You are on page 1of 6

BALARILA NG

WIKANG
PAMBANSA

Pangkat: Mary Ann Esto


Ana Mae Mait
Bhea Mae Estayo
Jean Aileen Picardal
ANG BALARILA NG WIKANG PAMBANSA

 pananalita
 pagsulat
 mga bahagi ng balarila

PANANALITA
Ang wastóng paggamit ng mga salitâ
- ay nag-aatas na kilalanin muna bago isangkáp sa pangungusap ang tunay na
kahulugán at tungkulin sa bawa’t salitâ, at sakâ, sa dalawá o ilán mang salitáng
nagkakátulad o nagkakáhawig ng katuturán, ay hirangin ang lalong náaagpáng sa ibig
sabihin.

Ang kaayusan ng pangungusap


 ay humihingíng magkábagay-bagay at magkáagpangan ang mga salitáng
pinagsásama-sama o pinagkákabit-kabit sa pagbuô ng mga pangungusap,
álalaóng bagá’y maiwasan ang waláng tarós na pagsusunud-sunód ng mga salitâ,
o ang maulit na paggamit ng isáng salitâ, o ang paglawig at paglabò ng ibig
ipahayag.

Ang maliwanag na pagbibigkás o pagbasa ng mga salitâ at pangungusap,


 ay nangángailangan ng katatasán ng dilà sa pagbibigáy ng ukul-ukol na tunóg
sa mga titik, pantíg, salitâ at gayón din sa mga pangungusap, at kailangan ding
mápabagay ang mga paghintô o paghingaláy, sampún ng pagbabagu-bagong
himig ng pananalitâ sa katuturán ng mga sinasabi o isinasaysáy.

PAGSULAT
Wastong paggamit ng mga titik
 Kailangan ang wastóng paggamit ng mga titik, samakatwíd bagá’y isulat ang
kaukol na titik ng bawa’t tunóg o tinig ng salitâ, at ilagáy rin namán ang talagáng
titik na katunóg sa bigkás-tagalog ng mga salitáng hirám o hangò sa ibáng wikà.

Ang karampatang pagbabahá-bahagi ng mga titik, pantíg at salitâ,


 ay nagaatas na, sa paghihiwaláy ng mga pantíg ng isáng salitâ ay dapat
magkápipisan yaóng mga titik na tinatagláy ng bawa’t bigkás; sa pagbuô ng mga
salitáng inuulit o pinaglalapì ay dapat mátanghál sa una pang tingín, kung maaarì,
ang pinakasalitáng-ugát; at sa paghahanay namán ng mga salitáng bumubuô ng
isáng pangungusap ay magkábukud-bukód o mangagkáhiwalay ang isá’t isáng
salitáng may ganáp na katuturán, o may katungkulang sarili.

Ang pag-uukul-ukol ng mga sadyáng panandâ sa diín, lagay at katuturán ng


mga pantíg, salitá’t pangungusap
 ay kailangang ganapín sa paggamit at paglalagáy sa sinusulat ng mga sadyáng
tuldík at ibá pang panandâ o bantás na nagpápakilala sa bábasa ng mga diín sa
isang salitâ, at ng mga simulâ, tigil, hulí, patláng, siglá, tanóng, lumbáy, at ibá’t
ibá pang katangian ng mga pagsasaysáy sa sulat.
Mga bahagi ng balarilà
 Ang bahaging sumusurì ng mga salitâ at ng mga ibá pang sangkáp ng
pangungusap, at naglalahad ng mga tuntunin sa pagkilala, pagbuô at pag-uuriurì
ng mga tinurang salitâ at panangkáp, ay tinatawag na Palásurian.
Ang bahaging náuukol sa pag-uugnáy ng mga salitâ, at naghahanay ng mga
tuntunin sa pag-aakmá-akmâ ng mga itó upang makabuô ng lalong maayos at
maliwanag na pangungusap, ay tinatawag na Paláugnayan.

Ang palatitikan
 Kapakanan ng balarila
 Ang abakadang tagalog
 pagbigkas ng mga titik
 Panumbas sa mga banyagang titik

Kapakanan sa balarila
 Ang Palátitikan ay siyáng bahagi ng Sining ng Balarilà, na naglalahad ng
mga álintuntuning dapat sundín sa paggamit ng mga titik at ng mga panandáng
ikaiiwas sa mga pagkakákmalî sa pagpapakahulugán sa mga salitâ, at sakâ ng mga
bantás o palátandaang naghíhiwatig ng tunay na himig o diwang ibig ibigáy ng
sumusulat sa kanyáng mga salitâ, pangungusap at salaysáy. Sa katagáng sabi, ang
Palátitikan ay siyáng katipunan ng mga tuntunin sa mabuti’t wastóng pagsulat.
Ang Palátitikan ay di-dapat ipagkámalî sa sining ng pagtitik o pagsulat,
at sa dunong ng panunulat.

Ang abakadang tagalog


 Ang ABAKADA, Katitikan o Baybaying Tagalog ay binubuô ng
dalawampúng titik, na ganitó ang pagkakásunud-sunód:
A, B, K, D, E, G, H, I, L, M, N, NG, O, P, R, S, T, U, W, Y.
a, b, k, d, e, g, h, i, l, m, n, ng, o, p, r, s, t, u, w, y.

Sa dalawampúng itó’y limá (5) ang patinig at labinlimá (15) ang katinig.

ANG ABAKADANG TAGALOG


Ang 5 patinig:
A, E, I, O, U.
a, e, i, o, u.
Ang 15 katinig:
B, K, D, G, H, L, M, N, NG, P, R, S, T, W, Y,
b, k, d, g, h, l, m, n, ng, p, r, s, t, w, y.

Pagbibigkas ng mga titik ang a, e, i, o , at u.


A—Bahagyáng ibinibuká ang bibíg, halos sabáy ang pagpapalabás ng tunóg buhat sa
bungad ng lalamunan, habang ang dila’y nakalatag sa ibabá’t waláng-kilos.
E—Bukás din nang bahagyâ ang bibíg, nguni’t ang pagpapalabás ng tunóg ay pagawî
sa dakong kanan, at ang dila’y nápapaangát nang kauntî, na ang dulo’y patulák sa
punò ng mga ngiping pang-ibabâ
PAGBIBIGKAS NG MGA TITIK ANG A, E, I, O , AT U.
I —Bukás din ang bibíg, at ang paglabás ng tunóg ay paitaás, na ang dulo ng dilang
nápapaangát nang bahagyâ ay nápapariín sa punò ng mga ngiping pang-ibabâ.
O—Pabilóg ang buká ng bibíg, at gaya rin ng sa A ang pagpapalabás ng tunóg,
nguni’t ang dila’y nápapaangát nang bahagyâ.
U—Makipot at patulís kaysa O ang bilog ng bukás na bibíg, nguni’t ang papalabás na
tunóg ay tila pinipigil sa loób at sa itaás pinararaán.

Pagbibigkas ng mga titik ang a, e, i, o , at u.


Ang bigkás na pangkani-kanyá ay nahahatì namán sa pitóng pangkát, ayonsa
pagkakáhugis ng bibíg at sa pangkakáwangkî ng mga sangkáp at paraán ng pagbigkás:
(a) Mga bigkasin ng labì; gaya ng B, P, M (Ba, Pa, Ma).
(b) Mga bigkasin ng dilà sa ngalangalá; gaya ng L, R, N, Y (La, Ra, Na, Ya).
(k) Mga bigkasin ng dilà sa ngipin; gaya ng D, T, S (Da, Ta, Sa).
(d) Mga bigkasin sa lalamunan o sa punò ng dilà at sa may tigúk-tigukán; gaya ng K,
G (Ka, Ga).
(g) Bigkasin sa sabang ng lalamuna’t ilóng; gaya ng NG (NGa).
(h) Bigkasin sa lalamunang may pahangin; gaya ng H (Ha).
(i) Bigkasin ng buóng bibíg na nakatikom ay nápapangangá; gaya ng W (Wa).

Panumbas sa mga banyagang titik


Ang mga titik na walâ sa Tagalog at nangasa-abakada ng ibáng wikà, lalung-lalò
na sa Kastilà at Inglés, na siyáng kasalukuyan nating pinanghíhiraman at
pinagháhanguan ng maraming salitâ, ay itóng labing-isang sumusunód:
C, CH, F, J, LL, N, Q, RR,
ce che efe jota elle eñe qu erre
V, X, Z.
ve equiz zeta

PANUMBAS SA MGA BANYAGANG TITIK


Máiraragdág pa sa mga pagkakápalitang itó ang nangyayaring madalás sa
maraming salitáng kastilà o inglés na inaangkóp na sa bigkás-tagalog, kagaya ng
nákikita sa mga sumusunód:
Ang e sa dakong una ng salitáng hinihirám, ay nagiging i; halimbawà:
• bintanà (ventana), istaka (esteca), iskaut (scout), kuwintás (cuentas), sibuyas
(cebollas), siguro (seguro), silbí (servir), tininté (teniente).
Ang o sa dakong unahá’y nagiging u, at sa dakong hulí'y w; gaya sa:
• kumpás (compás), bumbero (bombero), bulkán (volcán), pulís (policía),
pulube (pobre), sundalo (soldado).
• Mindanáw (Mindanao), Istanisláw (Estanislao), Bilbáw (Bilbao).

Ang mga pantíg


• Mga anyô at simulain
• Waláng kambál ni katluang patinig
• Pagbilang ng mga pantíg
• Mga kataliwasán

Mga anyô at simulain


Sa táalang pananagalog, apat ang paraán ng pagbigkás ng mga pantíg, kayâ áapat
din namán ang anyô ng mga itó sa pagkakásulat, na dilì ibá’t ang mgasumusunód:
a) Isáng bigkás na wagás, waláng náririníg kundî tunóg na tunóg lamang ng
isáng patinig, gaya ng alinmán sa a, e, i, o, at u; halimbawà ang mga may
salungguhit na patinig sa mga salitáng a-la-a-la, baba-e, ma-i-i-ngat, o-o, ú-
upahan; at itó ang tinatawag na mga pantíg ng payák.
b) Isáng bigkás na ang náririníg ay tunóg ng isáng katinig na isinasapì o
iniyuyuis sa tunóg ng isáng patinig, gaya ng alinmán sa ba,ke, di, go,
ngu;halimbawa’y sa mga salitáng ba-sa, ke-tong, di-wà, ba-go, ngu-yâ; at itó
ang pantíg na matatawag na tambál-una, pagká’t ang patinig ay sa una
biníbigkasán ng katinig.
c) Isáng bigkás na ang náririníg ay tunóg ng isáng patinig na sinásapian ngtunóg
ng isáng katinig, gaya ng am, eng, it, og, un; halimbawa’y sa mga salitángam-
bon, eng-eng, it-log, ba-og, un-tag; at itó’y siyáng mga pantíg namáng
matatawag na tambál-hulí, pagká’t ang patinig ay sa hulí biníbigkasán ng
katinig.
d) At isáng bigkás na ang náririníg ay tunóg ng isáng patinig na naiipit ng tunóg
ng dalawáng katinig, gaya ng ban, may, pit, dok, lum; gaya sa mga salitáng
ban-tog, May-kawayan, pit-pit, san-dok, lum-bay; at itó ang matatawag na
mga pantíg na kábilaan, pagká’t ang patinig ay pinagbíbigkasán ng tig-isáng
katinig sa magkábilâ o sa unahá’t sa hulihán.

Waláng kambál ni katluang patinig


 Sa bisà ng mga símulaing kasasaád pa ay dî maaaring kákitaan ang wagásna
pananagalog ng mga pantíg na ang tunóg at anyô ay sa mga salitâ, gaya
ngalinman sa mga sumusunód:
a) Na, sa loób ng isáng pantíg lamang ay magkaroón ng dalawá o higít pang
patinig. Itó ang tinatawag na “diptongo” at “triptongo”, na sa ati’y matatawag
namáng kambál-patinig at katluang-patinig,
b) Na, ang dalawáng katinig ay magkakásama sa unahán o sa hulihán ng íisáng
patinig,—anyóng banyagang natatawag na “diptongo de consonantes.”

Pagbilang ng mga pantíg


 Alinsunod namán sa mga kabawaláng itó, ay máitatakdâ ang mga
sumusunód na tuntunin sa pagbilang o paghahati-hatì ng mga pantíg na
bumubuo ng bawa’t salitâ:
a) Kapág sa isáng salitâ ay may magkakásunód na dalawá o tatlóng patinig,
magkakatulad man o magkakaibá ay dapat bilanging bawa’t isá sa kanilá’y
isáng pantíg.
Mag-lam-bing-lam-bi-ngan, pag-tang-gal-tang-ga-lín

Mga kataliwasán
 Itó’y siyáng nagpápakilala ng pagkatáhasang walâ sa palátitikang tagalog niyáng
mga tinatawag na “diptongo” o kambál-patinig, at lalò nang walâ niyáng
“triptongo” o katlûan, magíng sa mga patinig, at magíng sa mga katinig. At ang
ganitóng batás sa pagsulat, ay dî kathâ lamang ng mga makabagong mánunulat,
gaya ng akalà ng ilán, kundî katutubò na ring kiníkilala’t sinusunód ng lalò mang
matatandáng mánanagalog,
Palábuuan ng mga salitâ
 Mga paraan ng paglalapi
 Palátuntunan sa pagbuô
 Mga simulaing iginagalang
 Mga tuntuning sinusunód

Mga paraan ng paglalapi


Sa tulong ng mga panlapì, ang pagbabagong anyô ay nangyayari sa limáng
paraán:
a) Inunlapian, kung ang panlapi’y sa unahán ng salitáng-ugát nákakabít; gaya
ng: kasama, magandá, paglakad, magbigáy, tag-ulán, tagapagbilí,
mapagmarunóng.
b) Ginitlapian, kung ang panalapi’y sa loob ng salitâ ná sisingit; gaya ng:
tumawag, sumikat, sinaing, tinapay, binalimbing.
c) Hinunlapian, kung ang panlapi’y nasa-hulihán ng salitâ; gaya ng: samahan,
antayin, gáwaan, butihin, salapiin.
d) Kábilaan kung ang salitá’y nágigitnâ ng mga panlapì, álalaóng bagá’y may
unlapì at hulapì; gaya ng: kabutihan, makasalanan, págupitan, pákaisipin,
makipagkásunduan.
e) Láguhan, kung bukód sa magkábiláng dulo ng salitâ ay may nakasingit pa ring
panlapì sa loob; gaya ng: pagsumikapan, magkinuluan, papagsinangagín,
sansinukuban, pinagpaumanhinan.

Palátuntunan sa pagbuô
(Mga simulaing iginagalang)
Ilán sa mga símulaing pinagbabátayan ng pagkakápalitan ng mga titik, kapág ang
mga salitá’y nagbabagong anyô o nag-iibáng tungkulin sa pangungusap, sa
pamamagitan ng paglalapì, pag-uulit at pagtatambál, ay itóng mga sumusunód:
a) Na, kung anó ang bigkás ay siyáng sulat, álalaóng bagá’y kung anó angtunóg ay
siyáng titik; at kung anó ang sulat ay siyáng basa; máliban sa mga padaglát na
pagsulat at sa mga paggagád sa iláng palasak na pananalitâ o mábilisang
pagbigkás.

Sa pag-ulit ng mga pantig:


a) Kapág ang pantíg ay payák o tambál-una, ang pantíg ay buóng inuulit.
Halimbawà:
- alís, aalís; ibig, iniibig; upô, umuupô; basa, bábasa; mabuti, mabubuti; palaot,
palalaot.
b) Kapág ang pantíg ay tambál-hulí o kábilaan, ang hulíng katinig ay nawawalâ
sa unang bahagi ng inuulit na pantíg.
Halimbawà:
- ambág, aambag; impít, maiimpít; untóg, náuuntóg; bantáy, babantáy; bagsík,
mababagsik; takbó, tatakbó; simbá, sumisimbá; pintakasi, pinipintakasi.

Thank you!

You might also like