You are on page 1of 2

FILDIS

Castillo Kiana Angela


BSCS1B

ACTIVITY 4
1. Ano ang Impormatibo?
Ito ay pagbibigay ng kaalaman o impormasyon sa pamamagitan ng pagbabahagi
o pagpapakita ng mga ebidensya.
2. Ipaliwanag: Bilang mag-aaral, paano mo ginagamit ang impormatib sa iyong pag-aaral?
Bilang isang estudyante na nag aaral at maraming natutuklasan na mga bagong
bagay naiibahagi ko ito sa aking mga kaibigan sa tulong ng
pakikipagkomunikayson ko sa kanila.
3. Ano ang Persweysib?
Ito ay ang panghihikayat sa ibang tao upang sumang ayon sa isang nakasaaad na
teksto.
4. Ipaliwanag: Bilang estudyante, paano mo ipakikita ang pagmamahal at malasakiy sa
sarili mong bansa?
Sa simple kong pagtulong sa kapwa ko Pilipino, at sa pagpili at pananatili sa
bansang Pilipinas at higit sa lahat ay ang pagboto sa isang lider na alam ko sa
sarili ko ay matutulungan ang ating bansa.
5. Ano ang Argumentatib?
Ito ay depensa upang mapasang-ayon ang ang kanyang kapwa, ito rin ay
naglalahad ng ebidensiya upang mangatwiran.
6. Ipaliwanag: Ang siuman na magtakwil sa sariling wika ay parang kinamuhian ang Diyos
na lumalang at lahing pinagmulan.
Dahil kung walang wika mahirap magkauwaan, wika ang tila nagiging centro ng
lahat upang makipagkomunikasyon sa iba, Diyos ang lumikha sa atin siya ang
nagbigay ng kakayahan sa ating makapagsalita kaya kung itatakwil mo ang sarili
mong wika parang kinamuhian mo na din ang Diyos na lumikha sa atin.
7. Ano ang Deskriptib?
Ito ay ang paglalarawan ng iyong karasan sa isang bagay , ito ay isang sariling
opinion.
8. Ipaliwanag: Bilang kabataan, paano ka makatutulong sa pagpapanatili ng magagandang
ugali ng mga Pilipino.
Sa pagtuturo ko sa mga batang nakakasalamuha ko na ugaliing tumawag ng ate o
kuya, lolo o lola sa mga nakakatanda sa kanila at sa pagsasabi na gumamt ng po
at opo, madali ko itong naggawa dahil kami ay may tindahan na madalad
puntahan ng mga bata.
9. -10. Ilahad ang mga masasabi mong maganda at hindi magandang paraan ng Pagtuturo
ng iyong guro sa FILDIS.
Madali ang maganda ang pakikitungo niya sa amin kaya madaling unawain ang
kanyang pagututuro, binibigyan ni ng pagkakataon ang mga estudyante na ibigay ay
kanilang mga saloobin patungkol sa aralin.

You might also like