You are on page 1of 2

WEEKLY JOURNALS WEEK ENTRY NO: 1

DATE: October 24 & 26, 2022 TIME: 1:00-5:00PM


DURATION: 5 hours SECTIONS: Grade 10- St. Monica & St. JP II
RESOURCE TEACHER: Mr. Ronel S. Veloso TOPIC(s): Karapatang Pantao, Kasarian

A. LEARNING / TAKE AWAYS


Natutuhan ko na…
1. Sa simula pa lamang ng klase ay dapat makuha mo na ang atensyon ng iyong mga mag-
aaral at dapat maisatupad ang classroom management hanggang sa matapos ang iyong
klase sapagkat madaming pwedeng mangyari kapag hindi nakabaling ang atensyon ng klase
saiyo kung kaya’t kailangan mo silang madisiplina.
2. Bilang isang guro ay dapat mailapat mo ng maayos sa aktwal na klase ang nasa iyong
banghay aralin upang maging maayos ang takbo ng iyong klase.
3. Dapat rin na maging klaru ka sa lahat ng iyong sasabihin lalo na sa pagbigay ng panuto
kapag ikaw ay nagbibigay ng pasulit.
4. Kailangan mahaba ang iyong pasensya kung ang klase ay maingay o di nakikinig o di
kaya’y meron saiyong mga estudyante ang mahirap makahabol sa inyong tinalakay dahil sa
ito’y slow learner.
5. Mahalaga rin na palagi kang positibo na nakaharap saiyong mga estudyante at palaging
nakangiti para maaliwalas tignan ang iyong mukha habang nagtuturo nang sa gayun, ay
maingganyo silang makinig.
6. Kapag sasagot ang iyong mga mag-aaral kailangan mor in silang bigyan ng papuri para
sila’y maging aktibong makilahok saiyong klase.
B. PLAN OF ACTIONS
Bilang isang guro sa hinaharap, isasaalang-alang ko ang mga sumusunod:
1. Kailangan bago magsimula sa pagbukas ng bagong paksa bibigyan ko muna sila ng isang
pagganyak sa pamamagitan ng isang malikhaing pamamaraan upang sila ay maingganyong
makilahok sa klase nang sa gayon ay matuto rin sila.
2. Dapat kung pareho lamang ang paksa tatalakayin mo sa dalawang baitang ay dapat iba rin
ang iyong estratehiya o pamamaraan sa pagtuturo. Dahil iba-iba ang taglay na katangian at
mental na kapasidad ng iyong mga estudyante.
3. Bibigyang limitasyon ang pagkakaibigan ng guro sa kanyang mga estudyante upang
mapanatili ang kanilang respeto saiyo.
4. Bibigyang diin ko rin ang pagpapatupad ng classroom management upang mapanatili ang
kaayosan sa klase.
5. Bibigyang importansya ko rin ang pagrespeto sa bawat isa kahit ano paman ang iyong
kasarian o kahit sino ka man.
6. Pagkatapos ng klase ay magtatanong ako ng mahahalagang katanungan na maaring
iugnay sa totoong buhay at mag iiwan din ako ng mga salitang makakapagbigay inspirasyon
sa mga mag-aaral.

Prepared by: Noted by:


MHEA KIESHERIE ALEXIS L. BANUAG RONEL S. VELOSO
FS 2 Student FS 2 Resource Teacher

You might also like