You are on page 1of 2

Saranggola (buod)

Nag-umpisa ang kwento sa kagustuhan ng isang anak na magkaroon ng isang guryo. Ngungit sa halip na
ibilhan siya ng kanyang ama ay sinabihan nalang siya na bibigyan nalang niya ito ng kagamitan upang
siya nalang ang gumawa at tuturaan na lamang niya ito bumuo ng saranggola. Sinabihan ng anak ang
ama na mas gusto niya ang guryon, subalit hindi ito pinagbigyan ang anak kung kaya’t nainis ito sa
kanya.

Sa paglalaro ng bata ay lagi siyang tinutukso ng kanyang mga kalaro, bakit daw hindi siya maibilhan ng
ama ng guryon samantalang sila ang kaisa-isang nagmamay-ari ng gasolinahan sa kanilang bayan. Isang
araw ay natuwa ang bata sapagkat sobrang taas ang lipad ng kanilang saranggola, ngunit sa kasamaang
palad ay napatid iyon kaya’t umalagwa ang saranggola at nasampid sa isang balag. Buong pagmamalaki
pa rin ng ama sa bata na bagamat napatid iyong saranggola ay hindi ito nasira gaya ng ibang guryon.

Noong magka-katorse na ang bata ay nakalimutan niya ang lahat tungkol sa saranggola. Iba na ang
nagging toon ng kanyang pansin. Sa kanyang pag-aaral ay lagi siyang tinitipid ng kanyang ama, hindi siya
pinapayagang magkaroon ng mga bagay na hilig at nais niya sapagkat mahirap daw kitain ang salipi ani
ng kanyang ama. Ang mahalaga ay makapag-aral ito at mayroong mga disenteng kagamitang magagamit
sa paaralan. Hindi naunawaan ng bata ang paliwanag ng ama at nagkaroon siya ng hinanakit dito. Tinipid
siya sa lahat ng bagay, hinigpitan sa pagsama-sama sa mga kabarkada at madalas, pinatatao sa istasyon
ng gasolina at pinatutulong sa machine shop kung araw na walang klase. Tingin ng bata ay
pinahihurapan siya ng ama, nabanggit niya ito sa kanyang ina subalit sinabihan niya ito na hindi iyon
totoo.

Nang mag-umpisa na ang pasukan ay gusting kumuha ang anak ng kursong commerce ngunit hindi ito
pinayagan ng ama at sinabihan itong kumuha na lamang ng engineering sapagkat siya rin lang naman
ang magmamana ng kanilang negosyo. Minsan sa pagdalaw ng ina sa kanyang anak sa kanyang
dormitory ay nagsabi ang anak na ayaw na nitong mag-aral sapagkat tiis at pagtitipid daw ang ginagawa
sa kanyan ng kanyang ama. Subalit pinawi iyon ng kanyang ina. Nakatapos naman sa kolehiyo ang anak.

Binigyan siya ng limapung libo ng ama anak upang makapagsimula ng negosyo anak, ngunit sa halip na
matuwa ay nadismaya pa ito sa pag-aakalang ang negosyo ng pamilya ang ibibigay sa kanya ng ama.
Naghinanakit ang anak sa ama, kaya’t ang ginawa nito aynagpatayo din siya ng negosyo sa kanilang
bayan ng katulad ng negosyo ng kanyang ama na machine shop. Subalit sa kasamaang palad ay hindi
iyong nagtagumpay at inilit ng bangko ang kanyang negosyo. Hindi na binigyang ng ama ang anak ng
pang kapital sa pagkakataong ito kaya’t nagsiklab ang binata. Nakalimutan niya ang paggalang sa mga
magulang. Dumabog siya sa harap ng ama.

Nagkahiwalay ng landas ang mag-ama. Naglayas ang binata nang hindi man lamang nagpaalam kahit sa
ina. Nagpalipat-lipat sa kung saan-saang trabaho hanggang pagkaraan ng limang taon, Minsan dinalaw
siya ng kanyang ina at sinabihang gusto siyang makita ng kanyang ama, subalit ipinagkibit balikat lamang
niya ito. Nagpakagumon siya sa trabaho, naghanap pa ng mga bagong kontrata hanggang sa loob pa ng
dalawang taon, kilala na ang kanyang machine shop sa Pasay.

Minsan sap ag-uwi nito sa kanilang tahanan ay hindi niya nadatnan ang kanyang mag-ina, umuwi raw
ang mga ito upang patawirin ang kanyang ama. May poot na sumiklab sa kanyang dibdib. Nanlambot
siya sa galit. Ngunit sa pagkaunawang patawirin ang kanyang ama, nagbalik sa kanyang isip ang
masasayang sandali sa piling nito. Nagunita niya ang pagpapalipad nila ng saranggola.

Nagdisisyon siyang muwi sa kanilang bahay ngunit nadatnan na lamang niya na patay na ang kanyang
ama. May nabugnos na moog sa kanyang puso. Nahalinhan ng pagsisisi ang hinanakit. Nilapitan niya
ang ina at sa pagkakayakap dito, umiyak siya nang marahan, kasamang nagdadalamhati ang lahat ng
himaymay ng kanyang laman. Ngunit sinabihan siya ng kanyang in ana tumahan na sapagkat pumanaw
ang kanyang ama na walang sama ng loo ito sa kanyang anak at sa paghalik nito sa pisngi ng yumaong
ama ay nagunita na naman niya ang pagpapalipad nila ng saranggola. “Wala sa laki ng saranggola ang
pagpapalipad at pagpapatagal niyon sa itaas. Hayaan mo… tuturuan kita!” paliwanag na ama.

You might also like