You are on page 1of 3

DEL ROSARIO, JENNETTE D.

BS DEVCOM 1A

1. Batayang kaalaman sa Pagbasa


Ang una ay ang Batayang Kaalaman sa Pagbasa na kung saan ay mas naliwanagan ako kung paano
nga ba ang tunay na pagbabasa dahil sa tuwing ako ay nagbabasa nawawala sa isip ko na dapat ay iniintindi
ko rin ang aking binabasa. Kung minsa kasi ako ay nagbabasa lamang na walang kasamang pag intindi. May
iba’t-iba mang mga kahulugan, ang nais lang naman nilang iparating ay ang kung paano nga ba maging
isang magaling na mambabasa. Napag alaman ko na ang pagbabasa pala ay isang “pscho-lingustics
guessing game” na kung saan ang pagbabasa ay para bang isang laro na kailanagan mong hulaan kung ano
nga ba ang susunod na mangyayari. Hindi mo pa man alam ang susunod na mangyayari ay alam mo na
kung ano nga ba ang magiging wakas ng isang teksto. Makakatulong ang mga araling ito sa akin dahil bilang
isang mag aaral ng BS DEVCOM, kailnagan kong magkaroon ng karagdagang kaalaman nang sa gayon ay
mas maunawaan ko ang aking mga babasahin na mga balita. Dahil dito ay mas naging maanuri ako sa aking
mga binabasa.

2. Mga Istratehiya sa Aktibong Pagbasa (Applebee, et.at, 2000)


Paano nga ba ako natuto sa paksang ito? Natuto ako kung paano mag predict, mag visualized, mag
connect, mag question, mag clarify, mag evaluate, at mag dagdag kung ano pa nga ba ang maaaring
mangyari sa kwento. Nagkaroon ako ng karagdagang kaalaman kung paano nga ba ang isang mahusay na
mambabasa. Dahil nga rin dito ay mas nagustuhan ko na gamitin ang mga estratehiyang ito sa tuwing ako
ay nagbabasa. Nagamit ko rin ito ng mahusay sa aming isinagawang gawain na kung saan ay kailangan
naming gamitan ng mga estratehiyang ito ang aming binasang teksto. Kaya naman napatunayan ko na mas
magiging epektibo o mas matututo nga talaga kung ang mga ito kung ito ay ating isasagawa.

3. Batayang kaalaman sa Pagsulat


Natuto ako dito sa pamamagitan ng pagsasagawa namin ng gawain na kung saan kami ay
nangangailangang gumawa ng isang spoken word poetry. Ito ang naging gabay ko ng sa gayon ay mas
maisagawa ko ng maayos ang aking gawain. Bilang isang mag aaral ng BS Development Communication, ito
ay makakatulong paglaon ng panahon dahil maaaring kami ay maging isang magaling na manunulat.
Natuto nga rin ako kung paano sumulat ng isang maayos na sanaysay, tula, spoken word poetry, at iba
pang klase ng literatura.
4. Batayang kaalaman sa Pananaliksik
Dahil dito mas naliwanagan ako kung ano nga ba ang pananaliksik dahil sa mga kahulugan na
ibinigay ng iba’t-ibang tao. Natuto ako kung paano nga ba magsagawa ng isang pananaliksik lalo na nung
kami ay nagsagawa na nga ng aming Term Paper. Nagamit namin ang mga prosesong nakapaloob dito ng
sa gayon ay mas maging maayos ang kalalabasan ng aming Terminong papel. Talaga namang masasabi
kong makakatulong ito dahil balang araw ay magagamit namin ito sa mas mahihira at marami pang mga
pananaliksik na aming gagawin. Ito ang magsisilbi naming gabay upang maging madali ang aming
pananaliksik.

5. Pagpapalawak ng Vokabularyo
Sa paksang ito natuto ako kung paano at kailan nga ba gagamitin ang gitling dahil sa totoo lamang
ay mkung minsan nakakalimutan ko kung paano, saan at kailan nga ba mag lalagay ng gitling. Kaya naman
kung minsan ito ang ginagawa kong guide ng sa gayon ay mas maging maliwanag sa aking ang paggamit ng
gitling. Nalaman ko na hindi lahat ng inggles na salita ay may katumbas na salita sa Filipino dahil kung
minsan ay binabago natin ang ispeling ng isang salita na Inggle ng sa gayon ay ito ay maging Filipinong
salita. Hindi na natin dapat ang baguhin ang ispeling ng isang salita kung wala naman itong katumbas sa
Filipino. Isang halimbawa nito ay ang salitag “cellphone” na nagiging “selpon” kapag ako ay nagsusulat ng
mga sanaysay na hindi ko na pala dapat pang baguhin. Nakatulong ito sa akin dahil mas naliwagan ako
kung ano, o paano gamitin ang gitling, ang paglalagay ng unlapi, gitlapi, hulapi, kabilaan at laguhan.

6. Mga Paraan sa Pagsusulat at Pagtutugma ng mga Salita sa Tula


Natuto ako kung paano magsulat ng isang tula at mas naging malinawa sa akin kung ilan nga ba ang
dapat na sukat ng tula. Nalaman ko rin na hindi pala naglalaman ng siyam na pantig ang bawat taludtod.
Nakatulong ito sa akin dahil sa susunod ay may basehan na ako kung paano sumulat ng isang magandang
tula. Hindi nga talaga magiging maganda kung ang isang tula ay may odd na bilang dahil nung ito sinubukan
kong I-apply sa aking gawain noon ay hindi naging maganda kaya naman pinalitan ko na lamang at noong
ang mga taludtod ay nasa even numbers na ay mas naging maganda at madali na lamang lapatan ng mga
tono at mas maganda na rin itong bigkasin.

7. Filipino sa iba’t-ibang Disiplina


Sa pamamagitan ng araling ito natuto ako kung paano ko gagmitin ang mga teknikal na mga salita
na kung saan ay nagamit nain upang kami ay makapag sagawa ng isang demo-talakayan. Nalaman ko ang
iba’t-ibang kaulugan ng mga salita sa iba’t-ibang disiplina halimbawa ng salitang “solution” na ang ibig
sabihin sa Chemistry ay timplada at ang ibig sabihin naman sa mat ay pagreresolba ng mga numero. Dahil
dito mas lumawak ang aking kaalaman pagdating sa mga teknikal na mga salita.
Sa pamamagitan ng pagsasagawa namin ng isang demo-talakayan maas nadagdagan ang aking
kaalaman. Ang mga ito rin ang siyang magpapaganda ng isang talakayan dahil ang mga ito ay nagmit ko sa
aking masining na paglalarawan sa aking iginuhit. Nagkaroon ako ng mga ideya kung paano ko
mapapaganda ang aking demo-talakayan.

8. Batis ng Informasyon at Batayang Kaalaman sa mga Teorya sa Pananaliksik na Akma sa Lipunang


Pilipino

9.

10.Pangkalahatang natutunan sa mga aralin at mga gawaing tinalakay at isinagawa


Marami akong natutuhan sa klase na ito lalo na sa tuwing kami ay nagsasagawa ng mga gawain.
Gawain na kung saan ay kung minsan ay nahihirapan ngunit napaka sarap sa pakiramdam lalo na kung
natatapos ang bawat isang gawain. Nagagamit ko ang aming mga pinag aralan ng sa gayon ay mas maging
mabuti ang magiging resulta. Sa pamamagitan ng subject na ito nadadagdagan ang kompyensa ko sa sarili
dahil sa pagbabasa at pagvivideo ng amig sarili tuwing kami ay may gawaing isinagawa. Kung minsan ay
nahihiya akong humarap sa camera ngunit habang tumatagal at nagsasagawa kami ng mga aktibidad,
nababawasan ang aking kaba. Walang halong biro o pambobola pero ang guro namin sa subject na ito ay
talaga namang nakaka bilib dahil bilang isang estudyante na sobrang mahiyain at walang kompyansa sa
sarili ay natulungan niya. Bilang mag aaral nga rin ng devcom ay kailangan naming gawin ito at ang mga
aral na natutunan ko rito ay aking magagmit sa pagdating ng panahon. Lubos ang pasasalamat ko sa guro
ko rito dahil sa mga aral at payo na ibinabahaagi niya sa amin.

You might also like