You are on page 1of 10

Pangalan: ABEGAIL MARIE A.

LIBRES Marka:

Kurso/ Taon at Seksyon : BSCE 2-C Petsa: SETYEMBRE 04, 2020

I. Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang salita o terminong tinutukoy ng sumusunod na


pahayag. Isulat ang inyong sagot sa ½ papel na pahaba.

TUWIRANG SIPI 1. Walang ibang ginagawa rito kundi ang pagkopya ng ideya.

BUOD 2. Tinatawag din itong synopsis.

HAWIG 3. Tinatawag itong paraphase sa Ingles .

PRESI 4. Galing ito sa salitang Pranses na ang ibig sabihin ay pruned o cut-down
statement.

PRESI 5. Higit na maikli ito sa orihinal nang may 5 hanggang 40%.

HAWIG 6. Isang hustong paglalahad ito ng mga ideyang gamit ang higit na payak na
salita ng mambabasa.

SINTESIS 7. Pagsusuma ito ng mga mahahalagang paksang tinalakay sa isang akda.

BALANGKAS 8. Sistematikong hanay ito ng mga ideya na nagpapakita ng malinaw na


ugnayan.

INTERNET 9. Ito ang pinakamadali, mabilis, malawak at sopistikadong paraan ng


paghahanap ng paksa.

KABULUHAN 10. Katangian ito ng paksa na tumutukoy sa maaaring maging kapakinabangan


ng mananaliksik at ng iba pang tao.

BALANGKAS 11. Madalas itong tukuyin bilang gulugod ng isang papel.


INTERES 12. Konsiderasyon ito sa pagpili ng paksa na tumutukoy sa kawilihan ng
mananaliksik.
AKLATAN 13. Ito ang itinuturing na tradisyonal na hanguan ng paksa.

SALIN 14. Ginagawa ito dahil karamihan ng babasahing akademiko ay nasusulat sa


wikang Ingles.

PRESI 15. Ito ay isang tiyak na paglalahad ng mga mahahalagang ideya ng isang
mahabang prosa o berso gamit ang sariling salita ng mambabasa.

Wakas

Gabay sa Pagtalakay

Panuto: Kupyahain at sagutin ang mga sumusunod na tanong isang buong


papel.

1. Paano mo mailalarawan ang iyong karanasan sa paggawa ng pananaliksik sa


Senior High School? Paano mauulit ang iyong mabubuting karanasan at paano
maiiwasan ang mga hindi mabubuting karanasan?

Ang aking karanasan noong gumagawa kami ng pananaliksik noong


senior high school ay nagdulot ito upang mas mapalawak ko ang aking
kaalaman sa mga bagay lalo na sa paggawa ng isang pananaliksik. Medyo
pressured ang pakiramdam ko noon dahil nga unang beses ko pa lang
gumawa ng isang pananaliksik na sa lenggwaheng Filipino. Ngunit nung
nasa gitna na kami ng proseso sa paggawa ay mas gumagaan naman ito
lalo na’t nagtutulongan kayo ng iyong mga kagrupo. At nung natapos na
namin ay napakasaya sa pakiramdan dahil naggawa naming iyon ng
maayos at alam naming binuhos naming an gaming oras at pagod upang
makagawa ng isang maayos at magandang pananaliksik.
Kung ang iyong mga kagrupo ay magtutulongan sa paggawa at pag-
ambag ng mga impormasyon na kinakailangan sa inyong pananaliksik ay
mapapadali nito ang inyong paggawa ng isang pananaliksik. Iwasan
lamang ang pagiging tamad at kawalan ng partisipasyon sa grupo kung
gusto mong matapos ng walang problema ang inyong pananaliksik. Dahil
hindi ito naggagawa ng isang gabi lamang. Mas mabuti ng maglaan ng
sapat na oras sa paggawa upang magkaroon ng magandang resulta.

2. Ano-ano ang mga batayang kasanayang kailangan sa pananaliksik? Paano


matagumpay na maisasagawa ang bawat isa?

Ang unang-una na batayang kasanayang kailangan sa pananaliksik ay


pangangalap ng impormasyon o sanggunian. Matagumpay itong
maisasagawa kung mas nabibigyan nang pansin ang pag rerebyu ng mga
impormasyong nakuha. Sinisiguro kung ang mga ito ay relayabol at akma
sa pananaliksik na gagawin. Mainam rin na sapat ang mga impormasyon
nakalap upang mas makatotohanan ang mga resulta ng pananaliksik.
Pangalawa ay ang pagpili ng batis ng impormasyon o sanggunian.
Matagumpay itong maisasagawa kung napag-aralan moa ng mga uri ng
sanggunian. Dahil mas madali na lamang para sa iyo ma iuri ang mga
impormasyon na nakalap. Mainam rin na tiyaking reputableng mga
awtor ang iyong pinagkukunan ng impormasyon. Sunod ay pagtala ng
impormasyon o datos. May iba’t ibang paraan upang matagumpay na
maitala ang impormasyong nakalap at ito ay ang mga sumusunod:
tuwirang sipi, buod, presi, hawig, salin at sintesis. Dapat ay sundin ng
mabuti ang mga patnubay sa pagtatala upang may kaayusan ang mga
impormasyon. Naroon rin sa listahan ng batayang kasanayan ang pagpili
at paglimita ng paksa. Mainam na pumili ng paksang pumupukaw ng
iyong interes upang mas magawa ang pananaliksik ng maayos. Kung
mayroon ka ng paksang napili ay mas mainam na tignan kung ito ay
nalimita at kung hindi ay gawin ito. Sunod ay ang pagbabalangkas, may
tatlong uri ang pagbabalangkas: balangkas na talata, balangkas na paksa
at balangkas na pangungusap. Gamitin ang uri ng pagbabalangkas na
angkop sa paksa at sa paggawa ng mananaliksik, at tiyakin na
magkakaugnay ang mga ideya upang matagumpay na maisagawa ito. At
panghuli ay ang pagbuo ng konseptong papel. Matagumpay itong
maisasagawa kung naisasaayos mo ng mabuti ang mga impormasyong
nakalap at naisasaayos ito sa kronoholikal na order upang mas
maiintindihan ng mga mambabasa.

3. Maliban sa mga batayang kasanayang binalik-aralan sa kabanatang ito, ano-ano


ang iba pang kasanayang kailangan tungo sa matagumpay na pananaliksik?
Maliban sa mga batayang kasanayang binalik-aralan sa kabanatang ito, mayroon
pang ibang kasanayang kailangan tungo sa matagumpay na pananaliksik. Una ay
ang pagsasaayosng mga tala. Mayroon ka ng mga impormasyong nakalap ay
mainam na isaayos ito upang hindi magkalito-lito ang mga mambabasa at
mismong mananaliksik. Mayroon ding pagbabasa ng mga impormasyong nakuha.
Isa ito sa pinakamabisang paraan upang makakuha ng isang magandang resulta sa
iyong pananaliksik. Sunod ay ang pagrerebisa, mainam na iproof read ang iyong
saliksik upang Makita ang mga pagkakamali sa grammar o sa mismong
pananaliksik. At panghuli ay ang pagsulat ng pinal na papel.
Gawain 1

1. Basahin ang mga kasunod na teksto at gawin ang respektib na gawain. Ito ay
gagawin sa isang buong papel.

A.

Marami ang naniniwala na dapat gamitin ang Filipino na midyum ng pagtuturo,


maging sa agham at matematika. Sa lektyur na ibinigay ni Maxima Acelajado (1993) na may
pamagat na Teknikal na Filipino sa Matematiks, nabanggit niya na ayon sa ilang masisigasig
na tagapagtaguyod ng wikang Filipino, may positibong pagkakaugnay ang gamit ng
lenggwahe sa pagkatuto ng mag-aaral. At kung ang paggamit ng Filipino ay makapagpadali
ng pag-aaral, lalo na sa Agham at Matematiks, dapat lamang na pag-ibayuhin ito.

Upang mapatunayan na maaaring ituro ang Matematiks sa Filipino, tinangka kong


gamitin ito sa pagtuturo ng Pangkolehiyong Algebra sa isang repeater’s class sa Kolehiyo ng
Malayang Sining sa Pamantasang De La Salle noong ikalawang traymester ng 1989-1990. Sa
unang karansan kong ito sa pagtuturo ng Matematiks sa Filipino, hindi ko naranasan ang
mga problemang nabanggit sa unang bahagi ng talakayang ito. Sa klaseng ito, ang aking
paliwanag at lektyur ay Filipino, subalit pinanatili ko sa Ingles ang lahat na termino at
konsepto, dahil na rin sa mas sanay na pakinggan ng estudyante ang mga ito sa wikang
Ingles. Hindi naging mahirap para sa akin ang magpaliwanag sa Filipino dahil sa lumaki ako
sa Batangas na Tagalog ang ginagamit na dayalek. Kaya marami sa pagsasaling ginamit ko
base sa Tagalog.

Napansin ko sa aking pagtuturo na kahit ang aklat ay isinulat sa Ingles at ang pag-
aaral naming ay sa Filipino ay nagkaintindihan kami. Nawala ang pagka-elitista ng mga
estudyante dahil sa aminin man nila o hindi, mas higit na naiintindihan nila ang mga
leksyon sa Filipino. Ang pakiramdam naming ay nanood kami ng pelikulang Ingles at
nagkwentuhan sa Filipino. Maganda ang naging resulta ng pagtuturong ito sapagkat mas
maraming estudyante ang nakapasa sa pagtatapos ng traymester. Mula noon, ginamit ko
ang Filipino sa pagtuturo ng College Algebra at Mathematics of Investment sa bawat
repeater’s class na hawak ko.
Ibuod ang teksto sa harap ng isang buong papel: .

Karamihan ay naniniwala na mas epektibo ang paggamit ng


salitang Filipino sa pagtuturo lalo na sa agham at matematika.
Kaya’t sinubok ito ng tagapagsalaysay at ginamit ang salitang
Filipino sa pagtuturo ng pangkolehiyong algebra sa mga repeaters
class niya. At base sa kanyang karanasan ay may epektibo nga ang
paggamit nito dahil mas naiintindihan ng kanyang mga estudyante
ang leksiyon at mas madali sa kanila ang pagsasalitan ng
impormasyon. Kaya’t patuloy niya na itong ginagawa sa bawat
repeaters class niya.
B.
May boom ngayon sa real state bunga ng pagdami ng nag-iinvest dito. Patuloy na

tumataas ang presyo ng mga ari-arian kahit saan. Isang site sa Chinatown, halimbawa, ay
ibinebenta sa halagang ₱60,000 bawat square meter. Ang gusali ng Hong Kong and Shanghai
Bank sa Ayala Avenue ay naibenta ng 10.2 milyong dolyar kamakailan. Matapos ang tatlong
linggo, isang multinasyunal na kumpanya ang bumili sa gusali ng 14 milyong dolyar.

Ang gasoline station na nakaharang sa bukana ng Megamall project ni Henry Sy sa


tabi ng bagong gusali ng ADB ay nabili sa halagang 48 milyong piso.

Maging ang Roxas Boulevard ay nagbu-boom. Magsisimula na sa ilang buwan ang


konstruksyon ng Asia World Plaza, isang modernong hotel na may 2,500 silid. Ang complex ay
inaasahang makasasakit sa mga dumaraming investor na umaaalis na sa Hong Kong.

Ang mga malalaking proyekto ay nakaaapekto nang malaki sa halaga ng mga ari-arian
sa paligid-ligid ng Ermita, Pasay, Mandaluyong at Pasig.

Mapapansin na maging sa labas ng Metro Manila ay may nagaganap na malaking


bentahan ng mga ari-arian.

Nabili ng De La Salle University ang isang medical school sa Imus, Cavite at sila’y may

planong magtayo ng dagdag na kampus at sentro ng medical na pananaliksik sa hinaharap.

Nabili ni Henry Sy ang Taal Vista Lodge at inaasahang makakamit na ang pangakong

gawing

pangunahing resort at shopping stopover ang Tagaytay ng mga turista.

Ang bagong planta ng Coca-Cola sa Sta. Rosa, Laguna ay nagpataas ng demand sa


pabahay

roon at nagresulta sa pagtaas nang triple ng halaga ng mga lupa sa lumang haywey.

Gawan ng hawig ang teksto sa likod ng pl:


Sa aspetong bisnis ngayon ay nagboboom ang pagdami ng nag-iinvest sa real estate.
Kahit saan ay patuloy ang pagtaas ng presyo ng mga ari-arian. Halimbawa ay isang site sa
Chinatown , na sa bawat square meter ay ibinebenta sa halagang ₱60,000. Sa Ayala Avenue
naman, ang gusali ng Hong Kong at Shanghai Bank kamakailan ay naibenta ng 10.2 milyong
dolyar. Isang multinasyunal na kumpanya matapos ang tatlong linggo ang bumili sa gusali ng
14 milyong dolyar.

Sa halagang 48 milyong piso, sa nakaharang sa bukana ng Megamall project ni Henry


Sy sa tabi ng bagong gusali ng ADB ay nabili ang isang gasoline station.

Hindi lang yan ang nagbuboom kundi pati na din ang Roxas Boulevard. Sa loob ng ilang
buwan ay magsisimula na ang konstruksyon ng isang modernong hotel na may 2,500 silid na
tinatawag na Asia World Plaza. Ang complex na ito ay inaasahang magpapadami sa umaalis sa
Hong kong.

Ang mga dambuhalang gusali ay nakaka apekto sa ari-arian sa Ermita, Pasay,


Mandaluyong at Pasig.

Mapapansin na maging sa labas ng Metro Manila ay may nagaganap na


malaking bentahan ng mga ari-arian.

Nakabili man ang DLSU ng isang medical school ngunit nais pa rin nitong
makabili ng panibagong campus at sentral na campus sa pananaliksik.

Inaasahang makakamit na ang pangakong gawing pangunahing resort at


shopping

stopover ang Tagaytay ng mga turista at dahil ito kay Henry Sy.

Nagresulta sa pagtaas nang triple ng halaga ng mga lupa sa lumang haywey


dahil sa pagtaas ng demand sa pabahay sa bagong planta ng Coca-Cola sa Sta. Rosa, Laguna.
C.

Across the developing world, primary education is too often a privilege and not a
right. A hundred million children worldwide do not go to school, kept at home by school
fees, teacher shortages, their family needs for their labor or simply lack of understanding
of the benefits of educating children, especially girls.

Reaching universal primary school completion by 2015 is one of the United Nations’

most important Millenium Development Goals, and most poor nations will fall far short.

But not in latin America. Currently, 88 percent of children ages 15 to 19 have


completed primary school, and by 2015 that figure is expected to rise to 93 percent. much
progress has been made in the past two decades, in large part because governments
made primary education a priority.

Isalin sa Filipino ang teksto sa isang buong papel:

Sa kabila ng umuunlad na mundo, ang pangunahing edukasyon ay madalas na isang


pribilehiyo at hindi isang karapatan. Ang isang daang milyong mga bata sa buong mundo ay hindi
na pumapasok sa paaralan dahil sa mga bayarin sa paaralan, kakulangan sa guro, mga
pangangailangan ng kanilang pamilya para sa kanilang paggawa o simpleng walang pag-unawa
sa mga pakinabang ng pagtuturo sa mga bata, lalo na sa mga batang babae.

Ang pag-abot sa unibersal na pagkumpleto ng paaralang primarya sa taong 2015 ay isa sa


pinakamahalagang Millenium Development Goals ng United Nations, at karamihan sa mga
mahihirap na bansa ay hindi makakamit ito.

Ngunit hindi sa latin na Amerika. Sa kasalukuyan, 88 na porsyento ng mga bata na edad


15 hanggang 19 ang nakatapos ng pangunahing paaralan, at sa taong 2015, ang bilang na iyon ay
inaasahang tataas hanggang 93 porsyento. Ang pag-unlad na nagawa sa nagdaang dalawang
dekada, sa malaking bahagi dahil na ginawang prayoridad ng gobyerno ang pangunahing
edukasyon.
Gawain 2

Panuto: Ilimita ang mga sumusunod na paksa upang makapagdisenyo ng


isang mahusay na pamagat-pampananaliksik. Isulat ang iyong sagot sa mga patlang
na kasunod ng bawat aytem. Gawin ito sa isang buong papel. (5 puntos bawat isa)

1. Brain Drain at Epekto nito sa Larangan ng Syensya at Teknolohiya sa Bansa.

Sagot: Mga siyentipiko na Brain Drain at Epekto nito sa Larangan ng Syensya at


Teknolohiya sa Bansa sa nakaraang dalawang dekada

2. Pagtutol ng mga Mamamayan sa Relokasyon

Sagot: Mga epekto ng pagtutol ng mga mamamayan ng Sta. Rosa Heights sa Relokasyon sa
kabliang bayan

3. Preperensya ng mga Estudyante sa Panonood ng Pelikula

Sagot: Preperensya ng mga Estudyante ng Pamantasan ng Maynila sa Panonood ng


Pelikula tuwing buwan ng Disyembre sa loob ng limang taon

4. Epekto sa Ekonomiya ng mga Urban Development Project

Sagot: Epekto sa Pambansang Ekonomiya ng mga Urban Development Project sa Luzon sa


loob ng isang

You might also like