You are on page 1of 14

1.

Abstrak

Ito ay karaniwang ginagamit sa pagsulat ng akademikong papel para sa tesis,papel


siyentipiko at teknikal, lektyur at report. Layunin nitong mapaikli o mabigyan ng buod
ang mga akademikong papel.

Katangian
Hindi gaanong mahaba, organisado ayon sa pagkakasunod sunod ng nilalaman.

Paraan sa pagbuo ng Abstrak


1. Magtungo sa silid-aklatang panggradwado o dili kaya'y manaliksik sa Internet ng mga
papel panaliksik ayon sa kinawiwilihan mong mga paksa.
2. Basahin nang may lubos na pag-unawa ang buong papel. Bigyang-tuon ang
mahalagang sinasabi ng layunin, sakop, at delimitasyon ng pag-aaral, pamamaraan,
resulta, kongklusyon, at rekomendasyon, at iba pang mga bahagi.
3. Siyasatin kung ang lahat ng mga bahaging binanggit ay nakaugnay sa tema ng paksa
(pamagat) ng pag-aaral. Kung nagkakaisa ang ayos ng mga pahayag at ideya nito, ibig
sabihin, mahusay na naisulat ang pag-aaral.
4. Siyasatin din kung ang mga nakalagay na pangalan sa bibliyograpiya ay nagamit sa
pagpapatibay ng mga pahayag.
5. Sa pagsulat ng abstrak ng papel-pananaliksik, mahalagang lagumin lamang ang
pinakapaksa nito mula sa naging kahalagahan at naging implikasyon ng pag-aaral.
6. Kailangan na ang abstrak na isusulat ay binubuo lamang ng 200 hanggang 500 salita.
7. Isunod sa proseso ng pagsulat ang paggawa ng abstrak upang mapadali ang gawain.

Halimbawa:
 KASANAYAN SA PAGSASALITA NG MGA MAG-AARAL SA IKA-APAT NA TAON
ABSTRAK
         Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa
ika-apat na taon ng pambansang mataas na paaralan ng Talevera,Nueva Ecija. Hinangad
sa pag-aaral na ito na matanto ang antas ng kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral
sa mga sining pangtanghalan tulad ng pasalitang pagkukuwento, pagtatalumpating
impromptu at ekstemporenyo. Saklaw ng pag-aaral na ito ang labing limang (15) mga
mag-aaral na mag-rebyu sa ika-apat na taon. Nalimita ang pag-aaral sa kasanayan ng
mag-aaral sa pagsasalita sa mga gawaing pasalitang pagkukuwento at talumpating
impromptu,ekstomperenyo. Ang instrumentong ginamit sa pagtanto ng antas ng
kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa ikaapat na taon ay ang walang diyalogong
film na pinamagatang “Ang Pamana” na ginamit sa pagkuha ng datos sa pagkukuwento.
Ang paksang “Ang Pagtatapos” sa impromptu at ang paksang “Global Krisis” sa
ekstemporenyo gamit ang pamantayan o kraytirya sa pagtatalumpati upang tukuying
ang kasanayan sa pagsasalita ay ginamit sa paglikom ng datos. Lumabas sa pag-aaral na
may taglay na husay o kasanayan sa pagsasalita ang mga mag-aaral sa pagkukuwento at
pagtalumpating ekstemporenyo subalit sila’y nabalitaan na kakulangan sa kasanayan sa
pagtatalumpating impromptu. Sa kalahatan, tahasang maipapahayag na kulang sa
kasanayan sa pagsasalita ang mga mag-aaral.

2.Bionote
Ang bionote ay dapat lamang na isang maikling impormatibong sulatin na karaniwang
isang talata lamang at naglalahad ng mga kwalipikasyon ng isang tao o indibidwal  at ng
kaniyang kredibilidad bilang panauhin o bilang propesyunal.

Katangian
Katangian ng Bionote
Narito ang mga katangian ng  bionote:  
Maikli lang dapat ang nilalaman nito
Gumagamit ng ikatlong panauhan para hindi masyadong egocentric
Kinikilala ang mga mambabasa o ang target market
Gumagamit ito ng baligtad na tatsulok - tulad sa pagsulat ng mga balita at iba pang
obhetibong sulatin, talagang inuuna ang  pinakamahalagang impormasyon sa bionote  
Nakatuon sa mga angkop na kasanayan o katangian ang nilalaman ng bionote.
Binabanggit ang degree o tinapos ng paksa sa bionote.

Paraan sa pagbuo ng Bionote


1. Tiyakin ang layunin.
2. Pagdesisyonan ang haba ng susulating bionote.
3. Gamiting ang ikatlong panauhang perspektibo.
4. Simulan sa pangalan.
5. Ilahad ang propesyong kinabibilangan.
6. Isa-isahin ang mahahalagang tagumpay.
7. Idagdag ang ilang di-inaasahang detalye.
8. Isama ang contact information.
9. Basahin at isulat muli ang bionote.

Halimbawa:
Halimbawa ng bionote ng isang estudyante

ANNA PATRICIA A. NABUTEL. Siya ay nagtapos ng elementarya sa Mount Carmel


College-Baler, Aurora bilang 3rd honorable mention. Sa nagtapos ng Junior High School
at Senior High School Science and Technology, Engineering and Mathematics Strand sa
Aurora National Science High School. Nagtapos siya ng May Karangalan noong siaya ay
nasa Senior High School. Kasalukuyan siyang nag-aaral ng Veterinary Medicine sa
Unibersidad ng Pilipinas, Los Banos, Laguna. Kontribyutor siya ng The Nucleus bilang
tagapagsulat ng balita.

Noong siya ay nasa ika-limang baitang, naging parte siya ng “Ang Munting Carmelian”
ang opisyal na pahayagan ng Mount Carmel College, bilang tagapagsulat ng balita sa
kategoyag Pilipino. Nanalo siya sa Division Schools’ Press Conference ’10 ng 2nd placer.
Noong siya ay nasa ikasampung baitang, naging parte naman siya ng “The Nucleus”.
Kabilang siya sa Collaborative Newspaper Publishing, sa kategoryang Pilipino. Nasungkit
nila ang 1st place sa DSPC’15, samantalang napasama sila sa Top 10 sa RSPC’15.
Naparangalan ang kanilang papel pananaliksik na may pamagat na BIODEGRADABLE
PLASTIC PRODUCTION USING TARO (Colocasia esculenta) CORMS bilang Best Research
sa kanilang paaralan.

3.Sintesis
Ang sintesis ay kalimitang ginagamit sa mga tekstong naratibo. Ito ay para mabigyan ng
buod an mga maiklling kwento, mahabang akademikong sulatin at / o kaya naman iba
pang tuluyan o prosa. Isang ebalwasyon o pagsusuri ang sintesis. Inaanalisa’t sinusuri
nito ang ebidensya ng isang partikular na paksa na ginamit upang makatulong sa
pagpapasya sa pagbuo ng mga patakaran. Isa itong pamamaraan kung saan ang isang
manunulat, akda, at / o tagapagsalita ay sinasabi ang mga orihinal na teksto sa mas buod
at mas maikling paliwanag pero dapat ay sa kumpleto at detalyadong paraan. Ang
pagbubuod o pagsusulat ng isang sintesis ay di lamang pagpuputol-putol ng mga
pangyayari o hindi lamang basta-bastang pagbabanghay. Ito ay dapat mas malikhaing
paraan kung saan ang mga pinaka-importanteng bahagi ay naibabahagi sa sintesis sa
pamamagitan ng iba pang mga pahayag, salita o mga kataga. Ang mga impormasyon at
detalye sa sintesis ay matagumpay na naipapasa at naipapahayag kahit hindi kasing haba
ng orihinal na teksto ang pagbubuod na gagawin.

Katangian
Hindi gaanong mahaba, organisado ayon sa pagkakasunod sunod ng nilalaman.

Paraan sa pagbuo, ng Sintesis


1.Linawin ang layunin.
2.Pumili ng naayon sa sanggunian batay sa layunin at basahin ng mabuti ito.
3.Buuin ang tesis sulatin.
4.Bumuo ng plano sa organisasyon sulatin.
5.Isulat ang unang burador.
6.Ilista ang mga sanggunian.
7.Rebisahin ang sintesis.
8.Isulat ang pinal tesis.

Halimbawa:
Sintesis: “Prinsipyo ng Lipunang Pilipno”
Ang alamat ng gubat ay sumasailalim sa pagkatao ng bawat Pilipino. Ang bawat karakter
sa alamat ng gubat ay merong sariling prinsipyo at pangmataasan ng ugali. Ang alamat ay
hindi lang ordinaryong kwento pinapakita din ito ng pagkakaugnay ng tao. Ang bawat
Pilipino ay gagawin ang lahat para lang sa pamilya ganyan din si tong na ginagawa ang
lahat para sa ama na may sakit. Ang alamat ay hindi lang ordinaryong kwento pinapakita
din ito ng pagkakaugnay ng tao. Ang bawat karakter sa alamat ng gubat ay nagpapakita
ng pangmataasang ugali sa bawat isa, Isa na dito ang mga hayop at insekto na inaawayan
kung sino ang maghari. Sa paglalakbay ni tong sapaghahanap ng puso ng saging marami
pang nadaanan bago makarating sa puso ng saging. Mahahalintulad ito sa Pilipino na
maraming dadaanan na problema at pagsubok na tatalakayin bago makuha ang inaasam.
Ang alamat ng gubat ay hindi lang pambata na kwento ito ay sumasalamin at ordinaryong
pangyayari sa mga tao sa lipunan na ang ibang tao gustong makuha kung ano ang gusto.

Mula sa mambabasa makakakuha ito ng magandang halimbawa ng mga tao dahil sa


kasalukuyan ngayon ang mga tao ay unti-unti nang nawalan ng prinsipyo sa sarili. Sa
panahon ngayon ganyan ang nanyayari sa ating bansa na ang taong gusto maging lider ay
gusto lang para umangat ang sariling kapakanan hindi sa lahat. Sa alamat ng gubat ni bab
ong ay kailangan mong may disciplina at prinsipyo sa sarili dahil ito nakapagbigay ng
magandang halimbawa ng mga tao. Ang pagiging isang Pilipino ay merong mapangapi at
may inaapi. Ang panahon natin ngayon ay imbis na umunlad tayo, nag hilaan pababa ang
mga tao sa tingin na nauuna ang iba. Ang paghahanap sa puso ng saging ang halimbawa
nito dahil sa kagustuhan ng bawat isa na magkaroon ng kakaibang kapangyarihan pag
napasa ang puso ng saging. Ang isa pa ay ang dayaan at suhulan na nangyayari din sa
ating pamahalaan ay makikita rin ito sa eleksyon noon na sihulan ang mga tao.
Mababatid natin ang suhulan ng kuneho sa mga langaw na kung saan pinipili ang kuneho
para itong maging hari ng gubat.

Sa kabuuan ng kwento matutunan ng mambabasa ang kwento ng gubat na sa huli ay


nagsasalita si matsing “Handa ba bang magtanim ng batas sa gubat, talangka? Kaya mo
bang ipag-utos sa mga hayop ang respeto? Desidido ka bang damitan sila ng dangal at
prinsipyo? Determinado ka bang sugpuin ang kabangisan? Nais mo bang magturo ng
malasakit sa kapwa at pagkakaisa? Kakayanin mo bang magpadikta sa bulong ng
konsensya?” Lumundag si Matsing sa harapan ni Tong para sa huling hamon: “Gusto mo
ba talagang makialam sa natural na takbo ng buhay—sa gubat”Ang mga salitang iyan ay
mas bubuo sa pagkatao ng pagka Pilipino sa ating bayan, bilang isang kabataan ito ang
kaharap na pagsubok natin ngayon na naging apektado ang lahat ng Pilipino ngayon sa
paguugali kung paano ito dadalhin.

4.Panukalang Proyekto
Panukalang Proyekto ay isang dokumento na ginagamit upang kumbinsihin ang isang
sponsor na ang isang proyekto ay kailangang gawin upang malutas ang isang partikular
na problema sa negosyo o oportunidad. Inilalarawan nito nang malalim, kung paano ang
proyekto magsisimula.

Katangian
Pormal, nakabatay sa uri ng mga tagapakinig at may malinaw ang ayos ng ideya.

Paraan sa pagbuo ng Panukalang proyekto


1 . Alamin ang mga bagay na makapagkukumbinsi sa nilalapitang opisina o ahensiya sa
pag-aapruba ng panukalang proyekto
2 . Bigyang-diin ang mga pakinabang na maibibigay ng panukalang proyekto.
Mahihirapang tumaggi ang nilalapitang opisina o ahensiya kung nakita nilang Malaki ang
maitutulong nito sa mga indibidwal o grupong target ng proyekto
3 . Tiyaking malinaw, makatotohanan, at makatuwiran ang badyet sa gagwing
panukalang proyekto
4 . Alalahaning nakaaapekto ang paraan ng pagsulat sa pag-apruba o hindi sa panukalang
proyekto. Gumamit ng mga simpleng salita at pangungusap. Iwasan ang maging maligoy.
Hindi makatutulong kung hihigit sa 10 pahina ang panukalang proyekto.

Halimbawa:
I. Pamagat: Panukalang Proyekto sa pagkakaroon ng maayos na silid-aklatan
II. Proponent ng proyekto: Cristine Joy Cabuga
Maricar Raven Carcosia
III. Kategorya:
Ang proyektong pag sasaayos ng silid aklatan ay pangangalapan ng pondong galing sa
gagawing fund raising upang makakalap ng sapat na pera para sa proyekto ito sa tulong
ng mga guro,magulang at punungguro ng paaralan.
IV. Petsa:
Ang mga sumusunod na araw ang itinakdang araw at hakbangin upang masimulan at
matapos ang pag sasaayos ng lagayan ng libro at pagdadagdag ng mga libro sa silid-
aklatan na ilalahad sa ibaba.
Petsa Mga gawain Lugar/Lokasyon
Pebrero 25-30, 2018 Pag aaproba ng punong guro LHS
Maghahanap ng donasyon para
Marso 03-24, 2018 LHS
sa mga libro
Paghahanap ng murang
bagong libro para sa ABC Bookstore
Marso 26-April 05, 2018
pagdadagdag sa mga Company
kinakailangang libro
Inaasahang araw ng
Marso 27-April 10, 2018 LHS
pangongolekta ng mga libro.
Paglalahad ng tawad para sa
mga materyales na gagamitin
Abril  17- May 30, 2018 DEF Hardware Company
sa pag papagawa ng lagayan
ng mga libro.
Inaasahang pagsisismula ng LHS
Abril 11-16, 2018 proyekto sa pag sasaayos ng
lagayan mga libro.  

Pagsasaayos ng mga
Mayo 25-31, 2018 LHS
nakolektang libro.
Enero 02, 2018 Pagtatapos ng proyekto LHS
Pormal na pagbubukas ng
Enero 05, 2018 LHS
silid-aklatan
 
V. Rasyonal:
Ang kahalagahan ng proyektong ito ay makapagbigay ng pakinabang sa pagkakaroon ng
maayos at organisadong silid- aklatan sa Lagro High School.
VI. Deskripsyon ng Proyekto:
Ang proyektong ito ay aabutin ng mahigit limang buwan upang maisakatuparan ang nais
matamong pag babago sa silid-aklatan.
VII. Badget:
Sa Proyektong ito inaasahang badget na igugol sa paaralan ay ilalahad sa ibaba.
Pagsasalarawan ng Presyo ng bawat Presyong
Bilang ng Aytem
Aytem aytem pangkalahatan (php)
Pangangalap ng
        0                  0
donasyong libro
Base sa sinumiteng
Pagbili ng mga
presyo ng ABC               500             15,000
dagdag na libro
Company
Pagpapagawa ng
mga bagong lagayan              2,500             15,000
ng mga aklat
Kabuuang gastusin      Php 30,000
 
VIII. Pakinabang:
Ang mga mag aaral ng LHS ang makikinabang sa proyektong ito upang hindi na
mahirapang mag hanap ang mga mag aaral mula sa ikapitong baitang hanggang ikalabing
dalawang baitang ng sagot sa gagawing proyekto o takdang aralin. At makatulong din ito
sa pagkakaroon ng kredibilidad para sa gagawing pananaliksik ng mga mag aaral sa
tulong ng pagkakaroon ng mataas na antas ng sanggunian na hindi kakailanganin pang
pumunta sa ibang silid -aklatan.

5.Katitikan ng pulong

Ang katitikan ng pulong ay isang akademikong sulatin na naglalaman ng mga tala, rekord
o pagdodokumento ng mga mahahalagang puntong nailahad sa isang pagpupulong. So,
para mas ma-gets mo, sa wikang Ingles, tinatawag itong “minutes of meeting”. Hindi kasi
kilala sa mga Pilipino ang tawag na “katitikan ng pulong” dahil nasanay tayong gamitin
ang wikang dala ng dayuhan sa mga ganitong mga bagay-bagay.

Katangian
•Ito ay dapat na organisado ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga puntong napag-usapan
at makatotohanan. Ibig sabihin, hindi pwedeng gawa-gawa o hinokus-pokus na mga
pahayag.
•Ito ay dokumentong nagtatala ng mahahalagang diskusyon at desisyon.
•Dapat ibinabatay sa agendang unang inihanda ng tagapangulo o pinuno ng lupon
•Maaaring gawin ito ng kalihim (secretary), typist, o reporter sa korte
•Dapat ding maikli at tuwiran ito. Dapat walang paligoy-ligoy, walang dagdag-bawas sa
dokumento, at hindi madrama na parang ginawa ng nobela.
•Dapat ito ay detalyado, nirepaso, at hindi kakikitaan ng katha o pagka-bias sa pagsulat
Paraan sa pagbuo ng Katitikan ng pulong

1. Pagbubukas ng pulong (opening the meeting)


2. Paumanhin (apologies)
3. Adapsyon sa katitikan ng nakaraang pulong (adoption of the previous minutes)
4. Paglilinaw mula sa katitikan ng nakaraang pulong (business arising from previous
minutes)
5. Pagtalakay sa mga liham (correspondence)
6. Pagtalakay sa mga ulat (reports)
7. Pagtalakay sa agenda (general business)
8. Pagtalakay sa paksang di-nakasulat sa agenda (other business)
9. Pagtatapos ng pulong (closing the meeting o adjournment)

Halimbawa:
KATITIKAN NG PULONG SA BARANGAY: ISANG HALIMBAWA
October 13, 2017
Pangalan ng Organisasyon/Departamento/Institusyon: Brgy. Ansci, Baler, Aurora
Petsa: July 19, 2017
Lugar ng Pulong: Silid-pulungan
 
Mga Dumalo                                                  Mga Hindi Dumalo
1 KGG. Anthony Dominic Sanchez          1
2 KGG. Mark Vincent Cabana                   2
3 KGG. Elizar Valenzuela                           3
4 KGG. Rendell Solano                                4
5 KGG. Onille Paul Bernardino                5
6 KGG. Von Andrew Lopez
7 KGG. Zia Czarina Garcia                                                                        
 
Daloy ng Usapan
 
Panimula
1. Panalangin
2. Pagpapatibay ng Nakaraang Katitikan
3. FUND RAISING FOR BRGY. NIGHT
4. Iba pa
REPORT THIS AD
 
PANIMULA:
KGG. ANTHONY DOMINIC SANCHEZ:
Pinasimulan ng kalihim ang pagpupulong ganap na ika-11 ng umaga petsa ika-17 ng
Hulyo, 2017 sa pamamagitan ng isang panalangin na nagmula kay KGG. Mark Vincent
Cabana.
Matapos ang panalangin ay binasa ng kalihim ang nakaraang katitikan para narin sa
kabatiran ng mga walang hawak na sipi ng katitikan.
KGG. ADS: Dumako naman tayo sa paghahanap ng panggagalingan ng pondo sa ating
nalalapit na Brgy. Night. Malaya ang bawat isa na magbigay ng suhestyon.
KGG. ADS: Sige KGG. Bernardino.
KGG. Onille Bernardino: Minumungkahi ko pong tayo ay magsagawa ng isang Fun Run
upang makalihim ng pondo. Maganda rin ito sapagkat maraming kabataan ang gusting
sumali dito dahil ito ay napapanahon. Magandang paraan din ito ng pag hihikayat upang
tayo ay mag-exercise.
KGG. ADS: Maraming Salamat KGG. Bernardino. May iba pa po bang suhestyon?
KGG. Rendell Solano: Maaari din tayong magkaroon ng Brgy. sari-sari store at ang tubo
ng benta ay mapupunta sa pondo ng ating barangay.
KGG. ADS: Maraming Salamat KGG. Solano. May iba pa po bang suhestyon?
KGG. Mark Vincent Cabana: Kapitan, maai tayong magpa-Zumba. Tiyak na
magugustuhan ito ng publiko.Maaaring isabay ito sa pagtitinda ng barangay.
KGG. Von Lopez: Maari po tayong magkaroon ng Chroma o isang Colored Fun Run.
Maraming mae-enganyong sumali rito sapagkat maraming kulay ang babalot sa paligid at
maging sakanilang mga tatakbo.

5.Agenda
Ang kahulugan ng salitang agenda ay plano o mga gawain na kailangang gawin.
Karaniwang gumagawa ng agenda sa mga pagpupulong kung saan inililista o isinusulat
nila ang mga paksang kailangan nilang pag-usapan. 
Ang salitang agenda ay maari ring tumukoy sa plano o tunay na pakay ng isang tao.
Halimbawa, hindi maganda ang kanyang agenda kaya sya pumarito. 

Katangian
Pormal at organisado para sa kaayusan ng daloy ng pagpupulong.
Paraan sa pagbuo ng Agenda
pasok ang oras ng pagsisimula at pagtatapos para sa bawat paksa
-Tiyaking magtabi at magpasok ng oras para sa mga break
-Magkaroon ng mga kasamahan o ibang mga kalahok na suriin ang iyong agenda
-Siguraduhing isama ang gawaing paghahanda
-Tandaan na ipamahagi ang agenda sa mga kalahok bago ang pulong

Halimbawa:
Agenda ng pagpupulong ni Mary Grace Concina

Saan:
SAN RAFAEL NATIONAL HIGH SCHOOL – Main Campus Library
Kailan:
Biyernes ng Alas Singko ng Hapon
            Ang ating Adyenda para sa ating pagpupulong sa araw na ito sa organisasiyon ng
Readers Achievers Club:
1. Paghahanda para sa selebrasiyon ng Book Month ngayong Oktubre
2. Pag-uusap ukol sa kung ano ang gagawing aktibidad para sa simula ng Book Month
tulad ng nasaad sa ibaba:
 Book Convention
 Reading Nook
 Book Stalls
 At iba pang suhestiyon
3. Pagsasaayos ng pagkasunod-sunod ng aktibidad ayon sa abiso ng ating
tagapaggabay ng organisasyon
4. Pagkwenta ng mga kakailanganing materyal sa paggawa ng aktibidad at kung saan
kukuha ng pera para dito
5. Pagtalakay kung saan kukuha ng mga materyales na kakailangani tulad ng libro
6. Pagtalaga ng mga kasapi sa pagpupulong ng kanilang mga gawain sa simula ng
selebrasyon
7. Pagsasaayos ng mga gawain upang mas organisado at pagbibigay alam nito sa mga
estudyante
8. Pagtalaga ng araw para sa pagpupulong ng mga pangulo bawat seksyon
9. Pagsangguni sa punong guro ng paaralan tungkol sa naging pagpupulong sa
nasabing aktibidad
10.Pagsasaayos ng gabay at opinyon ng punong guro tungkol sa aktibidad at
pagusapan sa susunod na pagpupulong.
Maraming Salamat sainyong Kooperasyon!
Inihanda ni:
 
Mary Grace Concina
Sekretarya
 Repleksyon
Para sa akin, ang pagsulat ng adyenda ng pagpupulong ang isa sa mga pinaka
importanteng parte ng pagiging matatag ng isang organisasiyon at ng iba pang
kapulungan. Sa kadahilanan ayon aking natutunan sa araling ito, sa pamamagitan ng
adyenda mas napapadali at may direksyon ang isang kapulungan sa pagtalakay ng mga
isyu ng organisasiyon. Nang isagawa naming ang gawain, natuto akong aralin ng mas
mabuti ang paggawa ng isang adyenda at sobrang natuwa ako sa aking natutunan at alam
kong magagamit ko ito sa darating na panahon.
6.Talumpati
Ang talumpati ay isang sining ng pagpapahayag ng kaisipan o opinyon ng isang tao
tungkol sa isang paksa na ipinababatid sa pamamagitan ng pagsasalita sa entablado.
Mananalumpati ang tawag sa taong gumagawa at nagtatalumpati sa harap ng publiko o
grupo ng mga tao.
Katangian
May malinaw na paksa Malalim na mga salita ang ginagamit May malawak na pagsang
tatalakayin May tugmaan na mga salita sa dulo Paraan ng pagbuo: Pumili ng magandang
paksa. Tipunin ang mga materyales na maaring pagkunan ng impormasyon tungkol sa
napiling paksa. Pwedeng mga dating kaalaman o karanasan o kaya ay mga babasahin na
may kaugnayan sa paksang gagamitin. Simulan ang pagbabalangkas ng ideya at hatiin ito
sa tatlong bahagi; ang simula, katawan at katapusan. Maging sensitibo. Kung maaari ay
iwasan na pag-usapan lamang ang tungkol sa sarili at pansariling kapakinabangan.
Iwasan din naman na maging “boring” ang iyong pagtatalumpati. Kung maari ay
magkaroon ng “sense of humor” sa pagdedeliber ng talumpati at laging isipin ang iyong
tagapakinig.
Halimbawa:
Edukasyon
Talumpati ni Farah Grace Jimena
Edukasyon ay di mananakaw ninuman, kultura ang kinapapalooban ng mga paniniwala’t
kaugalian, palakasan ang daan sa pakikipagkaibigan, sandatang kailangang maangkin ng
mga kabataan.
Mahal kong mga tagapakinig naririto na naman po tayo sa isang pagtitipon kung saan
ating pag-uusapan ang mga aspekto na makapagpapalakas sa mga kabataang tulad ko.
Mga kabataang magiging susi upang umunlad ang ating Lupang Sinilangan. Mga
kabataang makapagbibigay liwanag sa mga mamamayan mula sa madilim na nakaraan.
Na magiging daan sa pagbabagong ating inaasam.
Hindi na lingid sa ating kaalaman na laganap na ang pag-unlad ng agham sa ating
lipunan. Kaliwa’t kanan na ang mga makabagong bagay. Katulad ng cellphone at
computer. Mga makabagong bagay na makagpapadali ng ating pamumuhay, lalung-lalo
na ng mga kabataan.
Kahit saang dako ka man ngayon tumingin, marami ng mga internet café ang nagkalat.
Iba’t ibang model na rin ng cellphone ang lumalabas. At hindi maikakaila na halos lahat
tayong mga nag-aaral sa pribadong paaralan ay umaangkin ng mga bagay na ito. Ngunit,
ito ba ay ginagamit natin sa tamang paraan?
Mga kaibigan, ang computer ay malaking tulong sa ating mga mag-aaral. Katulad sa mga
pananaliksik. Hindi mo na kailangang maghalukay pa ng sandamukal na mga aklat para
kumuha ng mga kakarampot na datos sa bawat aklat. Punta ka lang ng yahoo, encode
mo lang ang topikong hinahanap, mag-antay ka lang ng ilang segundo, binggo na!
Makikita mo na ang hinahanap mo.
Nariyan din ang cellphone na makapagpapadali ng ugnayan natin. Magagamit sa mga
panahon ng kagipitan. Hindi mo na kailangan pang mag-antay ng ilang buwan maipadala
at tumanggap lang ng sulat. Sapagkat sa isang text lang, minuto lang aantayin mo…
tanggap kaagad.
Ngunit sadyang namamali ang ilang mga kabataan sa paggamit ng mga teknolohiyang
makabago. Sa halip na sa pagpapaunlad ng karunungan ito gagamitin, ginagamit nila ito
sa walang kuwentang bagay. Sa halip na magresearch para sa assignment… DOTA,
counterstrike, YM at Facebook ang inaatupag. Mayroon din diyan na pakikipag-textmate
ang pinagkakaabalahan.
Nagpupuyat tuwing gabi. Nanlalalim ang mga mata sa kinaumagahan. Ang siste,
nakikipag-textmate sa kung kanino na lamang. Pagdating sa klase bagsak si nene,
inaantok, walang assignment. Pagkatapos magpapadala sa mga magagandang quotes,
mag-a-eyeball, magkakarelasyon, mabubuntis, mawawala sa huwisyo ang kinabukasan,
malulugmok sa putikan. Ito ang paraan ng paggamit ng mga kabataan sa mga
makabagong teknolohiya. Tsk tsk tsk…
Hindi ba’t edukasyon ang natatanging kayamanan na hindi mananakaw ninuman? Ito
ang natatanging sandata na maipagsasanggalang sa lahat ng pagsubok ng buhay. Kapag
edukado ang isang tao nagagawa nitong maitama ang mga maling paniniwala na bunga
ng kahunghangan. Naisasalba ang isang tao sa lupit ng kahirapan.
Bumaling naman tayo sa ating banal na kultura. Ito ay ang kinapapalooban ng mga
paniniwala’t kaugalian. Ito ang makinang na kasaysayan ng ating mga ninuno. Alam ba
ninyo na sa buong mundo, Pilipino ang tinitingala ng mga dayuhan pagdating sa
kulturang kinamulatan? Kung kaya’t maraming mga dayuhang ang piniling mag-asawa
ng isang Pilipino nang dahil sa ating kultura.
Sapagkat tayong mga Pilipino ay kilala bilang matulungin, mapagkumbaba, masunurin,
at magalang na lipi. At ito dapat ang magiging katangian ng ating mga kabataan. Sa
kadahilanang kung taglay ng mga kabataan ang mga ganitong uri ng mga katangian ay
mapapadali ang ating pag-unlad. Magkakaroon ng matiwasay na pagsasama.
Makakamtan ang paggalang sa bawat kapwa.
Ang Kultura natin ay maipapakita rin sa mga palakasan. Dahil ito ang isang makinang na
daan sa pakikipagkaibigan. Dito nalilinang ang mga kakayahan na sangkatauhan.
Nahahasa rin dito ang tiyaga ng mga kabataan sa pagkamit ng tagumpay. Kung ang
bawat kabataan ay mapapabilang sa isang legal na palakasan, mapapalayo sila sa bisyo.
Bagkus, mararagdagan pa ang mga kaalaman at kakayahan nito sa pagsunod sa agos ng
buhay. Hindi lamang pisikal na kakayahan ang mahahasa kundi pati na rin ang
emosyonal at intelektwal. Sa mga palakasan nagsisimula ang isang magandang
pagsasamahan.
Kayat mahal kong mga tagapakinig, lalung-lalo na sa mga kabataang tulad ko, huwag
nating antaying mawala ang lahat ng mga pagkakataon para sa ikauunlad natin. Sama-
sama nating yakapin at tanggapin ang mga aspektong makapagbibigay sa atin ng lakas
na makakatulong sa ating ikauunlad. Nasa ating kamay ang pag-unlad na inaantay ng
ating bayan. Sapagkat tayo ang tinaguriang pag-asa ng bayan.
7.Editoryal
Nagsasaad ng pagpuna, panunuligsa, pagtuturo, pagpapaunawa, pagbibigay-puri,
pagbibigay-kahulugan napapanahong balita at kumakatawan sa paninindigan ng
buong patnugutan at pahayagan. na ambag sa pakikipagtalo ukol sa napapanahong
isyu.

Katangian
Kailangan may taglay itong isang ideya lamang Kailangan itong maging malinaw
Kailangan itong maging malinaw Bawal sabihing katwiran ay kailangang may
patunay Kailangan makatotohanan
Paraan sa pagbuo ng editoryal
1. Planuhin ang isusulat. 2. Tiyaking nauunawaang mabuti ang sitwasyon o isyu. 3.
Gawing makatawag pansin at kawili-wili ang panimula na binubuo ng batayang
balita at reaksyon. 4. Kailangang magtaglay ng isa lamang ideya o panukala. 5.
Magbasa at magsaliksik para sa mga impormasyon at datos. 6. Ipaliwanag ang isyu
gaya ng ginagawa ng isang reporter at sabihin ang kahalagahan ng sitwasyon 7.
Unahing ilahad ang magkaibang pananaw na may ‘quotations’ at ‘facts’. 8.
Kontrahin, tanggihan o pabulaanan (refute/reject) ang isang pananaw at palawakin
ang iyong panig gamit ang mga patunay, detalye, bilang at tahasang sabi. 9.
Gayunpaman, bigyang-pansin pa rin ang magandang puntos ng oposisyon upang
mas maging kapani-paniwala ang editoryal. 10. Ulitin ang mga susing parirala (key
phrases) upang bigyang-diin ang kaisipan o ideya sa isipan ng mga mambabasa. 11.
Magbigay ng mga reyalistikong solusyon sa suliranin na hindi karaniwang alam ng
iba. 12. Hikayatin ang mga mambabasa na magkaroon ng kritikal o masusing pag-
iisip at maging pro-active ang reaction. 13. Gawing matipid sa mga salita subalit
gawing mabisa at kaakit-akit ang mga pangungusap. 14. Kailangan itong maging
makatwiran 15. Kailangan itong umiwas sa pagmumura ni sa pagsesermon. 16.
Magbigay ng mga mahahalaga at makatotohanang halimbawa bilang suporta sa
pinapanigan. 17. Sabihin ang mga pinagkunan ng datos. 18. Gawing pormal ang
pananalita at paglalahad ng opinyon. 19. Magbigay ng estadistika kung
kinakailangan. 20. Kung magbigay ng argumento, simulan sa pinakamahalaga. 21.
Huwag sulatin sa unang panauhan. Bagama’t kadalasan iisa lamang ang sumusulat
ng editorial, ngunit ito ay kumakatawan sa buong patnugutan.
Halimbawa:

You might also like