Sa tatlong buwan kong pakikinig sa asignatura na ito, marami
akong natutunan. Sa unang tingin, ang mga aral ay isinalin lang lamang mula sa ingles. Medyo totoo naman ito sa aking opinyon, ngunit mas madali kong naintindihan ang mga aral na ito dahil nga ito'y nasa ating wika. May mga maliliit ideya na naunawaan at mayroon ring mga malalaking ideya na hindi ko pa nalalaman na itinuro. Dahil nabuksan ang aking isipan tungkol sa asignaturang ito. Gusto ko ring idagdag na nakatutuwa rin kung paano itinuturo ang mga aral.