You are on page 1of 12

Our Lady of the Pilar College – Cauayan

Cauayan City, Isabela


EPEKTO NG MGA AKADEMIKONG SULATIN NA
NAGLALAMAN NG MGA TAYUTAY, IDYOMA AT JARGON
SA KOMPREHENSYON, AT PAG-AARAL NG MGA MAG-
AARAL NG JUNIOR HIGH SCHOOL NG OUR LADY OF THE
PILLAR COLLEGE -CAUAYAN

Sulating Pananaliksik Bilang


Bahaging Pag-aaral sa Asignaturang
Filipino sa Piling Larangan
Unang Semester Taunang Panuruan 2017-2018

Ihinanda nina :
Stephano John Balingao Danessa Nightingail Bautista
Emmanuel Antolin Star Alyanne Dalit
Brian Jay Martin Lyka Camille Pascua

Ipapasa kay:
Gng. Jaylord T. Callica
Kabanata 1

Saliganan ng Pag-aaral

Panimula

Malaki ang naitutulong ng pagbabasa sa paglinang ng kaalaman

ng isang indibiduwal. Esensyal ito sa pag-aaral ng bawat mag-

aaral. Ito ang pangunahing makrong kasanayan na kinakailangang

matutuhan ng isang mag-aaral. Hinahasa nito ang komprehensyon ng

isa sa mga tekstong kaniyang binabasa. Ngunit paano na lamang

kung sa pagbabasa pa lamang,nahihirapan na ang isang mag-aaral?

Nahihirapan na nitong intindihin ang mga salitang hindi pamilyar

sa kaniya?

Isa sa mga hamon para sa bawat mag-aaral ay ang intindihin

at pag-aralan ang kanilang mga aralin lalong-lalo na kung wala

ang guro upang gabayan ang kaniyang mga estudyante;o kapag

kailangang maghabol ng isang mag-aaral ng mga aralin dahil wala

siya noong araw na talakayin ang aralin na iyon. Mahihirapan ang

isang mag-aaral sa pag-intindi ng kaniyang aralin kung hidni siya

pamilyar sa mga salita. Lalong-lalo na at mas maigi parin ang may

nagtuturo sa pag-aaral.
Ang pagbabasa ay ang pagkilala, pag-unawa, pagpapakahulugan

at pagtataya ng mga ideya sa mga nakalimbag na simbolo. Ito ang

pangunahing makrong kasanayan na kinakailangang matutuhan ng

isang idibiduwal upang mas lalong mapagyaman ang kaniyang

kaalaman sapagkat kaakibat nito ang apat pa na makrong kasanayan-

ang pasusulat, pakikinig, panonood at pagsasalita.

Ito ay isang kasanayang pangwika. Nalilinang ng isa ang

kaniyang kakayahan upang maintindihan ang isang teksto. Nahahasa

ang kaniyang bokabularyo na siyang nagagamit niya sa

pakikipagtalastasan sa kaniyang kapwa. Napapalawak ng isa ang

kaniyang angking talino sa pamamagitan ng pagbabasa. Dahil nga

kaakibat ng iba pang makrong kasanayan ang pagbabasa, nagiging

tulay ito upang magamit pa ang iba pang makrong kasanayan. Ngunit

paano naman kung sa makrong kasanayan pa lang na ito nahihirapan

na ang mag-aaral?

Habang umaangat ang baitang ang mag-aaral, tumataas din ang

antas ng bawat makrong kasanayan. Sa elementarya, simple at

mabababaw na mga salita pa lamang ang mga nakalimbag sa mga libro

kung kaya’t madali lamang para sa kanila na maintindihan ang

teksto. Ngunit habang tumutuntong ang isang mag-aaral sa mas

mataas pa na baitang, maraming nang nagsisilabasang mga malalalim


na salita. Mayroong mga jargon na bihira lang kung marinig. At

mayroong mga tayutay at idyomatikong pahayag na kahit na pamilyar

sa tainga ay hindi parin maintindihan dahil iba naman pala ang

kahulugan.

Sadyang malaki ang epekto ng mga salitang ito lalong-lalo na

sa komprehensyon ng mga mag-aaral. Halimbawa na lamang na

sitwasyon ay, nagbigay ng akda ang isang guro. Naatasang gumawa

ng repleksyon ang mga mag-aaral patungkol sa akda. Ang akda na

iyon ay akda pa ng isang sikat na manunulat noong unang panahon

tulad ni William Shakespeare. Talagang mahihirapan ang isang mag-

aaral sa pag-intindi ng akda sapagkat ang mga salitang ginamit sa

akda ay makaluma at hindi na ginagamit sa kasalukuyan. Idagdag pa

rito ang mga tayutay at mga idyomatikong ekspresyong ginamit sa

akda, na hindi mahahanap sa diksyunaryo angkahulugan.

Ayon sa International Reading Association, ang pagbasa ay pagkuha

ng kahulugan mula sa mga nakatalang titik o simbolo na

nangangailangan ng sumusunod:

a. Ang paglinang at pananatili ng kawilihan sa pagbasa;

b. Ang paggamit ng istratehiya upang makuha ang kahulugan ng

teksto;
c. Ang sapat na kaalaman o prior knowledge at bokabularyo na

tutulong sa pag- unawa sa teksto;

d. Ang kakayahan sa matatas na pagbasa;

e. Ang istilong gagamitin upang maunawaan ang salitang di

pamilyar; f. Ang kakayahang umunawa sa mga nakatalang salita

batay sa tunog o pagbigkas nito.

Halos lahat ng nabanggit ay tumutukoy sa kakayahan ng “isang

indibiduwal” na magbasa na sarili niya lang ang inaasahan.

Binigyang diin ng mga prinsipyong ito ang tao bilang isang

indibidwal na natututo sa pamamagitan ng kaniyang sariling

kakayahan.

Ayon kay McWhorter, ang pagbasa ay kailangan ng sapat na pag-

iisip at pang-unawa sa mga simbolong nakalimbag o mga babasahin

na kadalasang tinatawag nating teksto. Nahihirapan ang ilan sa

mga mag-aaral sa pagbabasa dahil salat ang kanilang kaalaman sa

mga simbolong nakalimbag at dahil kulang ang kanilang mga

bokabularyo.

Ayon kay Frank Smith sa kanyang isinulat na Reading Without Non

Sense (1997), ang pagbasa ay pagtatanong sa nakatalang teksto at

ang pag-unawa sa teksto ay ang pagkuha ng sagot sa iyong mga


tanong. Ganito ang ilan sa mga mag-aaral, nagtatanong ng mga

salitang bago lang sa kanilang pandinig. Ang ilan naman ay mas

pinipiling hanapin sa diksyunaryo o ibrowse sa websayt ang

kanilang mga katanungan kaysa magtanong.

Layunin ng Pag-Aaral

Pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay malaman ang mga

epekto sa komprehensiyon at pag-aaral ng mga mag-aaral ng mga

akademikong babasahin na naglalaman ng mga mahihirap na salita

tulad ng tayutay, idyomatikong pahayag at jargon.

Kabilang naman sa mga tiyak na layunin ng pananaliksik na

ito ay ang matugunan ang sumusunod:

1. Malaman kung paano nakakaapekto sa komprehensiyon at

academic performance ng mga mag-aaral ang mga akademikong

sulatin na naglalaman ng mga tayutay, idyomatikong

ekspresyon at jargon.

2. Malaman kung paano nila nasosolusyunan/ nalalaman ang

kahulugan ng salita sa oras ng pagsusulit.

3. Malaman kung ano ang nagiging tugon ng mga guro sa

kanilang mga mag-aaral na nakararanas ng problemang ito.


Konseptuwal na Balangkas

Ang pangunahing tuon ng pag-aaral na ito ay patungkol sa

dulot, implikasyon at epekto ng mga teksto, aklat o anumang

akademikong babasahin na naglalaman ng mga salitang hirap

intindihin ng mga mag-aaral tulad ng jargon, tayutay, at

idyomatikong ekspresyon na siyang nakaaapekto sa kanilang

komprehensyon at kalaunan ay sa kanilang pag-aaral o academic

performance.

Ginamit sa pag-aaral na ito ang System Analysis Approach

upang maipakita ang mga magiging input, mga magiging proseso at

ang magiging output ng pag-aaral.Makikita sa paradigma ang input

kung saan nakapaloob dito ang mga respondante (mga mag-aaral ng

Ika-11 baitang at mga guro) at mga katanungang;

1. Paano nakakaapekto sa komprehensiyon at academic

performance ng mga mag-aaral ang mga akademikong sulatin

na naglalaman ng mga tayutay, idyomatikong ekspresyon at

jargon?

2. Paano nakatutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral ang mga

nabanggit na pormal na pampanitikang mga salita?


3. Ano ang nagiging tugon ng mga guro sa kanilang mga mag-

aaral na nakararanas ng problemang ito?

Paradigma ng Pag-aaral

Input Process Output

I.Mga Respondante I.Pagsusuri ng datos Nasuring mga datos.


na nanggaling sa mga Kabuuang kasagutan
- Mga mag-aaral mula sa isinagawang
respondante at
mula baitang 7- pananaliksik. Tiyak
integrasyon ng mga
baitang 10. Mga na epekto at
obserbasyon nung
guro na implikasyong ng mga
kasalukuyang
nagtuturo sa sa Akademikong babasahin
pinapalaganap ang mga
mga nabanggit na na naglalaman ng mga
katanungan
baitang. mahihirap intindihing
II.Mga Katanungan na salita sa pag-aaral
nakaayon sa II.Interpretasyon ng ng mga mag-aaral mula
ginagawang mga natipong datos baitang 7 hanggang
pananaliksik baitang 10 OLPCC.

Feedback
Sa proseso naman makikita ang mga pagsusuri ng datos na

nanggaling sa mga respondante at integrasyon ng mga obserbasyon

nung kasalukuyang pinapalaganap ang mga katanungan.

Sa Output, nagkaroon na ng integrasyon ang mga nasuring datos at

nalaman na rin ang kabuuang kasagutan mula sa isinagawang

pananaliksik. Sa pamamagitan ng paradigma ,malalaman na ang tiyak

na epekto at implikasyon ng mga akademikong babasahin na

naglalaman ng mga mahihirap intindihing salita sa pag-aaral ng

mga estudyanteng nasa baitang 1 hanggang baitang 10.

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon lamang sa mga epekto at

implikasyon ng mga akademikong babasahin na naglalaman ng mga

malalim na salita o yung mga jargon, tayutay at idyomatikong

pahayag sa komprehensyon at pag-aaral ng mga mag-aaral.

Ito ay para sa mga mag-aaral lamang ng Our Lady of Pillar

College-Cauayan partikular na sa mga mag-aaral ng Junior High

School mula ika-pito hanggang ika-walong baitang. Mga gurong


nagtuturo lamang ng mga mag-aaral na nasa nabanggit na mga

baitang lamang ang kabilang sa pananaliksik na ito. Ang

pangangalap ng impormasyon ay iikot lamang sa mga respondanteng

nabanggit.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Sa mga Mag-aaral

Matutulungan ng pag-aaral na ito ang mga mag-aaral na malaman ang

epekto at implikasyon ng mga babasahing nagtataglay ng mga

mahihirap na salitain sa kanilang komprehensyon at pag-aaral.

Mabibigyan sila ng ideya kung paano masosolusyunan ang

mapapagyaman ang kanilang bokabularyo.

Sa mga Magulang

Matutulungan ng pag-aaral na ito ang kanilang mga anak upang mas

lalong maging matatas sa pagsasalita. Hindi na sila mababahalang

hindi papasa ang kanilang mga anak sa bawat asignatura.

Sa mga Guro

Magiging daan ang pag-aaral na ito tungo sa maganda at epektibong

pagtuturo ng mga guro sa kanilang mga mag-aaral. Mabibigyan ang


bawat guro ng ideya kung paano nila mas mapapalawak ang

bokabularyo ng kanilang mga astudyante.

Sa Paaralan

Magiging daan ito upang makagawa ng mga matatas at matatalinong

indibiduwal ang paaralan

Depenisyon ng mga Terminolohiya

Akademikong uri ng babasahin – mga babasahing dumaan sa masusing

pag-aaral bago nailimbag. Ang layunin ng mga ito ay magbigay-

impormasyon at pangaral ukol sa mga partikular na larangan.

Karaniwang ginagamit ang mga ito sa loob ng paaralan tulad ng mga

libro.

Idyoma/ Idyomatikong pahayag - isang pagpapahayag na ang

kahulugan ay hindi komposisyunal — sa ibang salita, hindi binubuo

ng tumpak na kahulugan ang mga kanya-kanyang salita na nabuo. Ito

ay di-tuwirang pagbibigay kahulugan at pagpapakita ng kaisipan at

kaugalian ng isang lugar.

Jargon - tumutukoy sa mga espesyal na salita o ekspresyon na

ginagamit ng isang partikular ng grupo ng mga taong propesyunal

at mga espesyalista.
Makrong Kasanayan – mga kasanayang ginagamit upang matuto ang

isang indibiduwal.

Tayutay – matlinghagang pahayag na ginagagamit upang bigyang diin

ang isang kaisipan o damdamin

You might also like