You are on page 1of 1

Liezl A.

Resuelo EdFil304
1.Ano ang kahulugan ng Balarila?
Ang Balarila ay isang pag-aaral hinggil sa isang wika na kinabibilangan ng mga
sumusunod: morpolohiya, pomolohiya, sintaks at semantika.

2. Gaano kahalaga ang pagtuturo ng Balarila?


- Napakahalaga ang pagtuturo ng Balarila dahil kailangan ito sa isang maayos,
wasto at magandang pagpapahayag. Tulad ng Ingles, ang Filipino rin ay may Balarilang
napakayaman at kailangang bigyang pansin dahil minsan nakaliligtaan na ang mga
wasto o tamang gamit ng mga salita.

3. Sa iyong palagay, anu-ano pa ang mga dapat kailangan upang mapabuti o


mapaunlad ang pagtuturo ng Balarila?
1. Kailangang kabisado ng guro ang alituntunin sa Balarilang Filipino, dahil hindi mo ito
maituturo ng maayos kung ikaw mismo na guro ay hindi saulado ang mga dapat
tandaang mga alituntunin nito.
2. Kailangang may palagiang pagbabasa upang mareview mga dapat mong tandaan sa
Balarilang Filipino.
3. Kailangang maging masaya ang pagtuturo nito ng sa gayo’y hindi makaramdam ng
pagkabagot ng balarila. Kailangang maramdaman ng mga mag-aaral na ito ay
nangangailangan ng focus ngunit maaaring gawing masaya ang pagtuturo.

You might also like