1. Ipaliwanag ang buong konsepto ng MODERNISASYON AT
NASYONALISASYON? May mga pananaw na palaging magkakambal ang modernisasyon at nasyonalisasyon. Pinatunayan naman na ang mga nangyari sa nagdaang taon ay naging lubhang mabigat na tungkulin ang nasyonalisasyon at modernisasyon bilang tambalama at nakaagapay na direksyon sa pagsusulong ng wikang Pambansa. Ang kawalan ng sapat na tangkilik ng pamahalaan na malinaw na makikita sa kawalan ng pondo para sa kaailangang gawin ng pambansang ahensyang pangwika at sa nawawalang target pangwika sa kabuuang pambansang planong pampolitika at pang kabuhayaan ay malimit na nagdulot ng problema kung alin sa kambal na direksyon ang dapat unahin at asikasuhin. Ang NASYONALISASYON ay magaganap sa pamamagitan ng pagpapayaman sa Filipino sa pamamagitan ng mga wika ng Filipinas. Ang MODERNISASYON ay mapapabilis sa pamamagitan ng ibat-ibang pandaigdigang wikang sinassangguni at hinihiraman ng edukasyong Filipino. 2. Ano ang suliranin kung ang wikang Pambansa ay hind naman wikang Opisyal? Ang pagpapaunlad ng Filipino ay sa pamamagitan ng paggamit lamang. Itoy alinsunod sa pakiwari ng mga dalubwika na hindi uunlad ang alinmang wika kung hindi ito gagamitin. Dahil ditto, ang pakiwaring pabayaam ,umamh umunlad ang wikang Filipino bago ito gamitin ay isang uri ng pag-iwas sa tungkuling makabahagi sa pagpapaunlad ng ating wika. Ang tanging dahilan kung bakit maraming salitang Ingles ang wala pang katapat o katumbas ng salitang Filipino ay sapaglat sa loob ng matagal na panahon ay itinigil ang paggamit nito. 3. Paano isasagawa ang modernisasyong Akademiko? Nangangailangan ito unang-una ng pagbabago ng pananaw sa pagtuturo ng Filipino sa antas ng tersarya. Ang ibig sabihin, kailangan ang paradigm shift sa hanay mismo ng mga alagad ng wika sa mga kolehiyo at unibersidad. Ang mga programa sa mga kagawaran ng Filipino ay pawing biktima ng patakarang bilingguwal sa edukasyon at kaya limitado sa paghahandog ng kaalaman at kasanayan saa wika, paniwikan, at agham panlipunan. Kailangan, sa gayon, ang ribyu ng mga direksiyon ng programa at nilalamang kurikular upang makapagbukás ng malaking espasyo sa pagtuturo ng ibang disiplina gamit ang Filipino. At nangangahulugan ito ng rebisyon ng layunin ng edukasyon sa Filipino, ng dagdag na kasanayan at kaalaman para sa mga propesor sa Filipino, at ng rebalidasyon ng Filipino sa buong gawaing akademiko. 4. Paano masosolusyunan ang suliranin sa Pambansang Wika?
Napakahalaga ang pagpaplanong wika upang maihanay ang mga takdang
gawain sa bawat takdang panahon at mapasimulan ang sámasámang pag-iisip at pagkilos ng mga alagad ng wika tungo sa pangkalahatan at pangmatagalang misyon ng Filipino— nasyonalisasyon at modernisasyon. Kailangan ang patnubay sa pagkilos ng bawat isa. Hindi tulad ngayong natatapos ang mga kumbensiyon at kumperensiya sa mga himutok dahil sa pagwawalang-bahala ng mga mariwasa at makapangyarihan. Ang totoo, at maaaring mangyari, kapag may malinaw na plano para sa nasyonalisasyon at modernisasyon ng Filipino ay bakâ makumbinsi din ang mga dominyo ng kapangyarihan upang tanggapin ang kabuluhan ng Wikang Pambansa para sa pagkakaisa at kaunlaran ng Filipinas. Sapagkat sa totoo lang, ang pagpaplanong wika ay isa lámang pagsisikap na makaimpluwensiya nang higit na mabilis, nang higit na organisado at sistematiko, sa pinakamalaking bílang ng tao sa lahat ng sektor ng lipunan.
5. Bakit sinasabing higit na epsiyente ang makabagong ortografiyang Filipino na
binubuo ng 28 titik?
Sa Ortograpiyang Pambansa ay nakapaliwanag na isang taktika ito upang
higit na mapabilis ang modernisasyon at hindi maging sagwil ang maramihang paghiram para sa pagtuturo ng makabagong agham at teknolohiya at produksiyon ng mga aklat at ibang materyales ukol dito. Subalit nangangahulugan din ito ng alterasyon sa dáting paraan ng panghihiram. At pangunahing mahihirapang tumanggap ng pagbabago ang mga “Tagalísta” na nahirati na sa reispeling na paabakada ng mga pangngalang pantangi.