You are on page 1of 4

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG FILIPINO(FIL1)

LAGUMANG GAWAIN SA PORMATIB NA PAGTATASA


TAONG PANURUAN 2023-2024

Pangalan: Kissa Marie P. Gregorio Iskor: ______________


Baitang at Seksyon: ________________________Petsa at Oras: ____________________

Panuto: Kung tapos na sa mga sumusunod na gawain, laktawan lamang at tumungo


sa susunod. Sagutan lang ang mga gawaing hindi mo nagawa sa Filipino.

I. WIKA (Pagsulat ng Liham) 10 puntos

*Pumili lang ng isa sa iyong mga kaklase na nais mong sulatan at ibahagi ito kay
Papa Dodot. Malaya ka sa maaaring maging nilalaman ng liham ngunit kunwari ay
hindi niya malalaman na ikaw ang sumulat. Lagyan lamang ng codename ang iyong
ginawang sulat. Hindi kukulangin sa 50 salita ang kinailangang maging laman ng
nasabing liham.

Dear Papa Dodot,

Sa pamamagitan ng liham na ito, nais kong ipahayag ang mga nararamdaman


ko bilang isang bagong estudyante sa ating paaralan. Sa mga unang araw,
aking kinikilala ang bawat isa sa inyo. Gayunpaman, hindi ko maitatanggi na
may kaba pa sa aking puso.Nais ko sanang malaman ninyo na naghahanap ako
ng pagkakataon na mas makilala kayo ng lubusan. Gusto kong maging bahagi
ng ating komunidad, makatulong, at maging kaibigan sa bawat isa.

Ang pagiging baguhan ay normal, at kasama ito sa proseso ng pag-aaral.


Nawa'y buksan natin ang mga pintuan ng pagkakaibigan at samahan. Sama-
sama nating harapin ang mga hamon ng eskwelahan.Asahan ninyong gagawin
ko ang aking makakaya upang maging masaya at makabuluhan ang ating
pagsasama. Excited ako na makilala kayong lahat ng lubusan.

Ang iyong beshie,

Woozen
II. TANONG AT SAGOT (15 puntos)

*Sagutin ang sumusunod na katanungan:

1. Bigyan ng paliwanag base sa iyong nabasa ang depinisyon ng wika ni Charles


Darwin.

Sa pag-aaral ni Darwin, ang pakikipagsapalaran ng tao para mabuhay ay may


nagtuturo sa kanya upang makalikha ng iba’t-ibang wika. Dagdag pa niya na ang
wika ay natututunan dahil sa pagkakaroon ng interaksyon at pakikipagsapalaran ng
tao kanyang kapuwa tao.

2. Ganoon din kina Paz,Hernadez at Peneyra,

Ayon kina Paz, Hernandez at Peneyra, ang wika ay tulay na ginagamit para
maipahayag at magyari ang anumang minimithi o pangangailangan nati. Ito ay
behikulo ng ating ekspresyon at komunikasyon na epektibong nagagamit.

3. Panghuli, para kay Henry Allan Gleason Jr.

Ayon kay Henry Gleason, ang kahulugan ng wika ay isang sistematikong balangkas
ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng
mga tao na kabilang sa isang kultura. Dahil dito, madaming nagsasabi na ang wika
ay nabubuo ng isang bansa at sinasalamin ang lipunan.

III. HALIKA USAP TAYO (5 puntos)

Gumawa ng palitang pag-uusap na ginagamitan ng iba’t ibang barayti ng wika.


Lalaki: Kamusta ka na? Anong balita?

Babae: Magandang araw! Okay lang ako, pero medyo busy sa trabaho. Ikaw?

Lalaki: Ako rin, okay naman. Nakatapos na sa proyekto sa opisina. Saan ka


nagtatrabaho ngayon?

Babae: Sa isang kumpanya dito sa Festive Mall,Iloilo. Ano, musta na yung pamilya
mo?

Lalaki: Maganda naman. Yung nanay ko nag-retire na, at si bunso ay nasa kolehiyo
na.

Babae: Wow, bilis ng panahon. Tagal na nating di nagkita. Kailan tayo magkakape?

Lalaki: Oo nga, mukhang matagal-tagal na hindi tayo nagkita. Pa-weekend, pwede


ka?

Babae: Sige, weekend maganda. Alam mo naman, masarap ang kape sa kanto dito
sa amin.

Lalaki: Oo, totoo yan! Excited na ako. Kitakits sa Sabado.

Babae: Kitakits, Juanito!

IV. PAGTATAYA (10 puntos)

Batay sa nabasa at napag-aralan isulat ang pitong (7) gamit ng wika ayon kay
Halliday.

1. Instrumental- Ginagamit ang wika upang maabot ang mga pangangailangan ng


indibidwal, tulad ng pagkain o pagkuha ng mga bagay.

2. Regulatoryo- Ginagamit ang wika upang magbigay ng mga utos o regulasyon,


tulad ng patakaran o mga alituntunin.

3.Interaksyonal- Ginagamit ang wika upang magkaroon ng mga relasyon at makipag-


ugnayan sa iba, tulad ng pakikipag-usap o pagsasamahan.

4. Personal - Ginagamit ang wika upang ipahayag ang sariling damdamin, opinyon, o
personal na karanasan.

5. Heuristiko- Ginagamit ang wika upang mag-explore o makakuha ng impormasyon,


tulad ng pagtatanong o pag-aaral.

6. Imahinasyon - Ginagamit ang wika upang lumikha ng mga ideya o mga bagay na
wala sa tunay na kalagayan, tulad ng kuwento o panaginip.
7. Representasyonal - Ginagamit ang wika upang magpahayag ng mga
impormasyon o katotohanan, tulad ng pagsasalaysay o pag-aalay ng datos.

Ang mga gamit na ito ng wika ay nagpapakita kung paano ito nagbibigay-diin sa iba't
ibang aspeto ng buhay at komunikasyon ng tao.

You might also like