You are on page 1of 12

AKADEMIKONG

SULATIN
GROUP 3
PADILLA, WILMON JOHN A.
CABASAG, MA. CHRISTINE M.
PANEDA. JOARY C.
DULAY, GIAN CARLO H.
NADLANG. MARK KEVIN F.
MAPANAO, OLIVER FERDINAND F.
SAAN MADALAS MATISOD ANG MGA ESTUDYANTE
(KAHIT SA KOLEHIYO) SA PAGSUSULAT?
Vasil A. Victoria, Ph.D.

LIMANG MAKRONG KASANAYANG PANGWIKA


1. Pakikinig
2. Pagsasalita
3. Panonood
4. Pagbabasa
5. Pagsusulat
Sa aking karanasan bilang guro, saan nga ba madalas natitisod ang mga mag-aaral kahit
ng mga nasa kolehiyo? Kung tutuosin, ang mga karanasan kong ito ay hindi lamang totoo sa
tersyarya. Marami nang pagpapatotoo na magsasabing ito rin ang problema sa elementarya at
sekundarya. Ang realidad na ito ay hindi lamang totoo sa isang espesipikong lugar at/o paaralan.
Nangyayari ito kahit saang panig ng kapuluan. Ang pokus ng papel na ito ay sa asignaturang
Filipino.

Una, ang paglalagay ng “panipi” sa pamagat. May miskonsepsyong nagaganap sa


pagkakataong ito. Maglalagay lamang ng “panipi” sa isang pamagat kung ito ay nasa loob ng
pangungusap o talata. Hindi ito kailangan sa pamagat sapagkat nasa itaas nang bahagi ito ng
sulatin. Nangangahulugang nakatampok na ito. Ang paglalagay ng "panipi" ay muling
pagtatampok sa nakatampok na. Redundant ito. Paulit-ulit-ulit. Wasoy. Higit na malala ang
paglalagay ng salungguhit sa pamagat. Utang na loob. Wala pa akong nabasang librong may
salungguhit ang pamagat (o kung mayroon man, tiyak na may matinding dahilan gaya ng estilo).
Ikalawa, ang mismong pagsusulat ng pamagat. Akala ng iba, kung ano ang paksa,
tema at/o ipinapagawa, ito na rin ang pamagat. Nilalabag nito ang pamantayan sa pagpili ng
isang mahusay na pamagat. Bukod pa sa katotohanang iba ang pamagat sa tema, paksa at/o
gawain. Pamagat is not equal to tema o paksa o gawain. Makailang ulit ko nang napatunayan sa
mga paligsahan sa sanaysay partikular sa "Buwan ng Wika" na kung ano ang tema, ito na rin ang
nagiging pamagat. Hindi ito dapat. Ang tema ay ang nagsasabi at/o naglalarawan kung tungkol
saan ang paksa. Ang paksa naman ang pinakanangingibabaw na pinag-uusapan sa isang
sanaysay. Halimbawa, kung ang paksa ay "Pag-ibig." maaaring ang maging tema ay "Pag-ibig, hindi
man hanapin, dudulog-lalapit kung talagang para sa atin." Batay sa paksa at tema, ang malikhaing
manunulat ay mag-iisip ng kapansin-pansing pamagat na may kaugnayan sa nilalaman ng
kaniyang sulatin. Kaya sa ipinapagawang repleksyon, hindi "repleksyon" ang dapat maging
pamagat ng ganitong uri ng mga rekisito ng guro at/o propesor.
Ikatlo, kapansin-pansing hirap na hirap gamitin ng mga mag-aaral ang pang angkop.
Dito namumutiktik sa pula ang kanilang papel kapag ako na ay nagwawasto. Ang alam ko,
dayuhan lamang ang dapat mahirapan sa pang-angkop sapagkat wala sila nito. Pero hindi ko
maunawaan kung bakit hindi nila alam kung paano, kailan at bakit dapat gumamit ng pang-
angkop na na, -ng at n. Bagama't malaking debate kung ilan talaga ang pang-angkop sa Filipino
(may nagsasabing dalawa lamang, hindi kasali ang "n" at mayroon ding nagsabing isa lang talaga
ang pang-angkop), dapat pa rin itong magamit nang tama. Basic ito. Dapat alam ng isang mag-
aaral na Filipino na "pampadulas" ang pang-angkop sa pagsasalita at pagsusulat. Halimbawa ang
"matalino na bata," na dapat ay "matalinong bata." Ang sekreto lang naman na lagi kong sinasabi
sa aking mga estudyante, bago gamitin ang "na," unahin muna ang "ng" dahil kapag hindi nila
magagamit ang "-ng." malinaw na "na" ang gagamit nila.
Ikaapat, ang walang kamatayang sumpa sa wastong gamit ng gitling. Sa dami
ng bantas sa Filipino, gitling ang pinakatinotokhang sa pagsusulat. Hindi ko maunawaan
na simula pa sa elementarya ay naisaksak na dapat na lahat ng salitang ugat na inuulit ay
may gitling gaya ng "ano-ano," "sino-sino" at "sari-sari." Ang iba ay nagkakaroon na naman
ng miskonsepsyon gaya ng "ala-ala," paru-paro" at gamu-gamo." Hindi inuulit ang "alaala,
paruparo at gamugamo" sapagkat walang salitang ugat na "ala, paru at gamu." Maaari
bang sabihin na: "Ang ganda naman ng paru. Lumilipad ang paru at gamu. Halika't hulihin
natin ang paru at gamu."
Ikalima, lito ang marami kung saan ilalagay ang bantas kapag may "panipi." Sa
labas ba o sa loob ng panipi? Maaaring malaking debate ito sa panig ng mga editor o
patnugot. Ngunit batid kong ang bantas kapag may panipi ay nasa loob. Bakit? Simpleng
lohika, halimbawa ay nagsabi o nagsulat ka ng isang pahayag gaya ng Maraming
salamat po. Kapag naisulat mo na ang Maraming salamat po, awtomatikong dapat ito ay
may bantas sa hulihan na maaaring tuldok o tandang-panamdam. Ngayon, nais mong
idiin ang Maraming salamat po. Maglalagay ka ngayon ng panipi. Dahil may bantas na,
saan mo ngayon isisingit ang panipi kung ito ay nasa loob at huli ang bantas? Buburahin
mo ba? Buti kung naka-encode at madaling mag-erase sa pamamagitan ng ilang pindot.
Paano kung bolpen ang ipinansulat? Ang paglalagay rin ng panipi ay naghuhudyat na
isang diyalogo o kung hindi man ay monologo ang isang pahayag. Kung gayon, kapag
isinusulat ang mga salitaan, dapat lamang na mahuli ang panipi bago ang bantas na
gagamitin sa pinakadulong bahagi nito.
Ikaanim, ang wastong gamit ng mahaba at maikling ng. Sabi pa nga ng isang
estudyante ko, paano raw gagamitin ang "malaking NG" Malaking "ng?" Walang malaking
"NG." Lima lang naman ang sekreto sa wastong gamit ng mahabang "nang." Kapag
namaster mo na ito, huwag mo nang isipin ang wastong gamit ng maikling "ng" Bakit?
Simpleng lohika, kapag hindi tama sa limang gamit para sa mahabang "nang," ang
gagamitin ay maikling "ng." Lagi kong idinidiin sa aking mga estudyante na huwag laging
pahirapan ang sarili unless masokista sila. Ang wastong gamit ng mahabang "nang" ay (1)
katumbas ng noon (when sa Ingles.) "Noong bata pa ako ay hilig ko ang maglaro." "Nang
bata pa ako ay hilig ko ang maglaro." (2) Katumbas ng para o upang. "Pumunta ka sa
ospital para/upang magamot ka. "Pumunta ka sa ospital nang magamot ka. (3) Kapag
may magkasunod na "na at na."
Hindi natin namamalayang may naisusulat tayong magkasunod na "na at na" gaya ng
komersiyal noon ng Coke na "Panahon na na magkapera at yumaman." "Panahon nang
magkapera at yumaman." (4) Kapag napapagitnaan ng salitang inuulit kahit pa may singit.
Halimbawa ang "tawa nang tawa," "daldal siya nang daldal" at "iyak ako nang iyak." (5) Kapag
ginamit ito sa pang-abay na pamaraan at panggaano. "Mag-aral ka nang mabuti." Paano ka
mag-aaral? Nang mabuti. Ito ay pang-abay na pamaraan. "Bumigat ako nang limang kilo?"
Gaano ka bumigat? Nang limang kilo. Ito naman ay pang-abay na panggaano.

Ikapito, ang wastong gamit ng "din at daw” at ang kalaban na "rin at raw." Ang
sabi ko sa aking mga estudyante, kung hindi ninyo alam kung paano at kailan ito gagamitin,
isa lang ang sekreto, huwag ninyong gamitin sapagkat ang mga ito na tinatawag na pang-
abay na ingklitik, kataga at/o paningit ay maaari namang tanggalin sa mga pangungusap.
Ganito lang kasimple at kadali ang tuntunin.
Ikawalo, ang kilometrikong pangungusap. Sabog na sabog ang mga
pangungusap na mahahaba. Sabi ni Father Joel Tabora, tandang-tanda ko na “walang tatalo
sa maikling pangungusap.” Hindi napagtatanto ng mga estudyante na iba ang pasulat sa
pasalitang diskurso. Bagama’t malaking debate na naman ito sa hanay ng mga edukador. Sa
pagsasalita, sadyang tuloy-tuloy ang bulwak ng salita kasi ito ang nagaganap sa pag-uusap.
Pero iba sa pagsusulat. Kailangang putol-putulin ang pahayag upang maging malinaw at
organisado.

Minsan, may isa akong estudyanteng gumawa ng repleksyon. Sa buong diskurso ng


kaniyang panulat, isang tuldok lamang ang ginamit. Utang na loob, Marimar. Maawa ka, Sergio.
Sabi ko sa kaniya, kapag nakaya mong basahin ito nang tuloy-tuloy at walang hinto, saka ko
lang tatanggapin ang papel mo. At ipinasubok ko sa kaniyang ipabasa. Hayun, hirap na hirap
sa ilang pangungusap pa lamang. Umpisa pa lang iyon ng pagbabasa. Paano kung buong
repleksyon nang iisa lang ang bantas na ginamit? Tandaang apat lang naman ang kayarian ng
pangungusap: payak, tambalan, hugnayan at langkapan. Baka may ikalima na!? Hindi ko alam!
Ikasiyam, ang ispeling. Hirap na hirap pa rin ang mga estudyante sa tuntunin
mula sa Ortograpiyang Pambansa (OP). Kung tutuosin, pinakamatinong pamantayan na ng
pagsusulat sa wikang Filipino ang OP. Ang sekreto lamang ay isang mahusay na
pagpapaliwanag sa likod ng mga dahilan at katwiran sa pagbabago sa baybay ng isang
salita lalo na sa Filipino. Inaanyayahan ko kayong dumalo sa aking mga paseminar at
siyento porsiyentong maliliwanagan kayo hinggil sa usaping ito. Isa pa, pakibasa ang mga
sanaysay nina Dr. Virgilio S. Almario at ng Komisyon sa Wikang Filipino.

Ikasampu, ang pagiging inkonsintent sa panghalip. Iba-iba ang paninging

ginagamit sa isang sanaysay ng ilang mag-aaral. May “ako.” Maya-maya ay magiging


“ikaw.” Sa dulo ay nagiging “tayo.” Paglilinaw para klaro: Kung ako, ako. Kung ikaw, ikaw.
Kung tayo, tayo. Ang mahirap nga ay hindi tayo! Ikaw iyan, okay?
Panghuli, ang estilo sa pagsusulat ng simula at wakas ng isang sanaysay.

Tandaang ang dalawang ito ang madalas na hahatol kung gaano kahusay ang isang
sulatin. Kung ang simula ang “pang-akit,” ang wakas naman ang “latay.” Ang mahirap,
laging tanong ang estilo ng simula. Ang wakas ay tanong pa rin. Pati ba naman ang
nilalaman? Patawara kita!

Natamaan ka ba? May panahon pa. Hindi pa huli ang lahat.

You might also like