (Ingles: chicks)
3. Binaligtad (Inverted or Reversed Category
Halimbawa:
gat-bi – bigat = heavy burden
tom-guts – gutom = hungry
astig – tigas = strong/influential
todits – dito = here
tsikot – kotse = car
lispu – pulis = policeman
4. Nilikha (Coined Words)
Halimbawa:
paeklat – maarte = overacting
espi – esposo = husband
hanep – papuri = praise/appreciation
bonsai – maliit = very small
5. Pinaghalo-halo (Mixed Category)
Halimbawa:
kadiri – pag-ayaw/ pagtanggi = dislike
kilig to the bones – paghanga = crush
in-na-in – naayon/ uso = following the trends
6. Iningles (Englisized Category)
Halimbawa:
jinx – malas = bad luck
weird – pambihira = rare/unsual
bad trip – kawalang pag-asa = hopeless/frustrated
yes, yes, yo – totoo = approved

7. Dinaglat (Abbreviated Category)


Halimbawa:
KSP – Kulang Sa Pansin
SMB – Style Mo Bulok
JAPAN – Just Always Pray At Night
Mungkahing Estratehiya : ROLE PLAYING
Gamitin ang mga sumusunod na salita sa
iba’t ibang sitwasyon sa paaralan, tahanan, o
pook pasyalan.
a. Syota e. gora i. facebook
b. Erpat f. chakadal
c. Datung g. yosi
d. Ewan h. praning
Panuto: Tukuyin kung lalawiganin, balbal, kolokyal, o banyaga
ang mga salitang may salungguhit sa bawat pangungusap. Isulat sa
linya ang inyong sagot.
_____________ 1. Ang sarap ng nasi ninyo, mabango at masarap
kainin.
_____________ 2. Ang trabaho ng aking ama ay isang sikyo.
_____________ 3. In-na-in talaga ang pagkuha ng kursong may
kinalaman sa teknolohiya sa ngayon.
_____________ 4. Hanep ang saya pala talagang mag-aral gamit
ang kompyuter.
_____________ 5. Ewan ko ba sa mga taong ayaw tumanggap ng
pagbabago.

You might also like