You are on page 1of 2

Pangalan: Kim Mary Jean DC.

Pecaña

I. Suriin ang halimbawa ng pagsusulit sa pahina 33-39 ng toolkit upang


maitala ang kalakasan at kahinaan nito.

Kalakasan kahinaan

1. Ang panuto ng guro sa pagtataya 1. Ang pagtataya ay dapat nakaangkla


ay malinaw, organisado, at at sa natutuhan ng bata. Kung gaano
madaling maunawaan. kataas ang antas ng natutuhan ng
2. Sa panuto rin ay malalaman ng bata sa aralin, dapat na ang
guro kung sumusunod o nagbabasa pagtuunan ng pansin ay ang
ang mag-aaral bago sumagot. tamang sagot. Ang bawas sa tama
3. Sumusunod sa layunin ng aralin na ng bawat maling sagot ay tingin ko
nais matamo. magiging dagdag kaba o takot sa
4. Inaalam ang natutuhan ng mag- bata.
aaral hinggil sa mga tao, obra, at 2. Hindi ganoon napagtibay ang mga
aral na mula sa mga akda. aytem na kakikitaan ng paggamit ng
5. Ang bawat pagpipilian ay mayroong kritikal na pag-iisip, halos mula sa
pinaka sagot, hindi rin nagdudulot mga impormasyong isinaulo.
ng kalituhan.
6. Sa parte ng PINASIDHING PAGKILALA SA
KATOTOHANAN AT KASINUNGALINGAN,
nalalaman ng guro kung paano sumuri ang
mga mag-aaral nang may binabatayan.
7. Ito ay tradisyunal na pagtataya o lapis
at papel na may inaasahang iisang
sagot mula sa mga mag-aaral.
8. Mayroong bahagi na may mga
pagpipilian at paggawa ng sariling tula
batay sa natutuhan.
9. kaalaman sa paksang-aralin gaya ng mga
pangyayari at impormasyon na madaling
makuha sa pamamagitan ng pag-alala.
10. Nagagamit sa paghahasa ng
pangkasanayang pag-iisip gaya ng pag
aanalisa at kahatulan.
11. Sinusubok nito ang isa lamang sa
kakayahan sa bawat aytem
II. Kumpetuhin ang sumusunod na mga pahayag.

Nais kong itanong sa aking guro ang mga dapat isaalang-alang sa pagsusuri
sa gagawing pagtataya na angkop sa aralin sa Filipino, gayundin ang mga
magiging praktikal na pagsubok sa amin upang mas maunawaan ang mga
kaalaman.

Ang pinakamahalaga kong natutuhan sa bahaging ito ay magsuri ng mga


aytem batay sa kung saang layunin o pamantayan ito nakaangkla. Natutuhan
ko rin na mabusisi rin ang paggawa ng mga tanong lalo at kaugnay rito ang
mga akda o araling tutukoy sa pagkaPilipino.

Kung gagawa ako ng sarili kong Pagtataya sa aking buhay-estudyante sa


panahong ito ng Bagong Kadawyan, ang reyalisasyon ko ay isalaang-ilang
ang mga pamantayang dapat sundin upang maging malinaw at konkreto ang
ibibigay sa mga mag-aaral. Maaari ding gumamit ng thematic instruction dito
upang maiugnay ang mga aralin sa panahon ngayon. Nang sa gayon
magamit ng mag-aaral ang kaniyang pagiging kritikal at replektibo.

Bilang magiging guro ng BFE sa hinaharap, pagsisikapan kong makinig at


matuto mula sa mga aralin na ibibigay ng aking guro sapagkat bukod sa mga
natutuhan ko sa mga nakaraang kurso ay higit din itong susi upang
mapagtagumpayan ko ang ganap na pagkatuto. Malaki ang bahagi nito bago
ako maging isang guro.

You might also like