You are on page 1of 1

VICTORINO, ANDREA MAE S.

REPLEKSYON
STEM191 PAGBASA AT PANANALIKSIK

Sa mga nagdaang linggo, marami akong natutunan sa asignatura


ng pagbasa at pananaliksik lalo na ang konsepto ng pagsisipi
dahil sa hindi ko nakasanayan ang paggamit nito lalo na sa
paksang Filipino. Masasabi ko rin na napadali ang aking pag-
iintindi sa iba pang mga konsepto dahil sa tuwing ako'y
nakakapagtanong tuwing sa klase, nasasagot ang mga tanong ko ng
mga sagot na detalyado kaya ako'y lubos na natututo, gayundin sa
mga gawain na kung saan nakatatanggap ako ng mga kritisismo at
mas maigi kong naitatama ang mga mali ko kaya ang konsepto ay mas
nagiging simple kapag ito'y aking napag-aaralan. Ang
pinakatumatak sa akin mula sa aking mga natututunan, hindi agad-
agad maiintindihan ang mga konsepto sa loob ng maikling oras kung
kaya't maigi itong pag-aralan at isapuso, maidaragdag din na sa
bawat gawain kahit na isa ito sa mga bagay na ikaw ay magaling o
hindi man, hindi ka laging magiging perpekto sa unang subok kundi
dadaan ka ng sandamakmak na pagkakamali bago ikaw ay lubusang
matuto. Pinasasalamatan ko rin si Bb. Chin sa pagiging
maaalalahanin at matiyaga pagdating sa pagtuturo at pagbibigay
konsiderasyon lalo na kapag kami ay nahihirapan sa mga bagay-
bagay.

You might also like