You are on page 1of 1

VICTORINO, Andrea Mae S. Gawain 10.

1 - Bionote
STEM191 Pagbasa at Pananaliksik

Bionote ni Andrea Mae S. Victorino

Si Andrea Mae S. Victorino ay isang ganap na


Character Designer sa kompanyang Ubisoft.
Siya ay 23 taong gulang at naninirahan sa
siyudad ng Pasay. Ipinanganak siya noong ika-1
ng Nobyembre taong 2002 sa probinsya ng
Calumpit, Bulacan. Siya ay nag-aral ng apat na
taon ng hayskul sa paaralang St. Mary’s
Academy-Pasay na kung saan siya ay
nakatanggap ng gantimpala na nagngangalang
“Best in Arts” ng Batch 2019-2020.
Maidaragdag din ang mga gantimpalang
natanggap niya sa mga paligsahan gaya ng
International Exchange Exhibition of Children’s
Art 2016 na kung saan ang kanyang iginuhit ay
naisalin sa lugar ng Narita, Japan. Kasama na rin ang MIDES o Mother Ignacia del Espiritu Santo
Art Contest na sinalihan niya na kinakailangang iguhit ang nasabing santo gamit ang iba’t ibang
tema at nakatanggap siya ng gantimpalang “Champion of Mixed Media Arts” . Sa kabila ng lahat
ng gantimpalang ito, siya ay nakapagtapos ng kursong Multimedia Arts (MMA) noong kolehiyo
sa paaralang Asia Pacific College sa siyudad ng Makati. Sa kasalukuyan, bilang Character
Designer, naisipan niyang sumali sa Ubisoft Game Design Mentorship na kung saan ang ang mga
aplikante ay kinakailangang gumuhit para sa mga espesipikong laro at makatatanggap ng paid
mentorship kung sila ay napili ng kompanya. Isa siya sa mga napiling aplikante at nakatanggap
ng oportunidad sa paid mentorship ng Ubisoft. Dulot nito, ginamit niya itong oportunidad sa
kanyang trabaho at patuloy niyang ipinamahagi ang kanyang talento sa pagguhit bilang isang
Character Designer sa Ubisoft.

You might also like