You are on page 1of 2

1.

Komprehensyon:
Ano ang naunawaan nyo sa kwentong binasa?
 Ang naunawaan ko sa kwentong binasa ay mayroong ibat ibang rason kung
bakit sinasabing mababaw ang mga Filipino. Madalas tayong naikukumpara
sa ibang bansa sa iba’t ibang larangan kaya naman tayo ay binabansagang
mababaw. Halimbawa ay ang pagkukumpara sa larangan ng sayaw, na kung
saan ang ating folkdance na tinikling ay sinasabi parin na mababaw kahit
na gaano ito kasigla at kasaya panuodin sa kadahilanan na madali itong
matutunan kumpara sa ibang bansa na inaabot pa ng taon upang matutunan
.Nauubos rin daw ang oras ng mga Filipino sa walang kwentang bagay kaya
tayo ay sinasabing mababaw, dahil kung ikukumpara sa ibang bansa, ang
mga tao sa paligid doon bata man o matanda ay makikitang nagbabasa upang
madagdagan ang kanilang kaalaman, samantalang ang mga Filipino ay walang
ginagawa kung hindi ang tumunganga sa kawalan. Sinasabi rin na ang mga
Filipino ay mababaw dahil ang mga tao daw ay mayabang na akala natin ay
alam na natin ang lahat ng bagay. Tayo din daw ay arogante na kahit alam
natin na hindi natin kaya gawin ang isang bagay ay pinipilit padin natin
ito gawin kahit na maaari na itong makaapekto sa ibang tao.

2. Reaksyon
a. Maayos at kumpleto ba ang nilalaman ng teksto?
 Sa aking palagay ay maayos at kumpleto ang nilalaman ng teksto, dahil
lahat ng mga salik na konektado sa paksa ay naitalakay at naibahagi ng
mabuti. Maayos din ang nilalaman ng teksto sapagkat ito ay ginawa sa
paraan na maiintindihan ng mabuti ng mga mambabasa.

b. May maayos na gamit ba ang wika?


 Ang teksto ay isinulat sa pormal na paraan na kung saan ito ay may
maayos at kumpleto na nilalaman. Maayos din ang paraan ng pagbuo ng
pangungusap at tama ang ginamit na pormat ng manunulat. Kaya naman aking
palagay ay may maayos na gamit ang wika sa tekstong aking binasa.
c. Gumagamit ba ng interaktibong pagtalakay sa mga napapanahong paksa at
isyu?
 Sa aking palagay ay mayroong interaktibong pagtalakay ang aking nabasa
sa mga napapanahong paksya at isyu. Ang manunulat ay sinulat ito sa
paraan na magkakaroon ng interaskyon ang manunulat sa mambabasa. Ang
nilalaman ng teksto ay hinggil sa kaalaman at kabatiran ng angking
kasanayan ng mambabasa kaya naman ay agad nito nakukuha ang atensyon ng
makakakita o makakabasa nito.
3. Asimilasyon
Iugnay ang nabasang teksto sa dating kaalaman at karanasan.
 Maiuugnay ko ang teksto base sa aking sariling pananaw at karanasan.
Kahit na sabihin na ako ay isang Filipino, hindi ko itatanggi ang mga
nakapaloob sa tekstong aking binasa. Dahil ayon sa aking sariling
nakikita sa paligid, masasabi ‘ko na totoo ang mga nabanggit sa teksto.
Kaya hindi umuunlad ang mga Filipino ay dahil masyado nang mayabang ang
karamihan at hindi na sila bukas sa opinyon ng ibang tao. Ang isa pang
napapansin ko ay ang tungkol sa educational system. Totoo ang binanggit
na nawawala na ang pagtutuon ng pansin sa pagpapakatao ng mga Filipino,
kaya naman ay wala tayong binatbat sa ibang bansa at nananatili tayong
nasa ibaba. Maging ang sinasabi na walang kwentang bagay o kulang kulang
ang mga impormasyon na nakapaloob sa media o radio ay totoo. Ito ay
batay sa aking sariling karanasan, at hindi ko ikakaila ang mga
pagkukulang na ito ng mga Filipino.

You might also like