You are on page 1of 14

• MGA PANGUNAHING ALAGAD NG

WIKA
• HIGIT NA EPISYENTENG
ORTOGRAPIYA
ARNEL B. DE GUZMAN
PhD- Filipino
MGA PANGUNAHING ALAGAD NG
WIKA

Wala ito sa mapang pangwika, subalit napakahalagang maituon ang


limitadong lakas ng pagpaplanong wika sa mga pangunahing
tagapagpalaganap ng Filipino ngayon. Upang maorganisa silá bílang
nagkakaisang tinig at disiplinadong mga disipulo ng anumang kailangang
tuntunin at pagbabago. Dalawa ang pinakaepektibong
tagapagpalaganap ng Filipino ngayon: ang mga guro at ang
naglilingkod sa ugnayang-madla.
Ang mga guro sa batayang edukasyon ang tagahubog ng uri ng wikang
isasaloob at gagamitin ng mga kabataan. Ang mga peryodista at
brodkaster ang tagapagbalita ng pagbabago bukod sa silá rin ang
tagapagpalaganap ng estandardisadong anyo ng pabigkas at pasulat na
Filipino.
Kailangan ang mahigpit na pagkakaisa ng KWF at ng DepEd hinggil sa
reedukasyon ng mga gurong kasalukuyang nagtuturo at sa rebisyon ng
mga materyales panturo. Sa nakaraang panahon ng Surian at ng KWF,
hindi naging obligado ang mga guro sa pagbása at pagsunod sa mga
manwal pangwika. Gayundin ang nangyari sa mga manunulat at editor ng
teksbuk. Nagresulta ito ng ilang problema tungo sa estandardisasyon.
(1) Sinasalungat mismo ng mga manunulat ng teksbuk ang simulain ng
estandardisasyon. (2) Kani-kaniyang estilo ng pagsusulat ang
ipinasusunod. (3) May ilang mahalagang sangkap sa wastong pagtuturo
ng wika, gaya ng tuldik, ang kinaligtaan, samantalang inihilig ang mga
guro sa mga leksiyong panlingguwistika na hindi kailangan sa batayang
edukasyong pangwika. Sa gayon, kailangang palaganapin ang mga
pundamental na simulain tungo sa estandardisasyon sa hanay ng
kaguruan. Bukod pa rito, kailangan ang pagpaplano ng higit na
epektibong paraan ng pagtuturo ng Filipino, lalo na sa mga pook na di-
Tagalog.
Apektado din ng nabanggit na aktitud sa wika ang mga naglilingkod sa
mass media. Walang manwal sa estilo ang mga peryodiko at gayundin
ang mga estasyon ng radyo at telebisyon. Ni hindi sumasangguni sa isang
mahusay na diksiyonaryo ang mga peryodista at brodkaster. Samakatwid,
kailangang makampanya ng KWF ang sektor na ito upang maging
mabisàng katulong sa pagpapalaganap ng isang pangkalahatang
ortograpiya at iba pang manwal hinggil sa maayos na paggamit ng
Filipino.
Maisasabay na sa ganitong kampanya tungo sa estandardisasyon ang
pagbúhay sa diwa ng Executive Order No. 335 sa hanay ng mga
empleado at opisyal ng gobyerno. Makabuluhan din ang pagbubukás
ng diyalogo sa hanay ng mga malikhaing manunulat upang akitin
siláng tumulong sa estandardisasyong pangwika. Higit na magaang
ang pagtataas ng kampanyang pangwika kapag may matibay na
pagkakaisa ang iba’t ibang sektor ng lipunan sa ilalim ng pamumunò
ng KWF. Walang modernong wika ng karunungan na hindi muna
isinaayos ang ortograpiya. Na nangangahulugan ding isang
makabuluhang kampanya ang estandardisasyon tungo sa higit na
mabilis na kultibasyon (intelektuwalisasyon o modernisasyon) ng
Filipino.
HIGIT NA EPISYENTENG
ORTOGRAPIYA

Ang isinagawang reporma sa abakadang Pilipino, na naging 28-titik na


alpabetong Filipino nitóng 1987, ay isang makabuluhang instrumento sa
nasyonalisasyon at modernisasyon ng Wikang Pambansa. Pundamental na
kasangkapan sa tinatalakay na mga pambansang gampanin ang isang higit
na episyenteng ortograpiya. Ang F, J, V, at Z ay kumakatawan sa mga
tunog na matatagpuan sa maraming wika ng Filipinas ngunit wala sa
Tagalog at ibang malaki’t Kristiyanisadong wika. Samantala, ang naturang
apat at ang C, Ñ, Q, at X ay dagdag na mga titik upang higit na mabilis
maipasok sa pagsulat sa Filipino ang mga salitâng hiram sa banyagang
wika. Kung bagá sa ekonomiya, ang mga dagdag na titik ay pagluluwag sa
importasyong pangwika, lalo na sa larangan ng agham at teknolohiya at
siya namang mithi ng modernisasyon.
Ang bagong lathalang Ortograpiyang Pambansa (2013) at Manwal sa
Masinop na Pagsulat (2014) ng KWF ay mga dagdag na instrumento
upang higit na maitanghal ang bisà ng alpabetong Filipino. Nakasaad
mismo sa naturang proyekto ang di-tapos na misyon sa pagbibigay ng
kaukulang patnubay sa isang aktibo at nagbabagong wika. Pansamantala
ang bawat tuntunin ngunit nangangailangan ng higit na pagbubukás ng
isip ng guro at alagad ng wika upang unawain ang mga pagbabago.
Halimbawa, ang pagluluwag sa importasyong pangwika ay maaaring
isagawa sa pamamagitan ng tahasang paggamit sa orihinal na anyo ng
isang hiram na salita hangga’t hindi ito nasasalungat at nalalapastangan ang
dati. O kayâ hanggang dumating ang panahon na ireispel ito alinsunod sa
palabaybayang Filipino o matumbasan ng isang likhang salita. Sa
Ortograpiyang Pambansa ay nakapaliwanag na isang taktika ito upang
higit na mapabilis ang modernisasyon at hindi maging sagwil ang
maramihang paghiram para sa pagtuturo ng makabagong agham at
teknolohiya at produksiyon ng mga aklat at ibang materyales ukol dito.
Subalit nangangahulugan din ito ng alterasyon sa dáting paraan ng
panghihiram. At pangunahing mahihirapang tumanggap ng pagbabago ang
mga “Tagalísta” na nahirati na sa reispeling na paabakada ng mga
pangngalang pantangi.
Kung tumututol silá sa anyo ng “Filipinas” at sa paggamit ng “Filipino”
upang ipantukoy din sa mga tao at kultura, tiyak na ikamamangha nilá ang
“Español” “Americano” at “Jesucristo.” Matagal bago nilá maisasaloob
ang lohika at pangmalawakang episyensiya ng ganitong pagbabago.
Kailangan ang masipag na pagsubaybay sa
Filipino upang maging estandardisado ito at
maging modelo ng mga wikang katutubo.
Subalit hindi dapat tumigil sa mga alagad ng
wika sa mga eksperimento upang higit na
maging episyente ang ortograpiya nitó. Sa
tingin nga ni Johannes Aavik, pasimuno ng mga
reporma sa wika ng Estonia, maaaring maghalò
ng mga bagong tunog upang lumikha ng mga
bagong salita. Hindi ito gawain ng mga makata
lámang. Salita ang sentro ng wika at hindi
kailangang hiram lagi ang pampayaman sa
bokabularyo ng Filipino.
Maaaring mag-eksperimento sa mga bagong
konstruksiyong sintaktiko, paunlarin ang lawas
ng mga panlapi, at—sapagkat karaniwang
pinupuna na mahabà ang salita at pangungusap sa
Filipino— sikilin ang mabulaklak na
pangungusap, iwasan ang mapagparaming
panlapi, tipirin ang gamit ng “ng” kung hindi
naman masisira ang kahulugan ng prase o
pangungusap, atbp, upang higit na umangkop ang
Wikang Pambansa sa modernisadong
(siyentipiko at teknikal) uri ng pahayag. Sa
yugtong ito ng kultibasyon, higit na kailangan
ang isang payak, malinaw, at eksaktong pahayag
kaysa komplikado, elegante, at mahirap
maintindihang pangungusap.
MAKABAGONG
ABAKADA ORTOGRAPIYA

ALIBATA/BAYBAYIN ABECEDARIO
MARAMING SALAMAT SA PAKIKINIG 

You might also like