Professional Documents
Culture Documents
Gawain 3
Gawain 3
Resuelo EdFil304
Halimbawa:
(b) Sa ganyán ding dahilán kung kayâ ang mga pantukoy na panao ay dî náiuuna sa pang-urì
kundî lagì nang sa pangngalan. Halimbawà:
si Rizal na dakilà
si Mabining lumpó
si Lunang marahás
si Blumentrit na makapilipino
Dalawá ang panlaping karaniwang gamit sa pagbuô ng mga pamilang na itó: ang ika at ang pang,
na kapwà ikinakabít sa unahán ng mga basal o pátakaràng bilang.
(a) Ang ika ay ginagamit lamang mulâ sa bilang na dalawá, sapagká’t ang ukol sa isá ay
sinasabing una, hindî ikaisá at dî rin namán ikauna. Samakatwíd ay ganitó:
una, ikadalawá, ikatatló, ikaapat, ikalimá
ikaanim, ikapitó, ikawaló, ikasiyám, ikasampû
ikalabing-isá, ikadalawampû, ikatatlumpû, ikasandaán, ikasanlibo, atb.
* Ilán sa mga pamilang na itó ang nákaugalian nang bigkasí’t isulat nang kinaltasán o may-
bawas; gaya ng: ikalawá o ikalwá, ikatló, ikapat, ikanim
(b) Ang pang, na sa mga pang-uring panlahát ay násabi nang nangángahulugán ng kasangkapan,
kagamitán at kaukulán (166), dito’y gumaganáp sa uring kaukulán.
itó’y luklukang pang-isá (isá lamang ang makauupô)
itó’y luklukang pang-una (siyáng inuuna sa hanay ng mga luklukan)
(k) Ang ipinagkákaibá ng pang at ika, bagamán ang dalawá’y kapwà gamit sa pamilang na
pánunuran, ay mahahangò sa mga talatà at halimbawang sumusunód: Ang pang ay tumutukoy
sa kasabáy o kapanahón, nguni’t ang ika ay sa kasunód ng mga nakaraán.
Halimbawà:
pinakamagandá ang pangatlóng asawa ng Sultán
pinakamagandá ang ikatlóng asawa ni Dennison
Katuturán:
Sa tatló o higít pang mga asawang kasalukuyan ng Sultán, ang blg. 3 ay siyáng magandá sa lahát.
At sa dalawá nang nagíng asawa ni Dennison, na nangamatay o hiniwalayán, ang sumusunód,
ang blg.3, ay higít na magandá sa nangáuná. Ganitó rin ang sukat mahangò sa mga halimbawang
sumusunód:
pangalawáng pangulo; ikalawáng pangulo
pangalawáng kalihin; ikalawáng kalihim
e) Ang pang ay hindî nápaggagamít sa matataás na bilang, na gaya ng ika. Mulâ sa pang-una,
hanggáng panampû, masabing karaniwan; mulâ sa panlabingisá hanggáng pandalawampû ay
bihirà na, at halos matitiyák na walâ nang gumagamit ng pang sa paitaás pa ritong pagbilang na
pánunuran. Dátapwá’t ang ika ay gamit buhat sa dalawá hanggáng sang-angaw.
(b) Ang mga panlaping gamit sa pamamahagi nang magkakasindami o paayaw-ayaw, ay mang at
tig, na katumbás ng bahaging ukol sa bawa’t isáng hináhatian.
Mang.—Hindî itó lubhâng gamitíng kagaya ng tig. Karaniwang sa salapî tumutukoy. Gaya rin
ng pang na nagbabagong anyô (mam, man), ayon sa titik na sumusunód. Kadalasá’y inuulit
ang salitâ, kapág mahigít sa dalawá ang naghahatihatì.
Halimbawà:
mangisá (mang-isá), sa bawa’t isa’y isá
mandalawá, maná-manalawá
mangatló, mangá-mangatló
mang-apat, mang-á-mang-apat
manlimá, manlí-manlimá
manampû, maná-manampû
mandaán, mandá-mandaán
manlibo, manlí-manlibo
manlaksâ, manlá-manlaksâ
mangyutà mangyú-mangyutà
mang-angaw, mang-á-mang-angaw
Tig.—Ang anyô sa unlaping itó ay siyáng lalong karaniwang gamit sa paghahatì nang patas-
patas at paayaw-ayaw. Gaya rin ng sa mang na nauulit ang salitâ kapág tumutukoy sa
mahigít sa dalawá. Ngunì, bukód sa rito’y may isá pang pangatlóng anyô, na ang unang
pantíg namán ng salitáng-bilang ang náuulit.
Halimbawà:
tig-isa, tigi-tig-isa, tig-iisá
tigalawa, tiga-tigalawa, tigdadalawá
tigatló, tiga-tigatló, tigtatatló
tig-apat, tiga-tig-apat, tig-aapat
tiglimá, tigli-tiglima, tiglilimá
tig-anim, tiga-tig-anim, tig-aanim
tigpitó, tigpi-tigpito, tigpipitó
tigwaló, tigwa-tigwalo, tigwawaló
tigsiyám, tigsi-tigsiyam, tigsisiyám
tigsampû, tigsa-tigsampû, tigsasampû
tigsandaán, tigsa-tigsandaán, tigsasandaán
tigsanlibo, tigsa-tigsanlibo, tigsasanlibo
tigsanlaksâ, tigsa-tigsanlaksâ, tigsasanlaksâ
tigsang-angaw, tigsa-tigsang-angaw, tigsasang-angaw
Upáng lalong mapasiglá ang pangungusap at mapatingkád ang pagka-walâ kundî iyón
lamang, ay naaaring ulitin pa ang ngalan ng bilang. Halimbawà:
íisá-isá ang pamistáng damít
áanim-anim na kawal ang nabuhay sa labanán
lálabi-labindalawá ang mga alagád ni Hesus, ay nagtaksil pa ang isá
sásanda-sandaáng piso ang náipadalá ko
(b) Ang ikalawáng anyô ay basal na bilang ding inúunlapian ng in o hin. Nagbibigáy namán itó
ng katuturáng ginagawâ o magagawáng . . . Nagiging mariín ang bigkás, máliban na kung ang
hulíng patinig ay sumusunód sa dalawáng katinig, na kung ganitó’y nabábanayad.
Halimbawà:
ísahin—magagawáng isá, mapag-iisá
dálawahin—gagawíng dalawá, o gáwain ng dalawá
tatluhin—nagagawáng tatló, napagtátatluhán
ánimin—napag-aanim, natútumbasán ng anim
(k) Ang ikatlóng anyô ay basal na bilang ding inuulit ang unang pantíg at hinúhulapian ng in o
hin. Kung anó ang bigkás ng salitáng basal ay siyá rin kung mabuô na sa ulit ng pantíg at sa
hulapì. Nagbibigáy ng katuturáng halagá na waláng-labis waláng-kulang. Halimbawà:
dadalawahín —may halagáng dalawáng piso
lilimahín —may halagáng limá
sasampuín —may halagáng sampû
sasandaanín —may halagáng sandaán
pipisuhín, sasansalapiín, pipisetahin, peperahin, atb.
(b) Ganyán na rin ang nangyayari sa mga pamilang na pánunuran, pamahagi, pahalagá at
pamanahón; máliban sa palansák at patakdâ, na dahil sa ang mga itó’y talagáng
pamilang na tumutukoy nang tandisa’t waláng-labis waláng-kulang, kayâ di-naaaring
magíng di-tiyák o álanganin, abayan man ng pang-maraming mga. Mga halimbawà:
Sa pánunuran: nasa mga ikasampúng hakbáng pa’y binaril na nagkasunog nang
mga unang oras ng tanghalì
Sa pabahagi: mga dalawáng-katló ang nasirà ng bagyó sa mga halaman
bigyán mo silá ng mga tigá-tigatlóng palò
Sa pahalagá: magsiambág kayó ng mga mamiso man lamang kung mga
manéntimós sana ay bibilí na akó
Pátakarán: ang mga limá mong inilagáy ay dapat gawíng mga anim ang batà ay pinasulat ng
mga 3, nguni’t parang mga 5 ang nágawâ
Pánunuran: mga pang-unang kawal ang ipinadalá sa lárangan ang mga
ikaapat na luklukan ay panáy na sirâ
Palansák: hindî mga apat-apat sa paglakad ang bagay, kundî mga walu-
waló taganás na mga límampuan ang bawa’t pangkát ng hukbô