You are on page 1of 1

WEEKLY JOURNALS WEEK ENTRY NO: 8

DATE: December 14, 2022 TIME: 1:00-5:00PM


DURATION: 5 hours SECTIONS: Grade 10- St. Monica & St. JP II
RESOURCE TEACHER: Mr. Ronel S. Veloso SUBJECT: Araling Panlipunan

A. LEARNING / TAKE AWAYS


Natutuhan ko na…
1. Bilang isang guro ay dapat maging bihasa tayo sa pagkuha ng mga impormasyon na
kinakailangan sa ating pagtuturo at di lang puro sa libro tayo nakatuon.
2. Ang pagkakaroon ng sapat na oras sa pagpaplano ay nagiging dahilan sa pagkakaroon ng
magandang daloy sa pagtalakay ng paksa sa klase.
3. Bago magtanong sa klase kapag nagkakaroon ng oral recitation ay mas maigi na basahin
muna ang tanong bago tumawag ng estudyanteng sasagot upang magkaroon na sila ng
ideya sap ag sagot.
4. Ang pinaka epektibong instructional material sa klase ay hindi ang mga papel na iyong
ipapaskil sa pisara at powerpoint presentation kundi ikaw mismo na gurong nagsasalita sa
harap at nagpapaliwanag sa iyong mga mag-aaral.
B. PLAN OF ACTIONS
Bilang isang guro sa hinaharap, isasaalang-alang ko ang mga sumusunod:
1. Dapat mo ring i prioritize ang pagkakaroon ng time management sa iyong bawat gagawin
sa klase.
2. Magkaroon ng limitadong oras upang matapos ng mga estudyante ang kanilang mga
gawain.
3. Bibigyang limitasyon ang pagkakaibigan ng guro sa kanyang mga estudyante upang
mapanatili ang kanilang respeto saiyo.
4. Magbigay ng mga maliwanag na panuto sa klase kapag nagkakaroon ng pasulit maaaring
ilagay ito sa powerpoint presentation, pisara at pagkatapos ay ulitin mo ito sa pamamagitan
ng pagpapaliwanag.

Prepared by: Noted by:


MHEA KIESHERIE ALEXIS L. BANUAG RONEL S. VELOSO
FS 2 Student FS 2 Resource Teacher

You might also like