You are on page 1of 1

WEEKLY JOURNALS WEEK ENTRY NO: 7

DATE: December 12, 2022 TIME: 1:00-5:00PM


DURATION: 5 hours SECTIONS: Grade 10- St. Monica & St. JP II
RESOURCE TEACHER: Mr. Ronel S. Veloso SUBJECT: Araling Panlipunan

A. LEARNING / TAKE AWAYS


Natutuhan ko na…
1. Kapag mayroong oral recitation mas maiging magbigay ng mga direktang jatanungan.
2. Mas mabuti na malaman ng mga mag-aaral na isinusulat ng guro ang bawat pagkakaroon
nila ng partisipasyon sa klase nang magkaroon sila ng motibasyon upang makilahok sa klase.
3. Dapat ang guro ay mag presenta ng digital timer kapag nagkakaroon sila ng pasulit or
aktibidad sa klase upang ma estima nila ang kanilang oras sa pag presenta at pag sagot.
4. Kapag hindi nakasagot kaagad ang estudyante sa tanong ay maaaring gumamit ng mga
simple at madaling intindihin na mga salita ang guro upang maintindihan ito ng kanyang
estudyante.
B. PLAN OF ACTIONS
Bilang isang guro sa hinaharap, isasaalang-alang ko ang mga sumusunod:
1. Ipaskil sa pisara ang mga regulasyon sa klase upang lagi nila itong maalala bago at
pagkatapos ng klase.
2. Ipakita sa klase ang iyong katanungan gamit ang Powerpoint presentation upang kanila
itong makita at mas maintindihan at iyo itong palawakin sa pamamagitan ng pag ulit sa
tanong.
3. Hindi ko dapat i pressure ang aking mga estudyante sa pag sagot dahil magiging dahilan
lang ito na sila ay mas lalong di makasagot dahil sa pangangamba nab aka mali ang kanilang
sagot.
4. Kapag mayroong mali sa sagot ng iyong mga mag-aaral ay dapat wag kang magalit bagkus,
ay pasalamatan mo sila dahil ginawa parin nila lahat ng kanilang makakaya.
5. Pagkatapos ng klase ay kailangan mong bigyan ng papuri ang iyong mga mag-aaral upang
sila ay mas maingganyo pang makilahok saiyong klase sa mga susunod pang araw.

Prepared by: Noted by:


MHEA KIESHERIE ALEXIS L. BANUAG RONEL S. VELOSO
FS 2 Student FS 2 Resource Teacher

You might also like