You are on page 1of 1

WEEKLY JOURNALS WEEK ENTRY NO: 9

DATE: November 15, 2022 TIME: 1:00-5:00PM


DURATION: 5 hours SECTIONS: Grade 10- St. Monica & St. JP II
RESOURCE TEACHER: Mr. Ronel S. Veloso SUBJECT: Araling Panlipunan

A. LEARNING / TAKE AWAYS


Natutuhan ko na…
1. Mayroon talagang mga mag-aaral na hindi nakikinig sa mga panuto.
2. Ang pagkakaroon ng kulang sa plano sa paggawa ng gawain ng iyong mga estudyante ay
magdudulot ng kahirapan sa paghahanda at pagsisimula ng klase.
3. Dapat maging student centered rin ang iyong klase upang mas maingganyong matuto ang
iyong mga mag-aaral at bukod pa rito ay mas madami silang mga kaalaman na matututonan.
4. Ang mga motibasyon na gawain ay pamamaraan upang malaman kung gaano ka
interesado sa klase ang iyong mga estudyante.
5. Hindi lahat ng mga mag-aaral ang siguradong makikilahok sa klase kung kaya dapat
siguradohin ng guro na tumawag ng mga sasagot sa klase.
B. PLAN OF ACTIONS
Bilang isang guro sa hinaharap, isasaalang-alang ko ang mga sumusunod:
1. Mag presenta ng mga maayos na panuto sa klase upang maiwasan ang pagkalito ng mga
mag-aaral.
2. Sisiguradohin kong mayroon akong motibasyon na gawain palagi bago magsimula ang
klase upang maganahan at makuha ko ang atensyon ng aking klase.
3. Dapat kung anong nakalagay saiyong banghay aralin ay iyo itong sundin at kung meron
mang mga inaasahang pangyayari na wala rito ay kailangan mong magkaroon ng ibang
paraan upang maituwid ang klase.
4. Ang pagkakaroon ng student centered na klase ay paraan lamang upang magkaroon ng
tinatawag nating “quality education” at hindi lamang sa guro matututo ang bawat
estudyante kundi matututo rin sila base sa kanilang mga karanasan.
5. Dapat magkaroon rin ako ng mga gawain na akma sa mga kasalukuyang pangyayari
ngayon upang masigurado kung nakakarelate ang aking mga mag-aaral.

Prepared by: Noted by:


MHEA KIESHERIE ALEXIS L. BANUAG RONEL S. VELOSO
FS 2 Student FS 2 Resource Teacher

You might also like