You are on page 1of 14

Aralin 3.

1 Kontemporaryong Panitikan Tungo


sa Kultura at
Panitikang Popular
a. Panitikan: Popular na mga Babasahin
Pahayagan(tabloid)
Komiks
Magasin
Kontemporaryong Dagli
b. Wika: Antas ng Wika
Pormal
Di-Pormal
Balbal
• Alam mo ba na...
• May iba’t ibang midyum na ginagamit sa
paghahatid ng impormasyon, balita at iba’t
ibang palabas na maaaring napakikinggan o
napanonood ng mamamayan lalo na ng
kabataan sa kasalukuyan?
• Ang ilan sa mga ito ay ang tabloid, komiks,
magasin, internet, radyo at telebisyon. Ang
mga ito ay maituturing nating kumakatawan
sa kulturang popular ng mga Pilipino sa
ngayon.
Ano ang pahayagan ?

Ang pahayagan ,diyaryo o


peryodiko ay isang uri ng
paglilimbag na naglalaman ng
balita ,impormasyon at
patalastas ,kadalasang naka-
imprenta sa mababang halaga.
Kadalasang nailalathala
ito nang lingguhan o
araw-araw.
• Ang kauna-unahang
naimprentang peryodiko ay
nailathala noong 1605 , at
nakikipagsabayn parin ito kahit
umusbong na ang mga bagong
teknolohiya tulad ng radyo,
telibisyon at ang inernet.
Dahil sa pagunlad ng internet
malaking pagsubok ito sa
industriya ng peryodiko dahil dito
bumaba ang sirkulusyon nito kaya
ang iba ay lumilipat mula imprenta
sa internet online.
Ang pahayagan ay isang uri ng
naglalaman ng mahahalagang
balitang pambansa
,pandaigdig,lathalain ,anunsyo
at marami pang iba.
Isa sa kilalang uri ng
pahayagan ay ang tabloid .
Alamin nating kung ano ang
tabloid .
PAHAYAGAN (tabloid)

Mula noon hanggang ngayon, malaki


ang ginagampanang papel ng mga
balita sa pang-araw-araw nating
pamumuhay.
Magmula sa pagbalikwas sa higaan
hanggang bago matulog ay nakatutok
tayong mga Pilipino sa nangyayari sa
ating paligid.
Isa na ang pahayagan bilang isang uri
ng print media ang kailanma’y hindi
mamamatay at bahagi na ng ating
kultura.
Pansinin ang pagsusuring isinagawa ni
William Rodriguez mula sa kaniyang
blog sa Sanib-Isip tungkol sa tabloid.
Tabloid: Isang Pagsusuri
William Rodriguez II

“Sinasabing ang tabloid ay


pang masa dahil sa Tagalog ito
nakasulat bagama't ilan dito
ay Ingles ang midyum.”
Buhay na buhay pa rin ang industriya ng
diyaryo sa bansa dahil sa abot-kaya lang ang
presyo. Ang katibayan nito ay ang dami ng mga
tabloid na makikita sa mga bangketa.
Bumebenta pa rin, kahit ang mga balita ay
unang lumalabas sa telebisyon at naiulat na rin
sa radyo.
May sariling hatak ang nasa print media dahil
lahat ay 'di naman naibabalita sa TV at radyo.
Isa pa, hangga't naitatabi ang diyaryo ay may
epekto pa rin sa mambabasa ang mga
nilalaman nito.
Iba't iba ang dahilan ng mga tao kung bakit
nagbabasa ng diyaryo.
Mayroong hanap talaga ay balita, magbasa ng
tsismis, sports, literatura o 'di kaya'y sumagot ng
palaisipan.
Pinagsama-sama na yata ang lahat sa diyaryo
para magustuhan ng mga tao. Mainam itong
pampalipas-oras kapag walang ginagawa.
Sinasabing ang tabloid ay pang masa dahil sa
Filipino ito nakasulat bagama't ilan dito ay
Ingles ang midyum.
Bihira lamang maibalita ang
magagandang kaganapan sa ating
bansa. Ito kaya ay dahil sa itinuturo ng
aklat ng dyornalismo, na ang katangian
ng magandang balita ay nasa
masamang balita?
Sa kasalukuyan ay mayroong
humigit sa dalawampung national daily
tabloid ang nagsi-circulate sa bansa.

You might also like