You are on page 1of 1

Jessa kamille lagasca

Ang pag-aaral ang siyang tulay upang makamit ang ating mithiin. Layon nitong tuparin
ang ating kagustuhan at maging daan patungo sa ating kagustuhan. Minsan naiisip natin, anong
konektado ng asignaturang Filipino sa isang pagiging isang ABM na estudyante? Puwede naman
na ituon nalang ang pansin at pag aaral sa asignaturang may kinalaman sa pagiging isang ABM
na estudyante. Minsan di natin napapansin na ang mga bagay na bahagyang kailangan ay naiisip
natin na walang maitutulong sa atin.
Sa aking sariling pagtuklas, aking nalaman na ang Filipino ay may hatid na kahalagahan.
Gaya sa aming FILIPINO 12, natutunan naming kung ano nga ba ang tamang gawin ‘pag kami
ay gagawa ng aming bionote na kakailanganin pag kami ay magtratrabaho. Ang mga tamang
pagsulat ng posisyong papel, synopsis ay nakatulong at hinubog ang aming kaalaman kung
paano mag ayos ng sariling artikulo na maaaring makatulong sa iba sa paraang mabuksan ang
kanilang isipan at damdamin tungkol sa naturang topiko na napili na aming nasulat. At sa
pagsulat ng abstak natutunan naming na maging mapanuri sa aming nilalagay at dapat ibigay ang
tamng impormasyon na nakalap at nakuha sa isinagawang pagsusuri. At aking sobrang
nagustuhan ang pagsulat ng lakbay sanaysay dahil naisasaisip at naisasapuso naming ang mga
kaunting oras naganap sa lugar na aming napuntahan. Amin ding natalakay ang pagsulat ng
memorandum, agenda at panukalang proyekto na sobrang makakatulong sa amin pag katapos ng
aming pag aaral kung kami ay papalaring magkaroon ng magandang buhay.

Ang aking mga natutunan sa asignaturang Filipino ay aking dadalhin sa aking


paglalakbay tungo sa aking pangarap. Ang mga ito ay isa sa mga daan upang makamit ang gusto
ko sa bahay dahil ito ay lubhang makakatulong at makapagbibigay ng mga sagot sa aking mga
katanungan tungkol sa mga sulatin. Ito rin ay makakatulong dahil bilang isang estudyante dapat
na maging matalino sa mga pagsusulat ng mga artiukulo o iba pang sulatin dahil ito’y isang
hensayo nila na maging isang matagumpay na tao. Ito din ay makakatulong sa akin dahil sa
pagtuntun ko ng kolehiyo, may posibilidad na magpapagawa an gaming mga guro ng mga
sulatin, at dahil sa mga natutunan ko mayroon akong gabay na sinusunodupang makagawa ng
kanais nais na sulatin.

Ang asignaturang Filipino ay kailanman ay di dapat kalimutan bagkus ito’y pahalagahan


sapagkat ito’y nagbibigay ng ideya at impormasyon sa anumang sulatin na ating ginagawa.
Nagkakaroon tayo ng kaalamang magagamit patungo sa ating pangarap. Aking isasaulo at
isasaisip ang aking natutunan dahil ang karunungan ay kalianman di nananakaw. Ito’y isang
instrument upang mapagtagumpayan natin ang ating mga mithiin

You might also like