You are on page 1of 124

ESTILONG ILIPINO

ESTILONG

FILIPINO
GABAY NG GURO AT MAG-AARAL
SA PERYODISMONG PANGKAMPUS

EDISYONG EKSPERIMENTAL

Lathalaang Estilong Filipino


2020
ESTILONG FILIPINO
Karapatang-sipi © 2020 Eilene G. Narvaez at Lathalaang Estilong Filipino

Unang edisyon, unang limbag 2020

RESERBADO ANG LAHAT NG KARAPATAN.


Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring sipiin o gamitin nang walang nakasulat
na pahintulot mula sa may-akda at tagapaglathala.
Disenyo ng aklat at pabalat ni Angeli Narvaez
Kasangguni at Direktor ng Publikasyon: Perfecto T. Martin

Ang Pambansang Aklatan ng Filipinas CIP Data


Rekomendadong Lahok:

Narvaez, Eilene G.
Estilong Filipino : gabay ng guro at mag-aaral sa
peryodismong pangkampus / Eilene G. Narvaez. --
Quezon City : Lathalaang Estilong Filipino,[2020],©2020.
pages ; cm

ISBN 978-621-8220

1. Journalism, College -- Study and teaching. I. Title.

378.19897 LB3621.65 P020200167

Inilathala sa tulong ng:

Filipinas Institute of Translation, Inc.


PROYEKTONG AKLAT BULAWAN
AB5-402 Hardin ng Rosas, UP Diliman, Lungsod Quezon 1101
Mobile No. (+63) 925-7102481
Email: filipinas.translation@gmail.com
Introduksiyon

Noong 30 Enero 2019, bumisita kami sa Lingayen, Pangasinan


upang dumalo sa National Schools Press Conference (NSPC) at
nagkaroon ng maikling diyalogo sa mga tagapayo at peryodista sa
kampus. Kasama sa pagbisitang ito sina Perfecto T. Martin na siyang
tagapanguna sa ginawang konsultasyong ito para sa planong buoing
Manwal sa Estilo; Jaime Florcruz, retiradong peryodista at tanging
Filipino na naging Bureau Chief at korespondent ng CNN sa Beijing;
Isabel B. Cruz, tagapayo ng The Republic at guro sa Special Program
on Journalism (SPJ) sa Pambansang Mataas na Paaralang Marcelo H.
del Pilar sa Malolos, Bulacan. Kasama rin sa diyalogo sina Roy Rene
Cagalingan at Kriscell Largo Labor na kinatawan ng Komisyon sa
Wikang Filipino (KWF) at gumaganap na sekretaryat ng proyektong
ito. Sila ang nakikipag-ugnay sa samahan ng mga guro na namamahala
at dumadalo sa taunang Schools Press Conferece (SPC).

Kasaysayan ng NSPC. Bago naging NSPC, ang pambansang


timpalak para sa peryodismo ay nagsimula noon pang 1931 bilang isang
kumbensiyon na pinangunahan ng Public Secondary Schools Press
Association (PSSPA) na kinabibilangan ng labimpitong (17) orihinal
na kasaping mga paaralan. Nagkaroon ng iba’t ibang timpalak sa
pagsulat para sa iba’t ibang kategorya batay sa iba’t ibang seksiyon na
tampok sa peryodikong pangkampus. Habang idinadaos ang taunang
kumbensiyon ay nadadagdagan din ang kasaping mga paaralan at
lumalahok sa kompetisyon hanggang noong 1955, ang dáting PSSPA
ay naging National Secondary Schools Press Conference (NSSPC) at
nabuo rin ang National Secondary Schools Press Advisers Association
(NSSPAA) na nagbalangkas ng isang resolusyon kaugnay ng paglalaan
ng pondo para sa mga peryodiko sa kampus na pamamahalaan ng mga
miyembro ng bawat peryodiko sa kanilang eskuwelahan.

Noong 1991, sa pagpapasá ng Batas Republika Blg. 7079 (kilala sa


tawag na Batas sa Peryodismong Pangkampus ng 1991) na nagbibigay
ng pagkilala at pagpapalakas sa peryodismo sa kampus, lalong naging
aktibo ang NSPC sa kanilang gawain. Ang mga kompetisyong
kanilang inoorganisa ay naging sánáyan o training ground ng mga

5
E S T I L O N G F I LI P I N O

batàng manunulat na gustong maging peryodista sa hinaharap.


Bunsod nito ang pagdami ng nabuong bagong mga peryodiko sa
kampus at noong 1993–1994, bukod sa sekundarya ay nilahukan na rin
ito ng elementarya kayâ ang dáting National Secondary Schools Press
Conference (NSSPC) ay naging National Schools Press Conference
(NSPC), inalis ang “Secondary.” Halos 88 taon nang isinasagawa
ang gawaing ito at yumayaman hindi lamang sa bilang ng kasapian
nito kundi maging ang mga kategoryang itinatampok sa timpalak.
Karaniwang kategorya ang pagsulat ng balita, editoryál, lathalain,
agham at teknolohiya, isports, copy reading, pagsulat ng headline,
editorial cartooning, at photojournalism. Ngunit ngayon ay naipasok
na rin ang kategoryang desktop publishing, radio broadcasting, at tv
broadcasting, sa magkabukod sa kategoryang Ingles at Filipino.

Manwal sa Estilo. Sa naganap na diyalogo sa mga tagapayo ng


iba’t ibang peryodiko ng mga eskuwelahan sa buong bansa, ipinakilala
ni G. Martin ang planong magkaroon ng isang manwal sa estilo
para sa mga manunulat sa peryodikong pangkampus sa Filipino. Sa
kasalukuyan, wala pang maituturing na pangkalahatang gabay ang
mga batàng manunulat sa kampus lalo na sa pagsulat sa Filipino.
Sinasangguni lamang nila ang mga aklat sa estilo sa wikang Ingles
gaya halimbawa ng Chicago Manual of Style at Associated Press Stylebook.
May mas estriktong panuntunan sa pagsulat sa wikang Ingles dahil
bukod sa nilalaman at pagiging malikhain sa presentasyon ng isinulat,
at pagsunod sa teknikalidad ng pagsulat sa peryodismo, kasáma sa
hinahatulan upang masabing napakahusay ang isang artikulo ay ang
tatas o ang husay sa pagsulat sa wikang Ingles kaya partikular din ang
mga hurado sa grammar ng manunulat. Ngunit, ganito rin kayâ sa
pagsulat sa Filipino? Tinitingnan kayâ nila ang usapin sa konsistensi
sa ispeling at angkop na pagpili ng mga salitang gagamitin? O kahit
ang wastong paggamit ng mga bantas? Walang maisagot ang mga
Tagapayo sa mga tanong na ito. Ayon sa kanila, kahit sa peryodikong
nakasulat sa Filipino, ang sinasangguni nila ay yaong mga aklat sa
pagsulat sa wikang Ingles dahil wala silang masasangguni sa Filipino.
At napakalaking problema noon! Paanong magiging makatwirang
pamantayan sa pagsulat sa Filipino ang isang manwal o mga manwal
para sa wikang Ingles?

Bukod dito, kinakaharap din ng mga nagsusulat sa Filipino


ang pagsasalin ng mga terminong Ingles tungong Filipino dahil mas

6
ESTILONG FILIPINO

nakasanayan ang Ingles. Partikular na tanong nila ay kailan isasalin


o pananatilihin sa orihinal ang salita kapag isinulat sa peryodiko?
Naeengkuwentro nila ang ganitong problema sa pagsulat ng balita
o lathalain tungkol sa agham at teknolohiya. Kung mapapansin,
kahit mismo sa mga terminong ginagamit sa peryodismo ay iba-iba.
Halimbawa, ang newspaper ay tinutumbasan ng parehong peryodiko,
diyaryo, o kaya’y pahayagan; ang journalist ay tinutumbasan
ng mamamahayag o kaya’y peryodista; kaya ang journalism ay
tinutumbasan ng pamamahayag o peryodismo. Ano ang dapat na piliin
sa mga nabanggit? Namamayani kayâ sa ganitong pagkakataon ang
preperensiya ng isang tao, maaaring ng Tagapayo ng peryodiko o ng
opisyal ng eskuwelahan? Kaya iba-iba kapag nagkomparahan na ang
bawat peryodiko sa buong bansa. Isang manwal sa estilo ang maaaring
maging solusyon sa problemang ito. Isang manwal na magsasabing
mas dapat piliin ang salitang mas ginagamit at nauunawaan sa buong
bansa kahit pa ang ibig sabihin nito ay papalitan ang matatagal
nang nakagawiang salita na hindi na praktikal na gamitin dahil
hindi na nauunawaan sa kasalukuyan. Mapapansin na sa kabuoan
ng pagtalakay sa planong manwal sa estilo ay mas makikítang
ginagamit ang peryodismo, peryodista, at peryodiko at iniiwasan
ang labis na Tagalog na salitang hindi umaangkop sa pagbabago ng
wika sa kasalukuyang panahon. Halimbawa, ang “pamamahayag” na
katumbas ng peryodismo, “pahayagan” na itinumbas sa diyaryo o
peryodiko, at “mamamahayag” na itinumbas sa peryodista ay mula
sa salitang “háyag” na nangangahulugang paraan ng pagpapabatid sa
iba ng anumang naiisip o nadarama kayâ ang “paháyag, pahayág” sa
mismong esensiya ng pinanggalingang salita ay nangangahulugang
pagsisiwalat ng kuro-kuro o damdamin o pormal na pagpapabatid
ng anuman. Maaaring ito nga ang ginagawa kapag nagsusulat ng
anuman—aklat, artikulo, o kahit ng malikhaing akda. Ngunit iba sa
pagsulat sa diyaryo o balita dahil may teknikalidad sa dapat lamanin
at may tiyak ding estilong dapat sundan, at hindi lamang basta ito
simpleng pagpapahayag ng saloobin o damdamin. Bukod dito,
kailangan din ang isang manwal sa estilo na bukás sa reispeling na
kinakailangan sa kasalukuyan, para sa mga salitang mula sa dayuhang
wika partikular sa Ingles bilang proseso ng pag-aangkin sa ating
wikang Filipino. Sa ganito, naniniwala kami na mahalaga ang isang
manwal sa estilo na tutugon sa lahat ng pangangailangang ito tungo
sa istandardisasyon ng mga termino sa peryodismo sa bansa na
magsisimula sa peryodismong pangkampus.

7
E S T I L O N G F I LI P I N O

Sa kasalukuyan, ang KWF ay may aklat sa estilo—ang Manwal


sa Masinop na Pagsulat (MMP). Isa itong pagsisikap ng KWF na
magkaroon ng istandard sa pagsulat gamit ang wikang Filipino. Isang
napakalaking ambag ito para sa mga nagsusulat ngayon sa Filipino
upang mas maging masinop sa kanilang pagsulat at lalo na sa mga
editor upang magkaroon ng batayan sa kanilang editing. Mahalagang
sanggunian ito sa pagbuo ng manwal sa estilo sa pagtalakay sa mga
usapin gaya ng ispeling at reispeling, gamit ng bagong walong titik—
ang C, F, J, Ñ, Q, V, X, at Z, gamit ng bantas at tuldik, at iba pa. Dito
rin hinango ang ilan sa mga halimbawa ng mga kamalian sa pagsulat
at kung paano ito iwawasto.

Pagpapakilala sa Estilong Filipino. Ipinagmamalaki naming


ito ang kauna-unahang manwal sa estilo sa peryodismo sa kampus
na nasa wikang Filipino. Tugon ito sa mga nauna nang nabanggit na
problema sa pagsulat sa wikang Filipino. “Estilo” dahil nagbibigay
ito ng mga tiyak na paraan sa pagsulat, at “Filipino” dahil nagbibigay
ito ng bagong perspektiba sa pagsulat gamit ang wikang Filipino na
kumakawala sa labis na malalim na Tagalog. Bagaman nabanggit na
mahalagang sanggunian sa pagbuo ng manwal na ito ang MMP ng
KWF, binibigyan ng diin na ito ay ginawa para sa mga manunulat sa
peryodikong pangkampus kayâ ang himig nito ay mas preskriptibo
dahil nagbibigay ito ng tiyak na preperensiya na sa tingin namin ay
higit na angkop sa pangangailangan sa pagsulat para sa peryodiko.
Pinili rin namin ang paraang alpabetiko sa paglalatag ng mga
tuntunin upang mas maging madali ang paghahanap ng susing salita
sa peryodismo at mas makatuon sa pagpapaliwanag sa mga tiyak na
problema sa pagsulat. May dagdag ding paliwanag hinggil sa mga
salitang dapat pag-ingatan lalo na yaong mga mali ang gamit sa
kasalukuyan gaya ng pangyayari vs kaganapan, kung saan, bukod sa vs
maliban sa, at marami pang iba.

Eksperimental ang proyektong ito. Nangangahulugang bukás


ito sa pagbabago at upang mas mapagyaman batay sa kasalukuyang
praktis ay tatanggap ito ng mga pagwawasto at mungkahing lahok
mula mismo sa mga peryodista at mga tagapayo sa peryodismong
pangkampus. Hinihikayat din ang pagpapadala ng kopya ng
elektronikong kopya ng inyong mga peryodiko upang mapasáma sa
mga halimbawang itatampok sa Facebook Page ng Estilong Filipino
(EF). Sisikapin ding makapaglabas ng lathalang bersiyon (kung may

8
ESTILONG FILIPINO

sapat nang mga lahok) na maaaring maipamahagi sa iba’t ibang


eskuwelahan o kaya naman ang bersiyong PDF para sa mga mas may
akses sa smart phone o tablet.

Naniniwala kaming hindi lang makapag-aambag ang Estilong


Filipino sa pagpapayaman ng wikang Filipino kundi lalo’t higit na
makahihikayat ito at makapaghuhubog ng mga peryodistang Filipino
na maka-Filipino at nagsusulat para sa mga Filipino, hindi lamang sa
kampus kundi bilang mga propesyonal na peryodista sa hinaharap.

Eilene G. Narvaez
15 Nobyembre 2019
Commonwealth, QC

9
ESTILONG FILIPINO

Aa
(1) Unang titik sa alpabetong Filipino at binibigkas na ey
(2) Unang titik sa abakadang Tagalog at binibigkas na a

-a
Hulaping mula sa Español na pambuo ng pangngalan at pang-uri
na may kasariang babae. Halimbawa: maestra, abogada, doktora,
propesora, dekana.
Tingnan: -o.

A!
Sa mga ekspresyong padamdam, hindi dapat nilalagyan ng H upang
hindi mabása sa paraang Ingles. Ganoon din ang O! at E!

ábakáda
Romanisadong paraan ng pagsulat ng mga Tagalog at gumagamit
ng dalawampung (20) titik. Dito, lima (5) ang patinig: A, E, I, O, U; at
labinlimang (15) ang katinig (binabása nang may “a”): B (ba), K (ka), D
(da), G (ga), H (ha), L (la), M (ma), N (na), NG (nga), P (pa), R (ra), S (sa), T
(ta), W (wa), Y (ya).
Tingnan: alpabeto, katinig, patinig

abbreviation (Ing)
Singkahulugan ng daglát.

abrébyasyón (Esp, abreviacion)


Singkahulugan ng daglát.

Abríl (Esp)
Ikaapat na buwan ng taon, binubuo ng tatlumpung (30) araw;
kinakatawan ng bilang 4 sa numeral na pagsulat ng petsa. Daglat:
Abr. Tingnan: April.

11
E S T I L O N G F I LI P I N O

accent (Ing)
Singkahulugan ng tuldík.

adres (Ing, address)


Tirahan ng isang tao, opisina o himpilan ng isang organisasyon o
institusyon.
Tingnan: adres ng email

adres ng email (Ing, email address)


Walang kapares na pantukoy o identifier para sa isang email account.
Ginagamit ito para sa pagpapadala at pagtanggap ng mga mensaheng
email gamit ang Internet. Karaniwang may format na local-part@
domain gaya sa juandelacruz19@example.com. Ang local-part ay ang
tinukoy na pangalan ng mailbox na karaniwan ay pangalan ng may-
ari ng adres.

adviser (Ing)
Singkahulugan ng tagapáyo.

affix (Ing)
Singkahulugan ng panlapi.

Agósto (Esp)
Ikawalong buwan ng taon na binubuo ng tatlumpu’t isang (31) araw;
kinakatawan ng bilang 8 sa numeral na pagsulat ng petsa. Daglat:
Ago. Tingnan: August.

a.k.a.
Daglat ng “also-known-as” sa Ingles at nangangahulugang “kilala rin
bilang.” Isulat nang ganito:
Marcelo H. del Pilar, a.k.a. Plaridel.

ákroním (Ing, acronym)


Salita na nabuo sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng inisyal na
mga titik ng mga salitang nasa anyong parirala. Isulat nang buo ang
unang banggit ng pangalan at ipaloob sa panaklong ang akronim
nito sa tabi. Sa susunod na banggit, akronim na lamang ang isulat.
Halimbawa:
Faculty and Employees Association (FEA)
Marcelo H. del Pilar National High School (MHPNHS)

12
ESTILONG FILIPINO

Schools Division Office (SDO)


Disaster Risk Reduction Management (DRMM)

Tingnan: Akronim ng mga pangalan ng ahensiyang


pampamahalaan sa Apendise

alá-
(1) Panlapi mulang Español na pambuo ng pang-uri, katumbas
ng malá- sa Filipino, at katulad ang ibig sabihin. Isulat nang may
gitling. Halimbawa, ala-Rizal, ala-berde. Tingnan: malá-
(2) Panlaping mulang Español na pananda sa pang-abay
pampamanahon, malimit sa paglalarawan ng oras. Gamitan ng
gitling (-), nakabaybay man o nakasulat nang numeral ang bilang.
Halimbawa, ala-una ng madaling-araw, ala-1 ng hápon. Tingnan: alas-

alás-
Panlaping mulang Español na pananda sa pang-abay
pampamanahon, malimit sa paglalarawan ng oras. Isulat nang may
gitling (-), nakabaybay man o nakasulat nang numeral ang bilang.
Halimbawa: alas-dos / alas-2, alas-tres / alas-3, alas-kuwatro / alas-4,
alas-singko / alas-5, alas-seis / alas-6, alas-siyete / alas-7, alas-otso
/ alas-8, alas-nuwebe / alas-9, alas-diyes / alas-10, alas-onse /alas-11,
alas-dose / alas-12, alas-dose y medya / alas-12:30. Tingnan: ala-

alpabéto (Esp, alfabeto)


Romanisadong paraan ng pagsulat. Ang alpabetong Filipino ay
gumagamit ng dalawampu’t walong (28) titik, may limang (5) patinig
at dalawampung katinig (20), at binabasa nang tulad sa alpabetong
Ingles: A (ey), B (bi), C (si), D (di), E (i), F (ef), G (dzi), H (eyts), I (ay), J
(jey), K (key), L (el), M (em), N (en), Ñ (enye), NG (en dzi), O (o), P (pi), Q
(kyu), R (ar), S (es), T (ti), U (yu), V (vi), W (dobolyu), X (eks), Y (way), Z (zi).
Ingles, alphabet.
Tingnan: ábakáda, alphabet, grafema, katínig, patínig

alphabet (Ing)
Singkahulugan ng alpabéto.

ályas (Esp, Ing, alias)


Pangalan bukod sa tunay at legal na pangalan. Tingnan: a.k.a.
Sa dokumentasyon, isulat nang ganito:

13
E S T I L O N G F I LI P I N O

Opsiyon 1: Idagdag ang tunay na pangalan nang nakakulong sa


panaklong.
4M.S. Martin (Agustin C. Fabian), Timawa (Maynila: Liwayway Publi-
cations, Inc., 1953), p. 30.

Opsiyon 2: Kung hindi iyak ang tunany na awtor, isulat ang alyas at
lagyan ng “alyas” pagkaraan ay ikulong sa panaklong.
4M.S. Martin (alyas), Timawa (Maynila: Liwayway Publications, Inc.,
1953), p. 30.

Americano (Esp)
Hinggil sa wika, kultura, at mamamayan ng bansang America.
Tingnan: Amerikano.

Amerikáno
pa-Tagalog na baybay ng Americano.

ang
Ginagamit karaniwan sa pagtukoy ng pangngalang pambalana.
Maging maingat sa paggamit ng ang at isang dahil magkaiba ng
kahulugan (tulad ng a at the sa Ingles).
Tingnan: si.

anónimó (Esp)
Hindi kilála o hindi kinilála, gaya sa anonimong awtor o manunulat.
Tingnan: anonymous.

Sa dokumentasyon, kung sumusulat ng talababâ at tiyak kung sino


ang awtor ng akda, isama ang pangalan ng awtor sa talababâ nang
nakakulong sa panaklong.
3(Genoveva Edroza-Matute), “Kasalukuyang Kalagayan ng Paniti-
kang Pilipino,” Panitikan I, blg. 4 (Oktubre 1965), p. 29.

anonymous (Ing)
Singkahulugan ng anónimó.

anumán
Kahit ano; ano pa man. Isinusulat ding “ano man.” Tingnan: whatever.

14
ESTILONG FILIPINO

ampersand (Ing)
Simbolong & na katumbas ng pangatnig na at. Gamitin lamang sa
pormal na pangalan ng kompanya (Procter & Gamble), publikasyon
(House & Garden), nakaugaliang baybay (R&D) at mga katulad. Hindi
ito dapat gamitin na kapalit ng at maliban sa mga nabanggit na
halimbawa.

ang
Katagang ginagamit karaniwan sa pagtukoy ng pangngalang
pambalana. Maging maingat sa paggamit ng ang at isang dahil
magkaiba ng kahulugan (tulad ng a at the sa Ingles).

ángguló (Esp, angulo)


Paraan ng pagtingin o paglapit sa isang kuwento o balita. Ito ang
magtatakda kung anong mga elemento at detalye ang pagtutuunang
pansin ng sumusulat. Hindi ibig sabihin nito, may kikilingan ang
sumusulat ng balita. Tingnan: angle.

angle (Ing)
Singkahulugan ng ánggulo.

angle bracket (Ing)


Singkahulugan ng panakláng.

ano?
Tingnan: balita

anunsiyo (Esp, anuncio)


Bayad na mensahe na karaniwang lumalabas sa mga pahayagan,
magasin, at iba pang babasahin, at maging sa mga programa sa radyo
at telebisyon. Bahagi ito ng kinikita ng mga komersiyal na babasahin
at estasyon sa himpapawid.

apostrophe (Ing)
Singkahulugan ng kudlit.

apostropo (Esp, apostrofo)


Singkahulugan ng kudlit.

15
E S T I L O N G F I LI P I N O

April (Ing)
Singkahulugan ng Abríl. Daglat: Apr.

app
Pinaikling tawag sa “computer application” o program na
nakadisenyo upang makatanggap sa computer, teleponong mobile, o
tablet ng anumang babasahing digital na inilalabas ng mga diyaryo at
magasin, o akitin ang mga gumagamit sa isang partikular na tatak na
itinataguyod ng isang kompanya.

Arabic number (Ing)


Tingnan ang bílang Arabik.

Arabik (Ing, Arabic)


Tingnan: bílang Arábik

áraw (Ing, day)


Panahong binubuo ng 24 oras at 7 nito ang bumubuo sa isang
linggo na may kani-kaniyang pangalan: Lunes, Martes, Miyerkoles,
Huwebes, Biyernes, Sabado, Linggo. Tingnan: day, buwan.

Isulat sa malaking titik kung ginagamit na bahagi ng pangngalang


pantangi. Hal., Araw ng Kasarinlan, Araw ni Rizal, at katulad.

asimilasyón (Esp, asimilacion)


Isa sa pagbabago sa anyo at bigkas ng mga salita (pagbabagong
morponemiko), halimbawa, dahil sa pagdadagdag ng panlapi sa kaso
ng magkatabing NG + P/B at NG + D/L/R/S/T.

Halimbawa ng NG + P/B:
pa(ng)paaralan > pa(m)paaralan
pa(ng)publiko > pa(m)publiko
pang(balita) > pa(m)balita
labi(ng)-pito > labi(m)pitó
si(ng)bagsik > si(m)bagsik
ma(ng)babatas > ma(m)babatas

Halimbawa ng NG + D/L/R/S/T:
pa(ng)diwa > pa(n)diwa
pa(ng)lima > pa(n)lima

16
ESTILONG FILIPINO

pa(ng)radyo > pa(n)radyo


labi(ng)siyam > labi(n)siyam
pa(ng)telebisyon > pa(n)telebisyon
ma(ng)susulat > ma(n)unulat
Tingnan: assimilation.

asimilasyóng ganap
Pagbabagong morpoponemiko nagaganap sa anyo ng salita na
nawawala ang unang titik ng salitang-ugat matapos dumaan sa
parsiyal na asimilasyong N/M.

Halimbawa:
pa(ng)sukli > pa(n)sukli > pa(n)ukli
pa(ng)tawid > pa(n)tawid > pa(n)awid (panawid-gutom)
pa(ng)putol > pa(m)putol > pa(m)utol
pa(ng)bilang > pa(m)bilang > pa(m)bilang

Ngunit, panatilihin na lamang sa parsiyal na asimilasyon kung


magdudulot ng kalituhan ang ganap na asimilasyon. Halimbawa:
pa(m)ato na maaaring mula sa pang+bato o pang+pato kaya gawing
pa(m)bato o pa(m)pato

assignment (Ing)
Itinakdang paksa o gawain sa isang peryodista upang saliksikin at
sulatin.

assimilation (Ing)
Singkahulugan ng asimilasyón.

August (Ing)
Singkahulugan ng Agósto. Daglat: Aug.

ay
Pandiwang pantulong na katumbas ng “is” sa Ingles. Sa ikalawang
gamit, higit na magiging matipid at mabisa ang pangungusap
kapag tinatanggap na ito at inilalagay ang pandiwa sa unahan ng
pangungusap.

17
E S T I L O N G F I LI P I N O

Bb
(1) Ikalawang titik sa alpabetong Filipino at tinatawag na bi
(2) Ikalawang titik sa abakadang Tagalog at tinatawag na ba

bakit?
Tingnan: balità

balarilà
Tawag sa pag-aaral ng estruktura ng wikang Tagalog at ginagamit
ngayong katumbas ng gramátiká. Terminong galing sa “balanang
dila” o “baladila” (na naging “r” ang “d” at naging “balarila”).

balità (Ing, news, report)


Ulat o impormasyon hinggil sa mga pangyayari. Sa klasikong
peryodismo, may 6 tanong (5w at 1h sa Ingles: who, where, what, when,
why at how) ang sino mang peryodistang sumusulat ng balita. Sino?
Saan? Ano? Kailan? Bakit? Paano?

banner (Ing)
Pangunahing balita na karaniwang nakalimbag sa pinakaitaas na
bahagi ng peryodiko at karaniwang sumasakop sa malaking bahagi
ng unang pahina. Banner headline ang tawag sa ulo na nakasulat sa
malalaking sukat ng letra.

bansâ
Komunidad ng mga mamamayan na may isang lahi, kasaysayan, wika,
kultura, at pamahalaan; tawag din ito sa teritoryo ng komunidad nito.
Tingnan: nation, country.

Dahil pangngalang pantangi, baybayin sa orihinal na:


Ingles: China, Japan, New York, France, Italy, Greece, Philippines
Español: China, Japones/Japon, Estados Unidos, Francia, Italia,

18
ESTILONG FILIPINO

Grecia, Filipinas

May pa-Tagalog ding baybay:


Tsina, Hapón, Pransiya, Italya, Gresya, Pilipinas

Tingnan: Pangalan ng mga bansa batay sa Atlas ng mga Bansa


Mundo ng KWF sa Apendise

bantás
Marka, senyal, o simbolo na ginagamit sa pagsulat upang pangkatin o
paghiwalayin ang mga salita sa isang pangungusap o parirala upang
maging gabay sa wastong pagbása at pag-unawa. Kabílang sa bantas
ang tuldók ( . ) gituldók ( • ), kuwít ( , ), tandâng pananóng ( ? ),
tandâng padamdám ( ! ), tuldók-kuwít ( ; ), tutuldók ( : ), panipì ( “ “
), gitlíng ( - ), gatlâng en ( – ), gatlâng em ( — ), panaklóng ( ), kudlít
( ‘ ), panakláw [ ], pahilíg (/), elípsis (...).
Tingnan: púntuwasyón, punctuation.

Batas sa Peryodismong Pangkampus ng 1991 (Batas Republika


Blg. 7079)
Batas na nilagdaan ni Pres. Corazon C. Aquino noong 5 Hulyo 1991
upang paunlarin at itaguyod ang peryodismo sa mga paaralan. Sa
Mga Alituntunin at Regulasyon para sa Implementasyon ng Batas
Republika Blg. 7079, malinaw na ipinahayag ang mga layunin ng
batas sa Seksiyon 1, Tuntunin II (Patakaran ng Estado):

Patakaran ng Estado na pagtibayin at ipagsanggalang ang kalayaan


sa pamamahayag maging sa mga paaralan at itaguyod ang pag-
unlad at pagsibol ng peryodismo upang mapalakas ang etikal na
halagahan, pasiglahin ang mapanlikha at kritikal na pag-iisip, at
mahubog ang katauhang moral at disiplinang personal ng kabataang
Filipino. Upang maisulong ang patakarang ito, magpapatupad
ang Estado ng mga programa at proyekto upang mapahusay ang
kasanayan sa peryodismo ng kinauukulang mga estudyante at
mapalaganap ang peryodismong malaya at may pananagutan.

Tungkulin, samakatwid, ng lahat ng opisyal ng Kagawaran ng


Edukasyon, Kultura at Sports (DECS), puno ng mga paaralan/
kolehiyo/unibersidad, mga gurong tagapayo ng peryodikong
pangkampus, at mga tauhang may kinalaman sa programa ng

19
E S T I L O N G F I LI P I N O

peryodismong pangkampus sa elementarya, sekundaryo, at


tersiyaryong antas ng edukasyon na itaguyod at isulong ang mga
patakaran at layunin ng programa sa peryodismong pangkampus na
sakop ng Batas Republika Blg. 7079 at mga batas na umiiral bilang
mga simulain sa Saligang Batas.

Ang Mga Alituntunin at Regulasyon para sa Implementasyon ng


Batas ay inaprubahan noong Agosto 19, 1992 ni Armand V. Fabella,
kalihim ng edukasyon.

baybáy, pagbaybáy
Wastong pagkakasunod-sunod ng mga titik upang bumuo ng isang
salita. Tingnan: ispeling,

bigkás, pagbigkás
Paraan ng pagsasabi ng isang salita. Sa Filipino. may iba’t ibang uri
ng bigkas: malúmay, mabilís, malumì, maragsâ, at schwa. Tingnan:
pronunciation.

bílang
Numeral o pabaybay ba kung isusulat ang bilang. Tingnan: numero,
numeral, number, quantity.
Sundin ang sumusunod na tuntunin:

(1) Isulat sa paraang numeral kung para sa sulatíng siyentipiko


at teknikal at pabaybay kung sa iba pang gamit gaya ng
pampanitikan. Sa pangkalahatang tuntunin, isinusulat nang
pabaybay ang bilang zero hanggang sandaan kung hindi
siyentipiko o teknikal ang gamit. Halimbawa:
Bumili si Rolly ng limang pirasong papel.
May bagong lipat na walumpu’t siyam na estudyante mula Leyte.
Nagpagawa ang punong-guro ng limampu’t limang silya.
May proyekto ang pamahalaan na dalawampung gusali para sa mga
publikong paaralán.

(2) Baybayin ang isang dihitong bilang at isulat sa numeral ang


mula sampu pataas na mas praktikal (ibig sabihin ay mas
matipid sa espasyo) na gamitin. Halimbawa:
Nagtalaga ng tatlong reporter ang diyaryo para sa pista ng Quiapo.
May 10 bangkay pang hindî nakukuha mulâ sa lumubog na barko.

20
ESTILONG FILIPINO

Nakatakdang ipalimbag ang 55 aklát ng aming tanggapan.

(3) Baybayin ang bilang kung sinusundan ng binaybay ding


“daan,” “libo,” at “daang libo,” (maliban sa sulating pang-
agham), eksakto man ito o pagtantiya lamang. Halimbawa:
Nakapulot siyá ng sandaang piso sa daan.
Siningil niyá si Zenny ng walong daang libong pisong utang nitó.
Nása limampu’t isang libong katao ang inaasahang walâng traba-
ho sa aming lalawigan.

(4) Baybayin ang bilang na sinusundan ng milyon, bilyon, at mas


malaki pa kung eksakto ngunit kung hindi eksakto ay baybayin
sa paraang numeral. Halimbawa:
Isang milyong botante ang kailangan niyáng suyuin para iboto siyá.
Ang walong milyong mamamayan ay umaasa sa mga pangako ng
pamahalaan.
May 210 bilyong piso siyang deposito sa bangko. Tinatáyang 12.5
milyon ang mamamayang walâng trabaho.

(5) Isulat sa paraang numeral kung malalaking halaga ng salapi.


Halimbawa:
Pumirma ng walong taóng kontrata sa ABS-CBN si Kris Aquino sa
halagang 12 milyong piso.
Nanalo si Jomar sa lotto ng 63 milyong piso.
Karaniwan sa mga foreclosed na bahay sa Urdaneta Village ay mahig-
it 20 milyong piso.

(6) Sa kasong pampinansiya, isulat sa paraang numeral ang halata


at tumbasan ang libo ng titik K. Halimbawa:
Ibinebenta ng SMDC ag bawat condo sa halagang PHP375K.

(7) Kung simula ng pangungusap ang isang numero, baybayin ito,


kulang man o mahigit sandaan, gayundin kung nagsisimula ito
sa taon. Halimbawa:
Labintatlong pasahero ang namatay sa aksidente.

Ngunit maaaring isulat din gaya sa sumusunod kung nais sumunod


sa pangkalahatang tuntunin:
May 13 pasaherong namatay sa aksidente.
Ayon sa balita, 13 ang namatay sa aksidente.

21
E S T I L O N G F I LI P I N O

Namatay sa aksidente ang 13 pasahero.

(8) Kung nagsisimula sa numeral ang pangungusap at sinusundan ng


iba pang numero, baybayin lang ang una. Halimbawa:
Sa sandaang nagsipagtapos, 51 ang kumuha ng kursong edu-
kasyon.
Sampu ang inahin ko, 12 ang tandang at 34 ang dumalaga.

(9) Kung bilang ordinal, baybayin nang buo kapag hindi ginamit ang
gitling pagkatapos ng ika- o pang- ngunit lagyan ng gitling kung
susundan ng numeral. Halimbawa:
Ang anák niyá ang panlima sa kanilang klase.
Kuwento ng kaniyang anak ay pang-20 siyá sa kanilang klase.
Nása ikaapat na baitang na ang anák ni Lolly.
Hindî akó nakasisiguro kung ika-10 nga ba siyá sa listahan ó ika-17.

bílang Arábik
Alinman sa mga simbolong pamilang na 0, 1, 2, 3, 4, 5, 6, 7, 8, 9.
Tingnan: Arabic number.

bílang ordinál, órdinál


Bilang na naglalarawan sa posisyon ng isang bagay sa isang serye
gaya sa una, pangalawa (o ikalawa), pangatlo (o ikatlo), at iba pa.
Tingnan ang lahok na bilang, ika-9 na gamit/paliwanag. Tingnan:
ordinal number.

bílang Románo (Ing, Roman number)


Titik na ginagamit bilang simbolong pamilang. Tingnan: Roman
number. Halimbawa:

1=I 20 = XX 100 = C 1000 = M


2 = II 30 = XXX 200 = CC 2000 = MM
3 = III 40 = XL 300 = CCC 3000 = MMM
4 = IV 50 = L 400 = CD
5=V 60 = LX 500 = D
6 = VI 70 = LXX 600 = DC
7 = VII 80 = LXXX 700 = DCC
8 = VIII 90 = XC 800 = DCCC
9 = IX 900 = CM
10 = X

22
ESTILONG FILIPINO

Biyérnes (Esp, Viernes)


Araw sa isang linggo sa pagitan ng Huwebes at Sabado; ikaanim na
araw ng isang linggo. Daglat: Biy. Tingnan: Friday.

blog/blogger/blogging (Ing)
Isang sulating online na nagmula sa pinaikling “web log” ang “blog.”
Bukod sa teksto, kasama ring itinatala sa blog ang mga retrato
at larawan, video, at audio. Blogger ang tawag sa sumusulat ng
blog (maaaring isang tao o isang grupo) at blogging naman ang
tawag sa pagbubuo nito. Maituturing na peryodista ang blogger, at
peryodismo ang blogging, at patuloy na nagbabago ang kalikasan ng
bagong anyong ito ng pagsusulat na bunga ng paglitaw ng internet.
Tingnan: online, internet

bold face (Ing)


Sa imprenta, higit na maitim ang limbag. Tingnan: roman face

bracket (Ing)
Singkahulugan ng panakláw.

breaking news (Ing)


Balitang kasalukuyang nangyayari, at nagpapatuloy. Karaniwang
ginagawa ng mga estasyon ng radyo at telebisyon at sa kanilang mga
pahinang online.

broadcasting (Ing)
Tingnan: brodkásting

brodkásting (Ing, brodcasting)


Pagsasahimpapawid ng mga balita at iba pang pahayag (kasama
na ang musika, drama, at mga katulad) sa radyo, telebisyon, at sa
panahon ngayon, internet. Brodkaster ang tawag sa mga taong
nagsasahimpapawid, katulad ng mga anawnser, komentarista, at
tagapamahala sa industriya.
Tingnan: Kapisanan ng mga Brodkaster sa Pilipinas.

broadsheet (Ing)
Isa sa dalawang pangunahing uri ng peryodiko (tabloid ang isa
pa). Sa Filipinas, ang broadsheet ay may karaniwang sukat na 12
x 18 pulgada (1 x 1.5 piye). Hindi lamang sa sukat ang broadsheet

23
E S T I L O N G F I LI P I N O

at tabloid. Nagkakaiba rin ang dalawa sa nilalaman, paraan ng


pagbabalita, haba ng artikulo, at paksang tinatalakay. Karaniwan,
mga seryosong paksa ang tinatalakay, maingat sa pagsusulat, at
mahahaba ang artikulo sa broadsheet. Tingnan: tabloid.

buwán
Alinman sa labindalawang bahagi ng isang taon. Kabilang dito
ang Enero, Pebrero, Marso, Abril, Mayo, Hunyo, Hulyo, Agosto,
Setyembre, Oktubre, Nobyembre, Disyembre. Tingnan: month.

byline (Ing)
Nakalimbag na bahagi ng peryodiko o magasin, karaniwang nasa
ibaba ng pamagat ng tampok na balita o istorya, kung saan nakalagay
ang pangalan ng manunulat. Karaniwang may nakalagay na “Ni/
Nina” (kung isa/mahigit isang tao ang tinutukoy) o “Ng” (kung
pangkat o grupo ang tinutukoy) na sumulat. Huwag maglalagay ng
tutuldok pagkaraan ng Ni, Nina, o Ng.

24
ESTILONG FILIPINO

Cc
Ikatlong titik sa alpabetong Filipino at tinatawag na si; walang titik C sa
abakadang Tagalog

campus journalism (Ing)


Tingnan: peryodismong pangkampus

caption (Ing)
Salita o mga salitang nakaugnay sa mga retrato o drowing, at
nagpapaliwanag o nagbibigay ng dagdag na impormasyon tungkol sa
mga imahen.

centerspread (Ing)
Dalawang magkaharap na panggitnang pahina ng peryodiko o
magasin, at karaniwang pinaglalathalaan ng malalaking retrato o
larawan at iba pang bagay na sumasakop sa magkabilang bahagi ng
mga pahina, ayon sa disenyo.

circulation (Ing)
Singkahuluhan ng sírkulasyón.

cliché (Ing)
Tingnan: gasgas na salita, de-kahon

columnist (Ing)
Singkahulugan ng kolumnista.

comma (Ing)
Singkahulugan ng kuwit.

commentator (Ing)
Singkahulugan ng komentarista.

25
E S T I L O N G F I LI P I N O

consonant (Ing)
Singkahulugan ng katinig.

copy (Ing)
Singkahulugan ng kopya o sipi.

copy editor (Ing)


Singkahulugan ng éditór ng kópya.

copyreading (Ing)
Tingnan: pagwawasto ng kopya

copyright (Ing)
Singkahulugan ng karapatang-sipi.

country (Ing)
Singkahulugan ng bansâ.

cover (Ing)
Singkahulugan ng pabalát.

credit line (Ing)


Pagkilála sa potograpong may-ari ng retrato o anumang grapikong
materyal na ginamit sa peryodiko. Pagkilala rin ito sino ang
naglabas-naglathala ng materyal.

crop (Ing)
Pagputol o pagkukubli sa bahaging hindi kailangan sa isang larawan,
karaniwang isang retrato.

cut (Ing)
Singkahulugan ng pútol.

cutline (Ing)
Paliwanag sa ibaba ng isang retrato. Sa paggawa ng cutline, iwasang
ipaliwanag kung ano ang nakikita na sa retrato. Sa halip, magbigay
ng impormasyon na makapagdadagdag sa detalyeng nakikita na sa
retrato.

cyberspace (Ing)
Tawag sa lahat ng bagay na kaugnay sa internet, terminong hindi na
gamitín ngayon.

26
ESTILONG FILIPINO

Dd
(1) Ikaapat na titik sa alpabetong Filipino at binibigkas na di
(2) Ikaapat na titik sa abakadang Tagalog at binibigkas na da

daglát
Salita, parirala, o pahayag na pinaikli. Halimbawa:
Bb. (binibini)
Gng. (Ginang)
G. (Ginoo)
Kgg. (Kagalang-galang)
atbp (at iba pa)
MMDA (Metro Manila Development Authority)
NSPC (National Schools Press Conference)
USB (Universal Serial Bus)
SONA (State of the Nation Address)
SOLA (State of the Language Address)
LOL (laugh out loud)

Tingnan: abbreviation, abrebyasyon, akronim.

dash (Ing)
Singkahulugan ng gatláng.

date (Ing)
Singkahulugan ng petsa.

dateline (Ing)
Unang parirala sa simula ng isang artikulo sa diyaryo o magasin na
may impormasyon tungkol sa lugar na pinanggalingan ng balita, at
kung minsan, may petsang kasama. Halimbawa:

MANILA, Philippines — Apat na tama ng bala ang kumitil sa buhay ng

27
E S T I L O N G F I LI P I N O

isang 22-anyos na dalaga makaraang pagbabarilin ng lalaking man-


liligaw na kanyang binasted sa Seaside Marlboro Lower Calarian,
Zamboanga City nitong Huwebes ng gabi.

day (Ing)
Singkahulugan ng áraw.

de-
Unlaping Español, ginagamit para mabuo ang pang-uri na
mangangahulugang mayroon, nakasuot, o gumagamit; karaniwang
ipinapalit sa naka- . Lagyan ng gitling sa pagitan ng unlapi at
kasamang salita. Halimbawa: de-baterya, de-kahon, de-kolor, de-lata.

deadline (Ing)
Takdang petsa kung kailan dapat isumite ang kopya o kung kailan
dapat mailathala ang peryodiko. Mahalaga ang deadline dahil
may sinusunod na takdang petsa kung kailan dapat luamabas ang
publikasyon—arawán, linggúhan, o buwánan—at maiwasan ang
problema sa iskedyul at pagkahulí ng balita.

December (Ing)
Singkahulugan ng Disyémbre. Daglat: Dec.

desktop (Ing)
Pinakapangunahing displey sa iskrin ng isang computer na
kakikitaan ng icon ng mga program na mapatatakbo dito.

dictionary (Ing)
Singkahulugan ng diksiyonáryo.

digrápo (Esp, digrafo)


Singkahulugan ng kambál-katínig.

diksiyonáryo (Esp, diccionario)


Aklat na sinasangguni upang malaman ang kahulugan at bigkas ng
salita sa isang wika. Karaniwang nakaayos alpabetiko ang mga lahok.
Kung minsan, kasama din ang pinagmulan ng salita at iba pang
impormasyon. Tingnan ang limbag na UP Diksiyonaryong Filipino
(2002, 2010) o ang diksiyonaryo.ph bilang pangunahing reperensiya sa
ispeling sa Filipino. Tingnan: dictionary.

28
ESTILONG FILIPINO

din/rin, raw/daw
Gawing rin ang din o raw ang daw kapag sumusunod sa salitang
nagtatapos sa patinig o malapatinig o glide (W at Y). Halimbawa:
Pupunta rin— Aalis daw
Uso raw— Laos daw
Puti rin—Itim daw
Gabay raw—Daan daw
Ikaw raw— Batid daw

Gawing ang salita ay nagtatapos sa -ri, -raw, o -ray, ang din o daw ay
huwag gawing rin o raw.
Maaari din—hindi Maaari rin
Kapara raw—hindi Kapara daw
Araw daw—hindi Araw raw
Biray din—hindi Biray rin

diphthong (Ing)
Singkahulugan ng kambál-patínig.

diptónggo (Esp, diptongo)


Singkahulugan ng kambál-patínig.

Disyémbre (Ing, December)


Ikalabindalawang buwan ng taon na binubuo ng tatlumpu’t isang
(31) araw; kinakatawan ng bilang 12 sa numeral na pagsulat ng petsa.
Daglat: Dis.

diyáryo (Esp, diario)


Singkahulugan ng peryódikó.

documentation (Ing)
Singkahulugan ng dokumentasyon.

dokumentasyón (Esp, documentacion)


May dalawang kahulugan ito: Isa, materyales na nagbibigay ng
opisyal na impormasyon o ebidensiya at nagsisilbing rekord. Ikalawa,
proseso ng pagtukoy o paggawa ng anotasyon ng mga teksto, retrato,
at iba pa. Tingnan: documentation.

29
E S T I L O N G F I LI P I N O

Ee
(1) Ikalimang titik sa alpabetong Filipino at binibigkas na i
(2) Ikalimang titik sa abakadang Tagalog at binibigkas na e

E!
Sa mga ekspresyong padamdam, hindi dapat nilalagyan ng H upang
hindi mabása sa paraang Ingles. Ganoon din ang A! at O!

edisyón (Esp, edicion)


(1) Partikular na anyo o bersiyon ng isang limbag na teksto.
Halimbawa, edisyong softbound, edisyong hardbound,
edisyong paperback.
(2) Kabuoang bilang ng kopya ng isang aklat, peryodiko, o iba
pang nalathalang materyales na magkakahiwalay na inilathala.
Halimbawa, ang UP Diksiyonaryong Filipino ay may dalawa
nang edisyon. Ang unang edisyon na nalathala noong 2002
at ang ikalawang edisyon na nalathala noong 2010. Tingnan:
edition.

éditíng (Ing)
(1) Paghahanda sa isang nakasulat na materyales para sa
publikasyon sa pamamagitan ng pagwawasto, pagpapaikli, o
bahagyang pagbabago at pag-aayos dito.
(2) Pagpili sa materyales tulad ng pelikula o programa sa radyo o
telebisyon at ayusin ito upang makalikha ng isang kabuoan.

edition (Ing)
Singkahulugan ng edisyon.

éditór (Ing)
Táong nagpapasiya sa magiging pinal na nilalamán ng isang
peryodiko, magasin, o aklat, o ng mga partikular na bahagi o seksiyon

30
ESTILONG FILIPINO

ng publikasyon. Maaaring siya rin ang naghahanda ng nakasulat o


nakarekord na materyales para sa publikasyon o brodkast.

éditór-ng-kópya
Táong tagaedit, tagatiyak ng tamang ispeling at gramatika,
tagawasto sa tipograpikong mali, at tagatiyak sa kawastuan ng
mga impormasyong nilalaman sa kopya. Kung minsan, binabago
ng editor-ng-kopya ang manuskrito upang mas maging organisado
at kapani-paniwala ang balita o istorya. Nagsusulat din sila ng
headline (pangunahing balita) at nagdidisenyo ng pahina. Ang isang
estudyante, maaaring may tungkuling maging reporter at editor-ng-
kopya nang sabay. Sa pagkakataong ito, ang dapat niyang iedit na
kopya ay ang gawa ng iba ngunit kailangan niyang mag-proofread ng
pruweba ng kaniyang gawa bago isumite. Tingnan: copy editor.

editoryál, editóryal (Esp, Ing editorial)


Tawag sa artikulo na nagpapahayag ng opinyon. Ito rin ang espasyo/
mga pahina sa peryodiko na inilaan para sa pagpapahayag ng
opinyon. Kabilang dito ang editoryal, kolum, at liham sa editor.
Lagyan ng pamagat na “Editoryal,” “Opinyon,” “Komentaryo” o
ibang katulad na salita para maging malinaw na naglalaman ito ng
pananaw ng sumulat sa paksang kaniyang tinatalakay katulad ng
rebyu ng isang pelikula o dula, produkto, resulta ng isang larong
pang-isports, at iba pa.

elípsis (Ing, ellipsis)


Tatlong magkakasunod na tuldok (...) na ginagamit upang kumatawan
sa nakaltas na mga salita, parirala, linya, o pahayag sa isang siniping
teksto nang hindi nagbabago o nawawala ang kahulugan nito.
Halimbawa, sa pahayag na ito:
Personal ang aking pagsasalin, noon pa at hanggang ngayon, sa da-
hilan at sa proseso. Anuman ang sabihin ng iba, kung gusto ko ang
isang akda, kanino mang akda, isinasalin ko, at sa paraang gusto ko.

Maaaring mapaikli ito gamit ang elipsis na kinatawan ang mga


kinaltas na bahagi sa pangungusap:
Personal ang aking pagsasalin . . . sa dahilan at proseso. Anuman
ang sabihin ng iba, kung gusto ko ang isang akda . . . isinasalin ko, at
sa paraang gusto ko.

31
E S T I L O N G F I LI P I N O

Tiyaking hindi nalalayo sa orihinal ang kahulugan ng sinipi.


Tingnan ang iba pang tuntunin hinggil sa elipsis sa MMP ng KWF.

em dash
Singkahulugan ng gatlâng em.

en dash
Singkahulugan ng gatlâng en.

Enéro (Esp)
Unang buwan ng taon na binubuo ng tatlumpu’t isang (31) araw;
kinakatawan ng bilang 1 sa numeral na pagsulat ng petsa. Daglat:
Ene. Tingnan: January.

English (Ing)
Singkahulugan ng Inglés.

enumerasyón (Esp, enumeracion)


Pag-iisa-isang pagbanggit o paglilista sa mga bagay. Tingnan:
enumeration.

Español
Tumutukoy sa wika, kultura, at mamamayan ng España. Daglat: Esp.

Espanyól
Pa-Tagalog na baybay sa Español.

estilo (Esp)
Pangkalahatang tawag sa gamit ng lengguwahe—gramatika,
bantas, at mga katulad—ng isang publikasyon sa layong magkaroon
ng konsistent o hindi pabago-bagong datíng ng mga sulatin at
pagkakakilanlan. Nagtatakda ang mga publikasyon o organisasyon ng
mga alituntuning nabubuo sa patuloy na pagsusulat at pag-eedit, at
isinasaaklat ang mga ito sa isang tinatawag na aklat o gabay sa estilo.
Importanteng gabay ito sa lahat ng kagawad ng pangkat editoryal,
lalo na sa mga editor-ng-kopya (copyeditor) at tagabasa-ng-pruweba
(proofreader) sa pagsasaayos at paghahanda nila ng mga teksto.

exclamation point (Ing)


Singkahulugan ng tandâng padamdám.

32
ESTILONG FILIPINO

Ff
(1) Ikaanim na titik sa alpabetong Filipino at binibigkas na ef
(2) Walang titik F sa abakadang Tagalog.

Facebook
Isang social networking service na online na nagsimula noong 2004.
Pinakapopular ito ngayon sa buong daigdig na may tinatayang
2 bilyong gumagamit buwan-buwan. Para sa mga reporter at
ibang manunulat, makakakuha dito ng mga balita, kontak, at iba
pang pagkukunan ng impormasyon. Ginagamit din ito ng mga
organisasyon sa media at mga peryodista upang palaganapin ang
kanilang mga sariling peryodiko, magasin, at iba pang publikasyon.

feature (Ing)
Singkahulugan ng lathalaín.

February (Ing)
Singkahulugan ng Pebrero. Daglat: Feb.

Filipínas
Bansa sa Timog-Silangang Asia na binubuo ng isang arkipelagong
may higit 7,000 isla; dáting kolonya ng bansang España kung saan
kinuha ang pangalan ng bansa sa hari nitong si Haring Felipe.
Tingnan: Pilipinas, Philippines.

Filipíno
(1) Tukoy sa wika, kultura, at mamamayan ng bansang Filipinas.
(2) Tawag sa wikang pambansa alinsunod sa Konstitusyong 1973
at ginagamit hanggang kasalukuyan.
Tingnan: Pilipino.

Basahin ang talakay sa “Pagsulyap sa Kasaysayan bilang Panimula” sa

33
E S T I L O N G F I LI P I N O

MMP upang maunawaan ang pagkakaiba ng “Pilipino” at “Filipino”.

flag (Ing)
Tingnan: masthead

Friday (Ing)
Tingnan ang Biyernes. Daglat: Fri.

front page (Ing)


Pinakaharap na pahina (unang pahina) ng isang peryodiko na
kinatatampukan ng mga pangunahing balita.

34
ESTILONG FILIPINO

Gg
(1) Ikapitong titik sa alpabetong Filipino at binibigkas na dyi
(2) Ikaanim na titik sa abakadang Tagalog at binibigkas na ga

gatlâng
Kinakatawan ng mga simbolong (–) o (—). Tingnan ang gatlâng en at
gatlâng em. Tingnan: dash. Tingnan: dash.

gatláng em
Sa pag-iimprenta at pagsulat, kinakatawan ng simbolong (—).
Pansinin na mas mahabà ito nang kaunti sa gatlâng en. Gamitin sa
pagsasaad ng pansamantalang pagtigil—sa pagbása o sa daloy ng
idea—at sa pagdidiin ng paliwanag. Tingnan: em dash.

Halimbawa:
Napalingon ako—at nanlaki ang matá—nang makita siyá.
Kailangan ng taumbayan ang anumang tulong—pagkain, damit,
higaan, malinis na palikuran, tubig, atbp.
Hindi ko alam kung magagawa—ngunit ako’y umaasa—na mapagbi-
gyan ang ating hiling.
Walang magagawa ang karamihan—kahit magplano silá nang masa-
mâ—sapagkat makikita ng mga tao ang kabutihan ng planong ito.

gatlâng en (Ingles, en dash)


Sa pag-iimprenta at pagsulat, kinakatawan ng simbolong (–),
pansinin na mas mahaba ito nang kaunti sa gitling at mas maikli
sa gatlang em. Ginagamit ito katumbas ng salitang “hanggang.”
Madalas na ginagamit ito upang ipakita ang sinaklaw na ng oras,
petsa, o datos pansanggunian. Tingnan: en dash.

Isulat sa ganitong paraan:


1971–1986 (petsa)

35
E S T I L O N G F I LI P I N O

9:00–11:00 (oras)
Taón II–IV (mga tomo ng jornal) 78–89 (mga pahina ng aklat)

gitlapì
Panlapi sa gitna ng salita tulad ng -um- at -in-. Tingnan: infix.

gitlíng
Bantas na kinakatawan ng simbolong (-). Tingnan: hyphen. Gamitin
ito sa sumusunod:

(1) Para paghiwalayin ang inuulit na salita. Halimbawa: ano-ano,


taon-taon, iba-iba; at sa higit dalawang pantig ang salita gaya
ng: balu-baluktot, suntok-suntukin, bali-baligtad; at kung may
unlapi ang salita, ilagay ang gitling sa unang bahaging inuulit
gaya ng: pabalik-balik, nagkawasak-wasak.

(2) Para ilarawan ang onomatopeikong pagsulat sa mga iisahing


pantig na tunog. Halimbawa: tik-tak, ding-dong, tok-tok, tsk-
tsk, ha-ha, hi-hi, ho-ho.

(3) Para paghiwalayin ang katinig at patinig gaya sa pantig na


nagtatapos sa katinig na sinusundan ng pantig na nagsisimula
sa patinig. Halimbawa: pag-asa, mag-isa, pang-ulo, inter-
aksiyon, hay-iskul.

(4) Para paghiwalayin ang panlapi na sinusundan ng (a)


pangngalang pantangi gaya sa ma-Maynila, taga-Quezon,
maka-Filipino; at (b) salitang banyaga na nasa orihinal na
baybay gaya ng paki-save, pa-cute (ngunit “pakyut” kung
nireispel), ipa-encode (ngunit “ipaengkowd” kung nireispel), at
maki-computer (ngunit “makikompiyuter” kung nireispel).

(5) Para bigyan ng bigat o diin ang kakaibang bigkas sa naunang


pantig. Halimbawa: gay-on (varyant ng gayon), gab-i (varyant
ng gabi), ngay-on (varyant ng ngayon), mus-ing (iba ito sa
musing), lang-ap (iba ito sa langap), lab-ong (iba ito sa labong),
hul-ab (iba ito sa hulab). Tingnan sa UP Diksiyonaryong Filipino
(2010) para sa pagkakaiba ng kahulugan ng mga salita.

(6) Para bumuo ng tambalang salita. Halimbawa, lipat-bahay,

36
ESTILONG FILIPINO

bigyang-buhay, bagong-salta, amoy-pawis, kathang-buhay


(kathambuhay kung walang gitling), punong-guro (punungguro
kung walang gitling), pag-iisang-dibdib (pag-iisandibdib kung
walang gitling). Tingnan sa tuntuning sa MMP bilang 11.5–11.7
ang paliwanag hinggil sa pagbuo ng tambalang salita at mga
tambalang wala nang gitling.

(7) Para sa pagbangit ng oras. Tingnan ang ika-, ala-, at alas-.

(8) Sa pagdulat ng salitang sumusunod sa (1) unlaping Español


na de-. Halimbawa: de-kahon, de-makina, de-kalidad, de-
lata, de-bote, de-mano; at salitang -di na pinaikling hindi, sa
mga idyomatikong salita na karaniwang mapang-uyam ang
mapagbiro ang himig. Halimbawa: di-mahapayang-gatang, di-
mahipo, di-kagandahan, di-maliparang-uwak.

(9) Sa pagsulat ng apelyido ng babaeng nag-asawa upang ipakita


ang orihinal na apelyido noong dalaga pa. Halimbawa: Gloria
Macapagal-Arroyo, Carmen Guerrero-Nakpil, Genoveva
Edroza-Matute.

gituldók
Bantas na kinakatawan ng simbolong ( • ). Gamitin ito sa
pagpapantig. Halimbawa, gi•tul•dók. Kung sa Windows, ang
shortcut sa keyboard ay Alt + 0183 at sa Apple ay Option 8.

graféma (Esp)
Titik sa alpabeto. Tingnan: grapheme.

gramátiká (Esp, gramatica)


Sistematikong deskripsiyon ng estruktura ng isang wika kabilang
ang sistema ng paglalapi at ayos ng mga salita upang bumuo ng isang
pangungusap. Tingnan: balarilà, grammar.

grammar (Ing)
Singkahulugan ng gramatika.

grapheme (Ing)
Singkahulugan ng graféma.

37
E S T I L O N G F I LI P I N O

Hh
(1) Ikawalong titik sa alpabetong Filipino at binibigkas na eyts
(2) Ikapitong titik sa abakadang Tagalog at binibigkas na ha

hashtag (Ing)
Simbolo sa keyboard (#) na ginagamit sa social media kakabit ng
isang salita o parirala, bilang senyas na ambag ito sa diskusyon sa
paksang banggit. Ginagamit sa balita, lathalain, at iba pang ulat
upang lumawak ang diskusyong online.

headline (Ing)
Tekstong inilalagay sa ibabaw ng balita o lathalain at tumatayong
pamagat. Karaniwang may mga elemento ito ng lawak, ikli, gulat, at
drama—sa layuning makaagaw ng pansin ng tagasubaybay. Sa online,
higit na nagpapaliwanag ang teksto kaysa limbag o brodkast, para
tugunan ang hinihingi ng mga search engine at madaling makita ng
subaybay sa social media. Tingnan: ulong balita.

hour (Ing)
Singkahulugan ng oras.

hulapì
Panlapi sa hulihán ng salita tulad ng -han, -an, -ista, at iba pa.
Tingnan: suffix.

Húlyo (Esp, julio)


Ang ikapitóng buwan ng taon na binubuo ng tatlumpu’t isang (31)
araw; kinakatawan ng bilang 7 sa numeral na pagsulat ng petsa.
Daglat: Hun. Tingnan: July.

human interest
Tumutukoy sa salaysay at tingin sa pangyayaring nagtatampok

38
ESTILONG FILIPINO

sa damdamin, tunggalian, tuwa’t lungkot, tagumpay at kabiguan


sa buhay ng tao. Kaiba sa tinatawag na hard o tuwirang balita
at lathalain, ang mga balita at kuwentong may human interest
ay nakaaagaw ng pansin ng mga tagasubaybay ng peryodiko at
nakapagpapadami ng sirkulasyon.

Húnyo
Ang ikaanim na buwan ng taon na binubuo ng tatlumpung (30) araw;
kinakatawan ng bilang 6 sa numeral na pagsulat ng petsa. Daglat:
Hun. Tingnan: June.

Huwébes
Araw sa isang linggo sa pagitan ng Miyerkoles at Biyernes; ang
ikalimang araw ng isang linggo. Daglat: Huw. Tingnan: Thursday.

hyphen (Ing)
Singkahulugan ng gitling.

39
E S T I L O N G F I LI P I N O

Ii
(1) Ikasiyam na titik sa alpabetong Filipino at binibigkas na ay
(2) Ikawalong titik sa abakadang Tagalog at binibigkas na i

iká-
Panlaping pambuo ng bilang sa isang sunuran o serye. (1) Isulat
nang walang gitling kung nakabaybay ang bilang. Halimbawa:
ikaisa, ikadalawa, ikatlo, ikaapat, ikalima, ikaanim, ikapito, ikawalo,
ikasiyam, ikasampu. (2) Isulat nang may gitling kung nasa anyong
numeral ang bilang. Halimbawa: ika-1, ika-2, ika-3, ika-4, ika-5, ika-6,
ika-7, ika-8, ika-9, ika-10

imprénta (Esp)
Kompanya para sa paglilimbag ng teksto o larawan. Tingnan:
limbágan, printing press.

infix (Ing)
Singkahulugan ng gitlapi.

Inglés (Esp)
(1) Isa sa mga opisyal na wika sa Filipinas. Daglat: Ing.
(2) Tao, wika, at kultura sa Inglatera.
Tingnan: English.

inisyál, inísyal (Esp, inicial; Ing, initial)


Unang titik ng isang pangalan o salita, karaniwang pangalan ng tao
o ng isang salitang bumubuo sa isang bahagi o parirala. Halimbawa:
DOA (Dead on Arrival), AGA (Alejandro G. Abadilla), FQS (First
Quarter Storm), CPU (Central Processing Unit), TKO (Technical
Knockout), LKS (Lope K. Santos), MLQ (Manuel Luis Quezon).

40
ESTILONG FILIPINO

interbiyu (Ing., interview)


Pagtatanong ng isang peryodista sa sinumang taon na nais niyang
kunan ng impormasyon o mga siping pangungusap tungkol sa isang
paksa, para isulat na balita o lathalain. Maaaring isinusulat-kamay ng
peryodista ang kanilang pag-uusap o gumamit ng ibang kasangkapan
(tulad ng voice recorder, videocame, telepono, atbp) para irekord ang
usapan. May mga alituntuning sinusunod tungkol sa magalang at
mahinahong interbiyu, at mga kasunduang nakalatag na sa pagitan
ng dalawa upang maging produktibo ang pag-uusapan at maiwasan
ang hindi pagkakaunawan sa bandang huli.

internet
Pandaigdig na network ng mga kompiyuter na unang ginamit sa
teknolohiyang militar noong dekada ng 1950 at ng mga akademiko
noong dekada ng 1970 at lumaganap noong dekada 1990 sa paggamit
ng email, browser, website at iba pang katulad na teknolohiya. Dito
isinilang ang tinatawag ngayong peryodismong online at nagbigay-
daan sa paglabas ng iba’t ibang anyo ng social media tulad ng
blogging.

ispéling (Ing, spelling)


Singkahulugan ng baybáy o pagbaybáy.

ispórt (Ing, sport)


Atletikong gawain na nangangailangan ng kasanayan, kakayahan,
pisikal na lakas, karaniwan sa kalagayang pakikagtunggali, gaya ng
basketbol, balibo, karera, wrestling, at iba pa. Tingnan: pálakásan.

ísyu (Ing, issue)


Set ng kopya ng isang edisyon ng peryodiko, magasin, journal, o aklat
na iba sa iba pang mas naunang edisyon ng mga ito. Tingnan: sipì.

italic (Ing)
Singkahulugan ng italiko.

italikó (Esp, italico)


Sa imprenta, nakahilig na tipo ng mga titik. Gamitin ito upang
magbigay ng diin o pagkilala, o para sa banyagang salita. Tingnan:
italic.

41
E S T I L O N G F I LI P I N O

Jj
(1) Ikasampung titik sa alpabetong Filipino at binibigkas na dyey
(2) walang titik j sa abakadang Tagalog

January (Ing)
Singkahulugan ng Enéro. Daglat: Jan.

journalism (Ing)
Singkahulugan ng peryodísmo. Daglat: Journ.

journalist (Ing)
Singkahulugan ng peryodísta.

July (Ing)
Singkahulugan ng Hulyo. Daglat: Jul.

June (Ing)
Singkahulugan ng Hunyo. Daglat: Jun.

42
ESTILONG FILIPINO

Kk
(1) Ikalabing-isang titik sa alpabetong Filipino at binibigkas na key
(2) Ikatlong titik sa abakadang Tagalog at binibigkas na ka

kambál-katínig (Ing, digraph)


kombinasyon ng dalawang titik na kumakatawan sa iisang tunog.
Halimbawa nito ang CH sa mga salitang cheese, check, chopstick; at
SH sa mga salitang shooting, shampoo, shop, ambush, brush, workshop.
Matagal nang tinapatan ng TS ang CH sa Tagalog kung hiram sa
Español ang salita. Kaya kung isasa-Tagalog ang mga CH mulang
Ingles ay magiging tsis, tsek, at tsap-istik ang mga ito. Kaya ganoon
din ang naganap sa ispeling ng teacher, channel, lechon, chart, chismis
na naging titser, tsanel, letson, tsart, at tsismis. Tingnan: digrapo.

Ano ang nangyari sa SH? Panatilihin ang SH at huwag gagawing


S lamang. Halimbawa, ship (hindi syip), shampoo (hindi siyampu,
syampu), cash (hindi kas), shop (hindi siyap/syap o worksyap/
worksiyap).

Tingnan din ang tuntunin sa MMP hinggil sa iba pang pagbaybay sa


mga kambal-katining, pahina 33, tuntunin bilang 6.1 hanggang 6.5.

kambál-patínig
Tunog na nabubuo sa kombinasyon ng dalawang patinig na nasa
isang pantig. Halimbawa nito ang sumusunod na salitang Español
ngunit ipinaloob sa panaklong ang naging baybay na sumusunod
sa tamang pagpapantig sa wikang Filipino: Dios (Diyos), disenio
(disenyo), gobierno (gobyerno), cuarta (kuwarta), cuento (kuwento),
beneficio (benepisyo), individual (indibidwal), eleccion (eleksiyon),
region (rehiyon), bautismo (bawtismo), auditorio (awditoryo), teatro,
ideá, leon, baul, poeta, at iba pa. Tingnan: diphthong, diptonggo.

43
E S T I L O N G F I LI P I N O

Tingnan din ang tuntunin sa MMP hinggil sa iba pang pagbaybay


sa mga kambal-patining, sa tuntunin bilang 5.1 hanggang 32. At ang
kasaysayan ng Romanisasyon ng palatitikang Filipino sa panahon
ng kolonyalismong Español kung kailan ang mga salitang katutubo
ay binaybay sa pamamaraang Español, introduksiyon ng MMP at
sa ginawang pagtatala ng mga katutubong salita sa pamamaraang
Español sa Vocabulario de la lengua tagala nina Noceda at Sanlucar.

kantidád (Ing, quantity)


Singkahulugan ng bílang.

Kapisanan ng mga Brodkaster sa Pilipinas (KBP)


Samahan ng mga may-ari at tagapamahala ng mga estasyon ng
radyo at telebisyon sa Filipinas. Itinatag ito noong Abril 27, 1973
upang mapahusay ang propesyon ng pagbobrodkast at magkaraan
ng pamantayang gagabay sa pagpapalakad ng mga estasyon at
pagsasahimpapawid.

karapatang-sipi
Karapatan tungkol sa pag-aari ng mga akda na nagbabawal sa muling
paglalathala ng mga ito nang walang pahintulot. Ang karapatang-ari
ay nasa anyo ng lathala at hindi sa mismong mga idea o kaisipan.
Tingnan: copyright.

katínig
titik na kumakatawan sa tunog sa pagsasalita na inilalabas ng bibig
at babagtingan o vocal chords habang ito ay ganap o bahagyang
nakasara. Halimbawa nito ang mga titik na B, C, D, F, G, H, J, K,
L, M, N, Ñ, NG, P, Q, R, S, T, V, W, X, Y, Z sa alpabetong Filipino.
Tingnan: consonant, konsonante, patinig.

kay-
Unlaping ginagamit upang magpahayag ng paghanga, pagkagulat,
pangmamaliit, pang-aalipusta, depende sa kahulugan ng salitang
-ugat at layunin ng ekspresyon. Isulat nang may gitling sa pagitang
ng “kay” at salitang-ugan tulad ng Kay-bango! Kay-buti! Kay-gulo!
Kay-dilim! Kay-yabang!

KBP
Tingnan: Kapisanan ng mga Brodkaster sa Pilipinas.

44
ESTILONG FILIPINO

kólum (Ing, column)


Artikulo na naglalaman ng opinyon o komentaryo na isinulat ng
isang kolumnista.

kolumnísta (Esp, columnista)


Tawag sa peryodisyang nagsusulat ng isang kolum. Tingnan:
columnist.

komentarísta (Esp, comentarista)


Tao na nagbibigay ng komentaryo, karaniwang sa radyo at
telebisyon. Tingnan: commentator.

konsístensí (Ing, consistency)


Pagtitiyak sa iisa at di-nagbabagong o di-nagtutunggaliang paraan,
gamit, kaligiran, idea, at katulad sa pagsasakatuparan ng isang
gawain o bagay. Halimbawa, sa pagsulat, mahalaga ang konsistensi
sa idea kung sa paglalahad, o konsistensi sa pagpili ng salitang
gagamitin o sa ispeling. Halimbawa, kung ginamit sa sulatín ang
salitang “panlipunan” sa halip na sosyolohiko o sosyolohikal, dapat
ay ito ang gagamitin sa buong sulatín maliban kung may lumitaw na
ibang gamit.

konsonánte (Esp, consonante)


Singkahulugan ng katínig.

konsúltant (Ing, consultant)


Táong sinasangguni upang hingan ng propesyonal na páyo sa isang
partikular na larang. Tingnan: tagapáyo.

kópya (Esp, copia)


(1) Manuskrito o teksto ng isang balita o artikulong ilalathala; (2)
tumutukoy din ito sa sipì ng isang publikasyon.

korespóndent (Ing, correspondent)


Táong ang trabaho ay ang pag-uulat sa isang peryodiko o
organisasyong pambrodkast.

kudlít
Bantas na sinisimbolo ng ( ‘ ). Tingnan: apostrophe, apostropo.
Gamitin sa sumusunod:

45
E S T I L O N G F I LI P I N O

(1) Para katawanin ang nawawala o inalis na titik sa isang salita


o numero. Halimbawa: siya > s’ya, niya > n’ya, tuwing > t’wing,
buwan > b’wan, iyan > ‘yan, ano ang > Ano’ng, wika mo > ‘ka
mo, naroon > naro’n, itong > ‘tong.
(2) Para katawanin ang naganap na kontraksiyon ng na at ng ang.
Halimbawa: “Laganang na’ng himagsik pagbaril kay Rizal.”

Tingnan ang iba pang tuntunin sa paggamit ng kudlit sa MMP,


tuntunin bilang 12.12 hanggang 12.12.2.

kuwít
Bantas na kinakatawan ng simbolong (,). Tingnan: comma.

(1) Gamitin ito upang matukoy ang pinakamaikling pagputol


ng idea o pinakamaliit na paghinto sa daloy ng isang
pangungusap. Tanda ito ng pansamantalang pagtigil sa daloy
ng idea at sa pagbása. Halimbawa:
Bago ang lahat, naisip niya, nais niyang maghanapbuhay. Nang
maging guro siyá, inakala niyang habambuhay siyáng magiging
tagapagmulat ng murang isipan sa isang nayon. Hindi nagtagal,
nagising siya sa katotohanang hindi siya tutulungan ng mga táong
kaniyang pinagkatiwalaan.

(2) Gamitin ito sa serye ng tatlo o mahigit na mga idea sa isang


pangungusap na pinagsasáma-sáma ng isang pang-ugnay.
Lagyan din ng kuwit ang pang-ugnay. Halimbawa:
Uunahin ba niya ang magtayô ng manukan, magtanim ng gulay, o
magbukás ng isang tindahan?
Isang tao akong masayá, mahilig kumain, ngunit kuripot.

Naging mainit ang pulong ng mga propesor sapagkat tinalakay ang


pagtaas ng matrikula, pagpapataas ng sahod, at pagbabâ ng bílang
ng mag-aaral sa unibersidad.

Nang maging guro siyá, inakala niyang habambuhay siyáng magig-


ing tagapagmulat ng murang isipan sa isang nayon ng mga magsa-
saká, mag-uuling, at mangingisda, at maligaya na kung nakatatayâ
sa huweteng araw-araw, nakaiinom kung Biyernes, at nakaliligtas sa
bagyo.

46
ESTILONG FILIPINO

(3) Gamitin ito para paghiwalayin ang magkakahawig o


magkakasalungat na mga idea upang kumatawan sa inalis na
“ay” o “at.” Halimbawa:
Kapag may tiyaga, may nilaga.

Ang lumakad nang matulin, kung matinik ay malalim. Malayò man,


malapit din sa atin ang mga nawalay na kamag-anak.

Ang proyekto ay gagawin sa loob ng anim na buwan, hindi isang


taón.

Nais kong linawing kayó ang mag-iisip ng konsepto, hindi kami.

(4) Gamitin ito para ibukod ang (a) titulo o posisyon ng isang tao.
Halimbawa, “Nagbigay ng pahayag si Dr. Alison Medina, ang
pangulo ng Philippine Doctor’s Association, hinggil sa pagtaas
ng presyo ng mga gamot.”; (b) elemento sa tirahan. Halimbawa:
#18 Kalye Pinalagad, Malinta, Lungsod Valenzuela; (c)
elemento sa petsa. Halimbawa: Hulyo 21, 2019; (d) pangalang
nauuna ang apelyido. Halimbawa: Rizal, Jose. Quezon, Manuel
L.

(5) Gamitin para maging tanda ng pagtigil sa madamdaming


pahayag, bulalas, padamdam na “O” at “A,” at iba pa.
Halimbawa:
Ay, naku! Nakalimutan kong magdalá ng sepilyo. A, muntik ko nang
maiwan ang bag ko!

O, Ilaw sa gabing malamig!

Nakikiusap ako, patawarin mo ako!

(6) Gamitin para pagsipi. Sa tuwirang pagsipi ng mga pahayag


(bahagi man o buo), lagyan ng kuwit bago ang sisipiing bahagi.
Kung ang sisipiin ay nasa unahan ng pangungusap, palitan ng
kuwit ang tuldok mula sa orihinal nito. Halimbawa:
Saglit na napaisip si Bea at nag-usisa, “Ano ang kinalaman mo sa
nangyari kay ama?”

“Hindi ako mapakali,” ang banggit ni Tania hábang hinihintay ang

47
E S T I L O N G F I LI P I N O

pag-uwi ng anak.

(7) Gamitin upang ihiwalay ang pang-abay ay pangatnig.


Halimbawa nito ang pangatnig na gayunman at pang-abay na
samantala at samakatwid. Halimbawa:
Gayunman, hindi siyá nakatiis at lumuhod sa kaniyang harap.

Samakatwid, nagsinungaling siyá upang makuha ang kaniyang nais.

Nakarinig siyá ng kaluskos sa labas ng kuwarto. Dali-dali siyáng


nagtago sa kama, naghihintay sa pagpasok ng di- kilalang bisita. Sa-
mantala, hindi niya namalayan ang mabilis na paghila sa kaniyang
mga paa ng isang mabalahibong kamay.

Tingnan ang iba pang gamit ng kuwit sa MMP mula tuntunin 12.10
hanggang 12.19.

48
ESTILONG FILIPINO

Ll
(1) Ikalabindalawang titik sa alpabetong Filipino at binibigkas na el
(2) ikasiyam na titik sa abakadang Tagalog at binibigkas na la

lathalà
Anumang akda na inilimbag o inimprenta gaya ng peryodiko,
aklat, magasin, at katulad na materyales. Tingnan: paglalathalà,
públikasyón, publication.

lathalaín
Karaniwang ito ang pinakamahaba at kawili-wiling artikulo sa
peryodiko na nakapupukaw sa interes ng mga mambabasá, at
detalyadong tumatalakay sa isang mahalagang pangyayari, tao,
o lugar. Angkop mang gamitin sa lathalain ang mga espesyal na
estilong pampanitikan, dapat maging maingat sa paggawa nito.
Madalas, dapat sinusunod pa rin ang mga pamamaraang gamit sa
pagsulat sa balita. Tingnan: feature.

layout (Ing)
Sining o proseso ng pagsasaayos at pagdidisenyo ng mga tipo,
larawan, at iba pa sa mga bagay na ililimbag tulad ng magasin, aklat,
peryodiko, at katulad. Singkahulugan: Pag-aanyo ng pahina.

lead (Ing)
(1) Unang talata sa isang balita na karaniwang nagpapahayag ng
pangunahing paksa nito.
(2) Isang himaton o paksa na maaaring hanapin o sundan para sa
pagsulat ng isang balita o lathalain.

létra (Esp)
Singkahulugan ng títik.

letter (Ing)
Singkahulugan ng títik. Tawag din ito sa liham.

49
E S T I L O N G F I LI P I N O

libel (Ing)
Singkahulugan ng libelo.

libélo (Esp)
Nakasulat o nakabrodkast na pahayag, paratang, o bahagi ng
impormasyong makasisira ng puri o pagkatao na maaaring maging
batayan upang idemanda ang peryodiko at kaugnay na mga tauhan
nito ng paglabag sa batas. Tingnan: libel.

limbág
(1) Teksto, larawan, at iba pa na ginawa sa pamamagitan ng
paglalagay ng tinta sa papel at iba pang materyales sa
pamamagitan ng offset o direktang presyur
(2) Reproduksiyon ng disenyo sa pamamagitan ng pagtatatak ng
plantsa.
(3) Pagsulat ng titik na tulad ng sa inililimbag.
(4) Paglalagay ng marka sa pamamagitan ng pagdiin.
Tingnan: print.

limbágan, palimbágan
Katumbas sa Tagalog ng imprénta.

Linggó
Araw ng isang linggo sa pagitan ng Sabado at Lunes; ang unang
araw ng isang linggo. Daglat: Ling. Tingnan: Sunday.

linggó
Panahon mulang Lunes hanggang Linggo, binubuo ng pitóng araw.
Tingnan: week.

líterasí (Ing, literacy)


Kahayahang magbasá at magsulát; kasanayan o kaalaman sa isang
tiyak na larangan o erya. Halimbawa, literasi sa computer.

live (Ing)
Sa brodkasting, kinunan habang nagaganap, hindi mula sa isang
rekording lamang. Halimbawa, live coverage, live concert, live TV.

Lúnes
Araw sa isang linggo sa pagitan ng Linggo at Martes; ang ikalawang
araw ng isang linggo. Daglat: Lun. Tingnan: Monday.

50
ESTILONG FILIPINO

Mm
(1) Ikalabintatlong titik sa alpabetong Filipino at binibigkas na em
(2) ikasampung na titik sa abakadang Tagalog at binibigkas na ma

mabilís
Tingnan ang bigkás mabilís.

(bigkás) mabilís
Paraan ng bigkas ng salita na tuloy-tuloy hanggang hulíng pantig.
Para maging tiyak, lagyan ng tuldik pahilis (´) sa patinig ng huling
pantig ng salita. Alt 0180 ang shortcut sa keyboard. Halimbawa: tubó
(sugar cane), pitó (seven), pasó (expired), hulí (late).

(bigkás) malúmay
Paraan ng pagbigkas ng salita na may lundo sa pantig bago ang
hulíng pantig. Para maging tiyak, lagyan ng tuldik pahilis (´) sa
ibabaw ng patinig ng ikalawang pantig bago ang huling pantig.
Alt 0180 ang shortcut sa keyboard. Halimbawa: bása (read), píto
(whistle), túbo (pipe, tube), páso (pass), húli (capture).

(bigkás) malumì
Paraan ng bigkas ng salita na katulad ng malumay ngunit may impit
sa hulíng patinig. Para maging tiyak, lagyan ng tuldik paiwà sa
ibabaw ng patinig sa huling pantig. Alt 096 ang shortcut sa keyboard.
Halimbawa: pasò (burnt), tubò (interest, growth), punò (tree, body,
chief).

(bigkás) maragsâ
Paraan ng bigkas ng salita na katulad ng mabilis ngunit may impit sa
patinig. Para maging tiyak, lagyan ng tuldik pakupyâ ( ^ ) sa patinig
ng hulíng pantig. Halimbawa: punô (full), basâ (wet).

51
E S T I L O N G F I LI P I N O

malá- (Ing, semi-, somewhat)


panlaping pambuo ng pang-uring nangangahulugang kawangis o
katulad. Isulat nang walang gitling kung sinusundan ng pangngalang
pambalana o common noun. Halimbawa, malasutla, malarosas,
malaanghel, malakolonyal. Isulat ng mag gitling kung sinusundan ng
pangngalang pantangi o proper noun. Halimbawa, mala-Bonifacio,
mala-Maynila. Tingnan: semi-, somewhat, ala-.

malúmay
Tingnan ang bigkas malúmay.

malumì
Tingnan ang bigkás malumì.

mamamáhayág
Katumbas sa Tagalog ng peryodísta.

maragsâ
Tingnan ang bigkás maragsâ.

March
Singkahulugan ng Marso. Daglat: Mar.

Márso (Esp)
Ang ikatlong buwan ng taon na binubuo ng tatlumpu’t isang (31)
araw; kinakatawan ng bilang 3 sa numeral na pagsulat ng petsa.
Daglat: Mar.

Martés
Araw sa isang linggo sa pagitan ng Lunes at Miyerkoles; ang ikatlong
araw ng isang linggo. Daglat: Mar. Tingnan: Tuesday.

masthead
Kasalukuyang tawag sa pangalan ng peryodiko na nasa pinakaitaas
ng unang pahina o pahinang pamagat (title page). Karaniwan, may
partikular at naiibang font o disenyong grapik upang magkaroon ng
personalidad at kakanyahan ang pahayagan, tulad ng isang marka
o brand na manatiling di-binabago sa loob ng matagal na panahon.
Tinatawag din itong flag o nameplate.

52
ESTILONG FILIPINO

May (Ing)
Singkahulugan ng Mayo.

Máyo (Esp)
Ang ikalimang buwan ng taon na binubuo ng tatlumpu’t isang (31)
araw; kinakatawan ng bilang 5 sa numeral na pagsulat ng petsa.
Daglat, May.

media
Sakop ng terminong “media” (maramihang anyo ng “medium”)
ang peryodismo kasama ng mas malawak na mga organisasyong
pangkomunikasyon, mula peryodiko at magasin hanggang mga
estasyon ng radyo at telebisyon, industriya ng pelikula, industriya
ng musika, adbertisment, pampublikasyong relasyon (PR), at mga
website sa internet.

Miyérkolés (Esp, Miercoles)


Araw sa isang linggo sa pagitan ng Martes at Huwebes; ang ikaapat
na araw ng isang linggo. Daglat: Miy. Tingnan: Wednesday.

mórpoponémikong pagbabágo
Tingnan ang asimilasyon at asimilasyong ganap.

53
E S T I L O N G F I LI P I N O

Nn
(1) Ikalabing-apat titik sa alpabetong Filipino at binibigkas na en
(2) ikalabing-isang titik sa abakadang Tagalog at binibigkas na na

nameplate (Ing)
Tingnan ang masthead.

National Press Club


Samahan ng mga propesyonal na peryodista sa Filipinas na
naglalayong maging sentro para maisulong ang propesyonal na
pamantayan at kasanayan ng mga mga taong nangangalap at
nagpapalaganap ng balita, maitaguyod ang malayang pagpapahayag,
pagtutulungan, at pagsamahan ng isa’t isa. Itinatag ito ng mga
peryodistang sa iba’t ibang pahayagan sa bansa noong 29 Oktubre
1952 sa pangunguna ng kilalang peryodista, Teodoro F. Valencia.
Tingnan: masthead. Daglat: NPC.

nation (Ing)
Singkahulugan ng bansâ.

National Schools Press Conference (NSPC)


Isang programa ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) upang isulong
ang peryodismong pangkampus sa pamamagitan ng pagdaraos ng
taunang kumperensiya ng mga peryodistang pangkampus mula sa
lahat ng rehiyon ng bansa. Tampok sa kumperensiya ang paligsahan
ng pagsulat sa iba’t ibang kategorya ng mga pahayagan sa mga
elementarya at sekundaryang paaralan at pamimili ng namumukod
na pahayagan. Dumadalo sa pambansang kumperensiya ang mga
nagwaging estudyanteng peryodista na sa iba’t ibang antas ng
paligsahan, mula sa paaralan (school press conference) at distrito
(district school press conference), hanggang sa mga rehiyon (regional
school press conference).

54
ESTILONG FILIPINO

Nagsimula ito bilang National Secondary Schools Press Conference


(NSSPC) na mga sekundaryang paaralang pampubliko pa lamang ang
mga kalahok. Nang malaunan, binuksan na ang kumperensiya para
sa lahat ng paaralan—publiko at pribado, elementarya at sekundarya-
-na pinamamahalaan ng DepEd.

netizen (Ing)
Mga tao na aktibong gumagamit ng komunikasyong online tulad
social media upang aktibong lumahok sa mga adhikaing panlipunan.

news (Ing)
Singkahulugan ng balità.

newspaper (Ing)
Singkahulugan ng peryódikó.

Nobyémbre (Esp, Noviembre)


Ikalabing-isang buwan ng taon na binubuo ng tatlumpung (30) araw;
kinakatawan ng bilang 11 sa numeral na pagsulat ng petsa. Daglat,
Nob.

November (Ing)
Singkahulugan ng Nobyembre. Daglat: Nov.

number (Ing)
Singkahulugan ng bílang.

númerál (Ing)
Singkahulugan ng bílang.

número (Esp)
Singkahulugan ng bílang.

NSPC
Tingnan ang National Schools Press Conference.

55
E S T I L O N G F I LI P I N O

Oo
(1) Ikalabinlimang sa alpabetong Filipino at binibigkas na o
(2) ikalabindalawang titik sa abakadang Tagalog at binibigkas na na

-o
Hulaping mula sa Español na pambuo ng pangngalan at pang-uri
na may kasariang panlalaki. Halimbawa, maestro, abogado, dekana.
Tingnan: -a.

O!
Sa mga ekspresyong padamdam, hindi dapat nilalagyan ng H upang
hindi mabása sa paraang Ingles. Ganoon din ang A! at E!

October (Ing)
Singkahulugan ng Oktubre. Daglat: Oct.

Oktúbre (Ing, October)


Ang ikasampung buwan ng taon na binubuo ng tatlumpu’t isang (31)
araw; kinakatawan ng bilang 10 sa numeral na pagsulat ng petsa.
Daglat, Okt. Tingnan: October.

óras (Esp, hora+s)


Isa sa dalawampu’t apat (24) na bahagi ng buong isang araw at
panahong katumbas ng animnapung (60) minuto; pagtatakda ayon sa
iskedyul. Tingnan: hour.
Isulat sa ganitong mga paraan:

Opsiyon 1: Gamit ang ika-


ika-8 ng umaga o ikawalo ng umaga
ika-9 ng Marso o ikasiyam ng Marso
ika-100 anibersaryo o ikasandaang anibersaryo

56
ESTILONG FILIPINO

Opsiyon 2: Gamit ang ala- at alas-


ala-una ng hápon
alas-12 ng tanghali o alas-dose ng tanghali
alas-3 ng hápon o alas-tres ng hápon

ordinál, órdinál
Tingnan ang bílang ordinál, órdinál

Ordinal number (Ing)


Tingnan ang bílang ordinal.

57
E S T I L O N G F I LI P I N O

Pp
(1) Ikalabing-anim na titik sa alpabetong Filipino at binibigkas na pi
(2) Ikalabintatlong titik sa abakadang Tagalog at binibigkas na pa

pabalát
Harapang bahagi ng isang publikasyon (gaya ng libro o magasin)
na ang layunin ay ipahiwatig ang nilalaman ng publikasyon, at sa
pamamagitan ng kaaakit-akit na larawan at teksto ay kunin ang
pansin ng mga mambabasang sadyang pinupuntirya. Tingnan: cover.

páblis (Ing, publish)


(1) Gumawa, maglathala, at mamahagi ng mga kopya ng aklat,
peryodiko, at katulad na materyales para ipagbili.
(2) Gawing online sa pamamagitan ng pagpo-post sa Internet.

páblisér (Ing, publisher)


Tao na tagapaglathala o kompanya na gumagawa at namamahagi ng
mga kopya ng aklat, peryodiko, at katulad upang ipagbili sa publiko.

páblisíng (Ing, publishing)


Indistriya ng paggawa, paglalathala, at pamamahagi ng mga kopya
ng aklat, peryodiko, at katulad na materyales para ipagbili.

pag-aanyo ng pahina
Tingnan: layout.

pag-iimprénta
Produksiyon ng mga aklat, peryodiko, o iba pang nakalimbag na
materyales. Tingnan: paglilimbág, printing.

paglalathalà
Produksiyon at pamamahagi ng mga aklat, magasin, peryodiko,

58
ESTILONG FILIPINO

at katulad na materyales upang ipagbili sa publiko. Tingnan ang


pablising.

paglilimbág
Singkahulugan ng pag-iimprenta.

pagpapantíg
Paraan ng paghati sa isang salita alinsunod sa mga pantig na
ipinabuo dito. Nakabatay ito sa grafema o nakasulat na mga simbolo.
Tingnan: syllabication.

pagwasto-ng-kopya / pagwasto-ng-pruweba
Pagbabasá ng kopya o pruweba para makita at mamarkahan ang mga
dapat iwasto ayon sa estilo at panuntunang sinusunod. Tagawasto-
ng-pruweba ang tawag sa proofreader at tagawasto-ng-kopya ang
copyreader. Tingnan: kopya, pruweba.

Nasa Apendise ang mungkahing simbolo at paraan ng pagwawasto at


pagmamarka ng kopya at pruweba.

páhayagán
Katumbas sa Tagalog ng peryódikó.

pahilíg
Kinakatawan ng simbolong (/) at ng pangatnig na “o.” Tingnan: slash.
Gamitin ito sa sumusunod:

(1) Para ipakita ang alternatibong elemento o ng pagpipilian.


Halimbawa:
babae/lalaki, at/o, doktor/a

(2) Sa parirala. Halimbawa:

Kailangang ipakilala ang huwaran/ituro ang pinagbuhatan ng isang


susing salita.
Hindi nila lubos maisip ang pagpapabaya ng mga kasáma/
pang-aabuso ng mga pinunò katulad ng naririnig nila sa iba.

(3) Pagtukoy sa saklaw na panahon. Halimbawa:

59
E S T I L O N G F I LI P I N O

Taóng 2018/2019, 1/2 ng Nobyembre

(4) Pagsulat ng petsa. Halimbawa:


10/24/1981, 9/11 bombing

(5) Pantumbas sa kada, per, bawat. Halimbawa:


PHP75/kopya, PHP120/piraso, PHP0.45/kWh

Tingnan ang iba pang gamit ng pahilig sa MMP, tuntunin bilang


12.14 hanggang 12.14.6.

pahilís
Tingnan ang tuldík pahilís.

páhináng pamagát
Ang pinakaunang pahina ng peryodiko kung saan mababása ang
pinakatampok na balita at istorya. Tingnan: title page.

paiwà
Tingnan ang tuldík paiwà.

pakupyâ
Tingnan ang tuldík pakupyâ.

pálakásan
(1) Katumbas sa Tagalog ng isport.
(2) Paggamit ng impluwensiya upang makahingi ng pabor o para
manaig.

pamamaháyag
Katumbas sa Tagalog ng peryodismo.

pampálakásan
Tungkol sa palakasan o may kaugnayan sa palakasan.

panakláng
Kinakatawan ng simbolong < >. Gamitin sa pagsulat ng URL o para
ibukod ang adres ng email sa iba pang bahagi ng pangungusap.
Tingnan: angle bracket.

60
ESTILONG FILIPINO

panakláw
Kinakatawan ng simbolong [ ]. Gamitin para ikulong ang mga salita
o numero upang ihiwalay ito sa kinapapaloobang pangungusap at
talata. Tingnan: bracket.

Tingnan ang iba pang tuntunin sa gamit ng panaklaw sa MMP, sa


tuntunin bilang 12.13 hanggang 12.13.1.

panaklóng
Kinakatawan ng simbolong ( ). Tingnan: parenthesis.
Gamitin sa sumusunod:

(1) Sa pagbubukod sa iba pang bahagi ng pangungusap o talata


ang isang idea, salita, pahayag, o pangungusap. Halimbawa:
Sapagkat marami nang hinahamak sa lipunan (lalò’t hindi maláy
ang karamihan), kailangan pa ng maraming intelektuwal na tutulong
sa kawawang bayan.

Ang buong paraan ng pagdaragdag sa kulang at bútas sa kasaysayan


(ang tinatawag ng ibang kritiko na “mga puwang ng katahimikan”)
ay isang lehitimo at ordinaryong gawaing malikhain, at lalò na’y
maaasahan mula sa hanay ng mga imbentor na Romansero.

(2) Sa paglalagay ng tamang bigkas ng isang salita na ginamit sa


orihinal nitong anyo at para linawin ang orihinal na salita ng isang
ginamit na salin o reispeling. Halimbawa:

parenthesis (pa·rén·ti·sís)

(3) Sa sanggunian, sa pagtukoy ng awtor, pahina, at taon sa mga


tekstong ginagamit. Halimbawa:
Sa Noceda at Sanlucar (1754), may ikalawang lahok ang “tocso”
at may kahulugang “examinar preguntado” at may sinonimong
“tanong.”

May kasaysayan (Constantino, 88–93) na lubhang makadayuhan ang


pananaw.

panayam
Tingnan: interbiyu

61
E S T I L O N G F I LI P I N O

pang-ispórt
Tungkot sa isport o may kaugnayan sa isport.

pangulòng tudlíng
Katumbas sa Tagalog ng editoryal.

panipì
Kinakatawan ng simbolong (“ “). Gamitin para ikulong ang una at
huling bahagi ng sinipi o pahayag na mula sa ibang nagsasalita o
sanggunian. Tingnan: panipi.
Halimbawa:
Ipinahayag niya sa madla na “Ang balakid sa aking daan ay ipa-
tatanggal ko.”
“Ang balakid sa aking daan ay ipatatanggal ko,” pahayag niya.

panlapì
Titik o mga titik na ikinakabit sa unahan (unlapi), gitna (gitlapi), o
hulihan (hulapi) ng salita upang magkaroon ng bagong kahulugan.
Tingnan: affix.

pantíg
Yunit ng tunog na binubuo ng isang patinig at isa o mahigit pang
katinig. Bawat patinig (a/e/i/o/u) ay isang pantig; samantala, kailangan
ng bawat katinig ang isang patinig upang maging pantig. Dagdag
pa, may isa lamang patinig sa bawat pantig samantalang maaaring
mahigit sa dalawa ang katinig sa isang pantig. Tingnan: syllable.

parenthesis (Ing)
Singkahulugan ng panaklóng.

patínig
titik na kumakatawan sa tunog sa pagsasalita na inilalabas ng
bibig at babagtingan o vocal chords habang ito ay nakabukas at
hindi kinakailangang idampi ang dila sa ngipin, labi, o ngalangala.
Halimbawa nito ang mga titik na A, E, I, O, U sa alpabetong Filipino.
Tingnan: vowel, katinig.

patuldók
Tingnan ang tuldík patuldók.

62
ESTILONG FILIPINO

patnúgot
Singkahulugan sa Tagalog ng editor.

pátnugután
Lupon ng mga editor.

Pebréro
Ang ikalawang buwan ng taon na binubuo ng dalawampu’t walong
(28) araw o dalawampu’t siyam (29) na araw kung bisiyestong taon o
leap year; kinakatawan ng bilang 2 sa numeral na pagsulat ng petsa.
Daglat, Peb. Tingnan: February.

period (Ing)
Singkahulugan ng tuldók.

peryódikó (Esp, periodicó)


limbag na publikasyon (karaniwang arawan o lingguhan) na binubuo
ng nakatuping pliyego o piraso ng papel at naglalaman ng mga balita,
artikulo, adbertisment, at korespondensiya. Tingnan: pahayagan,
diyaryo.

peryodísmo (Esp, periodismo)


Gawain o propesyon ng pagsulat para sa peryodiko, magasin, o balita
sa mga website o brodkast. Tingnan: journalism.

peryodismong online
Tumutukoy ito sa uri ng peryodismo na gumagamit ng internet
upang palaganapin ang iba’t ibang anyo ng peryodismo—balita,
lathalain, at mga katulad—sa iba-ibang social media, website,
email, at mga katulad. Dahil sa mga pagkakaiba sa ginagamit na
teknolohiya, may mga pagbabago hindi lamang sa paraan ng pagsulat
kundi maging sa presentasyon ng iba’t ibang anyo ng nilalaman sa
mga mambabasa, tagapakinig, at tagapanood.

peryodismong pangkampus
Pangkalahatang tawag sa paglalathala ng mga pahayagan at iba
pang babasahin—kabilang ang mga online website—sa loob ng mga
paaralan, mula elementarya hanggang unibersidad. Katumbas ng
campus journalism sa Ingles.

63
E S T I L O N G F I LI P I N O

peryodísta (Esp, periodista)


táong nagsusulat para sa peryodiko, magasin, balita sa mga website,
o naghahanda ng balita para sa brodkast. Tingnan: korespóndent.

pétsa (Esp, fecha)


Panahong inilalarawan sa pamamagitan ng araw, buwan, at taon.
Halimbawa, ang kapanganakan ni Rizal ay 19 Hunyo 1861. Ilarawan
sa paraang numeral tulad ng: 6/19/1861 (sa sunurang buwan/araw/
taon); o sa paraang nakabaybay: ika-19 ng Hunyo ng taóng 1861,
depende sa pangangailangan. Tingnan: date.

Philippines (Ing)
Singkahulugan ng Filipinas.

photojournalism (Ing)
Tawag sa klase ng peryodismo na nagsasanib sa retrato at tekso ng
isang team ng mga peryodista na kadalasan ay isang tao lamang na
tinatawag na photojournalist. Dahil dito, ang katagang photojournalist
ay isang potograpo na sumusulat din ng balita o lathalain, o ng isang
reporter na kumukuha din ng mga retrato. Daglat: photojourn.

photo (Ing)
Pinaikling photograph sa Ingles. Tingnan: retrato

photo op (Ing)
Pinaikling “photo opportunity” o pagkakataon upang makakuha ng
retrato ang isang potograpo ng isang pahayagan o magasin ng isang
tao, lokasyon, o pangyayari. Maaaring bahagi ito o hindi ng isang
press conference o photocall. O isang hindi inaasahang pagkakataon
na nakakuha ng retratong magagamit na balita.

Photoshop
Aplikasyon sa computer na ginagamit sa pagmanipula ng mga retrato
sa paraang digital. May iba-ibang aplikasyon na may gayunding
gamit ngunit Photoshop ang pinakapopular. Dahil sa ganitong
popularidad, anumang pagmanipula sa mga retrato ay tinatawag na
ring “photoshopping”.

Pilipínas
Pa-Tagalog na baybay ng Filipinas.

64
ESTILONG FILIPINO

Pilipíno
Dáting tawag sa wikang pambansa, mamamayan, at iba pang
may kaugnayan sa bansang Filipinas. Tingnan: Filipino. Basahin:
“Pagsulyap sa Kasaysayan Bilang Panimula” sa MMP upang
maunawaan ang pagkakaiba ng Pilipino at Filipino.

pinagmulán
Tawag sa pinanggagalingan ng impormasyon para sa isusulat na
balita o lathalain. Maaari itong isang indibidwal o organisasyon
na pupuntahan ng isang peryodista upang makakuha ng balitang
isusulat. Tingnan: source.

plagiarism (Ing)
Pagtulad o pagkopya sa gawa ng iba at may hangad na manlinlang.
Kabilang sa ganitong labag sa batas na pangongopya ay pagsipi ng
mga pangungusap, paglalarawan, at iba pang materyal mula sa isang
publikasyon at paglalathala nito nang walang kaukulang pagkilala sa
pinagmulang akda. Tingnan: plahiyo.

pláhiyó (Esp, plagio)


Singkahulugan ng plagiarism.

podcast (Ing)
Nirekord na audio sa paraang digital na maida-download ng
sinumang nais makinig nito sa kompiyuter o mobile na telepono. Iba-
iba ang nilalaman ng mga podcast (karaniwang programa sa radyo,
panayam, at iba pang katulad) na ginagamit din ng mga diyaryo at
magasin na may mga bersiyong online. Sa mabilis na pagbabago
ng kasalukuyang teknolohiya, nagbabago rin ang pamamaraan ng
paglaganap at paggamit nito.

PR (Ing)
Tingnan ang press release.

prefix (Ing)
Singkahulugan ng unlapì.

press (Ing)
Pangkalatang tawag sa mga sumusunod na anyo ng peryodismo tulad
ng diyaryo, magasin, mga organisasyon at ahensiya sa balita, radyo

65
E S T I L O N G F I LI P I N O

at telebisyon, at sa mga taong bahagi ng mga kompanya at samahang


ito.

press conference (Ing)


Isang pangyayari o okasyon kung saan nagbibigay ng pormal na
mga pahayag o deklarasyon ang isang organisasyon, o indibidwal,
na sinusundan ng mga pagtatanong ng mga imbitadong reporter,
kolumnista, at iba pang peryodista. Karaniwang magkakaharap ang
mga nagpapahayag at nagtatanong sa press conference, ngunit sa
dahil sa makabagong teknolohiya, may ganitong mga pangyayari
na ginagawa sa pamamagitan ng telepono at iba pang modernong
pamamaraan gaya ng Skype.

press release (Ing)


Pabalitang ipinadadala sa pahayagan, estasyon ng radyo’t
telebisyon, at iba pang bahagi sektor ng media ng mga organisasyon
o indibidwal upang ipaalam ang isang pahayag, patakaran,
nakatakdang pangyayari, paglulunsad ng isang produkto, at mga
katulad. Layunin nito na mailathala, maisahimpapawid o mapag-
usapan sa media ang paksang tinatalakay. Nakasulat man sa anyong
balita, maingat na ginagamit ng mga peryodista ang nilalaman ng
press release upang makatiyak sa katumpakan ng mga impormasyon
at datos na isinasaad dito. Daglat: PR.

print (Ing)
Singkahulugan ng limbág.

prínter (Ing)
Tao na tagalimbag ng aklat, magasin, at katulad; tawag din sa
mákinang gamit sa paglilimbag.

prínting (Ing)
Singkahulugan ng pag-iimprenta.

printing press (Ing)


Singkahulugan ng imprénta.

pronunciation (Ing)
Singkahulugan ng bigkás, pagbigkás.

66
ESTILONG FILIPINO

pronúnsiyasyón (Esp, pronuciacion)


Singkahulugan ng bigkás o pagbigkas.

proof (Ing)
Singkahulugan ng pruweba.

proofreading (Ing)
Tingnan: pagwasto-ng-pruweba

pruwéba (Esp, prueba)


Sipì na unang labas sa makina, binabása upang iwasto o baguhin
bago tuluyang ilimbag nang maramihan. Tingnan: proof.

publication (Ing)
Singkahulugan ng lathala, paglalathala.

públikasyón (Esp, publicacion)


Singkahulugan ng lathalà at paglalathalà.

punctuation (Ing)
Singkahulugan ng bantás.

púntuwasyón (Esp, puntuacion)


Singkahuluhan ng bantás.

pútol (Ing)
Pagpapaikli sa balita o istorya depende káya ng espasyo sa peryodiko.
Malimit, sa pagsulat ng isang artikulo, ilagay ang mahahalagang
impormasyon sa unang bahagi at sa dulo naman ang hindi gaanong
mahahalaga para madaling “magputol” sakaling kinakailangang
paikliin. Tingnan: cut.

67
E S T I L O N G F I LI P I N O

Qq
(1) Ikalabimpitong titik sa alpabetong Filipino at binibigkas na kyu
(2) Walang titik q sa abakadang Tagalog

Q&A (Ing)
Pinaikling tawag sa “question-and-answer” o (tanong-at-sagot),
isang paraan ng pagsulat sa resulta ng isang interbiyu o panayam na
ginagawa sa mga babasahin, na madalas sa mga magasin. Inilalathala
ang eksaktong mga salita o sagutan ng iniinterbiyu at nag-iinterbiyu,
at hinayaang ang mambabasa ang gumawa ng sariling opinyon at
konglusyon tungkol sa paksang pinag-uusapan. Ginagawa din ang
sistemang ito sa radyo at telebisyon, at ngayon, maging sa mga
podcast.

quantity (Ing)
Singkahulugan ng bílang.

question mark (Ing)


Singkahulugan ng tandâng pananóng.

quotation (Ing)
Singkahulugan ng sipì.

quotation mark (Ing)


Singkahulugan ng panipi.

68
ESTILONG FILIPINO

Rr
(1) Ikalabingwalong titik sa alpabetong Filipino at binibigkas na ar;
(2) Ikalabinlimang titik sa abakadang Tagalog at binibigkas na ra.

rekording (Ing, recording)


Sa peryodismong pambrodkast, ginagawa ang rekording bago
isahimpapawid, at hindi katulad sa pag-eere nang live (layb
ang bigkas) o sabay na aktuwal na oras ang pagrerekord at
pagsahimpapawid.

repórt (Ing)
(1) Singkahulugan ng úlat.
(2) Singkahulugan ng balità.

repórter (Ing)
Mamamahayag na tagapag-ulat ng balita, karaniwan sa brodkast gaya
sa telebisyon o sa radyo.

Róman (Ing)
Tingnan ang bilang Romano.

Roman number (Ing)


Tingnan ang bílang Romano.

Románo (Esp)
Tingnan ang bílang Románo.

roman face (Ing, roman face)


Sa imprenta, regular na itim ang limbag, hindi kasing-itim ng bold
face. Tingnan: bold face

69
E S T I L O N G F I LI P I N O

Ss
(1) Ikalabinsiyam na titik sa alpabetong Filipino at binibigkas na es
(2) Ikalabing-anim na titik sa abakadang Tagalog at binibigkas na sa

Sábadó (Esp)
Araw sa isang linggo sa pagitan ng Huwebes at Linggo; ang
ikapitong araw ng isang linggo. Daglat: Sab. Tingnan: Saturday.

Saturday (Ing)
Singkahulugan ng Sábadó. Daglat: Sat.

schwa (Ing, Ger)


Tingnan ang bigkás pa-schwa.

(bigkás) schwa
Paraan ng bigkas ng salita na malimit na maririnig sa mga
katutubong wikang Mëranaw, Ilokano, Pangasinan, Kuyunon,
Kankanaëy, at iba pa. Para maging tiyak. lagyan ng tuldik patuldok
(¨) sa ibabaw ng patinig na e.

salitang hiram
May walong bagong hiram na titik sa alpabetong Filipino, mulang
Espanyol, Ingles, at ibang wikang banyaga: C, F, J, Ñ, Q, V, X, Z.
Dahil dito, hindi na dapat ibalik sa orihinal na anyo ang mga hiram
na salitang lumalaganap na sa baybay alinsunod sa abakada.
Halimbawa, hindi na dapat ibalik sa firma ang pirma, ventana ang
bintana, calle ang kalye, cheque ang tseke, piña ang pinya, jamon ang
hamón, existencia ang eksistensiya, zapatos ang sapatos, at marami
pang iba.

semi- (Ing)
Singkahulugan ng mala-.

70
ESTILONG FILIPINO

semicolon (Ing)
Singkahulugan ng tuldok-kuwit.

September (Ing)
Singkahulugan ng Setyembre. Daglat: Sep.

Setyémbre (Esp, Setiembre)


Ang ikasiyam na buwan ng taon na binubuo ng tatlumpung (30) araw;
kinakatawan ng bilang 9 sa numeral na pagsulat ng petsa. Daglat, Set.
Tingnan: September.

sipì
(1) Singkahulugan ng isyu o kopya.
(2) Anumang kinopya mula sa ibang akda na may karampatang
pagkilala sa awtor o itinalâ ayon sa sinabi ng ibang tao madalas na
ikinukulong sa panipi. Tingnan: quotation.

sírkulasyón (Esp, circulacion)


Distribusyon ng peryodiko, magasin, at katulad. Ito rin ang
tawag sa bilang ng kopya ng bawat isyu ng isang publikasyong
ipinamamahagi. Tingnan: circulation.

social media (Ing)


Katawagang may malawak na kahulugan ng talastasan o
komunikasyon ng mga tao na dumadaan sa mga kompiyuter at mga
mobile device na tulad ng telepono. Kabilang sa tinatawag na social
media ang mga aplikasyon o program tulad ng Facebook, Twitter,
YouTube, at patuloy na dumadaming plataforma ng talastasan.
Sa mabilis na mga pagbabagong nagaganap sa teknolohiya,
nagbabago rin ang paraan ng paghanap at paglaganap ng mga balita
na nakapagpapabago sa anyo at pamamaraan ng peryodismong
pangkampus, lalo na sa hanay ng mga estudyante at kabataan. Daglat:
socmed.

slash (Ing)
Singkahulugan ng pahilig.

somewhat (Ing)
Ipinapahayag sa Filipino sa pamamagitan ng mala- na ikinakabit sa

71
E S T I L O N G F I LI P I N O

pangngalan o pang-uri.

source (Ing)
Singkahulugan ng pinagmulán.

sports (Ing)
Tingnan ang isports.

style (Ing)
Tingnan ang estilo.

Sunday (Ing)
Singkahulugan ng Linggo. Daglat: Sun.
Singkahulugan ng tuldók-kuwít.

suffix (Ing)
Singkahulugan ng hulapi.

syllabication (Ing)
Singkahulugan ng pagpapantig.

syllable (Ing)
Singkahulugan ng pantig.

72
ESTILONG FILIPINO

Tt
(1) Ikadalawampung titik sa alpabetong Filipino at binibigkas na ti
(2) Ikalabimpitong titik sa abakadang Tagalog at binibigkas na ta

táblet (Ing)
Isang anyo ng mobile computer na mas maliit at magaan kaysa
kompiyuter na laptop, ngunit mas malaki sa teleponong mobile.
Dahil sa mabilis na pagbabago sa paglabas ng iba’t ibang uri ng
device o kagamitang digital, hindi ganap na matantiya ang magiging
kapalaran ng mga tablet sa kasalukuyang panahon.

tabloid (Ing)
Isa sa dalawang pangunahing uri ng peryodiko (broadsheet ang isa
pa). Sa Filipinas, ang tabloid ay may karaniwang sukat na 9 x 12
pulgada (kalahati ng broadsheet). Naiiba ang tabloid sa broadsheet
sa nilalaman, paraan ng pagbabalita, haba ng artikulo, at paksang
tinatalakay. Sensasyonal ang karaniwang datíng ng pagbabalita sa
mga tabloid, isa na sa paggamit ng malalaki at nakasisindak na mga
retrato sa kabila ng pagiging maliit ang sukat ng mga pahina. Sa
gayon, nagiging maiksi lamang ang mga talakay sa balita at lathalain
kaya mabilis na nababasa.
Tingnan: broadsheet

tagapáyo
Táong nagbibigay ng payo sa isang partikular na larang. Sa mga
peryodikong pangkampus, may itinatalagang mga gurong tagapayo
ang bawat pahayagan sa elementarya at sekundaryang paaralan.
Tinatawag na “school paper adviser” o SPA, tungkulin nilang
gabayan ang mga peryodistang pangkampus sa wasto at epektibong
paraan ng pagsusulat, pagbubuo ng mga pahayagan, at paglalathala
nito, limbag man o online. Sila rin ang nagsisilbing coach o
tagapagturo at tagapagsanay ng mga estudyanteng lumalahok sa

73
E S T I L O N G F I LI P I N O

bawat timpalak sa peryodismong pangkampus, mula sa antas ng


paaralan, dibisyon, rehiyon, hanggang sa National School Press
Conference kung pinapalad na makarating at magwagi ang kanilang
pinapayuhan. Tingnan: adviser.

tandâng padamdám
Kinakatawan ng simbolong (!). Gamitin sa pahayag na dulot ng bugso
ng damdamin, sigaw, o pahayag na mapang-uyam. Halimbawa: Aray!
Nasugatan Ako! Kaylaki ng ipinayat mo! Magsitigil kayo! Tingnan:
exclamation point.

Paalala:
Iwasan ang doble o higit na tandang padamdam (Halimbawa, Ang
sarap!!! Sapat na ang isang ! upang mangahulugan ng matinding
damdamin.

tandâng pananóng
Kinakatawan ng simbolong (?). Tingnan: question mark.
Gamitin sa pagpapahayag ng tanong (Saan ka pupunta?), usisa
(Sigurado ka na ba sa desisyon mo?), o alinlangan (Si Mother
Ignacia?-1784) ay tunay na mapagkalinga.

Paalala:
Iwasan ang doble o higit na tandang patanong. Halimbawa, “Sino
ka???” Kung nangangahulugan ito ng masidhing damdamin, gamitin
ang tandang padamdam gaya sa “Sino ka!”

Pag-ingatan din sa ilang pagkakataon ang mga pangungusap na tila


tanong ngunit magalang na pag-utos naman ang ipinapahiwatig.
Halimbawa: “Maaari mo ba akong ikuha ng tubig.” o “Puwede bang
ikaw ang mag-asikaso sa hiling niya.”

Thursday (Ing)
Singkahulugan ng Huwebes. Daglat: Thurs.

títik
Karakter na kumatawan sa isa o higit na tunog na ginagamit sa
pagsasalita; alinman sa simbolo sa alpabeto. Tingnan: alpabeto,
abakada, letter, letra.

74
ESTILONG FILIPINO

title page (Ing)


Singkahulugan ng pahinang pamagat.

Tuesday (Ing)
Singkahulugan ng Martes. Daglat: Tues.

tuldík
Diin o marka na inilalagay sa ibabaw ng patinig ng salita upang
ipahiwatid ang tamang bigkas ng salita. Sa Filipino, may ginagamit
na apat na tuldik: pahilis, pakupyâ, paiwa, patuldok. Tingnan:
accent.

tuldík pahilís
Tuldik na kinakatawan ng simbolong (´). Ilagay sa:
(1) Salitâng mabilis, sa hulíng patinig ng salita gaya sa: gandá,
tagál
(2) Salitâng malumay, sa pangalawa sa hulíng patinig gaya sa:
gábe, bayábas
(3) Salitâng may tatlo o mahigit na pantig na nangangailangan
ng wastong diin sa unang pantig para maibukod ang bigkas
ng salitang iisa ang sulat ngunit magkaiba ang kahulugan:
pamahaláan (to govern) sa pámahalaán (government);

tuldík paiwà
Tuldik na kinakatawan ng simboong (`). Ilagay sa salitang malumi, sa
ibabaw ng hulíng patinig ng salita gaya sa: lumà, suyò, yumì.

tuldík pakupyâ
Tuldik na kinakatawan ng simbolong (^). Ilagay sa:
(1) Salitang maragsa, sa patinig na nása dulo ng salita gaya sa:
ngatâ, ngitî, tukô.
(2) Sa mga salitâng may impit na tunog sa loob ng isang salita
tulad sa wikang Bikol at mga wika sa Cordillera gaya sa bâgo,
mâkes, sâbot.

tuldík patuldók
Tuldik na kinakatawan ng simbolong (¨) na pananda sa tunog na
schwa gaya sa wën ng Ilokano, panagbënga ng Kankanaëy, utëk ng
Pangasinan, at Darangën ng Mëranaw.

75
E S T I L O N G F I LI P I N O

tuldók
Kinakatawan ng simbolong (.). Gamitin bilang pananda para sa
pagwawakas ng pangungusap na nagpapahayag, nagpapakilala,
nagpapahiwatig o nag-uutos. Tingnan ang iba pang gamit ng tuldok
sa MMP, mula tuntunin 12.1 hanggang 12.1.6. Tingnan: period.

tuldók-kuwít
Kinakatawan ng simbolong (;). Gamitin sa sumusunod:
(1) Para paghiwalayin ang mga sugnay (clause, bahagi ng
tambalang pangungusap) na nakapag-iisa na walang pang-
ugnay. Sa halip na gumamit ng tuldok upang paghiwalayin
ang ang dalawang sugnay at gawing magkahiwalay na
pangungusap, gamitan ito ng tuldok-kuwit para mas
maipakita ang malapit na relasyon ng mga sugnay sa isa’t isa
kapag pinagsama ang mga ito sa tambalang pangungusap.
Halimbawa:
Napakalaking tulong sa kabuhayan ang padaláng salapi ng mga
OFW; ngunit higit na tatatag ang kabuhaya kung magkakaroon ng
sariling industriya ang mga tao.
Bagaman napakahusay magsalita ni Martin at maraming idea, hindi
siya mahilig magbasá; sinasabi niyang ang mga pagkatútong ibina-
bahagi ay mula sa kaniyang karanasan.

(2) Para sa isang serye na lubhang komplikado at kinapapalooban


ng maraming bantas. Halimbawa:
Noong 2008, naitalâ sa Rehiyon IV-A ang pinakamaraming bilang ng
mga namatay sa panganganak sa 232; sumunod ang Rehiyon VII,
181; NCR, 176; at Rehiyon III, 166.

(3) Para pag-ugnayin ang dalawang sugnay (clause) na nakapag-


iisa gamit ang mga pang-abay na samakatwid, bagkus, gayon,
at sa halip sa pagitan nito. Ilagay ang tuldok-kuwit bago ang
pang-abay na nabanggit.
Hindi malinaw para sa mga bagong mag-aaral ang alituntunin sa
wastong pananamit; samakatwid, kailangang ipaliwanag nang
mabuti ng mga guro sa kanilang klase ang tungkol dito.
Nais ni Karen na bumili ng sarili niyang kotse; sa gayon, sinimulan
niya ngayong mag-ipon.
Kailangan mong turuang makipagkapuwa ang kapatid mo; sa halip
na ipagtatanggol mo pa sa mga nabubuwisit na kamag- aral.

76
ESTILONG FILIPINO

(4) Para paghiwalayin ang mga detalye. Halimbawa sa


reperensiyang higit sa isa na gumagamit ng ibang bantas
panloob. Halimbawa:
Hen. 2:3–6; 3:15, 17; 6:5, 14
Sebastian, p. 12; Panganiban, p. 3
San Juan p. 37–40; de Leon p. 93

Tingnan: semicolon. Basahin: MMP ng KWF, , tuntunin bilang 12.5-


12.5.4 para sa iba pang tuntunin sa paggamit ng tuldok-kuwit.

tutuldók
Kinakatawan ng simbolong (:) at gamitin sa sumusunod:
(1) Para ipakilala ang listahan ng mga parirala, o pangungusap.
Halimbawa:
Hindi makapili si Leo ng kasáma: si Piolo si Dingdong, o si Derek?
Maraming maaaring mangyari kung mahúli kang nangongopya:
(1) Dalawang oras kang magwawalis ng kalsada;
(2) Magsusulat ka ng limanaang kopya ng “Hindi na ako
mangongopya”; at
(3) Sanlinggo kang masususpinde.

(2) Bago ang pagsipi ng pahayag, o upang ipakilala ang mga


pahayag. Halimbawa:
(a) Sa mga kataga ni Aling Sepa nagtatapos ang dula: “My parents
ruined my life. Yours will not be ruined. I shall not let your father do
it....” (Sinira ng aking mga ama ang aking buhay. Ang sa iyo’y hindi.
Hindi ko hahayaang gawin iyon ng iyong ama....)

(b)Kabaligtaran nitó, ang teksto ni Abriol tungkol sa búhay ni Santa


Rita ay waring umiiwas sa pagbanggit ng pambubugbog:
Sa loob ng labingwalong taóng pagsasama nilá ay hapis at dalita
ang tiniis niya sa kaniyang asawa. Subalit sa kaniyang walang hump-
ay na dalangin at pagpapakasakit ay nagbalik-loob din ang lalaki
bago ito napatay ng mga kaaway.

(3) Sa paglilista. Ilagay ito matapos ang salitang halimbawa, at gaya


sa sumusunod. Halimbawa:
Maraming maaaring maipanregalo ngayong Pasko na kakasiya sa
badyet, halimbawa:
1. mga panyong beynte piso ang presyo

77
E S T I L O N G F I LI P I N O

2. wallet
3. libro sa yoga

(4) Sa pagsasaad ng pasulat na oras gaya ng 3:00 nh, o kabanata sa


bibliya gaya sa Juan 3:16.

Tingnan: colon. Basahin: MMP ng KWF, tuntunin bilang 12.6


hanggang 12.6.7, para sa iba pang gamit ng tutuldok.

typo (Ing)
Dinaglat na “typographical error.” Pagkakamali sa manuskrito
o pruweba sanhi ng pagtipa ng teksto, sa teklado o keyboard ng
dating makinilya na ngayo’y kompiyuter na. Bagaman mas matagal
at matrabaho ang pagmamakinilya, napapansin ang higit na
pagkakaroon ngayon ng maraming typo (taypo ang bigkas) kahit higit
na madali at magaang mag-encode sa mga kompiyuter. Sinasabi ng
mga nagmamasid na sanhi ito ng labis na pagmamadali, kakulangan
sa muling pagbasa, at kawalan ng sinop sa pagwawasto-sa-kopya at
pagwawasto-sa-pruweba.

78
ESTILONG FILIPINO

Uu
(1) Ikadalawampu’t isang titik sa alpabetong Filipino at binibigkas na yu
(2) Ikalabimwalong titik sa abakadang Tagalog at binibigkas na u

úlat
Pahayag na nagbibigay ng detalye ng isang pangyayari, sitwasyon, at
katulad, karaniwang bilang resulta ng pagmamasid o pagtatanong.
Tingnan: report.

ulong balita
Pa-Tagalog na tawag sa headline.

unlapì
Panlapi sa unahan ng salita tulad ng mag-, nag-, i-, pag-, na-, ma-,
ga-, ag-, mis-, un-, de-, ika-, pa-, taga-, malá-, at iba pa. Tingnan:
prefix.

URL (Ing)
Akronim ng Uniform (o Universal) Resource Locator. Ito ang adres
ng isang pahinang World Wide Web (www).

79
E S T I L O N G F I LI P I N O

Vv
(1) Ikadalawampu’t dalawang titik sa alpabetong Filipino at binibigkas na vi
(2) Walang titik v sa abakadang Tagalog

video (Ing)
Gumagalaw na imahen na gamit sa peryodismong pantelebisyon,
online, at social media, lalo na YouTube na isang popular na site
para sa mga ganitong media. Mula nang lumabas ang teknolohiyang
digital, naging mura ang paglikha ng mga video na noong una’y
gumagamit pa ng tinatawag na videotapes. Higit ngayong madaling
kumuha ng video at iedit agad ang mga ito upang mailathala sa mga
video sharing sites.

viral (Ing)
Katagang naglalarawan ng isang nilalamang online, tulad ng isang
video, ay mabilis na lumalaganap sa social media, email, at mga
katulad, na waring nagkaroon ng sariling buhay na parang isang
“virus.”

vlog (Ing)
Isang klase ng blog na naglalaman ng video. Tingnan: blog.

voiceover (Ing)
Salaysay o komentaryo sa mga gumagalaw na imahen o video na
ipinalalabas sa telebisyon o peryodismong online. Karaniwang hindi
nakikita kung kaninong boses ang ginagamit sa pagsasalaysay, na
kung minsan ay mga kilalang personalidad sa halip na mga reporter.

vowel (Ing)
Singkahulugan ng patínig.

80
ESTILONG FILIPINO

Ww
(1) Ikadalawampu’t tatlong titik sa alpabetong Filipino at binibigkas na
dobolyu
(2) Ikalabingsiyam na titik sa abakadang Tagalog at binibigkas na wa.

Walóng bágong títik


Sa alpabeto, ito yaong walong dagdag na titik—C, F, J, Ñ, Q, V, X,
Z—sa abakada na pagkaraan ay kasáma sa bumuo sa modernong
alpabetong Filipino. Matatagpuan ang mga titik sa mga pangngalang
pantangi, at sa mga salitang siyentipiko at teknikal.

website (Ing)
Set ng magkakaugnay na pahina sa web na nasa iisang domain name.
Halimbawa:
www.kwf.gov.ph
www.up.edu.ph

Wednesday (Ing)
Singkahulugan ng Miyerkoles. Daglat: Wed.

week (Ing)
Singkahulugan ng linggo.

whatever (Ing)
Singkahulugan ng anumán.

wire service (Ing)


Ahensiya na nagsusuplay ng mga balita sa mga iba’t ibang
organisasyon ng media tulad ng mga pahayagan, at estasyon ng radyo
at telebisyon. Matagal nang bahagi ito ng peryodismo, na dati’y
gumagamit pa ng telegrama upang magpadala ng mga balita sa halip
na internet tulad ngayon.

81
E S T I L O N G F I LI P I N O

WordPress (Ing)
Isang malaki at popular na software para sa paglikha ng mga blog,
paghost ng mga website, at pamamahala ng mga content o nilalaman.
Una itong ipinakilala noong 2003 at mula noon ay ginamit na ng
mga propesyonal at di-propesyonal na blogger at peryodista. Ito ang
pinakagamitin ngayong plataporma ng paglalathalang online.

World Wide Web (Ing)


Sistema ng impormasyon sa Internet na nagpapahintulot na
magkaroon ng koneksiyon sa isa’t isa ang iba’t ibang dokumento
sa pamamagitan ng hypertex, link, at dahil dito ay nagagawang
makapaghanap ng impormasyon ang sinuman mula sa isang
dokumento patungo sa iba pang dokumento. Daglat: www.

82
ESTILONG FILIPINO

Xx
(1) Ikadalawampu’t apat na titik sa alpabetong Filipino at binibigkas na eks
(2) Walang titik x sa abakadang Tagalog

xerox
Naging popular na katawagan para sa proseso ng photocopying at sa
piraso na papel na resulta ng pagpo-photocopy. Galing ito sa brand
na Xerox, isang nakarehistrong trademark ng Fuji Xerox Co., Ltd.
Kamakailan, naglabas ito ng anunsiyo sa peryodiko na nagbabawal sa
paggamit ng salitang “Xerox” para sa salitang “copy”.
“As a registered trademark, XEROX is not a verb or a common noun
and should therefore not be used to describe copying or copy services
in general. So please do not use ‘XEROX’ as another word for ‘copy’,”
paalala ng kompanya.

83
E S T I L O N G F I LI P I N O

Yy
1) Ikadalawampu’t limang titik sa alpabetong Filipino at binibigkas na way
(2) Ikadalawampung titik sa abakadang Tagalog at binibigkas na ya

YouTube
Isang website para sa pagshare ng mga video na unang lumabas
noong 2005. Nang sumunod na taon, binili ito ng Google. Mula
noon ay patuloy ito sa paglaki hanggang maging isang mabilis na
paraan ng pagpapalaganap ng peryodismong pambrodcast. Ngayon,
maging ang tinatawag na mainstream media ay gumagamit ng
YouTube upang lalong palaganapin ang mga video at pelikulang dati
ay mapapanood lamang sa tradisyonal na outlet tulad ng estasyon ng
telebisyon at mga sinehan.

84
ESTILONG FILIPINO

Zz
1) Ikadalawampu’t anim na titik sa alpabetong Filipino at binibigkas na zi
(2) Walang titik z sa abakadang Tagalog

zine (Ing)
Isang produkto ng media na isinulat at iprinodyus ng mga mayhilig
sa paksang tinatalakay. Tinatawag din itong fanzine, isang uri ng
zine na maaaring ilimbag o ilathala nang online at tinatawag na ezine
(pinalitan ng e--para sa salitang elektroniko--ang “maga” sa salitang
“magazine”).

zooming (Ing)
Pagkuha ng close-up at wide angle shot gamit ang kamera mula sa
hindi gumagalaw na posisyon.

85
E S T I L O N G F I LI P I N O

Apendise 1
MGA TANGGAPAN NG PAMAHALAAN

1. Sangay Tagapagpaganap
Executive Branch
Tanggapan ng Pangulo
Office of the President

Tanggapan ng Pangalawang Pangulo


Office of the Vice President

Iba pang Tanggapang Tagapagpaganap


Other Executive Offices

Kagawaran ng Repormang Pansakahan


Department of Agrarian Reform

Kagawaran ng Agrikultura
Department of Agriculture

Kagawaran ng Badyet at Pamamahala


Department of Budget and Management

Kagawaran ng Edukasyon
Department of Education

Kagawaran ng Enerhiya
Department of Energy

Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman


Department of Environment and Natural Resources

Kagawaran ng Pananalapi
Department of Finance

Kagawaran ng Ugnayang Panlabas


Department of Foreign Affairs

Kagawaran ng Kalusugan
Department of Health

Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal


Department of the Interior and Local Government

86
ESTILONG FILIPINO

2. Sangay Tagapagbatas
Legislative Branch
Senado
Senate

Kapulungan ng mga Kinatawan


House of Representatives

3. Sangay Tagapaghukom
Judicial Branch
Kaastaasang Hukuman
Supreme Court

Mga Mababang Hukuman


Lower Courts

Hukuman ng Pag-aapela
Court of Appeals

Hukuman ng Pag-aapela sa Buwis


Cour of Tax Appeals

Sandiganbayan
Sandiganbayan

Para sa dagdag na mga ahensiya sa ilalim ng bawat sangay, sumangguni sa Mga


Pangalan ng Tanggapan ng Pamahalaan sa Filipino (Aklat ng Bayan, 2013) na
inilathala ng Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining at Komisyon
sa Wikang Filipino

87
E S T I L O N G F I LI P I N O

Apendise 2
MGA REHIYON, LALAWIGAN, AT LUNGSOD SA BANSA

NCR Rehiyon II
Pambansang Rehiyong Kapitolyo Lambak ng Cagayan
National Capital Region (NCR) Cagayan Valley
Caloocan City Batanes
Las Piñas Cagayan
Makati Isabela
Malabon Nueva Vizcaya
Mandaluyong Quirino
Marikina
Muntinlupa Rehiyon III
Navotas Gitnang Luzon
Parañaque Central Luzon
Pasay City Aurora
Pasig Bataan
Pateros Bulacan
Quezon City Nueva Ecija
San Juan Pampanga
Taguig City Tarlac
Valenzuela Zambales

CAR Rehiyon IV-A
Rehiyong Administratibo ng Calabarzon
Cordillera Calabarzon
Cordillera Administrative Region (CAR) Batangas
Abra Cavite
Apayao Laguna
Benguet Quezon
Ifugao Rizal
Kalinga
Mountain Province Rehiyon IV-B
Mimaropa
Rehiyon I Mimaropa
Ilocos Marinduque
Ilocos Occidental Mindoro
Ilocos Norte Oriental Mindoro
Ilocos Sur Palawan
La Union Romblon
Pangasinan

88
ESTILONG FILIPINO

Rehiyon V Rehiyon X
Bicol Hilagang Mindanao
Bicol Northern Mindanao
Albay Bukidnon
Camarines Norte Camiguin
Camarines Sur Lanao del Norte
Catanduanes Lanao del Sur
Masbate Misamis Occidental
Sorsogon Misamis Oriental

Rehiyon XI
Rehiyon VI Timog Mindanao
Kanlurang Visayas Southern Mindanao
Western Visayas Davao del Norte
Aklan Davao del Sur
Antique Davao de Oro (Compostela Valley)
Capiz Davao Occidental
Guimaras Davao Oriental
Iloilo
Rehiyon XII
Rehiyon VII Soccsksargen
Gitnang Visayas Soccsksargen
Central Visayas North Cotabato
Bohol Sarangani
Cebu South Cotabato
Siquijor Sultan Kudarat
Lungsod ng General Santos
Rehiyong VIII (Dadiangas)
Silangang Visayas Lungsod ng Cotabato
Eastern Visayas
Biliran Rehiyon XIII
Eastern Samar Rehiyong Administratibo ng
Leyte Caraga
Northern Samar Caraga Administrative Region
Southern Leyte Agusan del Norte
Samar (Western Samar) Agusan del Sur
Dinagat Islands
Rehiyon IX
Kanlurang Mindanao ARMM
Western Mindanao Rehiyong Administratibo ng
Zamboanga del Norte Muslim Mindanao
Zamboanga del Sur Administrative Region of Muslim
Zamboanga Sibugay Mindanao (ARMM)

89
E S T I L O N G F I LI P I N O

Basilan MGA LUNGSOD


Lanao del Sur
Maguindanao Alaminos (Pangasinan)
Sulu Angeles (Pampanga)
Tawi-tawi Antipolo (Rizal)

Bacolod (Negros Occidental)


NIR Bacoor (Cavite)
Rehiyong Isla ng Negros Bago (Negros Occidental)
Negros Island Region (NIR) Baguio (Benguet)
Bais (Negros Oriental)
Negros Occidental Balanga (Bataan)
Negros Oriental Batac (Ilocos Norte)
Batangas City (Batangas)
Bayawan (Negros Oriental)
Baybay (Leyte)
Bayugan (Agusan del Norte)
Biñan (Laguna)
Bislig (Surigao del Sur)
Bogo (Cebu)
Borongan (Eastern Samar)
Butuan (Agusan del Norte)

Cabadbaran (Agusan del Norte)


Cabanatuan (Nueva Ecija)
Cabuyao (Laguna)
Cadiz (Negros Occidental)
Cagayan de Oro (Misamis
Oriental)
Calamba (Laguna)
Calapan (Oriental Mindoro)
Calbayog (Western Samar)
Caloocan (NCR)
Candon (Ilocos Sur)
Canlaon (Negros Oriental)
Carcar (Cebu)
Catbalogan (Western Samar)
Cauayan (Isabela)
Cavite City (Cavite)
Cebu City (Kabesera, Cebu)
Cotabato City (Cotabato)

Dagupan (Pangasinan)

90
ESTILONG FILIPINO

Danao City (Cebu) Makati (NCR)


Dapitan (Zamboanga del Norte) Malabon (NCR)
Dasmariñas (Cavite) Malaybalay (Bukidnon)
Davao City (Davao) Malolos (Bulacan)
Digos (Davao del Sur) Mandaluyong (NCR)
Dipolog (Zamboanga del Norte) Mandaue (Cebu)
Dumaguete (Negros Oriental) Manila (NCR)
Marawi (Lanao del Sur)
El Salvador (Misamis Oriental) Marikina (NCR)
Escalante (Negros Occidental) Masbate (Masbate)
Mati (Davao Oriental)
Gapan (Nueva Ecija) Meycauayan (Bulacan)
General Santos (Dadiangas) (South Muñoz, Science City of (Nueva
Cotabato) Ecija)
General Trias (Cavite) Muntinlupa (NCR)
Gingoog (Misamis Oriental)
Guihulngan (Negros Oriental) Naga (Camarines Sur)
Naga (Cebu)
Himamaylan (Negros Occidental) Navotas (NCR)

Ilagan (Isabela) Olongapo (Zambales)


Iligan (Lanao del Norte) Ormoc City (Leyte)
Iloilo City (Iloilo) Oroquieta (Misamis Occidental)
Imus (Cavite) Ozamiz (Misamis Occidental)
Iriga (Camarines Sur)
Isabela (Basilan) Pagadian (Zamboanga del Sur)
Palayan (Nueva Ecija)
Kabankalan (Negros Occidental) Panabo (Davao del Norte)
Kidapawan (Cotabato) Parañaque (NCR)
Koronadal (South Cotabao) Pasay City (NCR)
Pasig (NCR)
La Carlota (Negros Occidental) Passi (Iloilo)
Lamitan (Basilan) PuertoPrincesa (Palawan)
Laoag (Ilocos Norte)
Lapu-Lapu (Opon) (Cebu) Quezon City (NCR)
Las Piñas (NCR)
Legazpi (Albay) Roxas (Capiz)
Ligao (Albay)
Lipa (Batangas) Sagay (Negros Occidental)
Lucena (Quezon) Samal, Island Garden of (Davao del
Norte)
Maasin (Southern Leyte) San Carlos (Pangasinan)
Mabalacat (Pampanga) San Carlos (Negros Occidental)

91
E S T I L O N G F I LI P I N O

San Fernando (La Union) Tagum (Davao del Norte)


San Fernando (Pampanga) Talisay (Negros Occidental)
San Jose City (Nueva Ecija) Talisay (Cebu)
San Jose del Monte (Bulacan) Tanauan (Batangas)
San Juan (NCR) Tandag (Surigao del Sur)
San Pablo (Laguna) Tangub (Misamis Occidental)
San Pedro (Laguna) Tanjay (Negros Oriental)
Santa Rosa (Laguna) Tarlac City (Tarlac)
Santiago (Isabela) Tayabas (Quezon)
Silay (Negros Occidental) Toledo (Cebu)
Sipalay (Negros Occidental) TreceMartires (Cavite)
Sorsogon (Sorsogon) Tuguegarao (Cagayan)
Sto. Tomas (Batangas)
Surigao (Surigao del Norte) Urdaneta (Pangasinan)

Tabaco (Albay) Valencia (Bukidnon)


Tabuk (Kalinga) Valenzuela (NCR)
Tacloban (Leyte) Victorias (Negros Occidental)
Tacurong (Sultan Kudarat) Vigan (Ilocos Sur)
Tagaytay (Cavite)
Tagbilaran (Bohol) Zamboanga City (Zamboanga del
Taguig (NCR) Sur)

Mula sa Pangasiwaan sa Estadistika ng Filipinas (Philippine Statistics Authority)

92
ESTILONG FILIPINO

Apendise 3
MGA KONTINENTE, BANSA, AT KABESERA SA MUNDO
Bansa (Kabesera)

1. ANTARCTICA Mauritius (Port Louis)


Morocco (Rabat)
2. AFRICA Mozambique (Maputo)
Algeria (Algiers) Namibia (Windhoek)
Angola (Luanda) Niger (Niamey)
Benin (Porto-Novo) Nigeria (Abuja)
Botswana (Gaborone) Reunion (Saint-Denis)
Burkina Faso (Ouagadougou) Rwanda (Kigali)
Burundi (Bujumbura) Sāo Tomé and Príncipe (São Tomé)
Cameroon (Yaounde) Senegal (Dakar)
Cape Verde (Praia) Seychelles (Victoria)
Central African Republic (Bangui) Sierra Leone (Freetown)
Chad (N’Djamena) Somali (Mogadishu)
Comoros (Moroni) South Africa (Pretoria)
Congo (Brazzaville) Sudan (Khartoum)
Côte d’Ivoire (Yamoussoukro) Swaziland (Mbabane)
Democratic Republic of Congo Togo (Lomé)
(Kinshasa) Tunisia (Tunis)
Djibouti (Djibouti) Uganda (Kampala)
Egypt (Cairo) United Republic of Tanzania
Equitorial Guinea (Malabo) (Dodoma)
Eritrea (Asmara) Western Sahara (El Aaiún)
Ethiopia (Addis Ababa) Zambia (Lusaka)
Gabon (Libreville) Zimbabwe (Harare)
Gambia (Banjul)
Ghana (Accra) 3. ASIA
Guinea (Conakry) Afghanistan (Kabul)
Guinea-Bissau (Bissau) Armenia (Yerevan)
Kenya (Nairobi) Azerbaijan (Baku)
Lesotho (Maseru) Bahrain (Al-Manámah)
Liberia (Monrovia) Bangladesh (Dhaka)
Libya (Tripoli) Bhután (Thimpu)
Madagascar (Antananarivo) Brunei Darassalam (Bandar Seri)
Malawi (Kwacha) Cambodia (Phnom Penh)
Mali (Bámako) China (Beijing)
Mauritania (Nouakchott) Cyrus (Nicosia)

93
E S T I L O N G F I LI P I N O

Georgia (Tbilisi) 4. AUSTRALIA AT OCEANIA


Hong Kong (Hong Kong) Australia (Canberra)
India (New Delhi) American Samoa (Pago Pago)
Indonesia (Jakarta) Cook Islands (Avarua)
Iran (Tehran) Fiji (Suva)
Iraq (Baghdad) French Polynesia (Papeete)
Israel (Jerusalem) Guam (Hagåtña)
Japan (Tokyo) Kiribati (Bairiki)
Jordan (Amman) Micronesia (Palikir)
Kazakhstan (Astana) Nauru (Nauru)
Kuwait (Kuwait City) New Caledonia (Nouméa)
Kyrgyzstan (Bishkek) New Zealand (Wellington)
Lao People’s Democratic Republic Niue (Alofi)
(Vientiane) Northern Mariana Islands
Lebanon (Beirut) (Garapan)
Macau (walang datos) Palau (Melekeok)
Malaysia (Kuala Lumpur) Papua New Guinea (Port Moresby)
Maldives (Male) Solomon Islands (Honiara)
Mongolia (Ulaanbaatar) Tonga (Nuku’alofa)
Myanmar (Nay Pyi Taw) Tuvalu (Funafuti)
Oman (Masqat) Vanuatu (Port Vila)
Nepal (Kathmandu)
North Korea (P’yongyang) 5. EUROPE
Pakistan (Islamabad)
Philippines (Manila) Albania (Tiranë)
Qatar (Dohá) Andorra (Andorra la Vella)
Saudi Arabia (Riyadh) Austria (Vienna)
Singapore (Singapore) Belarus (Minsk)
South Korea (Seoul) Belgium (Brussels)
Sri Lanka (Colombo) Bosnia and Herzegovina (Sarajevo)
State of Palestine (Ramallah) Bulgaria (Sofia)
Syrian Arab Republic (Damascus) Croatia (Zagreb)
Tajikistan (Dushanbe) Czech Republic (Prague)
Thailand (Bangkok) Denmark (Copenhagen)
Timor-Leste (Dili) Estonia (Tallinn)
Turkey (Ankara) Faeroe Islands (Tórshavn)
Turkemistan (Ashgabat) Finland (Helsinki)
United Arab Emirates (Abu Dhabi) France (Paris)
Uzbekistan (Tashkent) Germany (Berlin)
Viet Nam (Hanoi) Greece (Athens)
Yemen (Sana’a) Holy See (Vatican City)
Hungary (Budapest)
Iceland (Reykjavik)

94
ESTILONG FILIPINO

Ireland (Dublin) Costa Rica (San José)


Italy (Rome) Cuba (Havana)
Latvia (Riga) Dominica (Roseau)
Liechtenstein (Vaduz) Dominican Republic (Domingo)
Lithuania (Vilnius) El Salvador (San Salvador)
Luxembourg (Luxembourg) Grenada (St. George’s)
Macedonia (Skopje) Guatemala (Guatemala City)
Malta (Valletta) Haiti (Port-au-Prince)
Moldova (Chişinău) Honduras (Tegucigalpa)
Monaco (Monaco) Jamaica (Kingston)
Montenegro (Podgorica) Mexico (Mexico City)
Netherlands (Amsterdam) Nicaragua (Managua)
Norway (Oslo) Panama (Panama City)
Poland (Warsaw) Saint Kitts and Nevis (Basseterre)
Portugal (Lisbon) Sain Lucia (Castries)
Romania (Bucharest) Saint Vincent and the Grenadines
Russian Federation (Moscow) (Kingstown)
San Marino (San Marino) Trinidad and Tobago (Port of
Serbia (Belgrade) Spain)
Slovakia (Bratislava) United States of America
Slovenia (Ljubljana) (Washington, D.C.)
Spain (Madrid)
Sweden (Stockholm) 7. SOUTH AMERICA
Swtizerland (Bern) Argentina (Buenos Aires)
Ukraine (Kiev) Bolivia (La Paz)
United Kingdom of Great Britain Brazil (Brasília)
and Northern Ireland Chile (Santiago)
(London) Colombia (Bogotá)
Ecuador (Quito)
6. NORTH AMERICA AT Fench Guiana (Cayenne)
CARIBBEAN Guyana (Georgetown)
Antigua and Barbuda (St. John’s) Paraguay (Asuncion)
Bahamas (Nassau) Peru (Lima)
Barbados (Bridgetown) Suriname (Páramaribo)
Belize (Belmopan) Uruguay (Montevideo)
Canada (Ottawa) Venezuela (Caracas)

Mula sa Atlas ng mga Bansa (Aklat ng Bayan, 2015)

95
E S T I L O N G F I LI P I N O

Apendise 4
MGA ARAW AT BUWAN SA ISANG TAON

Araw Buwan

Lunes (Lun.) Enero (Ene.)


Martes (Mar.) Pebrero (Peb.)
Miyerkoles (Miy.) Marso (Mar.)
Huwebes (Huw.) Abril (Abr.)
Biyernes (Biy.) Mayo (May.)
Sabado (Sab.) Hunyo (Hun.)
Linggo (Lin.) Hulyo (Hul.)
Agosto (Ago.)
Setyembre (Set.)
Oktubre (Okt.)
Nobyembre (Nob.)
Disyembre (Dis.)

96
ESTILONG FILIPINO

Apendise 5
BATAS SA PERYODISMONG PANGKAMPUS
(BATAS REPUBLIKA BLG. 7079)

BATAS NA NAGTATADHANA SA PAGPAPAUNLAD AT


PAGPAPALAGANAP
NG PERYODISMONG PAMPAARALAN
AT IBA PANG LAYUNIN

Pinagtitibay ng Senado at ng Kapulungan ng mga Kinatawan


ng Filipinas na nagtitipon sa Kongreso

SEKSIYON 1. Pamagat. pagtuturo sa antas elementarya,


Tatawaging “Batas sa Peryodismong sekundaryo o tersiyaryo na binubuo
Pangkampus ng 1991” ang batas na ng mga estudyante, administrasyon,
ito. kaguruan, at mga di-nagtuturong
tauhan;
SEKSIYON 2. Pahayag ng
Patakaran. Ipinapahayag ng Estado (b) Publikasyon ng Estudyante.
bilang patakaran ang pangangalaga Paglalabas ng anumang limbag
at pagtatanggol sa kalayaan sa na babasahin na inilalathala, at
pamamahayag maging sa mga tumutugon sa pangangailangan at
paaralan at isulong ang pagpapaunlad kapakanan ng mga estudyante;
at pagyabong ng peryodismong
pangkampus bilang paraan upang (c) Peryodistang Estudyante.
mapalakas ang mga halagahang Sino mang estudyanteng bona fide na
etikal, mahikayat ang mapanuri at nakaenrol sa kasalukuyang semestre
mapanlikhang isip, at mahubog ang o termino, na pumasá o nakatugon
moral na pag-uugali at disiplinang sa kalipikasyon at pamantayan ng
personal ng kabataang Filipino. lupong editoryal. Kailangan ding
Upang pag-ibayuhin ang patakarang mahusay ang kanyang katayuang
ito, magpapatupad ang Estado ng mga akademiko.
programa at proyekto na naglalayong
mapahusay ang kasanayan sa (d) Lupong Editoryal. Sa
peryodismo ng kinauukulang
antas tersiyaryo, bubuuin ng mga
estudyante at mapalaganap ang peryodistang estudyante ang lupong
responsable at malayang peryodismo.
editoryal matapos pumasá sa kaugnay
na mga eksamenasyon. Sa antas
SEKSIYON 3. Depinisyon ng elementarya at hay-iskul, ang lupon
mga termino ay bubuuin ng isang karapat-dapat
(a) Paaralan. Institusyon ng na gurong itinalaga bilang tagapayo,

97
E S T I L O N G F I LI P I N O

editor na kalipikado, at isang


kinatawan ng samahan ng mga guro SEKSIYON 6. Tagapayo
at magulang, na siyang magtatakda ng Publikasyon. Pipiliin ng
ng mga patakaraang editoryal na administrasyon ng paaralan ang
ipatutupad ng editor at mga kagawad tagapayo ng publikasyon sa listahang
ng kinauukulang publikasyon ng mga inirekomenda at isinabmit ng mga
estudyante. kagawad ng publikasyon. Limitado
lamang sa pagbibigay ng tulong
SEKSIYON 4. Publikasyon teknikal ang tungkulin ng tagapayo.
ng Estudyante. Inilalathala ng
mga estudyante ang publikasyon SEKSIYON 7. Seguridad ng
sa pamamagitan ng isang lupong Panunungkulan. Dapat mapanatili
editoryal at mga kagawad sa ng isang kagawad ng publikasyon ang
publikasyon na binubuo ng mga kanyang katayuan bilang estudyante
mag-aaral na pinili sa isang patas at
upang manatili sa publikasyon.
pampaligsahang pagsusulit. Hindi mapatatalsik o masususpinde
ang isang estudyante batay sa
Sa sandaling maitatag ang mga artikulong isinulat niya, o sa
publikasyon, malayang maitatakda ng pagtupad ng kanyang mga tungkulin
lupong editoryal ang mga patakarang sa publikasyon ng estudyante.
editoryal at mapamamahalaan ang
pondo ng publikasyon. SEKSIYON 8. Mga Press
Conference at Training Seminar.
SEKSIYON 5. Pondo ng Magtataguyod ang Kagawaran ng
Publikasyon ng Estudyante. Edukasyon, Kultura, at Isports ng
Kabilang sa pondo ng publikasyon pana-panahong kompetisyon, press
ng estudyante ang hindi nagastang conference at training seminar na
laang-gugulin ng kinauukulang lalahukan ng estudyante -- mga
paaralan, subskripsiyon ng editor/manunulat at gurong tagapayo
estudyante, donasyon, at iba pang ng publikasyon ng estudyante sa
mapagkukunan ng pondo. antas elementarya, sekundarya, at
tersiyaryo -- ng antas institusyon,
Hindi kailanman maipagkakait dibisyon, at rehiyon, na magtatapos sa
ng Kagawaran ng Edukasyon, Kultura, pagdaraos ng taunan at pambansang
at Isports o ng administrasyon ng School Press Conference sa antas
paaralan ang anumang pondo na elementarya, sekundarya, at
gáling sa hindi nagastos na laang- tersiyaryo sa mga lugar sa bansa na
gugulin ng kinauukulang paaralan at makasaysayan at may kawili-wiling
iba pang panggagalingan ng pondong kalinangan.
laan sa publikasyon ng estudyante.
Awtomatikong ibinibigay ang mga
bayad sa subskripsiyong kinolekta SEKSIYON 9. Mga Alituntunin
ng administrasyon ng paaralan at Regulasyon. Magpapatupad ang
sa kinauukulang publikasyon ng Kagawaran ng Edukasyon, Kultura,
estudyante. at Isports, sa pakikipagtulungan ng

98
ESTILONG FILIPINO

mga opisyal ng mga organisasyon SEKSIYON 9. Laang-gugulin --


sa elementarya, sekundarya, at Sa unang taon ng implementasyon,
tersiyaryo o opisyal na mga tagapayo ang kabuuang Limang milyong piso
ng publikasyong ng estudyante, (5,000,000) ay awtorisadong ibawas
kasama ng mga peryodistang sa mga hindi nagastos na pondo
estudyante sa antas tersiyaryo at mula sa kasalukuyang apropriyasyon
mga umiiral na organisasyon ng mga ng Kagawaran ng Edukasyon,
estudyanteng peryodista. Kultura, at Isports. Pagkaraan
nito, ang kakailanganing halaga ay
SEKSIYON 10. Eksemsiyon magiging kabilang na sa Batas sa
sa Buwis. Alinsunod sa talata 4, Pangkalahatang Laang-gugulin.
Seksiyon 4, Artikulo XIV ng Saligang
Batas, lahat ng grant, endowment, SEKSIYON 12. Bisà --
donasyon, o kontribusyon na Magkakabisà ang Batas na ito
ginamit nang tuwiran at para lamang pagkaraan ng labinlimang (15) araw
sa pagpapalaganap ng peryodismong matapos malathala sa Official Gazette
pangkampus gaya ng itinatadhana o sa hindi kukulangin sa dalawang
sa Batas na ito, ay hindi sakop ng (2) diyaryo na may pangkalahatang
donor’s o gift tax. sirkulasyon.

Pinagtibay: 5 Hulyo 1991

Nilagdaan ang orihinal:

CORAZON C. AQUINO
Pangulo ng Filipinas

JOVITO R. SALONGA
Pangulo ng Senado

RAMON V. MITRA
Ispiker ng Mababang Kapulungan

EDWIN P. ACOBA
Kalihim ng Senado

CAMILO L. SABIO
Pangkalahatang Kalihim
Mababang Kapulungan

Salin mula sa Ingles ng opisyal na kopya ng Batas Republika 7079

99
E S T I L O N G F I LI P I N O

Apendise 6
MGA TUNTUNIN AT REGULASYON SA PAGPAPATUPAD
ng Batas Republika Blg. 7079
(Batas Sa Peryodismong Pangkampus ng 1991)

ISANG BATAS NA NAGTATADHANA SA PAGPAPAUNLAD AT


PAGPAPAYABONG NG PERYODISMONG PANGKAMPUS AT
IBA PANG MGA LAYUNIN

PAMBUNGAD pangkampus upang palakasin ang


mga halagahang etikal, pasiglahin
Alinsunod sa Seksiyon 9 ng Batas ang mapanuri at mapanlikhang isip,
Republika Blg. 7079, tinatawag ding at mapalakas ang ugaling moral at
“Batas sa Peryodismong Pangkampus disiplinang personal ng kabataang
ng 1991,” ipinapahayag ang mga Filipino. Upang maisulong itong
sumusunod na tuntunin at regulasyon patakaran, magsasagawa ng mga
para sa epektibong pagpapatupad ng programa at proyekto ang Estado
nasabing Batas: upang mapagbuti ang kasanayan sa
peryodismo ng tinutukoy na mga
TUNTUNIN I estudyante at mapalaganap ang
PAMAGAT peryodismong responsable at malaya.

SEKSIYON 1. Pamagat. Itong Tungkulin, kung gayon, ng


kalipunan ng mga tuntunin ay lahat ng opisyal ng Kagawaran ng
tatawaging Mga Tuntunin atEdukasyon, Kultura, at Isports (DECS),
Regulasyon sa Pagpapatupad ng Batasmga punò ng paaralan/kolehiyo/
sa Peryodismong Pangkampus ng unibersidad, mga gurong tagapayo
1991 or “TUNTUNIN” sa pinaikling ng mga pahayagan sa paaralan,
tawag. at iba pang sangkot sa programa
ng peryodismong pangkampus sa
TUNTUNIN II antas elementarya, sekundarya,
PATAKARAN NG ESTADO at tersiyaryo ng edukasyon, na
suportahan at palaganapin ang
SEKSIYON 1. Deklarasyon ng mga patakaran at layunin ng
Patakaran. Isang deklaradong peryodismong pangkampus ayon
patakaran ng Estado na ipagtanggol sa Batas Republika Blg. 7079 at mga
at protektahan ang kalayaan sa umiiral na batas na bahagi ng mga
pamamahayag maging sa mga simulaing itinatadhana sa Saligang
paaralan, at palaganapin ang pag- Batas.
unlad at pagyabong ng peryodismong

100
ESTILONG FILIPINO

TUNTUNIN III editoryal na ipatutupad ng editor


DEPINISYON NG MGA at mga kagawad ng kinauukulang
TERMINO publikasyon ng estudyante.

SEKSIYON 1. Depinisyon ng Sa antas tersiyaryo,


mga Termino. Upang higit na makapagtatalaga ng isang tagapapayo
maintindihan itong Batas, binibigyan sa publikasyon kung sasang-ayunan
ng kahulugan o ipinaliliwanag ang ng mga kasapi.
mga ginamit na termino.
e. Patakarang Editoryal. Set
a. Paaralan. Institusyon upang ng mga panuntunan kung paano
matuto sa antas elementarya, pinatatakbo at pinamamahalaan ang
sekundarya, at tersiyaryo na binubuo isang publikasyong ng estudyante,
ng mga estudyante, administrasyon, alinsunod sa kaugnay na mga batas
kaguruan, at mga di-nagtuturong at mga patakaran ng administrasyon
tauhan; ng paaralan. Itatakda ng naturang
panuntunan kung ilang beses ang
b. Publikasyon ng Estudyante. paglalathala, paano mamimilì ng
Paglalabas ng anumang nakalimbag mga artikulo at lathalain, at iba pang
na materyal na hiwalay na inilathala, katulad na bagay.
at tumutugon sa pangangailangan at
kapakanan, ng mga estudyante; TUNTUNIN IV
PUBLIKASYON NG
c. Peryodistang Estudyante -- ESTUDYANTE
Sinumang estudyanteng bonafide na
nakaenrol sa kasalukuyang semestre o SEKSIYON 1. Dapat himukin
termino, na nakapasa o nakatugon sa ang lahat ng institusyon sa antas
kalipikasyon at pamantayang itinakda elementarya, sekundarya, at
ng lupong editoryal. Kailangan ding tersiyaryo, publiko o pribado, na
mahusay ang katayuang akademiko magpundar ng isang publikasyon ng
niya. estudyante.

d. Lupong Editoryal. Sa antas SEKSIYON 2. Publikasyon ng


tersiyaryo, bubuin ng sumusunod ang Estudyante. Magkakaroon ng
lupong editoryal: mga peryodistang tatlong kategorya ng publikasyon
estudyante na pumasa sa kaugnay na ng estudyante: (a) publikasyon ng
eksamenasyon. Sa antas elementarya estudyante sa antas elementarya; (b)
at sekundarya, bubuin ang lupong publikasyon ng estudyante sa antas
editoryal ng tagapayong guro na sekundarya; at (c) publikasyon ng
maayos na itinalaga, kalipikadong estudyante sa antas tersiyaryo.
editor, at isang kinatawan ng Samahan
ng mga Guro at Magulang, Itatakda Sa sandaling maipundar ang
ng lupon ang mga patakarang publikasyon, malayang maitatakda ng

101
E S T I L O N G F I LI P I N O

lupong editoryal ang mga patakarang pagtataguyod ng kamalayang


editoryal nito at mapamamahalaan panlipunan at pagsusulong ng
ang pondo ng publikasyon. interes ng sambayanang Filipino; at
(j) pagsusulong ng mga karapatan at
SEKSIYON 3. Pananagútan ng responsibilidad ng mga estudyante
mga kasapi ng lupong editoryal ng kasabay ng pagpapaunlad ng kanilang
publikasyon ng estudyante sa antas pangkalahatang kagalingan.
tersiyaryo, sa paaralan/kolehiyo/
unibersidad at ikatlong mga partido, TUNTUNIN V
ang mga desisyon, aksiyon, patakaran, PAGTUSTOS SA PUBLIKASYON
at mga legal na ibubunga nito. NG ESTUDYANTE

SEKSIYON 4. Tunguhin at Layunin SEKSIYON 1. Pagtustos sa


ng Publikasyon ng Estudyante. Publikasyon ng Estudyante. Sa mga
Gagamitin ang mga publikasyong publikong paaralang elementarya
ng estudyante upang magsanay at sekundarya, mapagkukunan
ng interesadong mag-aaral sa (a) ng pondo para sa publikasyon ng
aplikasyon ng sining ng komunikasyon estudyante ang butaw sa publikasyon,
sa peryodismo; (b) mga batayang subsidyo mula sa hindi nagastos
mekanismo at kasanayang teknikal sa na laang-gugulin ng paaralan, kita
peryodismo; (c) mga responsibilidad ng mga donasyon at grant, at mga
at pribilehiyo sa peryodismo adbertisment.
kaugnay ng nilalaman ng ilalathalang
artikulo; (d) gámit ng publikasyon Sa mga pribadong paaralan,
ng estudyante upang suportahan mapagkukunan ng pondo ang butaw
ang pagsulong sa edukasyon ng mga sa publikasyon, kita ng mga donasyon
nag-aaral/estudyante, ng paaralan, at grant, at mga adbertisment.
ng pamayanan, at ng bayan; (e) Makokolekta mula sa estudyante
pagsasanay ng mga interesadong ang mga butaw sa publikasyon sa
estudyante sa aplikasyon ng sining panahon ng enrolment.
at agham ng peryodismo para sa
kaunlarang teknikal; at (f) paghubog Sa publiko o pribadong paaralan
ng matalino at responsableng man, lahat ng pondo ng publikasyon
liderato sa hanay ng estudyante at ng estudyante ay awtomatikong
mabuting pagkamamamayan sa isang ipagkakaloob sa mga kagawad ng
lipunang demokratiko at malaya; (g) publikasyon isang buwan pagkaraan
magsilbing daluyan para magkaisa ng huling araw ng enrolment.
ang lahat ng kasapi ng paaralan
at ng pamayanan tungo sa kanais- SEKSIYON 2. Preparasyon
nais na layuning pangkaunlaran sa ng Badyet sa Publikasyon ng
edukasyon at kultura; (h) pagiging Estudyante. Maghahanda ang lupong
lundô ng lahat ng natutuhan editoryal--sa tulong ng mga kagawad
ng peryodistang estudyante; (i) ng publikasyon ng estudyante--

102
ESTILONG FILIPINO

ng badyet para sa publikasyon sa b. Dapat ideposito ang


bawat semestre/taon. Ipapaskil pondo sa publikasyon sa akawnt
ang badyet sa bulletin board ng ng publikasyon sa estudyante sa
paaralan at ilalathala sa publikasyon alinmang awtorisadong bangkong
ng estudyante. Kabilang sa badyet mapagdedepositohan, na may hindi
ang gastos sa pagpapalimbag kukulangin sa dalawang (2) tagapirma
ng publikasyon ng estudyante; na awtorisado ng lupong editoryal.
transportasyon at pangangailangan
ng mga kagawad at gurong SEKSIYON 4. Pagpapalimbag ng
tagapayo habang inaasikaso ang Publikasyon ng Estudyante. Ang
pagpapalimbag; suplay ng tanggapan pagpapalimbag ng publikasyon
at retrato; pagdalo ng mga kinatawan ng estudyante sa isang pribadong
ng publikasyon ng estudyante sa mga imprenta ay dapat gawin ng lupong
taunang press conference/workshop editoryal at ng mga kagawad ng
sa antas dibisyon, rehiyon, at bansa; publikasyon ng estudyante sa
honorarium at allowance ng mga pamamagitan ng canvass at public
kagawad at gurong tagapayo; at iba bidding.
pang kaugnay na gastos. Sakop ng
mga regulasyon sa akawnting at SEKSIYON 5. Ulat Pinansiyal ng
awditing ang pagbabayad mula sa mga Gastos. Isang ulat pinansiyal
pondo ng publikasyon ng estudyante. ng mga gastos ang dapat ihanda ng
lupong editoryal at ng mga kagawad
SEKSIYON 3. Butaw sa Publikasyon. ng publikasyon sa pagtatapos
ng taong paaralan sa mga antas
a. Makagagawa ang lupong elementarya at sekundarya, at sa
editoryal, sa pakikipagkoordinasyon bawat semestre sa antas tersiyaryo,
sa administrasyon ng paaralan, ng at maayos na na-awdit ng COA/
mekanismo sa koleksiyon ng butaw sa awtorisadong awditor para sa mga
publikasyon mula sa mga estudyante. paaralang publiko. Sa mga pribadong
Maitatakda ng lupong editoryal paaralan, isang certified public
ang butaw sa publikasyon matapos accountant (CPA) ang mag-aawdit ng
sumangguni sa mga estudyante. gastos batay sa badyet na aprobado
Sa mga pribadong elementarya at ng lupong editoryal. Pagkatapos,
sekundaryang paaralan, itatakda ilalathala ang buod ng na-awdit na
ng lupong editoryal ang butaw sa ulat pinansiyal sa publikasyon ng
publikasyon ng bawat estudyante, estudyante sa katapusan ng termino.
matapos ikonsulta sa kabuuan ng mga
estudyante. Sa publikong elementarya SEKSIYON 6. Gamit sa Pondo ng
at sekundaryang paaralan, ang Publikasyon ng Estudyante. Tanging
butaw sa publikasyon para sa bawat sa publikasyon ng estudyante lamang
estudyante ay hindi kailanman dapat magagamit ang mga butaw, di-
humigit sa itinatakda ng DECS Order nagastos na laang-gugulin, donasyon,
No. 40, s. 1986. grant, at iba pang pondong nakolekta

103
E S T I L O N G F I LI P I N O

para sa publikasyon ng estudyante. TUNTUNIN VII


Ang nakolektang salapi ay hindi PAGPILI NG MGA KAGAWAD NG
kailanman magagastos para sa PUBLIKASYON
mga bagay na hindi binabanggit sa
Seksiyon 2 ng Tuntuning ito. Ang SEKSIYON 1. Pagpili ng mga
paglabag sa tuntuning ito ng lupong Estudyanteng Kagawad ng
editoryal, sinumang kagawad na Publikasyon. Idadaan sa paligsahang
estudyante, gurong tagapayo, at/o eksamenasyon ang pagpili ng punong
administrador/opisyal ay maaaring patnugot at iba pang kagawad ng
maging dahilan ng reklamong publikasyon ng estudyante sa antas
administratibo at/o kriminal laban satersiyaryo. Ang eksamenasyon
lumabag. ay inihanda, isinagawa, at may
superbisyon ng komiteng binubuo
TUNTUNIN VI ng kinatawan ng administrasyon
TAGAPAYO NG PUBLIKASYON ng paaralan, isang guro, isang
praktisyoner sa mass media (na
SEKSIYON I. Tagapayo ng napagkasunduan ng administrasyon
Publikasyon. Pinipili ang gurong ng paaralan at lupong editoryal), at
tagapayo ng isang publikasyong ng dalawang naging editor na pipiliin ng
estudyante, sa antas tersiyaryo, ng papalabas na lupong editoryal.
administrasyon ng paaralan mula
sa listahan ng mga rekomendadong Sa mga publikasyon ng
pangalan na isinabmit ng mga estudyante sa elementarya at
kagawad ng publikasyon. Tungkulin sekundarya, kailangang pumasa sa
ng tagapayo ng publikasyon na isang eksamenasyong gagawin ng
magbigay ng gabay teknikal. isang komite (binubuo ng tagapayo
ng publikasyon ng estudyante at
Sa antas elementarya at magiging tagapangulo; papalabas
sekundarya, ganap ang pananagutan na estudyanteng editor bilang
ng gurong tagapayo--sa paggamit ng pangalawang tagapangulo, isang guro
espesyal na awtoridad ng magulang sa [not legible, tbe sourced from Senate
mga estudyanteng kagawad na menor or House]
de edad, katulong ang Samahan ng
Guro at Magulang--sa mga nilalaman TUNTUNIN VIII
ng publikasyon ng estudyante. SEGURIDAD NG
PANUNUNGKULAN
SEKSIYON 2. Load sa Trabaho/
Pagpapayo. Sa mga publikong SEKSIYON 1. Mga Estudyanteng
paaralang elementarya at sekundarya, Kagawad. Kailangang mapanatili ng
ituturing ang gawain ng isang isang kagawad ng publikasyon ng
gurong tagapayo sa publikasyon estudyante ang kanyang mahusay
ng estudyante, na isang (1) load sa na katayuang akademiko upang
pagtuturo/pagtatrabaho. manatili sa kanyang posisyon. Hindi

104
ESTILONG FILIPINO

siya mapapatalsik o masususpinde TUNTUNIN X


batay lamang sa mga artikulong WALANG BUWIS
kanyang sinulat, o batay sa pagtupad
niya sa kanyang mga tungkulin sa SEKSIYON 1. Eksemsiyon sa Buwis.
publikasyon. Alinsunod sa Talata 4, Seksiyon 4,
Artikulo XIV ng Saligang Batas,
TUNTUNIN IX hindi papatawan ng donor o gift
PRESS CONFERENCE/TRAINING tax ang lahat ng grant, endowment,
SEMINAR donasyon o kontribusyon na ginamit
nang aktuwal, tuwiran, at tanging sa
SEKSIYON 1. Mga press conference pagpapalaganap ng peryodismong
at training seminar. Magtataguyod pangkampus lamang, gaya ng
ng pana-panahong mga kompetisyon, isinasaad sa BR 7079.
press conference, at training seminar
ang Kagawaran ng Edukasyon, TUNTUNIN XI
Kultura, at Isports na lalahukan ng ng LAANG GUGULIN
mga estudyanteng editor/manunulat at
gurong tagapayo ng mga publikasyon SEKSIYON 1. Mga laang gugulin.
sa antas elementarya, sekundarya, at Sa unang taon ng implementasyon,
tersiyerya. Gagawin ang mga iyon pinahihintulutan ng BR 7079 na
sa antas ng institusyon, dibisyon, at kunin ang kabuuang halagang
rehiyon at magtatapos sa taunang limang milyong piso (P5,000,000.00)
pambansang press conference sa mga sa mga hindi nagastos na pondo ng
lugar na makasaysayan at/o tampok Kagawaran ng Edukasyon, Kultura,
na kalinangan sa bansa. at Isports. Pagkaraan, ang halagang
kakailanganin ay isasama na sa Batas
SEKSIYON 2. Gastos ng mga sa Pangkalatang Laang Gugulin.
Estudyanteng Kagawad ng
Publikasyon at Gurong Tagapayo sa
mga Press Conference at Training TUNTUNIN XII
Seminar. Ang mga gastos kaugnay MGA PANGKALAHATANG
ng pagdalo ng mga kagawad ng PROBISYON
publikasyon at ng kanilang mga
gurong tagapayo sa mga press SEKSIYON 1. Tutulong ang
conference at training seminar na Kagawaran ng Edukasyon, Kultura, at
dibisyonal, rehiyonal, at nasyonal, Isports (DECS) na tiyakin at padaliin
ay manggagaling sa pondo ng ang pagpapatupad ng Mga Tuntunin
publikasyon ng estudyante at sa mga at Regulasyon ng Batas Republika
laang gugulin. Blg. 7079. Aaksiyonan din nito ang
mga kaso na inihaharap sa kanya.

May orihinal na hurisdiksiyon


ang mga panrehiyong tanggapan

105
E S T I L O N G F I LI P I N O

ng DECS sa mga kasong bunga ng ng mga peryodistang estudyante at


mga desisyon, aksiyon, at patakaran mga gurong tagapayo, kasama na ang
ng lupong editoryal ng isang mga kinatawan ng administrasyon, at
paaralang may administratibong sa kondisyon pang lahat ng amyenda
responsibilidad dito. Magsasagawa ay umaalinsunod sa BR 7079.
ito ng mga pagsiyasat at pagdinig
sa gayong mga kaso at mag-uulat
ng mga desisyong ginawa sa bawat TUNTUNIN XIII
kaso sa loob ng labinlimang (15) araw BISÀ
matapos pagpasiyahan ang bawat
kaso. SEKSIYON 1. Bisà. Magkakabisa
agad itong mga Tuntunin at
SEKSIYON 2. Maaaring amyendahan Regulasyon sa pagpapatupad ng
ng Kalihim ng Edukasyon, Kultura, at Batas sa Peryodismong Pangkampus
Isports itong mga “Tuntunin” kapag ng 1991 matapos mailathala at
may mahigpit na mga dahilan para maipalibot bilang isang DECS Order
mag-amyenda, sa kondisyong bawat sa lahat ng paaralang publiko at
amyenda ay isasangguni sa mga pribado sa bansa.
kinatawan ng kinikilalang samahan

Pinagtibay ni:

(Lgd.) ARMAND V. FABELLA


Kalihim

Petsa: 19 Agosto 1992

Salin mula sa Ingles ng opisyal na kopya ng IRR ng Batas Republika 7079

106
ESTILONG FILIPINO

Apendise 7
MGA SIMBOLO AT MARKANG GAMIT SA PAG-
WAWASTO NG KOPYA AT PRUWEBA

Mula sa KWF Manwal sa Masinop na Pagsulat (Aklat ng Bayan, 2015; ikalawang


edisyon)

107
E S T I L O N G F I LI P I N O

Apendise 8
MGA TERMINO SA PERYODISMONG PANGKAMPUS

Filipino C
Ingles
kapsiyon
A caption

adbertisment / anunsiyo pagkapsiyon


advertisement captioning

adbertoryal kartun
advertorial cartoon

kolum
adbokasya column
advocacy
pagsulat ng kolum
artikulo column writing
article
kolumnista
columnist
B
komunikasyon
blog / blag communication
blog
komposisyon
blogging / blaging composition

blogging pinagsamang mga balita
composite news
pinakabagong balita
breaking news kopya
copy
brodkasting
pagwawasto ng kopya / pag-edit ng
broadcasting kopya
copy editing
byline
byline crop /krap
crop

108
ESTILONG FILIPINO

cropping / pagkrop F
cropping
lathalain / feature
feature
D
pagsulat ng lathalain
disenyo feature writing
design
flash report
desktop publishing / paglathalang flash report
desktop
desktop publishing kalayaan sa pagpapahayag
freedom of expression
komunikasyon sa kaunlaran
kalayaan sa impormasyon
developmental communication freedom of information

dokumentaryo
documentary
G

grapiks
E graphics

editing / pag-edit
editing H
ulo
editor / patnugot headline
editor
pagsulat ng ulo
editoryal headline writing
editorial
hypermedia
lupong editoryal hypermedia
editorial board
hypertext
kartung editoryal hypertext
editorial cartoon

pagsulat ng editoryal I
editorial writing
masusing ulat
in-depth report

109
E S T I L O N G F I LI P I N O

impomersiyal live na report


infomercials
live report

impograpiks live stream


infographics live stream

interbiyu
interview M

masusing ulat magasin


investigative report magazine

media
J media

peryodismo
journalism N

peryodismong pangkampus balita


journalism, campus news

Batas sa Peryodismong Pangkampus balitang lathalain
Journalism Act, Campus news feature

peryodismong online pagsulat ng balita


journalism, online news writing

peryodismong print diretsong balita


journalism, print news, straight

peryodista peryodiko / diyaryo / pahayagan


journalist newspaper

L
O
layout
layout online
online
lead
lead
online media
online media

110
ESTILONG FILIPINO

opinyon pagwawasto ng pruweba


opinion proofreading

tagawasto ng pruweba
P proofreader

pahina propaganda
page propaganda

layout ng pahina / mukha ng pahina ugnayang pangmadla


page layout public affairs

retrato
photo R

editing ng retrato radyo


photo editing radio

sanaysay retrato brodkasting sa radyo


photo essay radio broadcasting

potograpiya estasyon ng radyo


photography radio station

potoperyodismo produksiyong teknikal sa radyo


photojournalism radio technical production

peryodistang potograper radyo-tv


photojournalist radio-tv

larawan brodkast sa radyo-tv


picture radio-tv broadcast

pladyarisim / plagiarism report / ulat


plagiarism report

podkast
podcast S

pruweba agham / siyensiya


proof science

111
E S T I L O N G F I LI P I N O

editoryal sa agham aklat sa estilo / gabay sa estilo


science editorial style book / style guide

balita sa agham
science news T

pagsulat sa agham teaser


science writing teaser

iskrip telebisyon
script television

pagsulat ng iskrip estasyon ng telebisyon
scriptwriting television station

sound effect
sound effect V

soundbite video / bidyo


soundbite
video

isports / palakasan pag-edit ng video


sports video editing

editoryal sa isports boses / tinig


sports editorial voice

lathalain sa isports
sports feature
W
pagsulat sa isports
sports writing pahinang web
web page
standupper
standupper disenyo ng pahinang web
web page design
ID ng estasyon
station ID manunulat
writer

Tinipon bilang apendise sa Estilong Filipino, Gabay ng Guro at Mag-aaral sa


Peryodismong Kangkampus (Edisyong Eksperimental, 2020)

112
ESTILONG FILIPINO

Apendise 9
BAKIT “FILIPINAS”?
Ni Virgilio S. Almario

May tatlong pangalan ang ating bansa: “Filipinas,” “Philippines,”


“Pilipinas.” Ibinasbas sa atin ang una ng kolonyalismong Espanyol at
siya nating opisyan na pangalan sa loob ng tatlong siglo. Itinatawag
naman sa atin ang ikalawa ng imperyalismong Amerikano at opisyal
nating pangalan ngayon sa Ingles. Bersiyong Tagalog ng una ang
ikatlo at batay sa orihinal na titik ng lumang abakada.

Palagay ko, sintomamas ng ating pambansang pagkalito ang


pagkakaroon ng tatlong pangalan ng ating bansa. Hindi tayo magkaisa
kahit sa pagtawag lamang sa ating sarili. Angn panukala ko, panahon
na para magkaroon tayo ng opisyal na pangalan para sa ating bansa’t
republika at tulad ng inumpisahan ng Diyaryong Filipino, dapat tayong
kilalanin sa buong mundo bilang “Filipinas.”

Unang dapat burahin ang “Philippines.” Tatak ito ng patuloy


na pagiral sa ating utak ng pananakop ang Amerikano. Hindi nila
ito nagawa na Puerto Rico, Cuba, Mexico, Chile at ibang kolonya ng
Espanya. Bukod pa, may mga bansang nakapagpipilit ng kanilang
sariling pangalan sa UNO sa kabila ng Iningles na tawag sa kanila.

Ngayon, bakit hindi “Pilipinas”?

Una, sapagkat mas una at orihinal ang “Filipinas.” Ito ang


ibininyag sa atin ni Villalobos noong 1543 at pinairal ni Legazpi
noong 1565. Sa loob ng naaraang tatlong siglo ay kilala tayo sa Europa
bilang “Filiipinas” at sa ganitong pangalan ipinroklema ang kalayaan
ng ating bansa noong 12 Hunyo 1898. Higit nating maiintindihan
an gating kasaysayan—mula sa watak-watak na pulo tungo sa isang
pinag-isang kapuluan—sa pamamagitan ng pangalang “Filiipinas.”

Hindi ginamit kailanman ang “Pilipinas” kahit n gating mga


bayani sa panahon ng Rebolusyong Filipino. “Filiipinas” ang isinulat
ni Plaridel maging sa kaniyang mga tulang Tagalog. Ang lagi namang

113
E S T I L O N G F I LI P I N O

ginagamit ni Bonifacio ay “Katagalugan” –na maaaring bungna


ng pangyayaring kilala rin tayo noon sa ibang bnasa bansa bilang
“Tagalog” o “Tagalo.”

Lumitaw lamang ang “Pilipinas” sa mga akda ng mga kapanahon


ni Lope K. Santos nitong bungad ng ika-20 siglo at kaugnay ng
pagpapalaganap nila sa lumang abakadang Tagalog (na walang titik
F). Opisyal itong ginamit sa panahon ng Hapon at lumalaganap nitong
dekada 50 kaalinsabay ng pagtawag sa wikang pambansa bilang
“Pilipino.” Noon din kumalat ng alamat ni Jose Villa Panganiban na
ang “Pilipino” ay hindi Tinagalog na “Filipino” at sa halip ay mula sa
pinag-ugpong na pili at pino. (Nakalimutan niyang ang pino ay galing
din sa Espanyol na fino kaya imposibleng maging sinaunang katanian
ng ating lipi.)

Ikalawa, sapagkkat katatwa na ang wika natin ay “Filipino”


samantalang ang bansa ay “Pilipinas.”

Modernisado na ang ating alpabeto at kasama sa mga dagdag


na titik ang “F” hindi na “Pilipino” kundi “Filipino” an gating wikang
pambansa. Sagisag ng diwa ng moderninsasyon at pagiging pambansa
ng wika ang pagbabago ng unang titik mula sa “P” tungo sa “F.” Kaya’t
sagisag din ng patuloy nating pagdadalawang-isip at pagbabantulot
palaganapin nang puspusan ang “Filipino” ang patuloy pa nating
paggamit sa “Piliipinas.”

Ikatlo, sapagkat ang pagkakaisa na “Filiipinas” ang itawag


sa ating bansa ay makapagpapagaan din sa pagtuturo ng wastong
ispeling sa mga bagay na kaugnay n gating katangiang pambansa.

Halimbawa, sa ngayon ay dalawa ang paraan ng pagsulat sa


ngalan ngn mamamayan sa ating bansa. “Filiipino” an gating wika
pero “Pilipino” ang pambansang bandila. Maiiwasan natin ang
problemang ito kung “Filipinas” ang magiging opisyal na pangalan
n gating bansa. Lahat n gating katangiang pambansa—mamamayan,
halagahan (values), kultura, pilosopiya, atbp—ay isusulat sa iisang
pangalan (“Filiipino”) sa Ingles man o katutubong wika.

Siyempre, may kaugnay sa gastos ito para baguhin ang


“Pilipinas” o “Phililppines” sap era, karatula, letterhead, atbp. Medyo

114
ESTILONG FILIPINO

makaaasiwa ring bigkasin ang magiging inisyals ng “University of


Filipinas,” Kaya’t dapat maging sistematiko’t unti-unti ang pagbabago.

Anuman ang gastos, mas malaki pa rin ang mga praktikal at


historical na pakinabang natin kapag nagkaisa tayo sa “Filipina.” Isang
hakbang ito pasulong, isang susi para ipakita an gating determinasyon,
lalo na ngayong ipinagdiriwang natin ang ika-100 anibersaryo ng
kalayaan at nasyonalismong Filipino.

Unang lumabas sa pamagat na “Patayin ang ‘Pilipinas’” sa Diyaryo Filipino, 1992,


at muling nalimbag sa librong Filipino ng mga Filipino (Anvil, 2009)

115
E S T I L O N G F I LI P I N O

Apendise 9
WIKA, PERYODISMO, AT KASAYSAYAN
ni Virgilio S. Almario

Tsika: Ang nakalagay sa programa ninyo na paksa ko ay “Ang


Kabuluhan ng Wikang Filipino sa Peryodismo.” Pahintulutan ninyong
talakayin ko ito sa pamamagitan ng pagsipat sa kasaysayan ng
peryodismo sa Filipinas. May paniwala ako na higit kong maitatanghal
ang kabuluhan ng wikang Filipino sa peryodismo kung babalikan natin
ang naging kasaysayan ng peryodismo sa Filipinas sa loob ng nakaraang
dalawang siglo. Hindi ko nais talakayin ang buong kasaysayan. Sa halip,
kukuha ako ng ilang importanteng pangyayari sa kasaysayan ng ating
peryodismo upang mabigyan táyo ng wastong patnubay sa pagtingin
natin sa naging tungkulin ng peryodismo sa ating bayan at sa naging
mga pangunahing katangian ng peryodismo sa kasaysayan nitó. May
palagay din akong sa pamamagitan ng ganitong pagsipat pakasaysayan
ay maipaliliwanag natin ang mga isyu at problemang nais nating
talakayin hinggil sa peryodismo sa paaralan.

Sulyap sa Kasaysayan

Unang dapat usisain, kailan ba nag-umpisa ang peryodismo sa


Filipinas? Sa palagay ko, ibá-ibá ang sinasabi ng inyong teksbuk at
ng inyong titser. Depende sa saliksik o sa nabásang saliksik tungkol
sa kasaysayan ng peryodismo sa Filipinas. Halimbawa, may tulad ni
Jesus Valenzuela (1933) na nagsabing 27 Pebrero 1779 ang umpisa
ng peryodismo sa Filipinas. Bakit? Dahil nabása niya sa isang ulat
ng Español na lumabas sa petsang ito ang isang aviso hinggil sa
matagumpay na labanan kontra mga piratang Muslim sa Cavite at
Camarines. Ang mga avisos al publico ay parang newsletter o news
sheets ngayon. Maaaring may ibá at naunang aviso kaysa lumabas
noong 27 Pebrero 1779 ngunit dahil ito lang ang rekorded ay ito
lámang ang maituturing ni J. Valenzuela na umpisa ng nakalimbag na
peryodismo natin.

Nabanggit naman ni Alice Villadolid (2005) ang Sucesos felices


(1637) na nilimbag ni Tomas Pinpin. May mga nagpapahayag na

116
ESTILONG FILIPINO

ito ang unang diyaryo sa Filipinas. Na maganda, kasi lumilitaw na


Filipino—si Tomas Pinpin—ang unang peryodista. Tugmang-tugma
ito sa ating makabayang adhikain sa edukasyon. Ngunit lumilitaw na
ang nakatagong kopya nitó sa España at sa Lopez Museum ay isang
libro. Hindi diyaryo.

Subalit, para higit na maunawaan. Ano ba ang katangian ng isang


“diyaryo”(diario) o “peryodiko” (periodico)? Bukod sa naglalaman ito ng
balita, ito ay dapat na lumalabas nang regular sa takdang panahon—
arawan, lingguhan, tuwing kinsenas, o buwanan. Kayâ kung minsan
lang lumabas ay di puwedeng tawaging peryodiko. Mahirap ding
matawag na peryodiko kung lumalabas naman ito kung kailan lámang
maisipan ng may-ari o kung kailan lámang kailangang magkalat ng
balita ang may-ari, at sa gayon ay hindi regular ang paglalathala.
Ang ganitong pangyayari ay katulad lámang ng mga paskin, karatula,
patalastas, pabatid sa madla, pahibalo, at polyeto o leaflet ng mga
kompanya at opisina na may nais ibalita, ipakilála, ipagbili, o ibabalâ
sa madla.

Kayâ susundin ko ang kasaysayan ni Wenceslao G. Retana (1895 at


1906) na ang unang peryodiko sa Filipinas ay ang Del Superior Gobierno
na unang nalathala noong 8 Agosto 1811 at si Gobernador Heneral
Manuel Fernandez de Fulgueras ang nakatayông editor. Umabot ito
nang dalawang taón at hulíng lumabas noong 7 Pebrero 1812. Sa loob
ng naturang panahon, lumabas na ang ibáng peryodiko at isa nang
magandang negosyo ang peryodismo na may nagkokompetensiyang
mga lokal na peryodista at may-ari.

Titig sa Layunin ng Diyaryo

Ikalawang dapat isaalang-alang sa kasaysayan ng peryodismo ay


ang motibo o layunin sa paglalathala ng diyaryo, at kaugnay nitó, ang
target na mambabasá. Sa kaso ng Del Superior Gobierno, bahagi ito ng
pagpapalaganap ng impormasyon ng pamalaang kolonyal. Magulo
noon sa España at kayâ matindi ang interes ng mga Español na nása
Filipinas at mga mayamang Filipino na may kapamilya sa España na
masundan ang mga pangyayari doon. Gayunman, dahil umaasa lámang
sa balitang dalá ng mga barko mulang Europa at Mexico ay hindi
gaanong regular ang paglabas ng Del Superior Gobierno. Ang sumunod
na mga peryodiko, gaya ng Noticias Sacadas (1813) ay pribado ngunit

117
E S T I L O N G F I LI P I N O

naglalaman pa rin ito sa kalahatan ng mga pangyayari sa gobyerno—


mga bagong atas, bagong opisyal, mga giyera laban sa Muslim, at mga
opinyon hinggil sa kolonya. Kalaunan, dahil sa pagsigla ng komersiyo,
may mga peryodiko na tumalakay sa kalagayan ng negosyo at mga
produktong pangkalakalan, gaya ng buwanang Registro Mercantil de
Manila (1824).

Lingguhan ang mga unang peryodiko. Sapagkat kakaunti ang


balita mulang ibayong dagat, dinadagdagan ng mga peryodista
ang kaniláng pahina ng mga sari-saring opinyon sa pamamahala at
relihiyon, tsismis panlipunan, komentaryo sa sining at kultura, at mga
akdang pampanitikan. Ang unang arawan ay ang La Esperanza (1846)
na may regular na pahina para sa relihiyon, siyensiya, at sining. Ngunit
ang Diario de Manila (1848) ang naging pinakapopular at pinakamahabà
ang búhay na diyaryo sa buong ika-19 siglo. Nagkaroon diumano ito
ng mahusay na serbisyo sa pagdeliver sa mga suskritor sa buong bansa
na nagbabayad nang isang dolyar sambuwan, bukod sa pagdudulot ng
maraming uri ng impormasyon.

Pansinin na limitado sa mga marunong ng wikang Español ang


madla ng mga peryodiko. Sinasabi ring isang panahon ito ng “malayàng
imprenta,” lalo na sa panahong 1817-1821, hanggang noong itatag ang
Comisión Permanente de Censura noong 1856. Sa kabilâ niyon, lumabas
ang El Católico Filipino (1862), unang peryodikong relihiyoso ang
katangian at si Padre Pedro Pelaez ang unang editor. Naging boses ito
ng mga daing ng paring sekular at ng kilusan para sa sekularisasyon.
Namatay si P. Pelaez sa lindol noong 3 Hunyo 1863, pero ipinagpatuloy
ang kaniyang krusada ni Padre José Burgos, pinulot ng mga peryodiko
sa Madrid, at ginatungan pa ni Marcelo H. del Pilar.

Sa puntong ito, mahihiwatigan ang pangangailangan sa isang


diyaryo na kakausap sa madlang sambayanang hindi marunong ng
Español. Kailan ba nagkaroon ng wikang katutubo sa mga diyaryo?

Wika ng Mapagpalayàng Pagsulat

Palagì yatang binabanggit ang Diariong Tagalog ni M.H. del Pilar


bílang unang diyaryong bilingguwal—may lathalain sa Español
at sa Tagalog. Gayunman, nais kong pagbigyan ang palagay ni Jose
Esperanza Cruz (1938) na ang El Pasig, na unang lumabas noong 1

118
ESTILONG FILIPINO

Mayo 1862, ang unang diyaryo na gumagámit ng katutubong wika.


Tinutulan ito ni W. Retana dahil sa kaniyang pagsusuri, isa lámang
artikulo tungkol sa agrikultura ang nalathala sa Tagalog, at maging sa
Ilokano, sa naturang peryodiko.

Para kay W. Retana, ang Diariong Tagalog ang unang lehitimong


peryodikong bilingguwal. Ang buong mga tekstong nakalathala sa
Diariong Tagalog ay nása Español at Tagalog. Una itong lumabas noong
1 Hunyo 1882. Bukod sa tumawag ng pansin sa awtoridad ang mga
inilathalang “sentimyentong nasyonalista”—at kayâ naging sanhi ng
pagtakas ni M.H. del Pilar papuntang España—inabot ng maraming
malas ang diyaryo at nagsara pagkaraan ng limáng buwan noong 31
Oktubre 1882. Sabi ni Basilio Teodoro Moran, isa sa kapitalista ni
M.H. del Pilar sa proyekto, may 1,200 suskritor ang diyaryo sa unang
labas. Pero nawala ang mahigit kalahati nitó at naging 800 dahil sa
pagkalat ng kolera sa Maynila noong Agosto 1882. Nakabawi ito
bandáng Setyembre, pero nagdaan ang malakas na bagyo noong 24
Oktubre at nawasak ang asyenda ng tubó ni Moran. Napuwersa siyáng
mangutang para makabayad lámang sa suweldo ng mga empleado.

Ang Diariong Tagalog ang kinikilálang unang peryodikong


nagtampok ng mga aspirasyong liberal ng mga ilustradong Filipino.
Kahit ang unang direktor nitó, ang peninsular na si Francisco Calvo
y Muñoz ay nagtaguyod sa mga layunin ng diyaryo hanggang noong
umuwi siyá sa España at maglingkod bílang opisyal sa Cortes.
Ipinagpatuloy naman ni M.H. del Pilar, ang editor sa Tagalog at
filibustero furibundo, ang kaniyang layuning propagandista bilang
editor ng La Solidaridad.

Sa labas ng Maynila, ang unang peryodikong bilingguwal ay ang


El Ilocano ni Isabelo de los Reyes. Itinuturing din ito ni W. Retana na
unang peryodikong siyento porsiyentong itinatag, pinamatnugutan, at
isinulat ng isang Filipino dahil halos lahat ay ginawa ni I. de los Reyes.
Unang labas nitó ay Hunyo 1889 at dito ipinakíta ni I. de los Reyes ang
hilig sa karunungang-bayan o folk wisdom. Naitaguyod din ito ni I.
de los Reyes na lumabas tuwing ikalawang linggo hanggang 1896 at
nahinto dahil sa pagsiklab ng Himagsikang 1896.

119
E S T I L O N G F I LI P I N O

Tungo sa Monolingguwal na Katutubo

Subalit ang unang peryodiko na buong nása katutubong wika ay


ang Patnubay nang Catolico. Lumabas ito noong Abril 1890 at si Pascual
Poblete ang editor. Iisa ang di-Filipino sa staff nitó, ang Agustinong
si Fray Mariano Gil, at matatandaang nagsuplong sa Katipunan.
Kasáma ni P. Poblete sina Pablo Tecson, Joaquin Tuason, Mariano
Sevilla, Joaquin Caguicla, Román de los Angeles, Modesto Santiago,
Mariano Moxica, Marcelino Manguiat, Pedro Ocampo, Gabriel
Beato Francisco, Juan Evangelista, at marami pa na itinuturing noon
na mga pangunahing manunulat sa Tagalog. Hindi nagtagal ang
peryodiko. Ngunit itinatag naman ni Pascual Poblete ang El Resumen,
isang peryodiko na ayon kay W. Retana ay lantarang nagtaguyod ng
lunggating nasyonalista.

Ang totoo, sa tingin ng mga mananaliksik ngayon, naging


katulong, sa ibá-ibáng paraan at antas, ang mga sumulpot na
peryodiko sa panahong ito sa pagpapalaganap ng mga hiling na
reporma ng mga Propagandista. Magiging rurok sa direksiyong ito
ang mapanghimagsik na Kalayaan na lumabas noong simula ng 1896.
Sa pamagat pa lámang, isa itong separatistang publikasyon at kayâ
lihim ang limbagan at pook ng pagkalimbag, at puro sagisag-panulat
ang ngalan ng mga kontribyutor. Taglay ng mga tula, sanaysay, at katha
ang pangunahing ideolohiya ng KKK. Alam na natin ngayon na sina
Emilio Jacinto at Andres Bonifacio ang awtor ng mga akda sa Kalayaan
na “Sa mga Kababayan,” “Pahayag,” “Ang Dapat Mabatid ng mga
Tagalog,” at “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa.” Kasáma din ang sanaysay
na “Katwiran din naman!” ni Madlan Away (Pio Valenzuela) at ilang
balita. Magiging maalamat din ito sa kasaysayan ng peryodismo, dahil
may ulat na naging libo-libo ang kasapi ng Katipunan pagkaraang
kumalat ang unang isyu ng Kalayaan. Malinaw ding bunga ng
mapanghimagsik na layunin ay wika ng taumbayan ang ginámit ng
Kalayaan, na salungat sa wika ng La Solidaridad na ang pinupuntirya ay
mga mambabasáng liberal sa España.

Mga Limót na Bayani

Bílang pangwakas na sulyap sa kasaysayan ng peryodismo, nais


kong magpugay sa ilang tao na naging aktibo sa unang siglo ng
peryodismo sa Filipinas. Hindi ko nais magpugay sa mga Español

120
ESTILONG FILIPINO

bagaman dapat din siláng kilalanin. Subalit bukod sa mga dinadakila


nating bayani—Rizal, Plaridel, Lopez-Jaena, Bonifacio, Jacinto—nais
kong magpugay sa mga Filipino na maaaring nakakaligtaan natin
ngayon. Binanggit ko ang marami sa kanilá sa mga kontribyutor ng
Patnubay nang Catolico. At nais kong magtuon ng pagpupugay sa isa—
kay Pascual H. Poblete.

Hindi maganda ang tingin ni W. Retana kay Pascual Hicaro


y Poblete (1857-1921) dahil sa sigasig ng hulí na maglathala ng
popular na babasahín. Pinintasan din niya ang paggámit ni P.H.
Poblete ng mga peninsular upang kunwa’y maging kasapi sa may-
ari ng mga peryodiko, gayundin ang kahinaan sa pamamahala kayâ
hindi nagtatagal ang itinatatag na publikasyon. Subalit higit kanino
man noong peryodistang Filipino ay katangi-tangi ang sigasig ni
P.H. Poblete sa gawaing ito. Kapag sinaliksik pa, maaaring malakí
ang kaugnayan niya sa kilusang mapagpalayà kayâ dinakip siyà sa
umpisa ng Himagsikang 1896 at ipinatápon sa Fernando Po, Africa.
Itinuturing siyáng “Amá ng Peryodismong Tagalog.” Bukod sa
sumulat ng tula at dula, isa rin siyáng mahusay na tagasalin. Siyá ang
unang nagsalin ng Noli me tangere. Siya rin ang ikalawang nagsalin ng
Ultimo Adios kasunod ni Bonifacio. Nang mabigyan siyá ng pardon,
nagpunta siyá sa Madrid at nagtrabaho bílang tagasalin ng Bibliya.
Pagbalik niya sa Maynila, sumulat siyá ng mga makabayang sarsuwela
at muling nabilanggo. Kasáma siyá ni Isabelo de los Reyes sa pag-
organisa ng Simbahang Aglipay at isa sa mga tagapagtatag ng Partido
Nacionalista noong 1901.

Ngunit napakaliit ng espasyo ng ating paggunita sa kaniya. Gaya


rin ng pangyayari na maraming tulad niyang nagbuhos ng talino at
búhay para umunlad ang peryodismo ngunit hindi man lámang natin
napapansin.

Ferndale Homes
2 Marso 2020

121

You might also like