Kinakaharap na Hamon ng Ortograpiyang Filipino at Pagsasalin Ikalawang Linggo
Bernardo F. Ramos EdD
A. Tunguhin 1. Naipaliliwanag ang bisyon at misyon ng PLM. 2. Naiaangkla ang deskripsyon at layunin ng kurso sa bisyon at misyon ng PLM. 3. Nakikisangkot sa talakayan ukol sa mga kahingian ng kurso gayundin ang inaasahan nila sa kurso. 4. Naisasalin sa wikang Filipino ang bisyon at misyon ng PLM. C. Lektyur Sa pag-aaral ni Fortunato (1991) na Ortograpiyang Filipino: Isang Pag-Aaral sa Istandardisasyon ng Wika , kanyang binigyan depinisyon ang tatlong mga susing salita.
Ortograpiya - tumutukoy sa paraan ng pagbibigay-simbolo sa
1 wikang pasalita sa paraang pasulat
Filipino - wikang pambansa, Unang binanggit ang Filipino na
2 wikang panlahat natin sa Konstitusyon ng 1973; pagkatapos ay sa Konstitusyon ng 1987.
Istandardisasyon - kumakatawan sa proseso ng pagiging
3 magkakaanyo, magkakahawig, o uniporme ng isang wika para sa higit na malawakang pagtanggap at paggamit nito. Apat (4) na kataliwasan sa pangkalahatang tuntunin na nauukol sa kasong Kambal-Katinig.
Kapag ang kambal-patinig ay sumusunod sa katinig sa
1 unang pantig ng salita. Halimbawa, “tIYA” (tia), “pIYAno” (piano),
Kapag ang kambal-patinig ay sumusunod sa dalawa o
mahigit pang kumpol-katinig (consonant cluster) sa loob ng 2 salita. Halimbawa, “ostIYA” (hostia), “impIYERno” (infierno), Ang pagpapanatili sa unang patinig ay isang paraan ng “pagpapaluwag” sa mga pantig Halimbawa, “induSTRYa” (industria) o “iMPLWeNSYa” (influencia) Apat (4) na kataliwasan sa pangkalahatang tuntunin na nauukol sa kasong Kambal-Katinig.
Kapag ang kambal-patinig ay sumusunod sa tunog na H.
3 Ang H ay isang mahinàng katinig kayâ naglalaho ito kapag walang kasámang patinig Halimbawa, “kolehIYo” (colegio), “rehIYON” (region).
Kapag ang kambal-patinig ay nása dulo ng salita at may
4 diin ang bigkas sa unang patinig ang orihinal. Halimbawa, “ekonomIYA" (economía), “pilosopIYA" (filosofía), "Nakakatawa ngunit totoo, ang pangunahing problema ng wikang ‘Filipino’ ay identidad.” - Virgilio Almario
Kumbensiyong Konstitusyonal 1934, napagpasiyahan na magkakaroon ng
isang katutubong wika na pagbabatayan ng wikang pambansa. Naging mainit ang pagtatalo sa pagitan ng mga Tagalog, Sebwano at Ilokano. Ngunit nanaig, dahil sa higit na bilang ng mga delegado, ang wikang Tagalog. Mula noon, di umano ay nabahiran na ng politika at mga pansariling interes ang pag-usbong ng ating wikang pambansa. “Para sa ating mag-aaral na tinuruan ng abakada nang nasa elementarya, marahil simpleng a-ba-ka-da lamang ang tingin natin sa ating alpabeto. Ngunit, ayon sa kasaysayan nito, napakayaman sa ideya ng pagka-Filipino ang kasalukuyang alpabeto.” - Lope K. Santos
Nagsimula ang alpabeto sa 17 titik (Tagalog na nakabatay sa Baybayin) na
naging 20 alpabeto noong 1972 at naging 28 titik noong 1987 hanggang sa ngayon. Ang walong titik (C,F,J,Ñ,Q,V,X,Z) na idinagdag noong 1987 ang “kumakatawan sa mga tunog na wala noon sa abakada ngunit nasa mga wika ng nasa Filipinas.” Ayon sa pananaliksik ni Espiritu, (2015) na Isang Pagsusuri sa Umusbong na Tuldik-Patuldok sa Wikang lokano at ang Ambag nito sa Ortograpiyang Filipino, ang tuldik o asento ay isang hudyat na dinaragdag sa isang titik upang mapalitan ang pagbigkas o malaman ang wastong pagkakabigkas sa isang salita.
Ang tuldik-patuldok ay umusbong sa pinagkasunduan
ng mga dalubhasa sa wikang Filipino upang magbigay solusyon sa kasalukuyang hindi magkasundong ginagawang pagtutumbas ng A o E sa bigkas na schwa, na karaniwan matatagpuan sa rehiyonal na wika pang- una na ang wikang Ilokano. “Ngayon ang panahon ng pagsasalin. Ngayon ang panahon upang lumahok sa iba't ibang gawaing pagsasalin—teknikal man o pampanitikan. Dagsa sa merkado ang mga gawaing nangangailangan ng pagsasalin. At dahil walang anumang ahensiya sa bansa na nangangasiwa o nagpapatrol sa mga gawaing pagsasalin, hindi matiyak ang pamantayang gagamitin sa pagsipat sa isang wasto at tamang salin partikular sa mga isinasagawang teknikal na pagsasalin. Sapat bang maisalin lamang ang impormasyon? O panahon na upang muling sipatin ang nakagawiang palagay sa praktika ng teknikal na pagsasalin? Habang patuloy na pumapasok ang mga pagbabagong dulot ng teknolohiya, pumapasok na rin ang iba't ibang kahingiang sitwasyonal at kontekstuwal sa pagsasalin. Bunga ng mga kahingiang ito, hindi na sasapat pa ang nakagawian sa pagsasalin. Mahalagang mataya ang mga umiiral na praktis sa pagsasalin at matiyak ang mga pagpapahalagang maaaring makaapekto sa magsasalin sa panahong ito.”
[Buban (2014), sa abstrak ng kanyang Ang Pagsasaling Teknikal:
Pagsipat sa Praktika at Pagpapahalaga] “Lampas sa pagiging lingguwistiko ang pagsasalin at mataas na kasanayang intelektuwal at karunungang pangkultura ang hinihingi nito sa sinumang naghahangad na maging tagasalin na walang pagsalang magtataksil sapagkat hindi kailanman makaiiwas sa mga pagtatakda ng paglikha o muling pag-akda. Dahil muling pag-akda, isang kabalintunaan na orihinal ang salin kayâ nakahuhulagpos ang tagasalin sa paratang na taksil.”
Coroza (2016) na “Taksil daw ang Tagasalin?” Isang
Pag-unawa sa Pagsasalin bilang Disiplina “ Lumabas sa pag-aaral na ang tumbasang angkat ang higit na ginagamit. Ibig sabihin, mas malawakan ang panghihiram sa dayuhang wika. Sinundan ito ng tumbasang leksikal. Pinaniniwalaang kung may nakatala nang tumbasan sa diksyunaryo, maaari na itong gamitin. Gayumpaman, isinasaalang-alang pa rin kung madaling mauunawaan at higit na popular ang itinumbas na salita. Sumasangguni ang mga editor at manunulat sa higit na pinagkakatiwalaang mga diksyunaryo at pinipili ang tumbasan na higit na gamitin sa alinmang diksyunaryong ito. Sinundan ng tumbasang kontekstwal. Limitado lamang ito sa register kung saan ang pagtutumbas ng salita ay ayon sa partikular na larangan. Samantala, ang tumbasang di-tiyak ay iilan lamang ang gumagamit dahil hindi malinaw kung saan nagmula ang salita o ang etimolohiya nito. Ang hindi gamitin ay ang tumbasang berbal o ang pagbabaybay ng salita ayon sa bigkas nito.”
[Torres-Rada (2017) na Estilo ng Pagsasalin sa Wikang Filipino
ng mga Teksbuk sa Araling Makabayan] D. Aplikasyon 1. Nasusunod ba ang mga alituntunin ukol sa pagbabaybay na isinasaad sa Ortograpiyang Filipino? Bakit? 2. Mayroon ka bang maimumungkahi kung paano mapapaunlad ang Ortograpiyang Filipino at gawin itong mas praktikal?Ilahad. 3. Isalin sa wikang Filipino ang PLM Vision and Mission. Sa ginawa mong salin, ipaliwanag ang bisyon at misyon ng PLM. Vision Guided by academic excellence, integrity, and social responsibility PLM is committed to pursue the principles of "Karunungan, Kaunlaran, Kadakilaan." D. Aplikasyon Mission The PLM Board of Regents, Management, Faculty, and Staff are committed: • To be recognized by the Philippines and ASEAN academic accrediting agencies as a premier university for its quality education, research, and extension services; • To ensure that PLM maintains a higher than the national average performance in all professional licensure examinations taken by its graduates; and • To continue to provide the students with an education that will give them a competitive advantage for employment opportunities. 4. Masasabi mo bang nakaangkla ang deskripsyon at layunin ng kurso sa bisyon at misyon ng PLM? Paano mo ito nasabi? Ipaliwanag. Saan tayo nakatuon? B I S Y O N Mabuting Balita Mateo 14, 22-33 Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo
Noong panahong iyon, matapos pakainin ang mga tao, agad
pinakasakay ni Hesus sa bangka ang kanyang mga alagad at pinauna sa kabilang ibayo samantalang pinauuwi niya ang mga tao. Pagkaalis ng mga ito, umahon siya sa burol upang manalangin. Nag-iisa siyang inabot doon ng gabi. Samantala, nasa laot na noon ang bangka at sinasalpol ng mga alon sapagkat pasalungat sa hangin. At nang madaling araw na’y sumunod sa kanila si Hesus na naglalakad sa ibabaw ng tubig. Kinilabutan sa takot ang mga alagad nang makita nilang may lumalakad sa ibabaw ng tubig. “Multo!” sigaw nila. Ngunit agad siyang nagsalita at sinabi sa kanila, “Huwag kayong matakot; si Hesus ito!” Mabuting Balita Mateo 14, 22-33
At nagsalita si Pedro, “Panginoon, kung talagang kayo iyan,
papariyanin ninyo ako sa ibabaw ng tubig.” Sumagot siya, “Halika.” Kaya’t lumunsad si Pedro sa bangka at lumakad sa ibabaw ng tubig, palapit kay Hesus. Ngunit nang mapansin niya ang hangin, siya’y natakot at nagsimulang lumubog. “Sagipin ninyo ako, Panginoon!” sigaw niya. Agad siyang inabot ni Hesus. “Napakaliit ng iyong pananalig!” sabi niya kay Pedro. “Bakit ka nag-alinlangan?” Pagkasakay nila sa bangka, tumigil ang hangin. At sinamba siya ng mga nasa bangka. “Tunay na kayo ang Anak ng Diyos!” sabi nila.
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
Paghimay-himay
Nagdasal si Hesus Naglakad si Hesus Lumunsad si Pedro sa Sinagip ni Hesus
sa burol. sa ibabaw bangka at lumakad sa si Pedro. ng tubig. ibabaw ng tubig, palapit kay Hesus Pagbabahagi "Sa sitwasyon natin ngayon sa harap ng pandemya, saan tayo nakatuon?" SALAMAT SA PAKIKINIG SALAMAT SA PAKIKINIG SALAMAT SA PAKIKINIG SALAMAT SA PAKIKINIG