You are on page 1of 3

ARELLANO UNIVERSITY

Jose Abad Santos Campus


Basic Education Department – Senior High School
3058 Taft Avenue Pasay City
Kalinisan: 2
Kompleto: 3
Pangalan: Rafaelito D. Atangan Jr. Malikhain: 2
Antas / Strand / Seksyon: 12-ABM1 Nilalaman: 8
Petsa: 9/16/21 Kabuuan 15
Guro: Ma’am, Pasinay

Asignatura: Pagsulat sa Filipino sa Larangan ng Akademik Sanggunian: Pinagyamang Pluma: Fil sa


Piling Larangan
Paksa: Pagsulat ng Sintesis / Sinopsis Uri ng Gawain: Concept Notes
Layunin: Gawain Bilang: 6
- Nauunawaan ang kahulugan ng sintesis at sinopsis.
- Naiisa-isa ang mga dapat tandaan at hakbang sa pagsulat ng sintesis/sinopsis.
- Nakasusulat ng sinopsis o buod ng isang piling akda/pahayag.

Panimula
Ang sintesis ay isang ebalwasyon o pagsusuri sa ebidensya ng isang pananaliksik. Ito rin ang pagbubuo
ng paglalahad sa iba’t-ibang paksa na nabasa o narinig. Kasama din dito ang pagsusuri ng mga datos na
natuklasan ganoon din ang pagbuo ng kaalaman, konsepto o interpretasyon.
Ang sinopsis / buod ay isang maikling buod ng isang paksa. Ito’y nasa anyong patalata at hindi sa
anyong pabalangkas. Maikling buod ito subalit malaman. Karaniwan itong ginagamit na panimula sa mga
akdang pampanitikan para maipakita ang pangunahing daloy ng banghay sa simpleng pamamaraan.

Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Sinopsis/Buod


1. Gumamit ng ikatlong panauhan sa pagsulat.
2. Isulat ito batay sa tono ng pagkakasulat ng orihinal na sipi nito.
3. Kailangang mailahad o maisama rito ang mga pangunahing tauhan maging ang kanilang mga
gampanin at suliraning kinakaharap.
4. Gumamit ng angkop na pang-ugnay sa paghabi ng mga pangyayari sa kwentong binubuod.
5. Tiyaking wasto ang gramatika, pagbabaybay, at mga bantas na ginamit sa pagsulat.
6. Huwag kalimutang isulat ang sangguniang ginamit kung saan hinango o kinuha ang orihinal na sipi ng
akda.

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Sinopsis/Buod


1. Basahing mabuti ang buong seleksyon at unawaing mabuti hanggang makuha ang buong kaisipan.
2. Suriin at hanapin ang pangunahin at di pangunahing kaisipan.
3. Habang nagbabasa, magtala at kung maari ay magbalangkas.
4. Isulat sa sariling pangungusap at huwag lagyan ng sariling opinion sa sinusulat.
5. Ihanay ang ideya sang-ayon sa orihinal.
6. Basahin ang unang ginawa, suriin, at kung mapaiikli pa ito nang hindi mababawasan ang kaisipan at
lalaong maging mabisa ang isinulat na buod.

Gawain Bilang 1
Panuto:  Sumulat ng buod batay sa binasang akda “Ang Alibughang Anak” (Bibliya, Lukas15:11-32). Gawing-
gabay ang mga sumusunod:
1. Basahin ang buong seleksiyon at unawaing mabuti hanggang makuha ang buong kaisipan o paksa ng diwa
nito.
2. Suriin at hanapin ang pangunahin at di-pangunahing kaisipan.
3. Habang nagbabasa, magtala at kung maaari ay magbalangkas.
4. Isulat sa sariling pangungusap at huwag lagyan ng sariling opinion o kuro-kuro ang isinusulat.
5. Ihanay ang ideya sang-ayon sa orihinal.
6. Basahin ang unang ginawa, suriin, at kung mapaiikli pa ito nang hindi mababawasan ang kaisipan ay lalong
magiging mabisa ang isinulat na buod.

Pamantayan:
Nasusunod ang dapat tandan sa paggawa ng sinopsis
Nasusunod ang mga hakbang sa paggawa ng synopsis
Nasusunod ang kalisasan ng pagsulat
Si Jesus ay nag sasabi ng kwento ng isang tao na may dalawang anak. Ang bunso na
humiling sa kanyang ama na ibigay sa kanya ang mga mamanahin nya na mga ari-arian ng pamilya.
Pagkatanggap dito ay kaagad na nagtungo sa isang mahabang pagkakalbay sa isang malayong lupain.
Pagkaubos ng pera niya ay siya namang pagdating ng taggutom sa lupaing iyon. Kaya namasukan siya
bilang tagapag alaga ng baboy. Sa hirap ng dinanas nya ay napagpastahan nyang umuwi sa kanila at
humingi ng tawad sa kanyang ama. Pagkarating nya sa kanilang tirahan ay mabilis nyang tinungo ang ama
at sinabing patawarin ninyo po ako sa aking pagkakasala hindi na po ako karapat dapat na tawagin ninyong
anak. Nabigla na lamang siya nang bigla syang yakapin ng kanyang ama at binigyan ng magandang damit
at mga masasarap na pagkain. Pagdating ng panganay na kapatid ay nabigla sita sa pagkakaroon ng
kasiyahan sa kanilang tirahan. Nagtampo siya sa kanyang ama sa simula, pero ng sabihing Anak dapat
tayo’y mag saya sapagkat ang iyong kapatid ay namatay at muling nabuhay. Wakas.

Gawain Bilang 2
Panuto: Pagsulat ng Sinopsis/buod. Basahin ang inyong paboritong kuwento, aklat o nobela na may kinalaman
sa iyong strand o larangan. Magsaliksik ng front page ng iyong akdang napili at ilagay sa baba. Gumawa ng
balangkas ng sinopsis at ibuod ito ayon sa inyong pagkakaunawa sa binasa.
Pamantayan
Sumasagot sa tanong na Sino? Ano?, Saan?, Kailan, Bakit?, Paano?
Gumamit ng sariling salita sa pagbubuod
Payak ang mga salitang ginamit
Nagtataglay ng pangunahing kaisipan

HIGIT PA SA ISANG MANLILIGAW

Sinopsis ng Kwento

Sa kabila ng panlolokong dinanas ni ZAI sa isang lalaki, hindi pa rin niy isinara ang pinto ng
kanyang puso sa pag-ibig. Tamang-tama naming nagbalik sa buhay niyang puso sa kababatang si
VERZEL, ang lalaking nangako sa kanya nii na ihaharap siya sa dambana pagdating ng araw. Binigyan
uli ng lalaki ng kulay at saya ang kanyang mundo. Gayunman, nang kailanganin ni Zai si Verzel sa
importanteng yugto ng kanyang buhay ay bigla na lang itong naglaho. Muli nyang tinanggap ang
panibagng kabiguang iyon sa kanyang buhay at namuhay nang matiwasay, malayo sa pait ng kahapon.
Ngunit pagkalipas ng ilang tao ay muling nagkrus ang mga landas nil ani Verzel. Humihingi ang lalaki ng
isa pang pagkakataoong patunayan ang pagmamahl sa kanya.
Mga Gabay na Tanong:

1. Ano ang buod o sintesis?


Ang sintesis o buod ay ang paglalahad ng anumang kaisipan at natutunang impormasyong
nakuha mula sa tekstong binasa sa pagkakasunod sunod na panyayare.ito ang pinakamahalagang
kaisipan ng anumangteksto. Marapat lamang na maging malinaw sa pagpapahayag. Ang sintesis ay
bahagi ng metodong diyaletikal kaugnay ng pagbuo ng katuwiran.

2. Bakit kailangang matutuhan ang paraan ng pagbubuod?


Kailangang matutuhan ang paraan ng pagbubuod upang mag maintindihan o maunawaan
ng mga mambabasa ang iyog ibinuod at dapat magig malinaw at maayos ang pagkakasunod sunod ng
mga pangyayari.

3. Paano nagagamit ang tatlong uri ng pagsusunod-sunod ng mga detalye sa


pagbubuod?
Nagagamit ang tatlong uri ng pagsusunod sunod ng mga detalye s a pagbubuod
upang itoy maging organisado at kapag binasa ng mga mambabasa ay madali nalang itong intindihin o
maunawaan.

4. Ano ang naitutulong nang maayos na pagsusunod-sunod ng mga detalye o pangyayari sa mabisang
pakikipagtalastasan, pasulat man o pasalita?
Malaki ang naitutulong nang maayos na pagkakasunod sunod ng mga detalye o pagyayari sa
mabisang pakikipagtalastasan, sa pasulat man o pasalita dahil mas na papahayag nito nang wasto at
malinaw ang mga pagyayari at mas maiintindihan ng mga mambabasa o nakikinig ang daloy ng kwento.

5. Paano mo iuulat ang isang pangyayaring iyong nasaksihan sa payak na paraan? Bakit?
Iuulat ko ang isang pagyayari na aking naaksihan sa pamamagitan ng pag
sasaad ng mga mag mahahalagang pagyayari at impormasyo nang sa gayoy maintindihan ito nang mabuti
ng aking mga taga pakinig.

You might also like