You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region XIII-CARAGA REGION
SCHOOLS DIVISION OF SURIGAO DEL SUR
CARRASCAL NATIONAL HIGH SCHOOL
Nat’l. Highway, Gamuton, Carrascal, Surigao del Sur
PANGALAN: ___________________________________________ ANTAS: STEM/HUMMS/TVL 11
DESKRIPSYON: KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
ASIGNATURA: FILIPINO PAKSA: Wikang Filipino at Mass Media
Markahan: Una PETSA: Enero 11-15, 2021 (Ikalawang Linggo)

Magandang Araw! Ako ang sasama


sa iyo sa araw na ito.Handa ka na ba?

Tayo Na at Magbasa!
Mga Uri ng Palabas:
A. Tanghalan/Teatro
- Ang bulwagan, dulaan , tanghalan o teatro ay ang sangay ng ginaganap na sining na may
kinalaman sa pag-arte ng mga kuwento sa harap ng mga nakikinig na ginagamit ang salita,
galaw, musika, sayaw, tunog at panooring kahangahanga—tunay nga na isa o higit pa na
sangkap ng ibang gumaganap na sining. Karagdagan pa sa mga pamantayang istilo ng
diyalogo, kinukuha ng teatro ang iba pang anyo tulad ng opera, ballet, mime, klasikong sayaw ng mga
Indiyan, opera ng mga Tsino at pantomine.
B. Pelikula
- Ang pelikula, na kilala din bilang sine at pinilakang tabing, ay isang larangan na sinasakop ang mga
gumagalaw na larawan bilang isang anyo ng sining o bilang bahagi ng industriya ng libangan. Dahil
naging pangunahing tagapamagitan para sa pagpapakita ng mga gumagalaw na larawan ang letratong
pelikula sa kasaysayan, kadalasang tinutukoy ang larangang ito ng akademya bilang ang pag-aaral ng
pelikula.
- Isang anyo ito ng sining, at tanyag na anyo ng mga libangan, at negosyo. Nililikha ang pelikula sa
pamamagitan ng pagrekord ng "totoong" tao at bagay (kabilang ang inarte na pantasya at mga peke)
sa kamera, at/o sa pamamagitan ng kartun.
 Wika
- Ang pelikula ay mayroong sariling wika. Ayon kay Ingmar Bergman, si Andrei Tarjirjy ang kanyang
tinuturing na pinakamagaling na direktor sapagkat nagawa niyang isa-pelikula ang buhay sa paraang
makikita ito bilang isang panaginip. Ang wika ng pelikula ay mababatay sa pag-arte ng aktor na parang
nagsasalita ng personal sa tagapanood.
 Distribusyon
- Karaniwang pinoproseso ang mga pelikula upang maibahagi ito sa madla. Karaniwang mga propesyonal
na distributor ang gumagawa nito at maaaring ipalabas sa teatro, telebisyon, o personal na panonood sa
pamamagitan ng DVD-Video o Blu-ray Disc, video-on-demand, o pag-download mula sa internet. Dahil sa
mabilis na pag-unlad ng teknolohiya, mabilis na ring makapanood ng mga pelikula sa ibang nagbibigay ng
serbisyong ito gaya ng Netflix o maaari na ring makakuha ng mga pelikula online sa ilegal na paraan gaya
ng torrent.
 Montage
- Ang montage ay isang paraan kung saan hinahati ang parte ng isang pelikula at ito ay pinipili, inaayos,
binabago para makagawa ng mas magandang seksyon ng pelikula. Ang pinangyarihan ay pwede
magpakita ng isang lalaki na sasabak sa laban, na may sulyap ng kanyang kabataan at sakanyang buhay
noon. Kapag kumpleto na ang pelikula na ito, dito dinadagdagan ang mga pwede pang animasyon para
gumanda lalo ang pelikula.
 Pelikulang Pamumuna
- Ang pagkritik ng pelikula ay ang pagpupuha ng isang gawa batay sa mga rubriks. Ang pagkritik ay
masusuri sa dalawang kategorya, ang pagsuri ng mga akenemiko at ang pagsuri ng mga mamahayag na
kalimntang magbabasa sa mga diyaryo at iba pang matining na katinig.
Media at Pambansang Wika Ni Roland Tolentino
Media ang pangunahing daluyan ng pambansang wika, o ang popular nitong bersyon,
kolokyal na Tagalog, Filipino at Taglish. Maliban sa evangelical na palabas na nagbibigay-aral at
nanghihimok ng kumbersyon sa ingles, ang kalakhan ng free channels sa telebisyon ay gumagamit na
nitong Filipino.
Dati ay primetime telebisyon lang ang gumagamit nito. At simula ng pinakahuling balita sa gabi, lahat
ay bumabalik sa ingles, lalo na ang news magazine shows. Pero nahigop ito ng Filipino, lumawak ang oras at
palabas na tinaguriang “primetime,” at kung gayon, mas maraming oras ng advertisement na pinagkakakitaan
ng may-ari ng kompanya.
Magkabilang pisngi ng iisang mukha ang telebisyon bilang lunduyan ng pagpapalaganap ng
pambansang wika. Sa isang banda, ito na ang nakakapagpaunlad ng kontemporaryong Filipinong kauna-
unawa sa buong bansa. Ang kalakarang hindi kayang ilehislatura o isabatas hinggil sa pambansang wika ay
naisasakatuparan na ng popular na media.
At hindi nag-iisa ang telebisyon bilang pangunahing disseminator ng wika. Lahat ng AM stations sa
radyo ay gumagamit ng Filipino at mga wikang bernakular. Ang FM stations ay kinakailangan ding gumamit ng
Taglish kaysa ingles na may twang at slang dahil masyadong nae-alienate ang tagapakinig, lalo na ang
Amerikanong tagapakinig kapag ang DJs ay “pretend” (nagpapanggap na American native speaker).
Ito na rin ang nagsisiwalat ng isang Filipino ingles na binibigkas. Walang American twang, tadtad ng
idiomatikong expresyong pidgin o kakatwa lang sa Pilipinas, at may rekurso sa Taglish bilang performatibong
wika ng gitnang uring tagapakinig ng FM station. Ang umuunlad na pinapakinggang Taglish ang siyang
benchmark ng isang wika aspirasyonal para sa mababang uri na kahit man lamang ito—halong Tagalog at
ingles—ay makayanang maabot, at sa mataas na uri para makapagkomunikasyon sa sirkulo ng iniinugang
mababang uri, tulad ng kanilang katulong, driver, watch-your-car boy, nagbebenta ng sampaguita at yosi, at
iba pa.
Ang umuunlad na wika ay pragmatikong wikang kolokyal. Nasasapol nito ang aspirasyonal na layunin
ukol sa komunikatibong operasyon sa bansa. Na ang abang uri ay maari ring umangat—at the very least,
maging call cente agent—kung makikinig lamang ito ng Taglish sa popular media, mga bagay na hindi niya
lubos na matutunan sa akademikong kalakaran na purong Filipino o purong ingles lamang.
At ang mataas na uri ay maaring magkaroon ng reli (relevance) sa kinakausap na abang uri, dahil
marahil sa kauna-unahang pagkakataon, may nauunawaang popular na wikang pinaghahalawan ang
kumakausap at kinakausap. Para itong wika ng popular na pelikula, kahit mamilipit na ang mga karakter—na
ginagampan ng pinakabatikang batang artista—na magdiretsahang ingles, nakakapanghimok pa rin ang wika
ng aspirasyonal na lifestyle choice: edukasyon, career, pag-ibig, pamilya at gitnang uring buhay.
Na kahit nga abang uri ang mga tauhan at naratibo ng mga pelikulang popular, sa pamamagitan ng
gitnang uring panuntunan, ang punto-de-bista at pagpapahalaga ay maglilikhang hindi nakikita at
natutunghayan ang materialidad ng abang uri. Tanging ang aspirasyon ng gitnang uri ang tumitingkad. Kaya
ang ordinaryong assistant sa isang advertising company na babae ay mai-inlove sa kanyang masungit na boss,
at mai-inlove gamit ang wikang Taglish.
Sa internet, sinasabing ang sites na sa Filipino at bernakular ay mas maraming trafiko at hits kaysa sa
sites sa ingles. Umaariba na ang kolokyal na pambansang wika, at ang panuntunan ng gatekeepers ng ofisyal
na wikang pambansa ay, sa pangunahin, nakasentro sa usaping standardisasyon (baybay, panunumbas na
kahulugan, gamit sa pangungusap, at iba pa).
Sa kabilang banda, sa mas pragmatikong usapin, ang pagpapalaganap ng media ng kolokyal na
pambansang wika ay hindi naman dahil sa pagmamahal ng una sa huli. Mas atas pa ng pangangailangan ng
higit na kita ng media—isa sa mga huling negosyong nilinaw ng Konstitusyon na para sa mga Filipino lamang
—ang motibasyon ng pagtangkilik ng negosyong media sa wikang pambansa.
Narinig kong magsalita ang mga artista sa “The Buzz,” isang showbiz talk show. Si Shaina Magdayao ay
nagpapaliwanag kay Boy Abunda hinggil sa pang-aalipustang siya ang dahilan ng pagka-setback sa career ni
John Llyod Cruz. Ewan ko kung tipong inaabot ni Shaina o Gerard Anderson—na nagpapaliwanag naman sa
korte ng popular na publikong opinyon hinggil sa paghihiwalay nila ni Kim Chu–ang manonood na kalakhan ay
galing sa mababang uri, pero hindi sila makapagsalita ng tuwid na Filipino o ingles.
Ang kanyang rekurso ay paghaluin ito, at ito ang tagumpay ng pag-inhinyero ng media conglomorates
sa artista at wika: wala nang nasa labas ng kolokyal na wika, at ang pagpaminta ng ingles sa Filipino ay ang
pagsasanib ng higit na aspirasyonal na halaga ng wikang ingles sa Filipino. Hindi rin kakatwa na wikang ingles
ang inaakalang literal na magpapayaman sa nagsasanib nito sa wikang Filipino.
Hindi ba’t ingles ang siyang kolonyal na wika, at kasalukuyang tampok na global na wika sa ating insular
na mundo? Kahit pa sa boom economies ng India at China at ang pangangailangan ng maraming Filipinong
marunong ng wika ng mga ito para sa engagement sa mga bagong global na economic powers,
patuloy lamang ang pinupuntirya ng mga Filipino ay ang circuitous na pakikisalumuha via ingles?
Sa madaling salita, pambansang aspirasyon ang kolokyal na pambansang wika. Ang sentral na impetus
ay nanggagaling sa pambansang motibasyong makaalinsabay sa globalisasyon, o ang paghahanap ng lokal na
idioma sa global na kapitalismo. Hindi ito dumidiretso sa kalakarang global, ang pagpasok sa ekonomiya ng
India, China at iba pang umuunlad at mas mauunlad na bansa.
Ang trajektori ng aspirasyon ay tungo sa katagumpayan ng globalisasyon sa pambansang kondisyon:
ang higit pang penetrasyon ng global sa lokal. Ang kultural nitong pagsasalin ay nangangahulugan ng
mobilisasyon sa pamamagitan ng overseas contract work sa labas ng bansa at call center work sa loob ng
bansa. At media ang nagpako ng kasalukuyang estado ng pangarap ng mamamayan.
Ang kahulugan ng paglaganap ng isang kolokyal na wikang pambansa sa media ay nagsaad rin ng
nasyonal na agenda: sa pamamagitan ng kolokyal na wikang pambansa makakalahok ang bansa sa kolokyal
na globalisasyon. Nananatiling nasa laylayan ang bansa at ang wika nito tungo sa internalisasyon ng
globalisasyon. At dahil magpakaganito, tumitingkad ang materialidad ng di-pantay na penetrasyon ng
globalisasyon sa buong mundo.

Gawain 1

Panuto: Sagutin ang sumusunod na katanungan.

Gabay na Tanong: Ilagay ang sagot sa sagutang papel.


1. Magbigay ng halimbawa ng pelikulang na iyong napanood.
2. Anu-ano ang pagkakaiba nito ayon sa linggwahe at kultura sa lipunang Pilipino?
3. Sa iyong palagay, ano ang dahilan kung bakit lumawak ang sakop ng Filipino sa Primetime na palabas?

Gawain 2

Panuto: Sa nabasa mong impormasyon tungkol sa Mga Uri ng Palabas, kumpletuhin ang kahon sa pamamagitan ng
pagbibigay ng katangiang ng bawat uri ng palabas. Ilagay ang sagot sa sagutang papel.

TANGHALAN PELIKULA

Isang malakas na palakpak


para sa iyo! Mahusay!
Binabati kita.Natapos mo
ang mga gawain.
Hanggang sa muli.
Inihanda ni: Winasto at Sinuri ni:

GLORY ROSE P. ERAZO EMMA A. COMA


Guro sa Filipino Koordineytor

Pinagtibay ni: Sinang-ayunan ni:

ALBERTO C. ESTAMPA FLUELLEN L. COS, PhD


External Validator Punongguro IV

You might also like